Chapter 20: Unexpected Date

1734 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV- " Ayoko diyan " sabi ko sabay hatak ko kay alikabok. Nagyaya kasi siyang kumain at dahil nga sa wala akong dalang pera Omo-oo nalang ako. Papasok kasi kami dapat sa isang 5 star restaurant kaya lang ayoko diyan. " Saan tayo kakain? " tanong niya tsaka nagkamot ng batok. Sa kainan, malamang. " Dun tayo " hinatak ko na siya papasok sa isang eskinita. Maya maya nakarating na kami sa karinderya ni Manang Lucy. Dito kami madalas kumain ng mga kapatid ko. Dati kasi naming katulong si Manang Lucy tapos nagtayo siya ng negosyo niya. Nakakamiss kaya yung luto niya. " Hi Manang Lucy!" bati ko sa kanya nakatalikod kasi siya sakin. Napangiti naman siya nung nakita ko. " Aba Sky... ngayon ka nalang ulit nagpunta dito ah. Asan sila Rhain?" tanong ni Manang sakin. " Iniwan po ko ni Rhain dito manang. " pagsusumbong ko. Natawa naman si manang. " Naku ikaw na bata ka... hanggang ngayon hindi pa din kayo nagbabago. " sabi niya. " Ahemmm " pagpapapansin ni Alikabok. Ai may kasama pala ko. Lumapit naman siya sakin tsaka bumulong. " Dito tayo kakain? " tanong niya. Tumanggo naman ako. " May kasama ka palang gwapo iha Ipakilala mo naman sa akin yang Boyfriend mo. Dalaga ka na talaga." sabi ni Manang. Napanguso ako sa sinabi niya. " Manang Lucy, Hindi po siya gwapo. At lalong HINDI ko po siya Boyfriend " sabi ko. Tumawa naman si Manang. " Gwapo kaya ko. " sabi ni Alikabok. " Hoy Alikabok! Hindi ka gwapo ok? Mas gwapo kaya sayo si Caleb " pang-aasar ko. Para naman siyang bata na nagpapadyak ng paa. " Mas gwapo ko dun. Ako kaya yung pinakagwapo " sabi niya. Hinatak naman niya yung babaeng nakapila para umorder. " Diba Miss gwapo ko? " tanong niya sa babae tsaka nginitian. Aba naghanap pa ng kakampi. " Hah? Ah Oo! " sabi nung babae. Hinatak ko naman siya tsaka binatukan ng sobrang lakas. Sayang di nalaglag yung ulo niya... " Aray... nagselos ka naman " sabi niya kaya ayun natapakam ko yung paa niya sa inis. " Hahaha...ang sweet niyo namang dalawa" sabi ni Manang Lucy. Inakabayan naman ako ni Alikabok. " Ano po manang bagay po kami no?" malokong sabi ni Alikabok. Susunugin ko na to ng buhay eh. " Oo naman iho... " sabi ni Manang. " Hayyy naku manang paorder nalang po ng dati naming order ni Rhain. Dalawa po. Upo muna kami ah " sabi ko. Tumango naman si Manang kaya nagpunta na kami sa bakanteng lamesa. " Ayiiieee di umangal " sabi ni Alikabok. Maasar nga. " Why would I? Bagay naman talaga tayo. " sabi ko tsaka nilapit ko pa yung mukha ko sa mukha niya. Pfffttt... Hahaha... " You should see your face! Pwede ka pala mamula ng ganyan? " tanong ko. Mukha naman siyang natauhan. " Tskkk... gusto mo lang eh. Tsaka di tayo bagay. Tao tayo " sabi niya. Sakto naman dumating yung order namin. Yummmyy! Adobong baboy/manok with egg. Tapos kanin. And last orange juice. Hehehe... Yeah normal na pagkain lang yan kaya lang masarap kasi si Manang Lucy ang nagluto :) " Ligtas ba to kainin? " tanong ni Alikabok. Ang arte naman ng dustin na to. " Oo. Kumain ka na lang. Masarap yan" sabi ko tsaka kumuha ng ulam. Kumain naman na din siya. " Oo nga pala kailan ka pa gumaling? " tanong ni Alikabok. " Nung friday. " sabi ko. Lagnat lang naman kasi yun tsaka di naman ako sakitin. " Eh bakit di ka umuwi sa dorm kahapon? " tanong niya. " Sabado kaya kahapon. Wala pa namang pasok eh. Bakit ba? " tanong ko. May nangyari ba nung wala ako? " Wala. Namiss ka lang namin " deretsyong sabi niya. Mayamaya parang natauhan naman siya sa sinabi niya. " A-ano kasi wala kaming maasar tapos ano walang mainggay. " sabi niya. Natawa naman ako. Hahaha... " Ayaw pa umamin. Hahaha... " sabi ko. " Oo nga pala nag-usap na ba kayo nila Caleb " sabi ko. Nasabi kasi sakin ni Rhain na nakausap niya si Caleb. Medyo nauubos na din kasi yung oras ko. Ang sabi kasi sakin ni Papa kapag di ko pa sila napagbati bago matapos ang sem, ikikick-out na daw niya yung buong block A. Well, kung noon ok lang sakin ngayon... hindi na. Pano ba naman kaibigan ko na din naman sila. " Hindi eh. Hindi kami nagpapansinang lahat, Awkward. " sabi niya. " Why don't you try to talk to him?" tanong ko tsaka sinubo yung pagkain ko. " Hindi ko alam kung pano. " sabi niya. Psshhh... mukhang kailangan ko ng gawin ang plano namin ni Rhain. " leave it to me. Just listen. Nga pala bilisan mo at maggrogrocery tayo ng pasalubong kina Allen. Baboy pa naman yun. " sabi ko. Binilisan nalang namin yung pagkain. " Manang Lucy alis na po kami ahhh" sabi ko tsaka inabot yung bayad " Ah sige iha. sa Susunod isama mo ulit si pogi ah " sabi niya pa. Ngumisi naman yung katabi ko. " Sige po manang Salamat po" sabi ni Alikabok. Naglakad nalang kami papuntang mall kasi wala ding dalang sasakyan si Alikabok tsaka malapit lang naman. ... " Oi wag yan " sabi ko tsaka binalik yung kinuha niyang gummy bear. " Masarap yan. " sabi niya. Aba ayos to ah. Parang lahat ng pagkain na madaanan namin nilalagay niya sa cart. " Pshhh... Ang dami mo ng nilagay. Makakain ba natin lahat yan? " sabi ko sa kanya. " Oo. Andyan kaya ai Allen. Tsaka ako naman ang magbabayad. " sabi niya. At dahil siya nga ang magbabayad Omoo nalang ako. " Punta tayo dun" sabi niya tsaka tinuro yung photo booth. " Ikaw nalang " sabi ko na busy sa pamimili ng pancakes. " Tara na. " sabi niya tsaka ako hinatak. Iniwan pa namin yung cart. Sana walang kumuha nun. Pumasok kami dun tapos nagpipipindot siya. " Tatlong pictures to ah. Umayos ka. " sabi niya. " Mukha mo ang ayusin mo " sabi ko. Maya maya tumunog na yung machine kaya nagready na kami. Yung unang picture seryoso kaming dalawa. Dikit na dikit nga lang kami. Pano ang lapit namin sa screen. Baliw kasi tong kasama ko. Para daw makuhaan yung buong mukha niya. Yung pangalawa wacky. Mukha siyang timang. Nakalabas kasi yung dila niya with matching todo nganga tapos ginawa pa niyang sungay yung dalawa niyang kamay. Ako mukhang ewan. Pano natatawa ko sa mukha niya eh. Pinapakita kasi sa screen yung itsura nung picture. " Bwahahaha... mukha kang baklang baliw! " sabi ko. " Heh. Tumigil kana ayan na oh " sabi niya. Hehehe... maasar nga. Inalis ko yung clip ko tsaka ilalagay sana sa buhok niya, kaya lang ayaw niya. Asa siyang magpapatalo ako. No Way. Hugis puso kasi tong clip. Bagay sa kanya. Hahaha... Para kompleto yung picture. Kakaabot ko sa ulo niya hindi sinasadyang napasandal ako sa pader tapos.. tsup... 0_0 ---- siya 0//////0 --- ako. D*mn. That's my first. Waaahhh... Napatulala ako. Literal... Natapilok kasi si Alikabok sa paa ko kaya nasubsob siya. " Ahhhmmm... Sir, Ma'am tapos na po yung picture niyo" sabi nung babae. Lumapit naman si Dustin sa kanya. Hala ano daw tawag ko... oo si Alikabok. Tama alikabok. " Ta-tara na... " sabi naman ni Alikabok. Tumango naman ako tsaka namin binalikan yung cart. Buti nalang walang kumuha. " Bayaran na natin " sabi niya. Tumanggo nalang ako tapos siya na nagtulak nung cart. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh. Pumara kami ng taxi. Waahh awkward. " ano... so-sorry " sabi niya. Ha? Ano bang sasabihin ko? WTH Raven asan na ang coolness mo? " Ah wala yun. Parang kiss lang eh... Hahaha... " sabi ko. Oo nga. Aksidente naman yun eh. Hindi counted yun. " Oo nga. Hahaha... " Awkward na tayo ni Alikabok. Pagkadating namin sa Apollo U. dumeretsyo na kami sa Block A mansion. Hindi pa ko nakakapasok narinig ko na si Wendell na sumisigaw galing sa taas. " Andyan na si Raven! " sigaw niya na nakadungaw sa bintana. Para namang may rally na nangyari sa loob kasi naririnig ko yung takbuhan nila. ok? Anong meron? " Waahhh... Raven namiss kita " sabi ni Dash na niyakap ako agad pagkabukas ko ng pinto. Hah? Bakit ilang taon ba ko nawala. May humatak naman kay Dash. " Oi nasasakal na " sabi ni Calvin. Akala ko pa naman ok na kaya lang niyakap din ako ni Calvin. Tignan mo to... mas mahigpit nga yung yakap niya eh. " Mas namiss kita " sabi niya. Ano bang nangyari sa mga to? " Group hug nalang para walang daya" sigaw ni loki. Yumakap naman yung buong Blue Dragons sakin maliban kay Caleb. Wala akong masabi... Baka maling bahay tong napasukan ko. " Oi kami naman. Sinosolo niyo " sabi ni Dylan tsaka hinila sila Ryland. Niyakap naman ako ng red dragons. " Wow... ilang taon ba ko nawala? " tanong ko sa kanila pagkabitaw nila sakin. Dumating naman na si Alikabok na dala dala yung pinamili namin. Hehehe... nakalimutan ko siyang tulungan. " Magkasama kayo? " tanong ni Eion. Naalala ko naman yung kanina sa Photo booth. " Ha? Oo. Nagkasalubong kasi kami. Binilhan na din namin kayo ng pagkain " sabi ko. Bigla naman akong inakbayan ni Allen. " Sabi ko nanga ba mas love mo ko sa kanila eh. " sabi ni Allen. Parang ang sinabi ko ata "kayo" hindi lang kanya. " Ang sabi ko "kayo" hindi sayo. " sabi ko. Kaya ayun nagtawanan sila. Hahaha... Mas masaya siguro kong di na sila ilang sa isa't isa. " Anf daya... Bakit kayo nagdate niyan ni Dust? Dapat ako din idate mo" sabi ni Barron? Date? Date ba ang tawag dun? " Hindi kami nag date. " sabi ko. Nakita ko lang naman siya sa park. Tapis kunain lang kami sa labas. Kumuha ng pictures tapos nag-grocery. Date ba yun? Speaking of picture... Asan na kaya yung picture namin? Haissttt... hayaan nanga. " Kami ba di mo namiss? " tanong ni Wendell. Ano bang sasabihin ko. I just shrug my shoulder. Hahaha... bahala sila. Pero sa totoo lang... Namiss ko tong mga psycho na to. Minsan nga di ako babalik ng isang buong linggo. Mas bumabait sila pagnawawala ako eh :-)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD