Chapter 26: Saving our new Sun (Part 1)

2162 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV - Haistt... Nakakapagod. Humilata agad ako sa field. Kakatapos lang namin magpractice ng sayaw. Halimaw talaga magturo yun si Rhain. Ang sakit ng katawan ko. >_< " Oi Raven alis na muna kami ah. Maliligo lang. Ang lagkit na namin eh " paalam nila Jeth. Kanina pa umalis sila Caleb. Isa-isa naman na silang nagsialisan habang ako eh nakahiga pa din dito sa damuhan. Wala namang tao tsaka asa loob pa din to ng school zone. Kanina pa din umuwi si Rhain, pano kasi may klase pa siya sa Artemis U. Matutulog na sana ako ng may tampalasang bumato sakin ng papel. Umupo ako agad. Loko tong Red dragons na to ah baka mamaya pinagtritripan na naman ako. Binuksan ko naman yung papel na tumama sa akin. " You don't understand anything yet" Napakunot naman ako ng noo. What is this thing this time? " WTH " nasabi ko bigla ng may tumakip sa bibig ko galing sa likod ko. " Hmm... " Geeezz...I'm trying to kick this dumbass but my world suddenly move. --- - Dustin Alexander Villarus's POV- " Hooo... grabe ang gwapo ko!" sigaw ni Eion pagkalabas na pagkalabas niya ng C.R. " Yabang! Ang pangit mo sira" sabi naman ni Dylan na inaayos yung buhok niya. " Tsss... Chill guys ako lang ang gwapo dito. " sabi naman ni Wendell. " Ikaw gwapo? Mas gwapo pa sayo yung talampakan ko eh" sabi ni Jeth na nakikisali na. May sariling mundo naman sila Allen at Dash na naglalaro ng chess. Si East naman na nagbabasa, ano pa nga bang bago? " Oi anong oras na ah bakit wala pa si Raven? " tanong ni Jeth na nakatingin sa wall clock. Napatingin din kami sa orasan. 9 na pala. " Baka kasama nung mga asul" sabi ni Dylan. " Why don't you call the blue dragons? " tanong ni East tsaka tumingin sa amin. " Bakit pa eh Amazona naman yun. Kaya niya ang sarili niya." sabi ko tsaka sinindi yung T.V. " Pero oo nga para sigurado. Tsaka babae pa din yun kahit may pagkahalimaw" sabi naman ni Allen na winawagayway yung kutsara niya. Kumakain na naman siya.- - " Oh Dusteeen Oh" sabi ni Dash tsaka hinagis sa akin yung cellphone ko. Shiz... buti nasalo ko. Lokong Dash to. " Hoy ALFONSO ayusin mo nga yung bigkas sa pangalan ko." sabi ko. " Insan naman, wag mo naman akong tawaging alfonso." sabi niya tsaka ngumuso. Ang bakla.. " Sira... anong gagawin ko dito?" tanong ko tsaka inangat yung cellphone ko. " Kainin mo" sabi ni Dylan. Tinignan ko naman siya mg masama. " Chill. Natural ikaw ang tumawag sa kanila. " sabi niya. Tinignan ko naman yung iba. " Dali na. Idial mo na." sabi ni Jeth. At dahil wala naman akong magagawa at nag-aalala na din ako kay Raven, dinial ko na yung number ni Loki. Well, pwede kong tawagan si Caleb kaya lang laging nakasilent ang cellphone nun. Kung si Calv naman, MAINIT ulo nun sakin. Si Barron sana kasi laging hawak ang cellphone kaya lang feelingero yun. Kaya si Loki nalang. Nakakatatlong ring palang nagbukas na yung pinto namin at iniluwa ang mga pangit. " Bakit ka tumatawag? " tanong ni Loki. " Baka nababakla kasi walang kasama dito" sabi ni Calvin. " Nagsalita ang bakla." sabi ni Dylan. " Sinong bakla ha? " tanong ni Calvin. Bago pa sila mag-away eh nagsalita na ko. " Kasama niyo ba si Raven?" tanong ko. " Nakita mo bang kasama namin? " sagot naman ni Samir. Lalo naman akong kinabahan na hindi pala nila kasama si Raven. At saan na naman nagsusuot yung babaeng iyon. " Malay namin kung tinago niyo?" sagot ni Wendell na nakatayo na din. " Di ba kayo ang huling kasama? " sabi ni Vlad. " We left her. " sabi ni East. Napamura naman si Calvin. " Eh na saan yun? " sabi ni Calvin na nakatingin samin. " Aba malay. Itatanong ba namin kung alam namin" sagot naman ni Dash. Tumayo naman si Barron tsaka kami tinignan ng masama. " Bakit niyo kasi iniwan?" tanong niya " Parang kayo hindi siya iniwan ah. Nauna nga kayong umalis" sagot ni Jeth. Hihirit sana si Calvin ng inunahan siya ni Caleb. " Iniwan namin siya kasi alam naming kasama niya