- Raven sky Zalvarez's POV -
" AYOKO nga sabi eh. A-YAW!!! " sabi ko tsaka lalong kumapit sa pinto ng classroom namin.
" Pwede ba Raven wag ka ng maarte!" sabi ni Barron tsaka ako hinatak. Aray naman. Asong pagalagala... Ang sakit na ng kamay ko ah!
" Hindi ako maarte. Ayoko nga" sabi ko pa tsaka kinagat yung kamay niya.
" WtH! Ano ba naman... Aso ka ba?" inis na sabi niya. Mukha ba kong aso? Sinamaan ko naman siya ng tingin.
" Hahahaha... " sabay pa kaming napalinggon ni Barron sa mga baliw na tumatawa.
" Bakit kayo tumatawa? Eh kung tulungan niyo kaya ko " sabi ni Barron na kulang nalang maglumpasay. Hahaha...
" Para ka kasing baliw " sabi ni Calvin na nakangisi.
" Anong parang baliw?! Hoi para ipaalala ko sa inyo... Blue dragons ang inasign sa make over netong si Raven. Sa lunes na yun oi!" sabi niya. Hahaha... natutuwa akong naiistress si Barron.
" Hindi naman kasi problema yan " sabi ni Vlad
" Panong hindi problema? Eh ayaw bumitiw ni Raven sa pinto. Ano isasama natin yung pinto sa Mall? "
pfffttt... naiistress na siya. Hahaha...
" woahhh " rinig kong sabi nila Zeke.
o///o
" Hoi ibaba mo ko! Oiiiiii" sigaw ko tsaka kinapay kampay yung paa ko. Nakapantalon naman ako kaya kerry lang.
Shemayy... alam niyo ba kung anong ginawa nila sakin?
Binuhat lang naman ako ni Caleb na parang sako.
" Oiiiiiiii... Caleb! Ibaba mo ko sabi eh " sigaw ko.
" Tsss... tara na " sabi lang niya na buhat buhat pa din ako. Alangan namang ganito ako hanggang sa mall?
" Ibaba mo na ko. Sasama na ko. " sabi ko. Binaba naman niya ko. Got yah... tatakbo na sana ko para tumakas kaya lang hinrangan ako nila Calvin.
Gulp... Napapalibutan na ko. Nyemasss.... Sipain ko kaya sa baba?
" Tsss... " sabi ni Caleb tsaka ako binuhat ng parang sa bagong kasal. May kumuha naman sa dalawang kamay ko tapos pinakapit sa leeg ni Caleb tsaka pinosasan. Wahhh pano ko tatakas.
" Oh ano tatakas ka pa? " sabi ni Caleb na nakangsi. Ang daya.. 1vs.9.
Asan ang katarungan? Asan?
" Tsssssss " yun nalang nasabi ko. Nakarating kami sa parking lot na karga karga pa din ni Caleb. tawa ng tawa naman tong mga unggoy na to
" Tameme si Raven oh " sabi ni Ryland
" Pano ang daya niyo!" sabi ko. Tinawanan lang ako ni Loki tsaka pumasok sa drivers seat. Sa iisang van nalang kami. Ano yan? Siksikan?
" Alisin niyo na to. Ano yan sasakay ako diyan ng ganito? " tanong ko na nakataas yung isang kilay. Nakakainis na make over to. Sino ba naman kasi nagsabing isali ako sa beauty contest nato. Hindi ko pinangarap sumali at masali dito.
" Ganyan na kayo" sabi ni Samir tsaka hinagis hagis yung susi.
" Wahhhhh... hindi na ko tatakas " sabi ko. Pero ang mga loko bumabawi ata sakin.
" Pshhh... " sabi ni Caleb tsaka sumakay na buhat pa din ako. Nahihirapan pa nga siya eh. Malamang naman diba? Katabi namin si Calvin tsaka Samir. Ako naman nakakandong kay Caleb
A-W-K-W-A-R-D!
" Ano... mabigat ako. Ibaba mo na ko.Di naman na ko makakatakas " sabi ko. Ang galing ko naman kung makakatakas pa ko diba? Umaandar na kaya yung sasakyan.
"Nahh... magaan ka lang. " sabi niya.
" Bwahahaha... Ayaw pa kasi magpahatak sakin eh" sabi ni Barron na nakikita ko na yung ngala-ngala kakatawa. What the heck!
" Heh! " ayon nanahimik na ko samantalang sila todo sa pang-aasar. Pano? Nagmumukha na kong kamatis sa pula... samantalang si Caleb nakapikit lang habang naka earphones.
" Andito na tayo! " sabi ni Loki. Kanya kanya naman kami ng baba. Sila lang pala...
" Oi Caleb pwede mo na kong ibaba. hehehe... di na ko tatakas. Di na din ako mangangagat. " sabi ko na pinagkikis pa yung mga palad ko kahit nakaposas pa.
" Hahaha... Asamin kaya yung susi. Wala sa kanya." sabi ni Samir tsaka pinaglaruan sa hintuturo niya yung susi. Humanda ka sakin pagnakatakas ako. Pako na ilalagay ko sa tinapay mo. Tsss...
" Ahemmm... Samir. Pwede paalis na? Ano kasi... " sabi ko kaya lang ang loko humalakhak tsaka tumakbo palayo. Baliw... Pano na ko T^T
" Tara na " sabi ni kiefer na O.A. makangiti. Wahhhh... Habang naglalakad sila papasok ng mall halos lahat naman pinagtitinginan kami. Malamang, Siyam na naggwagwapuhang lalake ang mainggay na naglalakad sa mall. Malamang pagtitinginan kami tapos ako karga karga pa ni Caleb na naka pocker face.
Sinubsob ko tuloy yung ulo ko sa dibdib ni Caleb. Sana walang makakilala sakin.
" Oi chansing oh!" sigaw ni Calvin. Naku humanda ka sakin mamayang baliw ka. Grrrr.... Pinagplapalanuhan ko pa kung pano sila papatayin ng may narinig akong nagsalita.
" Hi sweetie " rinig kong sabi ni Barron. Rinig lang, hindi pa din kasi ako lumilingon sa kanila.
" Oh hi Barron my loves " boses ng bakla. Walangyang Barron to pumapatol din sa bakla.
" May ipapaayos kaming mukha sayo" sabi ni Samir. Nilingon ko naman siya tsaka tinignan ng masama.
" Oh anong ibig mong sabihin? Sira ang mukha ko? " tanong ko sa kanya. Iba pinaparating niya eh.
" Hindi naman masyado " sagot niya. Tinignan ko naman siya ng 'prepare your self to die' look. At ang loko tinawanan lang ako. Pshhh... palibhasa asa kanya yung susi.
" Oh hi little baby na karga karga ni Papa Caleb " sabi sakin nung bakla.
" Hindi ako Baby? Lalong hindi ako little!" sabi ko. Isa pa to eh. Paguntugin ko kaya sila ni Barron...
" Hahaha... Osha mga papalicious ko. Ipasok niyo na yan sa loob. hahaha... kailangan pa ba namin ng kadena diyan ha? " sabi pa nung bakla. Pinagtutulingan talaga nila ko. Walang duda.
" Oo sana. Hahaha... Amazona to eh" sagot naman ni Loki. Hihirit palang ako ng pumasok na kami sa parlor ng baklang hindi ko alam ang pangalan tsaka tinangal ni Samir yung posas.
Sa Wakas!
Bumaba ako agad mula sa mga braso ni Caleb. Nagunat-unat naman si Caleb. Grabe... mabigat ba ko?
Tsss... kasalanan naman nila. Dapat hindi nalang nila ko pinosas.
" done!" sabi ni Zeke at Ryland na nakangisi sakin.
" Oi sumosobra na kayo ah. Bakit niyo ko pinosasan dito!!!" sigaw ko. Umakyat naman lahat ng dugo ko sa ulo nung napansin kong lahat ng costumer dito eh nakatingin sa akin. May naramdaman naman akong malamig sa may paanan ko.
" Para sure. Baka manipa ka eh" sabi ni Barron tsaka kumindat sakin.
Nilagyan niya ng parang kadena na ewan ung paa ko. Pshhh...
"Ano ba ?! " sabi ko. Parang wala naman silang narinig tsaka nagusap usap.
" Hmmm... ano bang gagawin ko? " tanong nung bakla.
" Gawin mong babae." sagot ni Caleb. Eh ano pala ko? Lalake? Sumosobra na sila ah. Sinubukan ko namang tumayo kaya lang di talaga kaya.
" Ano namang tingin mo sakin ha??! " sigaw ko. Wala na kong pakialam sa mga usisero. Napahiya na rin lang ako... ituloy tuloy na.
" Nerd... na AMAZONA " sabay sabay nilang sabi.
" Hahaha... awat na muna guys. Now... chupi na muna kayo boys. We will transform your little tiger into a beautiful lady like me. " sabi nung bakla. Ano namang plano nilang gawin sa mukha ko? Pipinturahan?
" Oh sige sige. Ikaw ng bahala diyan ah" sabi ni Zeke
" Unting inggat lang at nangangagat yan " pahabol pa ni Samit tsaka tumakbo ng tumatawa.
" Urggghhh... BALIW! " sigaw ko. Tawa naman sila ng tawa tsaka lumabas. Mga walang puso. Pagtritrupan ko talaga sila pag-uwi.
" So pano simulan na natin bebelabs!" sabi nung bakla.ay magagawa ba ko. Pinatangal naman niya yung salamin sa mga kasama niya para daw may surprise. Mukha nila!
" By the way bebelabs, My name is Kikay... As in sayaw kikay, sayaw kikay " sabi niya na kumakanta pa.
" Hindi bebelabs ang pangalan ko. Raven. " sabi ko. Kinuha naman niya yung mga gamit niya.
" Unahin muna natin ang hairlalu me ha. " sabi niya. Tumango nalang ako.
...
" Bebelabs gising kana. Daliiiiiiii"
pshhh... sino ba yung tumitili. Dinilat ko naman yung mga mata ko.
Wow ang ganda mo naman ate. Asan na ba ko?
Ai Oo asa parlor nga pala ko ni kikay.
" Ang ganda mo na no. Magkamukha na tayo ng face " sabi ni kikay. Nilingon ko naman siya.
" peram nga ng salamin" sabi ko. Mukha naman siyang balie na ngumisi ngisi.
" Ai bebelabs tulog ka pa ba? Ayan na oh... " tapos tinuro niya si ateng maganda kanina.
" O_O Anong ginawa mo sa mukha ko? " pasigaw na sabi ko. Inoperahan ba ko habang tulog? Bakit ibang tao yang nasa salamin.
" O.A mo teh. Ikaw yan!!! Shuganess bebelabs. That's what you called make over. Oha... " sabi niya na tinaas taas yung kilay niya.
" Were back! " rinig kong sigaw ni Calvin. Mga kahihiyan talaga tong mga to kung sumigaw eh.
" Buti naman naditech na kayo. Anihaw... Meet my bebelabs. Raven!" sabi ni kikay tsaka inikot yung upuan.
Natahimik naman sila. Wahhh... Abg sagwa ba? Humanda ka saking bakla ka... Grrr..
" Wow Raven tao ka na. Congrats " sabi ni Samir tsaka lumapit at inalis yung mga posas.
" Aray " sabi niya. Binatukan ko kasi siya agad pagkakalas nung posas.
" Pssshhh... lalo ngang gumanda, Amazona pa din " sabi ni Caleb.
" Sayang sayang. Ok na eh. Hahaha... " sabi ni Barron.
teka teka? Anong sabi?
" Hoi anong sabi mo? " tanong ko sa kanila. Inakbayan naman ako ni Loki.
" Asus gustong mapuri ulit. Tara bibili pa tayo ng damit mo" sabi niya.
" Salamat Kikay ah. " sabi ni Barron
" No problem papa barron ko!" sabi niya. Nung nakalayo na kami lumapit ako kay Barrontsaka siya siniko.
" Awww... para san un? " tanong niya.
" Namamakla ka pala " sabi ko.
" Sira pinsan ko yun. " sabi niya. May humatak naman sa kamay ko tsaka kami pumasok sa isang botique. Si Ryland pala.
Mukhang nmahaba mahabang araw pa to.