Dustin Alexander Villarus's POV " Say good bye to your Sun! " Yun yung nakasulat sa salamin sa C.R gamit ang dugo. Hindi ko alam kung kanino ang dugong yan pero kinakabahan ako. " Nag- CR lang siya saglit eh tapos ayan na..." Sabi ni Rhain na umiiyak na. " Anong gagawin natin? " tanong ni Wendell. Wala... Wala akong maisip na maayos. Naguguluhan ako. Eto ba yung sinasabi ni Cici? Si Cici ba ang may gawa nito? Pero impossible... Hindi magagawa to ni Cici. " Dustin..." Tawag sa akin ni Caleb. Nilingon ko naman siya. Sasabihin ko ba sa kanila? " Kailangan nating ireport to." Sabi niya tsaka tumalikod. Nagsisunuran naman kami sa kanya. Naglalakad ako pasunod sa kanila ng may humatak sa akin. " Dustin Alexander Villarus? " tanong nung babae. Magkamukhang magkamukha silang dalawa kay

