Chapter 27: Saving our New Sun (Part 2)

1993 Words
- Raven Sky Zalvarez's POv - " Gumising ka muna diyan! " sigaw ng lalake. Ouch... geezzz... ang sakit ng katawan ko. " Don't hurt her!" sigaw ni Samir. Teka... Si Samir yun ah. Imumulat ko sana yung mata ko kaya lang ang sakit pa ng ulo ko. " Sinabi ng gumising ka!!" sigaw nung lalake. May naramdaman naman akong may hinampas sa may hita ko. Sh*t... Ang sakit. " What? Ano ba? Pag ako nakawala dito, Patay ka sakin!" sabi ko pagkamulat ng mga mata ko. Umikot naman saglit ang paligid ko. Teka... Asan nga ako ulit? Ah Oo nga pala. Kinidnap ako ng mukhang anay na to tsaka binugbog kasi nilaitlait ko siya. Totoo naman mukha naman talaga siyang anay. Anay na nagjijim, kaya ang problema... puro muscle lang siya, yung utak niya natunaw din kasabay ng mga taba niya sa katawan. " Pasaway... na kidnap na, sisigasiga pa din" sabi ni Dylan na nasa kabilang linya. So sila pala yung kausap ng mukhang anay na to. " Raven are you okay?" tanong ni East. Oi si East yun. Boses niya yun... Aba nagsalita ang loko. Ai tama yan Raven kung ano ano pinag-iisip mo nakatali ka na nga dito. " Halika, palit tayo. Ikaw magpabugbog dito tapos itatanong ko sayo kung ok ka lang." sabi ko. Wala pangpawala lang ng kaba nila. " Tama na yan. Kung gusto niyo pa siyang makuha, bawiin niyo. Baka hindi ako makapagpigil" sabi nung mukhang anay. Napamura naman ako nung naramdaman ko yung kamay niya sa hita ko. Aba loko to ah! Pag ako nangati patay ka sakin. " Hey don't touch me Sh*tface!" sabi ko tsaka pinilit na gumalaw. Awww... nasasagi yung kamay ko na may sugat. " Where the hell are you? " tanong ni Alikabok. Tumawa naman si kuyang mukhang anay... " Same place, two years ago" pagkasabi niya nun eh binaba na niya yung tawag. Ano daw? Two years ago? Teka two years ago na nung namatay si Cici diba? So konektado to? " Sino ka ba kuyang mukhang anay?" mapang-asar na tanong ko. Aba hindi naman ako papayag na ako lang ang nasasaktan dito. Kung di ako makabawi physically, gaganti ako emotionally. Mamatay siya sa inis... " Tigilan mo ko sa kakatawag mo ng mukhang anay at baka hindi ka na maabutan na buhay ng mga kaibigan mo!" sigaw niya sakin tsaka tinapon yung sigarilyo niya. Well, sorry mister. Hindi ako takot sa anay _ _ " Oh? Takot na ko " -________- walang buhay kong sabi. Halata namang lalo siyang nainis kasi nagsisilabasan na yung ugat niya sa leeg. Eh? Pikon? " Gusto mo talagang mamatay ano?" tanong niya sa akin na lumalapit... Mamatay? " I'm sorry to disappoint you. I'm not afraid to death. " sabi ko. " Hahaha... Totoo nga ang sinabi niya. Sige bahala ka diyan. Aantayin muna natin ang mga bisita mo" sabi niya tsaka bumalik sa upuan niya. Niya? yun siguro ang nag-utos sa mukhang anay na to. " Sino bang nag-utos sayo?" tanong ko. Para naman masira ko yung mukha ng nag-utos sa kanya. Aba ang lakas ng loob niyang bugbogin ako eh talent night na bukas? Pshhh... Hindi naman sa gusto kong manalo sa Queen of Queen na yan kaya lang syempre nagpakahirap yung mga kasama ko para dun. " Malalaman niyo din. " sabi niya. Tumahimik naman ako. Napapagod na din kasi ako. Pasimple ko namang tinignan yung mga kamay ko na nakatali. geezZ... nagkasugat na. Pati yung mga paa ko. Iniwas ko nalang yung tinggin ko sa sarili ko. Naaawa ako sa sarili ko eh. Ikaw ba naman mabugbig ng ganito. Pano na bukas sa talent night? Ok Raven ayan ang problemahin mo. Hindi ko panga sigurado kung ililigtas ako nung mga dragon na yun. " Hoi mukhang anay... bakit ang pangit mo? " tanong ko. Ok nang-iinis ako. Eh sa naboboring na ako eh. Baka naman nag-aaway pa yung mga yun hangang ngayon. " Tumahimik ka! " sigaw lang niya na halatang nagpipigil ng inis. " Siguro wala kang love life no kuya? Wala naman atang taong papatol sayo. Isipin mo ah mukha ka na ngang anay ang sama pa ng ugali mo" pasimpleng sabi ko. Tinignan naman niya ako ng masama. Wow nakakatakot. Har har... Sarcastic na kung sarcastic. Hindi naman talaga ako natatakot. " Tumahimik ka kung ayaw mong mawala sa mundong to... o kaya... " sabi niya tsaka ako tinignan mula ulo hangang paa. Yuck... pangit na nga bastos pa. Ok sobra na ko manlait pero wala eh, hindi ako makaganti physically.. lugi naman ako ang dami ko ng sugat at pasa siya ok lang. Malay niyo highblood pala siya o kaya may sakit sa puso. " Mandiri ka nga kuya. Kahit nga yung aso kong bungi hindi ka papatulan" sabi ko tsaka umirap. Pang-asar lang yun. Kasi unang-una sa lahat wala akong aso at pangalawa... may nakita na ba kayong asong bungi? Ako wala pa eh. Pinokpok naman niya yung lamesa gamit yung dalawang palad niya tsaka lumapit sakin. This time, napalunok na ko. Aba nang-aasar lang... " Makulit ka talaga ah" sabi niya tsaka hinawakan yung kanang pisngi ko. At dahil ako si Sky, asa naman siyang ipapakita kong natatakot ako. Tinignan ko siya ng walang emosyon. Pangit talaga... " Yung totoo? Kamay yan o panghugas ng kawali. Ang gaspang " sabi ko na nakipagtitigan pa. Mukhang lalo naman siyang nainis at sinuntok ako sa tiyan. Pinilit kong wag sumigaw kahit tinatadtad ko na siya ng panlalait sa utak ko. " Ang hina naman kuya" sabi ko kahit halos gusto ko ng iluwa yung lamang loob ko dahil sa sakit. " Tumigil ka na" sigaw niya tsaka itinaas yung kanang kamay niya na susuntukin sana ako. Nagulat ako ng bigla siyang nawala sa harap ko. Pagtingin ko, nasa sahig na siya at nakaupo habang hawak yung kaliwang pisngi niya. " I said don't you ever hurt her!" sigaw ni alikabok. Yup, si Alikabok ang sumontok kay kuyang mukhang anay. Nilibot ko naman yung paningin ko sa buong kwarto. Yup nasa isang abandon house kami. " Tsk tsk tsk... Ano namang ginawa mo kay Raven. Pangit na nga pinapangit mo pa" sabi ni Barron na nasa harap ng pinto. " Hoy ang lakas ng loob mong tawagin akong pangit ah. Pasalamat ka at nakatali ako dito!!!" gigil na sabi ko. " Ibang klase, sa itsura mong yang nakakasagot ka pa" sabi ni Dylan na tinapon yung sigarilyo niya. Hanep to ah... I already told him to stop smoking. " Ipapakain ko sayo yang sigarilyo mo Dylan pag nakatakas ako" sabi ko. Tumawa lang naman siya. " Tsk... Tama na yang reunion niyo" sabi ni kuyang mukhang anay tsaka may pinindot sa may dingding. Parang may nag-alarm naman at may nagsipasok na mga anay. Ok isang colony na sila ng anay. " Akalain mo yun kuya... hindi lang pala ikaw ang mukhang anay na nabubuhay sa mundo." kunwaring amaze na sabi ko. " Tama na yan Raven. Lalo mo lang siyang iniinis" sabi ni Loki na kinakalas yung tali ko. Yung iba nakikipagsuntukan na. Ewan ko kung bakit pero natutuwa ako na sama-sama sila ngayon. " Iniinis ko nga siya " nakangising sabi ko. Eh yun naman talaga ang ginagawa ko. Napangiwi naman ako nung nahawakan niya yung kamay ko. Shemay... " Pfffttt... masakit?" tanong ni loki na nagpipigil ng tawa. " Oi tama na yan. Loki, itakas mo muna yan" utos ni Eion kay loki. Tinignan ko naman ng masama si loki. Nagtaka naman ako na hindi nagalit si Loki at inutusan siya ni Eion na taga Red dragons. " Bati na kayo? " tanong ko hahang naglalakad kami palabas. Paminsan minsan napapahinto kami kasi may sumusugod sa amin kaya lang tinutulungan kami ng iba. " Siguro. Ewan. Baka" sabi niya tsaka ako hinila papunta sa likudan niya. " Akala niyo ba makakatakas kayo agad? " tanong nung isa sa mga anay. " Oo. Ang hihina niyo kaya" hirit ko. Ok ako na ang nakidnap na malakas ang loob. I'm Sky, the little tiger of Artemis University. Anong aasahan niyo? Ngangawa ako dito? Never " Shhh... Wag ka na lang magsalita" bulong sakin ni Loki. Weak. Sinugod kami nung lalaking anay kaya sinanga ni loki yung kamay niya tsaka tinuhod yung lalake. Sinundan niya yung ng isang malakas na suntok sa may panga. Alam kong malakas, ang lakas ng tunog eh. bang... Napasigaw akon ng may narinig akong putok ng baril. Doon ko nakita si Loki na may tama ng baril sa braso. Sh*t... " What the.. masakit?" natatarantang tanong ko. Lumapit naman samin si Dylan tsaka sinapak yung anay na may baril. Nagsilabasan na ng baril ang mga lokong anay. Ang daya... " Tara palit tayo, ikaw kaya mabaril... itatanong ko din kong masakit " sabi niya na nakangisi. Pshhh... Kinagat ko naman yung mangas ng t-shirt ko tsaka pinunit. Total punit punit na rin lang yung damit ko. Tinalian ko muna yung sugat ni Loki. " Dusteen, ikaw na muna bahala diyan kay Raven. Ako na kay Loki " sabi ni zeke na inalalayan si Loki. " Pano sila?" tanong ni Loki na nakatingin kina Caleb na nakikipagsuntukan. " Let them be. Kaya nila yan. Trust them" sabi ni Zeke. Ngumiti naman si Loki. Kahit ako pasimpleng ngumiti. Wow ha... kung kailan nasa bingit ng kamatayan tsaka sila nagbatibati. " Tara na. Para kang baliw " sabi ni Alikabok na hinila yung kamay ko. Napangiwi ulit ako. " Sorry " sabi niya tsaka tinignan yung sugat na nasa may pulsuhan ko. Hinawakan naman niya yung kamay ko. This time... holding hands na. Tinignan ko siya ng masama. " What? Alangan namang sa braso kita hawakan eh puro sugat din. " sabi niya tsaka ngumiti at hinatak ako. Palabas na sana kami ng humarang yung hari ng mga anay. Yung kuyang kanina ko pa nilalait. Mukha siyang pagod na pagod... Lalo tuloy siyang pumangit. Ah shut up Raven... Bulyaw ko sa sarili ko. Hinanap ko naman si alikabok. Nakita ko siya sa may gilid ko na nakikipaglaban sa dalawang anay. Malayo din yung iba na nakikipaglaban. Shizzz... Lalaban din ako. Aba malakas kaya ako. Tinuruan ako nila kuya Rid kung pano lumaban. Tumayo ako ng maayos at ready to fight na sana kaya lang naramdaman kong nanlambot yung tuhod ko. Gezzz... bakit ngayon ko pa naramdaman lahat ng pangbubogbog sakin ng anay na to? blag... Napapikit ako ng marinig yung putok na yun galing sa baril ng hari ng mga mukhang anay... Eto na ba ang kamatayan ko? Ano namang ilalagay nila sa lapida ko? Namatay dahil sa sobrang pang-iinis? Hindi ko man lang ba makikita magbonding tong mga dragon na to na hindi nag-aaway? Mga ilang sigundo na kong nakapikit pero alam kong nakatayo parin ako. Dahan dahan kong binuksan yung mga mata ko... Nag-unahan agad yung luha ko pababa.. bang... bang... bang... tatlong putok pa ng baril... sunod-sunod. " Ui Da-Dustin... bi-bitaw na " nangiginig na sabi ko. Nakayakap siya sa akin ngayon... " Funny. Ngayon mo lang ako tinawag sa pangalan ko" sabi niya... lalo niyang hinigpitan yung yakap sa akin. Ano to? Bakit ayaw niyang bumitaw. bang... isa pang putok ng baril. " Bi-bitaw na sabi " tinutulak ko siya palayo sakin. What's this? " Not until your safe " sabi niya. Nakarinig na naman ako ng putok ng baril... bang... Pero this time hindi na si Dustin ang tinamaan. Hawak hawak ni Caleb yung baril na nakatutok kay kuyang anay na nakahiga. " I guess your safe " mahinang bulong ni Dustin. Lalo namang nag-unahan yung luha ko nung bumigat siya. " Hoy dustin... sh*t ka... limang bala yun t*ng* " sabi ko bago kami mapaupo sa sahig. Nagsilapitan naman silang lahat sa amin na mukhang sobrang nag-aalala. Unti-unti kong naramdaman na bumibigat yung mga talukap ko. " Take a rest Raven. Our Sun needs to rest " sabi ni Caleb bago ako tuluyang lamunin ng dilim. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD