Chapter 1: Apollo University

705 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV - Naranasan niyo na bang mapag-usapan kahit nasa harap lang kayo nung nag-uusap? Ako kasi, Oo. "What?" sigaw ni Rhain na nagpasakit lang sa mga tenga ko. Hindi naman ako umimik dahil lalo lang siyang magwawala kapag nagdahilan ako at isa pa, sila naman ang nag-uusap. Hindi ako kasali. "Rhain calm down, ok." sabi ni Daddy na pinipilit paupuin si Rhain. Wish him luck though, sa aming magkakapatid, si Rhain ang biniyayaan ng hyper cells. "No, Daddy! No one will calm down. Naman eh! Why niyo ipapadala sa Apollo University si Sky? Duh? It's an ALL BOYS SCHOOL. Walang babae. As in WALA. Then you want me to calm down kasi ipapadala mo ang kakambal ko sa school na yun? No way. No freakin' way. NEVER, hindi ako papayag!" Kanina pa sila nagsisigawan. Minsan tuloy naiisip ko na baliw na silang dalawa. Magkatapat lang naman sila pero kung magsigawan sila ay aakalain mong nasa mag-kabilang ibayo sila ng isla. Isa pa, masakit sa ulo yung sentence construction ni Rhain. "Hindi naman siya mapapaano dun. I just need her to look after block A." sabi ni Daddy. I agree on that part. Mukha namang hindi talaga ako mapapano doon dahil unang una sa lahat, eskwelahan pa din yun. "Eh bakit si Sky? Tsaka duh marami namang studyante dito sa Artemis University. Bakit siya pa?" Reklamo pa din ni Rhain. Hindi siya basta-basta magpapatalo. "My decision is final. Wala naman akong maasahan dito sa buong university bukod sa inyong dalawa. Hindi naman kita pwedeng ipadala at baka landiin mo lang ang mga lalake dun." pffttt... Doon naman ako natawa sa sinabi ng tatay ko na baka landiin na lang ni Rhain yung mga lalake doon. Posible pero hindi naman dahil malandi ang kakambal ko. Likas na kasi siyang malambing kaya madalas na mimimis-intepret siya. Ganoon pa naman ang lipunan, they conclude before anything else. "What? Landiin? I'm maarte but never malandi ok? Sila ang lumalapit sa akin. Kasalanan ko bang maganda ako? Daddy please! Hanap ka na lang ng iba " depensa pa ng kakambal ko sabay habol ng pakiusap niya. Bahala na nga silang dalawa basta ako matutulog na lang. Humiga ako sa sofa ng office ni Daddy. Our father, Vince Zalvarez, is the school owner of Artemis University and Apollo University. Artemis University is an all girls school, while the Apollo University is an all Boys School. Malay ko sa tatay ko kung bakit pinaghiwalay pa niya yung dalawang University, basta ang alam ko simula nang mag-kaisip kami ni Rhain ay magkahiwalay na talaga yung dalawang university. Tapos ang gusto niya ay ipadala ako sa Apollo University para patinuin ang isang section na nagpapasakit sa ulo niya. Eh kung i-expel niya lahat ng pasaway edi tapos na ang problema niya at paniguradong pati negosyo niya ay tapos din. Kaso, hindi naman niya magagawa yun. Money matters, that's how influential it is. "Hoy, Sky help me kaya na ipagtanggol ka." sigaw sakin ng baliw kong kakambal. Kumapit pa siya sa kanang braso ko. Fraternal twin kami ni Rhain kaya hindi kami masyadong magkamukha. Heaven Rhain Zalvarez, maarte at kikay. Obvious naman hindi ba? Masakit siya sa ilong kausap dahil sa may pagka-conyo nga siya at madalas siyang may "duh" sa mga sentences niya pero mabait naman yan. Hindi siya nangangagat, yun na ata ang pinaka magandang description sa kanya. "Tignan mo, hindi nagrereklamo yung kakambal mo. Hindi ba Sky? " tanong ni Daddy na hindi ko naman pinansin. Bahala silang dalawa sa pinagtatalunan nila. "Malamang kasi tamad magsalita to eh." sabay turo sa akin ng madadal kong kakambal. May mga pagkakataong nakakaaliw talaga sila panoorin, mukha kasi silang mga may toyo sa utak. "At ikaw masipag magsalita?" pffttt... Lumabas na lang ako ng office ni Daddy bago pa ako matawa ng tuluyan. Pupunta na ako sa dorm namin ng baliw kong kakambal, panigurado namang si Daddy ang mananalo sa debatehan nila. Sino bang may hawak ng allowance namin? Hindi ba si Daddy kaya automatic na na siya ang mananalo. Hindi na din ako umayaw sa gusto ni Daddy, bakit? Wala, siguro para may thrill? After all, baka ito na ang magbigay ng kunting excitement sa buhay kong wala man lang kabuhay-buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD