Chapter 24: The 1st Mystery

1090 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV - Aissttt! Ayoko na nga. Binalibag ko yung gitara na kanina ko pa pinag-aaralan kung pano gamitin. Tsk! " Raveeeeen! Bakit mo binalibag? " tanong ni Wendell sakin na kakarating lang. " Wala. Gusto ko lang. " sabi ko tsaka sumandal sa sofa. Nakakaasar naman eh. Bakit kailangan pa ng talent? Ico-consider kaya na talent pag pinagbuhol buhol ko yung dila nila Dustin? " tsk. Pati yung nananahimik na gitara pinag-iinitan mo. Para saan ba? " tanong ni wendell. Inangat ko naman yung paa ko sa sofa. " Eh kasi ngayon na kailangang ipasa kung anong talent ang gagawin at sino ang mga kasama. At ang nakakainis... Wala akong talent" sabi ko. Nakakasar naman kasi eh. " Hahaha... May talent ka kaya. Ikaw lang ang may kakayahang pumangit ng di nageefort " sabi niya. Aba loko to ah. Tatayo na sana ko para kalbuhin siya ng dumating si Dustin. " Ako nalang ang kasama mo sa talent. Para naman may pag-asa kang manalo. " sabi niya. O sige siya nalang kasama ko. Magic show. Isisilid ko siya sa kahon tapos sasaksakin ko siya ng sampung espada... ai bente nalang para sure dead este sure win. Napangisi ako sa naisip ko. " Tss... kinikilig ka naman " sabi niya. Aba hangin nito ah. " Kapal. Alam mo ba kung ano iniisip ko? " tanong ko. Ngumisi naman siya ng nakakaloko. " Iniisip mong magduduet tayo tapos kissing scene sa may dulo" sabi niya. Wow. Kapal " Malala ka na. Iniisip ko na mag magic show nalang. Isisilid kita sa kahon tapos sasaksakin ng benteng espada." sabi ko. Namutla naman siya. Hahaha... " A-asan ang magic dun? " tanong niya. Matakot nga. Medyo mahina kasi yung sikmura nito eh. " Magic pag-alis lahat ng espada lasog lasog na yung katawan mo. Tapos lumalabas na yung lamang loob mo. Medyo luwa na din yung mata mo. Tapos yung isa mong kamay nalaglag na kasi nakalas na tapos... " hindi pa ko tapos magsalita umalis na siya at pumunta sa C.R. Hahaha... Weak eh. Ang lawak kasi ng imagination. " Hi Raven! Si Dusteeen? " sabi ni Dash na kakapasok lang. " Asa C.R. Hahaha... sumusuka siguro " sabi ko. Ngumisi naman si Dash na parang baliw. " Bakit binuntis mo? "tanong niya sakin. " Kapal ah " sabi ko tsaka siya binato ng magazine. " Oi FHM. Thanks " sabi niya tsaka umupo sa sofa. Tae talaga to eh. " Hi guys " si Eion naman ang pumasok na may dala dalang papel. Winawagayway pa niya yung papel. Tumango lang kani sa kanya. Umupo siya sa tabi ko tsaka ako inakbayan. " kamay mo " sabi ko. Ngumuso naman siya tsaka inabot sakin yung papel na hawak niya. teka? Binatukan ko siya agad. Napalakas ata kaya muntik na siyang mauntog sa center table Sayang nga di na natuluyan. " Aray ha. Ikaw nanga ang tinutulungan " sabi niya. Eto tulong? Pinapahirapan lang ako eh. Eto kasi yung form para sa talent portion ng Queen of Queens. At ang nakasulat na talent ko? Dance no. with Blue and Red Dragons. Ano to? Lokohan? Ang dami naman nilang back up dancer? " Ano to? Sira ka ba ang dami niyo namang back up dancer ko? " sabi ko sa kanya. Baka imbis na magpractice kami mag-away lang sila. " Pwede naman daw. Tsaka atleast kahit pangit ka may pag-asa kang manalo kasi gwapi kami" sabi niya. Binatukan ko naman siya at ngayon siniguro ko ng susobsob siya sa lamesa. Siraulo to ah. " Aray... " sabi niya tsaka hinawakan yung noo niya. Psshhh... " Good afternoon guys... Oh anong mukha yan Eion? " tanong ni Jeth na kakarating lang. Saan ba nagpupunta tong mga to? " Mukha ng gwapo " sagot ni Eion. Gwapo na may namumulang noo? Pffftt... " Oh bakit nagpipigil ka ng tawa diyan raven? Nga pala eto yung CD oh " sabi ni Jeth sakin tsaka inabot sakin yung CD na hawak niya. Para saan naman to? " For? " tanong ko. " For your talent " sabi niya tsaka tumayo. Kinuha niya yung cellphone ko tsaka binato sakin. Bastos talaga to eh. " Aanhin ko to?" tanong ko. " Kainin mo " sagot niya. Aba talaga naman. Ibabato ko sana sa kanya yung cellphone ng tinaas niya yung dalawa niyang kamay. " Tawagan mo yung blue dragons" sabi niya. Bakit hindi sila ang tumawag. Tinaas ko naman yung isang kilay ko. " Oh come on. Alam mo ng ilag samin yung mga yun " sabi niya. Bakit kasi di nalang sila magbati. Pshhh... Dinial ko naman yung no. ni Barron. Siya kasi madalas nakahawak sa cellphone niya. " Hi sweetie hindi ako pwede mamayang gabi " sabi niya pagkasagot ng tawag. Kalalaking tao haliparot. " Hoy Barron pumunta daw kayo dito " sabi ko. Mainggay yung background. Magkakasama ata sila. " Ai ikaw pala raven. Psshh akala ko babae. " sabi niya. At anong akala niya sakin? Lalake? Bakla? " At ano ako? " tanong ko. " Amazona" deretsyong sagot niya. " Pumunta kayo dito kung ayaw niyong sunugin ko lahat ng gamit niyo! " sigaw ko tsaka pinatay yung tawag at hinagis kay Jeth yung cellphone ko. " Brutal eh " sabi niya. Pshhh... " Wala kang pakealam. Tsk. " sabi ko. Lumabas naman ng C.R. si Alikabok. " Pshhh... " sabi niya. Bahala kayo sa buhay niyo. Hayyy... Tumayo nalang ako tsaka lumabas ng Block A mansion. Nakakastress naman tong beauty contest na to. Napahinto ako sa paglalakad nung may napansin akong parang may sumusunod sakin. " Sino ka? " tanong ko. Pero wala namang sumagot. Naglakad nalang ako ulit pero napahinto ako nung may lumilipad na eroplanong papel na papunta sakin. Pinulot ko yun nung lumapag na sa lupa. Time will come. History will repeat itself. Your death will clean all our wounds... Just like how they did to me. Be careful. Raven Napakunot yung noo ko. Para sakin to? At ano namang trip to? Hinanap ko kung saan nagaling yung papel kaya lang walang tao. " Hoi Raven andito ka lang pala. Tara na. Magprapractice na oh " sabi ni Allen na hinihila ako pabalik ng Block A mansion. Nasa loob na siguro silang lahat. " Anong nangyari sayo? " tanong ni Alikabok. Umiling lang ako. Time will come. History will repeat itself. Your death will clean all our wounds... Just like how they did to me. Be careful. Raven Ano bang ibig sabihin nun? Is that a death treat? ____________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD