- Dashawn Alfonso Dela Vera's POV-
" Hoy Alfonso tumulong ka nga!" sigaw sakin ni Dylan. Hahaha... Aba bahala siya, Sitting pogi ako dito eh.
Alam niyo ba kung anong ginagawa nila? Tinuturuan nila Jeth, Wendell at Allen si Raven kung pano maglakad ng maayos. Yung pang beauty queen. Pffffttt... Natatae na ko kakatawa kay Jeth dahil kinakarir niya talaga kaya nagmumukha na siyang bading.
Tinitigan ko naman si Raven. Grabe tong nerd na to may tinatagong ganda. Tsk... tsk...tsk...
" Hoy Alfonso tumulong ka nga. Pagod na ko!!" sigaw naman ni Wendell.
" Pwede ba wag niyo kong tawaging alfonso. Mukha ba kong Aso? Dash nalang o kaya handsome. Hahaha... Pwede ding pogi o kaya gwapo. Oh kaya... Aray!"
Napatigil ako sa pagsasalita ng may tumamang libro sa mukha ko. 'How to be a Beauty Queen' yung title nung book. Tae to... Sino pa ba mahilig mangbato ng libro? Tsss... tinignan ko naman si East na nakaupo lang naman din sa kabilang Sofa.
" Easteban naman walang batuhan. Nakaupo ka lang din eh" sabi ko sabay nguso. Iba talaga pag gwapo. *___*
" Kinulang ka talaga ng utak no Alfonso. Tumulong ka. " sabi niya. Talagang Alfonso tawag nila sakin pag pinagtritripan ako. Kung bakit ba naman kasi dinugtugan pa ni mama ang gwapo kong pangalan? Ok na kaya yung Dashawn. Para pag may fansclub ako Dashawnatics... Ang sagwa naman kung Alfonsonatics -- --
" Hay ewan. Gutom na ko" sabi ni Allen tsaka sumalampak sa tabi ko.
" Palagi ka namang gutom. " sabi ni Eion. Hahaha... Tama.
" Psshhh... Asan si Alikabok? " tanong ni Raven tsaka umupo sa tabi ko.
" Bakit miss mo na? " tanong ko na nakangsi.
_ _ !
" Salbahe! " sigaw ko sa kanya nung pinisil niya yung ilong ko.
" Salamin nga! Pag napango ako..." sabi ko. Ang ganda pa naman ng ilong ko. Ang sakit kaya mamisil niyan ni Raven ng ilong.
" Arte. Asan nga? " tanong niya. Aba malay ko sa taong yun. Namumula na yung ilong ko T^T
" Andyan sa tabi tabi tumatae " sagot ko. Sakto namang pumasok si Dustin
" oh ayan tapos na siya. Oh ano Dusteeen nalabas mo lahat? " tanong ko. Kumunot naman yung noo niya. Sinenyasan ko naman siya na umuoo nalang at dahil uto uto siya tumanggo nga ang loko.
" Bwahahahaha... " tawa ko. Nakisali naman na yung iba. Naku iba talaga pag gwapo ang unang tumawa, nakakahawa ng kaligayahan.
" Ano na namang tinatawanan niyo? " tanong ni Dustin. Yung gwapo kong mukha!
" Wala. Wala. Saan ka galing? " tanong ko. Aba tumatakas siya sa gawain ah. Kunwari ako tumutulong :-P
" Sinundo ako!" sabi ni Vanessa na kakapasok lang. Oh anong gingawa niyan dito?
" Bakit ka nandito? " tanong ko. Pinsan yan ni Dustin. Pinsan niyang maarte.
" Kasi wala ko dun?! " sabi niya. Tumayo naman si Raven.. Tatakas to. Bago pa siya makaalis hinatak ko na siya paupo. Bwahahaha... Alam ko na kung bakit nandito ang maarteng babae na yan.
" Oi Vans ikaw ba magtuturo sa kanya? " tanong ko kay Vanessa. Oha close kami. Sa sobrang Close ang sarap na naming pag-untugin.
" Yeah. Alam mo ate you look familiar? Nagkita na ba tayo? " tanong ni Vans kay Raven na nakatulala ngayon. Oh anong nangyari diyan? Natitibo na ata. Tsk...
" ha? Ah... Hindi pa. Ngayon lang kita nakita. Ah sige lalabas muna ko... " sabi ni Raven napapalabas na ng pinto. At dahil nasa may pinto pa si Dustin di din siya nakadaan.
" Magprapractice ka " sabi ni Dustin.
" Ayoko" sabi niya tsaka tinabig si Dustin kaya lang lalong humarang si Dustin. Bwahaha... Wala ng takas!
" Ahhh...ate ikaw yung sa Artemis University diba? Yung..." hindi pa tapos magsalita si Vans sumagot na si Raven.
" Ha... Ah Oo. Tara practice na tayo" sabi niya tsaka hinatak si Vans dun sa pinagprapractisan nila ng lakad kanina. Medyo malayo na nga sila kasi kami nasa may pinto kami.
- Raven Sky Zalvarez's POV -
" Ha... Ah Oo. Tara practice na tayo"
sabi ko tsaka hinatak si Vans. Yeah kilala niya ko at kilala ko siya. Siya yung babaeng tatalon sana sa building kaya lang pinigilan ni Rhain. In other words school mate ko siya sa Artemis University.
" Ah gets ko na ate" sabi niya bigla. Ha? Ang ano?
" Hindi nila alam na anak ka ng may-ari ng school? " tanong niya sakin. Tumanggo naman ako. Pwede pala tong psychic.
" Kaya kung pwe-" hindi pa ko tapos magsalita nung sumabat siya.
" Pwede naman. Hahaha... Ayos to. Matutulungan ko yung twiny ni Master Rhain " sabi niya. Oo Idol na idol niya si Rhain. Halata naman. Parehas kasi silang maiingay. _ _
" Turuan mo na yan dali!" utos ni Alikabok. Nasa tabi na pala namin yung buong Red Dragons. Mas masaya siguro kung nandito din yung blue dragons. Nag-iiwasan kasi sila.
" Makautos kuya? Tsss.. " sabi ni Vans.
" Kapatid mo? " tanong ko kay Vans. Ang malas naman niya.
" Hindi ah. Yuck! Pinsan ko lang yan. Kinahihiya ko pa. Hahaha" sabi no Vans. Tinignan naman siya ni Dustin ng masama.
" Tsss " sabi lang ni Dustin. Tumawa naman si Dash na may dalang score board. Baliw talaga tong Alfonso na to. Hahaha...
" Anyway, Ano na bang naturo nila sayo? " tanong sakin ni Vans? Naturo? Eh puro kalokohan lang naman ginawa nila. Si East may binasang mga basic rule daw kung pano kumilos bilang isang Beauty Queen. Hindi ko naman nagets. Basa lang naman siya ng basa.Gusto pa nga ata niyang mag pa-quiz.
Si Allen naman puro pagkaing ihahanda daw sa celebration pag nanalo ko ang iniisip. Ang laking tulong no?
Si Wendell naman at Jeth pangbakla yung lakad na tinururo sakin. Geeezzz... Asan ang natutunan ko?
" Err... wala? " sabi ko na medyo patanong. Tumawa naman si Vans.
" Ah mga walang kwenta.! Walang natutunan sa inyo. Hahaha... Mga basura! Walang alam! Mga Bakla! hahaha" sabi ni Vans na tawa ng tawa. Ang sakit naman magsalita nito.
" Hoi akala mo diyan. Mahirap kaya turuan yang si Raven! " sigaw ni Allen. Ako? Mahirap turuan? Marunong kaya ako... Malamang tinuruan kami ni Rhain niyan para tuwing may business party di kami mukhang basura. Masarap lang talaga silang asarin.
" Oh sige. Ipupusta ko yung Porche ko. Sasabihin ko lang yung gagawin niya magagawa na niya " sabi ni Vans. Oi parang gusto ko to ah ( Insert my famous evil grin )
" Call. Akin yung baby margarette ko " sabi ni Dash. Yun yung tawag niya sa sasakyan niya.
" Fine. My Condo " sabi naman ni Alikabok. Aba yayaman lalo tong si Vans.
" Ayan... Sure yan ah. Ate Raven, Ganito lang gagawin mo. Lalakad ka diyan sa line na yan suot suot tong 5 inches high heels habang hindi nahuhulog tong libro. Then, Breast out, Stomach in, Butt out. Dapat may poise ah. Aja!!! Go fight!!! Yowwww! " sabi niya. Energetic naman to masyado.
Pero sige na nga. Mas masaya makita yung luging mukha ni Alikabok at Dash. Bwahaha...
1... 2.... 3...
Here it goes.
Naglakad na ko at hindi lang basta lakad. Nagpose na din ako kada hinto.
At ng matapos...
0o0 Red Dragons
T_T Dash
+_+ Alikabok
^________^ Vans
_ _ ako.
" Ayiieeeeeee... Give me your keys baby! Bwahahaha.. I'm the winner. I'm the Best. Ako na. " tili ni Vans. Niyakap naman niya ko.
" Ang galing galing mo ate Raven. Ayiieee.... Mwuah!!!" sabi niya tsaka ako kiniss sa pisngi.
" Ah eh Oo na. Pwede ka ng bumitaw. " sabi ko. Naiilang kasi ako pag may ganun kalapit sakin.
" Ai sorry. " sabi niya tsaka humiwalay sakin.
" Ang daya! " sigaw ni Dash. Lumapit naman sa kanya si Vans.
" Oh anong madaya dun tanda?" tanong ni Vans na nakataas yung isang kilay.
" Psshhh... May sabwatang naganap! At hindi ako matanda. Isang taon lang agwat natin" sabi ni Dash. Ngayon ko lang napansin, bagay pala silang dalawa. Parehas silang mainggay.
" Anong sabwatan? Hoi wala kaya. Magaling lang ako. Eh ikaw? Hahaha... " si Vans. Haissttt... Bahala nga kayo. Habang busy sila sa pagsisigawan, pasimple na kong umalis.
" Nakakainis. Ayoko talaga neto " sabi ko tsaka humiga sa damuhan. Hapon na din naman, tsaka maganda at malinis naman dito sa field.
" Haisstt.. Nakakainis naman kasi bakit kailangan ko pang sumali " sabi ko tsaka pumikit.
" Pano kami magkakabati nila caleb?" pagkasabi niya nun napalinggon ako agad sa kanya.
Nakatinggin lang siya sa langgit. May tinatago palang kagwapuhan tong si Alikabok? Oh bulag lang ako kaya di ko napapansin? Ang ganda ng ilong neto. Pshhh... Tsaka ang haba pa ng pilik mata. Siya may magandang mata. Black na black kasi. Tapos...
0//////0
Napaiwas ako agad. Tae. Muntik na yun? Bigla kasi siyang luminggon.
" Gising ka pa pala bakit di mo sinasagot yung tanong ko? " sabi niya. Ai Oo may tinatanong nga pala siya. Nakakaloka ka Raven. Anong nagyayari sayo?
" Huh? Bakit ako tinatanong mo? Kayo kaya yung nag-aaway" sabi ko.
" Sabi mo tutulungan mo ko? " tanong niya. Hmmm? Sinabi ko ba yun? Di ko matandaan
" Hindi ko matandaan. " sabi ko. Hindi naman siya nagsalita.
" Para kayong mga star" sabi ko sa kanya.
" Mahirap abutin? " sabi niya. Pag star mahirap agad abutin?
" Hindi. Tanaw na tanaw niyo ung isa't isa ang lalayo niyo naman. Yung nangyari sa inyo dati parang si CC yung araw. Tapos siya yung supplier niyo ng liwanag kaya kahit malalayo kayo at magkakaiba ng ugali nagkakakitaan pa din kayo. Tapos nung nawala si CC nawala yung liwanag niyo. Ngayon, Hindi niyo na nakikita yung isa't-isa. Masyado kasi kayong dumepende sa Araw niyo. " sabi ko. Pinikit ko naman yung mata ko. Inaantok na ko. Nakakapagod kasi yung practice para sa contest na yan.
" Ibig bang sabihin pag nakahanap na kami ng bagong araw magkakakitaan uli kami? " tanong sakin ni Alikabok. Ang Common sense naman ng tanong niya.
" Oo. " simpleng sabi ko. Tumahimik naman siya. Ano ba yan? Inaantok ako lalo.
" Pwede bang ikaw nalang yung bago naming araw? "
-Dustin Alexander Villarus's POV-
" Pwede bang ikaw nalang yung bago naming araw? "
sabi ko. Hindi naman siya sumagot kaya nilingon ko. Pshhh... tinulugan ako.
Araw ha?
Then Raven will be our Sun ang this time hindi ko na hahayaang may kumuha sa araw namin.