Rider Cloud Zalvarez's POV
" Sir may dalawang babae pong naghahanap sa inyo." Sabi ng secretary ko. Dalawang babae?
" Sino? " tanong ko habang nakatingin sa mga papel na nasa harapan ko.
" Sir Ai and Shil daw po. " pagkasabi niya nun tsaka ko pa lang inangat yung ulo ko. Anong ginagawa nila Summer at Authum dito?
" Papasukin mo. " sabi ko. Tumango naman siya at pinapasok sila Summer at Authum.
Summer Airin Regaldo and Shil Authum Relgado. My secret sisters...
" Kuya Cloud... " pagkapasok na pagkapasok nila, inilapag agad ni Authum sa harap ko yung isang folder.
" kailangan nating tulungan si ate Sky. " sabi ni Summer.
" Huh? Bakit? " tanong ko agad. May nangyari ba kay Sky.
" You have the picture right? " tanong ni Authum.
" Picture? " tanong ko. Binuklat naman niya yung laman ng folder at pinakita sa akin yung picture ni Mama, ni Papa, ni Mr. Alastair at ng taong hindi ko naman kilala. Pinatrace ko kay Jace pero hangang ngayon hindi pa niya makita.
" Oo. Pero wala din akong nakita. Hindi ko kilala yung pangatlong lalake. " sabi ko. Umupo naman silang dalawa.
" Listen to me Kuya... He's Carter Alastair. Pinsan ni Mr. Clinton Therence Alastair na tatay ni Caleb at Calvin. " sabi ni Summer.
" Magkakaklase silang apat sa college. College sila ng nabuo ang romantic relationship nila sa isa't isa. Your dad and our mom loves each other but Clinton loves our mom too. " sabi ni Authum. Kumunot naman yung noo ko.
" Your dad? " tanong ko sa sinabi niya.
" Yes kuya, your dad." Sabi ni Summer tsaka tumingin kay Authum.
" Listen carefully... Nagpakasal si Skylar, our mom at si Vince your dad, three years pagkatapos nilang grumaduate dahil nabuntis si Mom and that's ate Myrtle. Dahil doon kaya nagalit si Carter, akala niya kasi siya ang mahal ni Skylar pero hindi. Nagalit si Carter na pati si Clinton na papa nila Calvin at Caleb eh nadamay. Carter was so upset that he plan to kill his self. But then Sunshine Relgado came. Our mother's TWIN..." Sabi ni Authum.
" Twin? " gulat na tanong ko. Ang alam ko kaisa-isang anak anak ni Mommy si Lola.
" Yup. She has a twin, Sunshine Relgado na siyang napangasawa ni Carter. Akala kasi ni Carter si Tita Sunshine si Mommy Skylar kaya nagpakasal sila sa England. Nagkaroon sila ng anak and that's Cici Trina Alastair. " sabi ni Summer.
Naguguluhan ako...
" Hindi totoong magkapatid sina Caleb at Cici. Magpinsan sila... Second Cousin to be exact. Pagkapanganak ni Tita Sunshine tsaka lang nalaman ni Carter na hindi siya si Skylar. Nagalit siya at inisip na pinatungan siya ng buong barkada niya. Pati si Tita Sunshine nagalit kay Mommy dahil sa inggit kaya pinaghiwalay nila ang Relgado University. Ibinigay kay Mama ang Artemis University since Artemis is the Goddess of Moon while the Apollo University is given to tita Sunshine since Apollo is the God of light. " sabi ni Authum na may mga pinapakitang legal documents. Saan nila nakuha tong mga to?
" So hindi dapat sa atin ang Apollo U.? " tanong ko. Tumango naman silang dalawa.
" Suppose to be. Pero umalis si Tita Sunshine sa Pilipinas at Nawan ang Apollo U. Sa Atin."
" Nung nagalit si Carter, naniwala siya na makakaganti siya kung mapapatay niya sila ate Sky at Rhain kaya sinubukan niyang gawin yun nung 7th birthday nila pero nandun si Mama. Sumunod siya kay ate Rhain na sumama sa mga hired killers na nakapangclown. " sabi ni Summer
" Hindi nila alam na pati si Rhain ay susunod. " sabi ni Authum.
" Pero wala si Sky nung namatay si Mama. Magkasama sila ni pa.. " napahinto ako sa hsasabihin ko. Hindi kaya alam naman ni papa pero tinatago niya pa rin?
" Sinundan ni Mama si ate Rhain nun at sumunod din si ate Sky. That time, may nahanap kaming record sa ospital na isang Raven Sky Zalvarez ang naconfine doon at nacoma sa loob ng apat na linggo. As what they've said, hindi matandaan ni ate Sky lahat ng nangyari nung araw na yun. " sabi ni Summer na pinakita yung record ng ospital.
" Ano namang kinalaman nito sa ngayon? " tanong ko.
" Si Carter ang nag-utos na patayin sila ate Rhain pero si Mama ang napatay kaya gumanti si Papa. Two years ago ang nag-utos kay Danny na patayin si Cici. " sabi ni Authum.
" Alam ko. " sabi ko tsaka yumuko. Alam ko pero di ko masabi... He's my father.
" Kaya nga kami na ang umalam sa totoo. " sabi ni Summer.
" Last year, nagpakamatay si Carter sa lumang bahay nila sa England.
" The Man killed our mother, Your father killed the daughter, the Man killed himself and now the daughter want to killed The father's daughter. " sabi ni Authum.
" The Man is Mr. Carter. Our Mother is Skylar, Your Father is Vince, the daughter is Cici and the father's daughter is Sky." Mahabang sabi ni Authum.
" Ibig sabihin buhay si Cici??? " napatayo ako sa sinabi ko.
" Yes Kuya, Buhay si Cici and her only reason to stay here is to revenge. " sabi ni Summer. Delikado si Sky...
Kailangan kong... Tatayo na sana ako para puntahan siya pero pinigilan nila ako.
" Don't ruin our plan kuya." Sabi ni Authum.
" Pero pano si Sky? " tanong ko.
Hindi sila umimik at tinignan lang ako.
" Saan niyo nakuha lahat ng to?" Tanong ko ng huminahon ako.
" Sunshine Relgado. Buhay siya kuya, sa England na siya nakatira kasama ang asawa't anak niya. " sabi ni Summer.
" Nalaman ni Cici ang lahat nung pinapatay siya ng tatay niyo kaya ang tumatak sa kanya... Pamilya niya ang makasarili. Ang alam ni si Mama ang nanay niya pero si Tita Sunshine ang mama niya. Technically, pinsan natin siya at kapatid din namin sina Caleb at Calvin. " sabi ni Authum na nagpakunot sa noo ko ng tuluyan. Paano sila naging magkapatid?
" Paano naman kaya naging magkapatid? " tanong ko. Ang labo...
" Anak kami ni Mama kaya Mr. Clinton Alastair na ama nila Caleb. Yun mismo ang dahilan kaya ayaw ng tatay niyo na manatili kami sa tabi niyo. Kaya si Lola na mama ni Mama ang nagpalaki sa amin. Kaya Relgado ang gamit naming apelyido. " sabi ni Authum. Hindi ko alam pero kusa ko na lang na inuntog yung ulo ko sa dami ng nalaman ko.
" Kuya... You need to be calm... Alam kong may pinaplano ang Papa niyo kaya niya pinadala si Raven sa Apollo U. Kailangan nating bantayan si Ate Sky. " sabi ni Summer.
" ... Dahil sa nakikita ko mahihirapang protektahan ng Royal Dragons si Ate Sky laban sa taong una nilang minahal at pinaglukasa nila ng dalawang taon. " pagkatapos sabi ni Authum yun narinig ko na lang yung pagsara ng pinto.
Ano bang gagawin ko?
Dustin Alexander Villarus's POV
Hindi ako makapaniwala sa taong nasa harap ko.
Impossible... She died two years ago. Paanong...?
" Bakit? Aren't you happy that I'm finally back? " tanong niya.
" Cici. " yeah... Cici Trina Alastair is here, standing in front of me. Alive.
" Paanong? " hindi ko matapos tapos yung tanong ko dahil sa gulat.
" Hindi yun ang dapat mong isipin Dust. Isipin mo ang araw niyong malapit ng magdilim." Pagkasabi niya nun parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Tatanungin ko pa sana siya pero nawala na siya sa harap ko. Ano bang...
" Dustin! " nilingon ko agad yung likuran ko at nakita si Dash na mukhang natataranta. Lalo tuloy akong kinabahan.
" Si Raven? " tanong ko agad. Inilagay naman niya yung kamay niya sa dibdib niya at huminga ng malalim. Hinatak niya ko papunta sa Girl's Comfort Room kung nasaan maglukumpulan yunh iba.
D*mn...