-Raven Sky Zalvarez's POV-
" Ano ba? Sinabi na ngang kanan muna " sigaw ni Samir kay Dylan.
" Mas maganda kung kaliwa. " sabi niya. Kanina pa sila away ng away sa step. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Mag-aaway lang sila.
" Akala ko ba magprapractice tayo? " tanong ko.
" Eh sila kasi eh. " sabi ni Zeke tsaka tinuro sila Alikabok.
Haistt naiistress lang ako sa kanila. Isama pa yung pesteng mystery note na yun. Tsk!
" Oh saan ka pupunta? " tanong ni loki. Nilinggon ko naman siya.
" Sa labas. Magbibigti. Tawagin niyo nalang ako pagtapos na kayo mag-away " sabi ko tsaka lumabas.
Malapit na yung Queen of Queens kaya lang wala pa kaming natatapos sa talent portion na yun. Pano yung oras namin nauubos sa kakaaway nila. Buti nga di na nakikisali yung dalawang leader tsaka si East.
Naalala ko naman yung kakambal kong pinanganak ng beauty queen. Bakit ngayon ko lang naalala.
Dinial ko naman yung number niya at dahil sa ako yung tumatawag, sinagot niya agad. May ugali kasi yung patapusin yung ringtone niya.
" Hi twiny! Sa wakas namiss mo din ako " bungad niya sakin Pshhh.. palagi ko kaya siyang namimiss.
" I need you " sabi ko. At dahil OA siya nagsisigaw na ang baliw.
Sanay na din naman ako kaya ok lang. Masakit nga lang sa tenga.
" Oh my gosh!!! What happen? May nang-away ba sayo? Asa ospital ka ba? Sa police station? Nakapatay ka or worst... Raven nasa pluto ka?" napasapok ako sa noo ko. Kahit na alam kong biro niya lang yun, O.A pa din.
" Hoy Heaven Rhain Zalvarez, Wag ka ngang O.A! Alam ko namang kayo nila kuya Rid ang nagplano na masali ako sa Queen of Queens na yan! " sabi ko. Matagal naman siya bago naka sagot. Guilty _ _
" Ah? A-ano ba yung kailangan mo? " tanong niya. See? Umiiwas sa topic.
" Help me with this freakin' talent portion. " sabi ko. Nilayo ko agad yung cellphone ko sa tenga ko. Alam ko na kung anong mangyayari.
" Ok sige... Ayiieee.! Papunta na ko diyan. Wait lang" then she hung up. Napailing nalang ako sa kabaliwan niya.
Umupo muna ko sa may field at nagpalamig. Mga 30 minutes palang ang nakakalipas narinig ko na yung boses ni rhain.
" Skyiee! " napalingon ako agad sa tumawag sakin. Ang bilis ah.
" Rhain. Ang bilis ah " sabi ko. Ngumiti naman siya.
" Naman. Ako pa ba? Tara na dali tutulungan kita. " tapos hinatak niya pabalik sa block A mansion.
" Oh bakit kasama mo si Ms. Rhain? " tanong ni Barron na ang lagkit ng tingin sa kakambal ko. At dahil sa naiinis ako sa tingin niya kay rhain, hinubad ko yung kanang tsenelas ko tsaka binato ko sa kaniya.
" Aray ah! Selosa ka naman love" sabi niya na kinakamot yung noo niya. Ang galing ko talaga tumira, bulls eye palagi :)
" Tss... Ayusin mo yung tingin mo. Tutulong daw siya " sabi ko.
" At bakit siya tutulong? " tanong ni Caleb.
" kasi sinabi ko. Nakasalubong ko kasi siya kanina. " sabi ni Rhain na pinatugtog yung CD.
" Oh ano lets start? " tanong ni Rhain. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.
Hinati ni Rhain yung grupo sa dalawa. As usual magkakasama ang magkakateam. Pagkatapos ng Red dragons mag-eexit sila tapos papasok naman yung blue dragons. Ok na din siguro yun para mabawasan yung away nila.
Hayyyss... mukhang mahaba habang araw to ah.
- Someone's POV -
" Anong ibig sabihin nito? " Galit na pumasok ang taong hindi ko inaasahang unang makakalam . Hindi ko naman siya masisisi. Masyado din akong maraming tinago sa kanya... sa kanila.
" Nothing " simpleng sabi ko. Lalo naman siyang nagalit at sinuntok ang lamesa ko.
" That's bullsh*t! Nothing? May namatay na at may mamamatay pa tapos NOTHING?! "
I wont let that happen.
Tinitigan ko siya sa mata niya. His eyes, parehas na parehas kami.
Hindi ko siya sinagot. Tumayo siya ng tuwid tsaka ako tinitigan.
" Bakit mo tinagong kapatid namin siya?"
" It's on my plan. "
" What's your plan? To use us? To make us miserable? " Napailing ako.
" Ikaw ang may kasalanan, bakit siya ang pinapahirapan mo? "
" This is for our good"
" Good? You can't even give ne a GOOD reason for all this f*ck!" Hindi pa ngayon.
" I'm doing this to protect them. Just trust me " Lumapit siya sa pinto at binuksan yun.
" Trust you? You lied on me... on US. How can I trust you? Kung ayaw mong ibigay sakin ang sagot ako ang hahanap. "
sabi niya bago umalis ng tuluyan at padabog na sinara ang pinto.
" I already run from our past and now it's hunting our present. " sabi ko tsaka hinilot ang sintido ko. I get my phone ang call somebody. I need to make things fast. Lalo na't alam na niya.
" Good Evening Sir "
I'm sorry but it's part of my plan.
" Let's proceed to plan B. Alam na niya ang lahat. Sooner or later malalaman na din nila. "
sabi ko tsaka bumuntong hininga.
" Are you sure with this? "
"Yes."
Simpleng sagot ko tsaka binato ang cellphone ko.
I guest I need to face my past to stop it from hunting my present... from hunting them.
" I'm sorry for being weak my life. I'm sorry "
Siguradong kung nandito siya kanina pa niya ako binatukan.
-------