kayo. Tsk.. seems like you repeat it again." sabi niya na nakatitig sakin. Naisara ko agad yung kamao ko. What's this sh*t? Kinakabahan ako na hindi maintidihan. Same feeling, two years ago. F*ck... Lalabas na sana ako ng pinto para hanapin siya ng nagring yung telephone namin. Sinagot yun agad ni Zeke kasi siya naman yung pinakamalapit. " Block A's mansion " sabi niya. Nagulat naman kami nung bigla siyang sumigaw. " What did you do to her?" sigaw niya. Lumapit naman agad sa kanya si East at ni loud speaker yung telephone. " Relax. Nakipaglaro lang naman kami sa kaibigan niyo. Matapang pala to... Hahaha " sabi nung hayop sa kabilang linya. What the heck... " Sino ka ba? " sigaw ni Dylan " Ako? Hmmm... Hindi na mahalaga yun. Mas mahalaga naman siguro sa inyo itong prinsesa niyo. Maganda pa naman to, baka di ako makapagpigil" sabi niya. Lumapit ako sa kanila. " F*ck! If you hurt her, I'm going to sent you to hell!" sigaw ko. " Then sent me to hell now " sabi niya. Nagdilim naman yung paningin ko. " Calm down, Villarus. Walang mararating yang ginagawa mo" sabi sakin ni Caleb. How can he be calm? Kaibigan namin si Raven. No she's not just a friend. She's one of us. She's our new sun. Hindi siya kasali sa gulo namin. Bakit siya madadamay?? " What do you need? " tanong ni East. Kumalma naman ako. I should admit it. In this f*ck up situation, these two are in charge. " What I need? What do you think? Well, wala akong kailangan sa inyo... pero yung nag-utos siguro sakin meron" sabi niya. Nag-utos? " Let us hear her voice. Wala kong tiwala sayo" sabi ni Caleb. Tumawa naman yung nasa kabilang linya. " Sure. Gigisingin ko muna, mukhang napagod eh" sabi niya. I close my fist very tight. What did this moron did to you, Raven. May narinig naman kaming natapon na tubig. " Gumising ka muna diyan! " sigaw ng lalake. " Don't hurt her!" sigaw ni Samir. " Sinabi ng gumising ka!!" sigaw nung lalake. May narinig naman akong parang hinampas. Sh*t... " What? Ano ba? Pag ako nakawala dito, Patay ka sakin!" that voice... it's her. " Pasaway... na kidnnap na, sisigasiga pa din" sabi ni Dylan na pinatay na yung sigarilyo niya. He used to do that when he's tense. " Raven " sabi ko. How I wish she heared that. Alam kong mahina eh. " Raven are you okay?" tanong ni East. " Halika, palit tayo. Ikaw magpabugbog dito tapos itatanong ko sayo kung ok ka lang." sabi niya. Nawala naman yung kaba ko sa pagsagot niya. Mukha naman ok siya eh. Nagawa pa niyang mangbara. " Tama na yan. Kung gusto niyo pa siyang makuha, bawiin niyo. Baka hindi ako makapagpigil" sabi niya... narinig ko namang nagmura si Raven. " Hey don't touch me Sh*tface!" bumalik naman yung inis ko. " Where the hell are you? " tanong ko. Tumawa naman siya... " Same place, two years ago" pagkasabi niya nun eh binaba na niya yung tawag. Two years ago... so konektado to doon? Pero... patay ang mga hayop na pumatay kay Cici. " D*mn... nauulit na naman! Tae kasalanan niyo to eh" sabi ni Calvin tsaka ako sinuntok sa kanang pisngi. Napaupo lang ako. Nauulit? Hindi... Hindi na yun mauulit. " Ano ba bakit kami na naman ang sinisisi niyo?!" tanong ni Dash na nasa harap ko na. " Bakit? Hindi ba?Sabi ko na nga ba dapat hindi namin siya iniwan sa inyo!" sigaw ni Ryland. Bihira kong makitang galit si Ryland, may sarili kasi siyang mundo palagi. " Yun na nga eh... Sa amin niyo sinisisi lahat ng nangyari eh kayo ang unang nang-iwan!" sigaw ni Eion. Ngayon na lang... ngayon na lang ulit namin ito napag-usapan. " Trusting your group is the most stupid thing we did!" sabi ni Kiefer. " Trusting our group? Oh come on... You never did!" si East naman ngayon ang sumagot. Bago to dahil palagi naman siyang nananahimik. Tinignan ko naman si Caleb. Nakatingin siya sa lahat na nagsisigawan. " We did! Kaya nga namin siya ipinagkatiwala sa inyo. Kasi may tiwala kaming babantayan niyo siya." sabi ni barron. Alam kong hindi lang si Raven ang tinutukoy nila. " Crap... It's been two years! Move on!" sabi ni Dylan. Sinuntok naman siya ni Calvin. " Move on. Madali lang yan para sa inyo kasi hindi niyo kapatid ang nawala" then I saw his tears. Mali... hindi lang siya ang umiiyak. Kahit sila Samir naluluha na din. Eto ba yung emosyong tinatago naman sa loob ng dalawang taon? Eto ba yung tinatago namin sa loob ng mga away namin? " Akala niyo ba ayos samin to? Na makaaway ang mga taong tinuring naming kapatid? F*ck!" sabi ni Vlad na pinupunasan yung luha niya. Siguro kung sa ibang pagkakataon to tatawanan ko ang mga sarili namin. Kalalaki naming tao, nagsisiiyakan. kaya lang hindi eh... kasi alam ko na umiiyak kami kasi nakakapagod na magpakatatag... napapagod na kaming ipamukhang malakas kami. " Bakit kayo lang ba? Isinisi niyo samin ang lahat na parang hindi kami na sasaktan. Na parang balewala si Cici sa amin. Kababata din namin si Cici. Kapatid na din namin siya. Siya panga ang prinsesa namin di ba? NATIN" sabi ni Dash na napaupo na tsaka yumuko. Ako? Nakaupo pa din dito. Gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Susumbat din ba ko? " Akala niyo ba kayo lang? " sabi ko tsaka ngumisi. Sinuntok ko yung sahig. Masakit... pero mas masakit yung puso ko. Parang pinipiga ng ilang ulit. Nawala sakin ang lahat nung araw na yun... Ang taong mahal ko... mga taong tinuring kong kapatid... pati sarili kong magulang halos isumpa ako. " Sinisisi ko ang sarili ko... kung bakit ko siya iniwan nun. Kung nandoon siguro ako, baka nandito pa siya. Hindi sana tayo mag-aaway away. Kung sana hindi ako nahuli baka nailigtas ko siya bago sumabog yun. Bago mabasag yung pagkakaibigan natin. Kung sana nandoon ako hindi natin kailangang mahati... sana ako na lang... ako na lang yung namatay dun! Sana ako na lang!" sigaw ko tsaka paulit ulit na sinuntok yung sahig. Napatigil ako ng may sumuntok sa akin. Tinignan ko siya " D*mn Dustin! Tumigil ka! Kung nagsisisi ka na, iligtas mo si Raven. Iligtas NATIN siya. Oo na. We admit it. It's not just your fault! Wanna know why we blame you? Because it's hard... It's hard to admit it that we let our own sister die. That we let our FRIENDS fight alone! We are scared to admit it that we are useless... We..." sabi ni Caleb. He's crying. Sh*t, the great Caleb Triton Alastair is crying in front of me. " STOP this guys! We've been STUPID for two years. I guess that's enough. " East said. Dahil sa sinabi niyang yun napatigil kami. Nakita ko namang pinunasan na nila yung mga luha nila. Yeah, he's right. We've been stupid for two years... " tae ka Alfonso namiss kita!" pabirong sigaw ni Calvin. Napangiti naman si Dash. " Ang bakla mo Calv!" banat ni Dash. " Sira hindi na ko Kalbo. Wag mo kong matawag tawag na Calv at baka ikaw ang kalbuhin ko" sabi niya. Tinawanan lang naman siya ni Dash. " Tumayo ka na Dustin!" sabi ni Caleb na inaabot sa akin yung kamay niya. Nginisian ko naman siya tsaka inabot yun. " Tama na ang drama mga bakla, Ililigtas pa natin si Raven" sabi ni Barron na may hawak na na baseball bat. Ready na ah.. " Maka bakla, eh ikaw ang may pinakamaraming iyak" sabi ni Dylan. Inakbayan naman siya ni Barron... " Kung ikaw naman ang ikakabakla ko. Aba ok lang... Ano honey, tara na" sabi niya na nagboboses babae. Pffftt... namiss ko to. " Tama na yan. Were going to save our sun" sabi ko tsaka nag-unat unat. Nagsitinginan naman sila sa akin. " Sun? " tanong ni Loki. Tumango naman ako tsaka inalala yung nasa gubat kami. " Yeah. Sun. She's our sun in our darkest time. Just like Cici, she let us see each other again. The only difference is... WE won't let our Sun die. We will save her, TOGETHER " sabi ko. Nagsitanguan naman sila. " Asus,Oh tara na baka mapano pa yung araw natin. " sabi ni Kiefer. " Operation: Saving our SUN" sigaw ni Dash at Calvin. Tss... heto na ang dalawang kiti-kiti. Nagsama na. Hindi na nga... Hindi na mauulit ang dati.. kasi ililigtas namin siya... Kahit buhay ko pa ang kapalit. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD