Chapter 2: First Day

1176 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV – "Oh my gosh twiny... Mamimiss kita" sabi ng OA kong kakambal. Parehas pa din naman kaming nasa Pilipinas kaya hindi ko maintindihan kung bakit maluhaluha na siya ngayon. "Stop it. Uuwi naman ako tuwing weekends" sabi ko sa kanya. Paano ba naman kasi nilalaro niya yung buhok ko. Tsss.. "Eh kasi... You should make angal to daddy." sabi niya pa na sinabayan niya ng padabog na pag-upo sa sofa. Nasa iisang dorm lang kami ni Rhain at dahil sa aalis ako, wala na siyang ka-roommate. Maraming kaibigan si Rhain pero sumpa man, hindi mo gugustuhing kasama siya pag bagong gising kaya mukhang magiging mag-isa siya sa dorm na ito ng matagal-tagal. "Hindi naman tayo mananalo sa kanya. Tsaka thrill na din to. Ang boring kaya dito sa Artemis University. Lahat nalang nakukuha natin. At least doon hindi nila alam na anak ako ng may-ari ng school kaya pwede akong magpasaway." sabi ko sabay niya. Oh yeah, hindi lang si Rhain ang may pagka-childish, pati ako. Ang pinagkaiba lang si Rhain lantaran samantalang ako pag kami lang or tuwing ka-close ko lang ang kaharap ko. Mas maganda na yung takot sakin yung iba para hindi ako madikitan ng mga plastic. Laganap pa naman sila ngayon sa mundo. "Heto na naman tayo sa thrill thrill na iyan eh. Hindi ko talaga gets yang trip mo." sabi niya. Sasagot pa sana ako kaya lang may kumatok na kaya napatingin kaming dalawa sa pinto. * knock knock * "Ms. Sky, nandiyan na po yung maghahatid sa inyo." sabi ng isa sa mga butler ni Daddy. Madami siyang butler kaya isa. Minsan iniisip ko din na O.A. mag-hire ng butler si Daddy. Kinokolekta ata niya yung mga yun pero kung sabagay din naman, at least may nagagawa siyang may sense. Nakakapagbigay siya ng trabaho. "Oh my gosh! Oh my gosh! Eto na ang moment of truth! Wait i-peprepare ko lang ang luha ko. " sabi niya na pinapaypay yung kamay niyang may mahahabang kuko. Errr... ang arte talaga. "Pffftt... Tumigil ka nga. You look stupid." sabi ko na palabas ng pinto. Kinuha na kasi ng butler ni daddy yung mga gamit ko. "Ah stupid pala ah! FYI ma-miss mo din ang stupid na tulad ko. Wala nang gigising sayo tuwing umaga, you're so hirap pa naman gisingin. Wala nang magpreprepare ng home made foods kasi mortal enemy kayo ng kitchen. Wala nang mag-aayos sayo. Magmumukha kang basahan. Wala nang magpapaalala sayo na bawal ka sa strawberry. Wala nang... " " Shhhh ... " inawat ko na. Ang dami pa niyang sasabihin eh. Tsaka nasa tapat na ko ng kotse namin. "No worries Rhainie. Kaya ko. " sabi ko. Napa-pout naman ang bruha. Ayaw niya kasi na tinatawag ko siyang Rhainie. Mukha talaga siyang bibe kapag ngumunguso siya ng ganyan. Bibeng nakalip tint. "Skyie naman eh." sabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parehas kaming tumawa. "Hahaha. Fine, fine aalis na ko. I'll text you later kapag nakarating na ako." sabi ko. Nang makasakay na ako sa back seat, pinaandar na nung driver yung sasakyan. Sinenyasan ko kasi agad yung driver dahil hihirit pa yun si Rhain kung nagkataon. Baka di na ko makaalis --- "Bawal ka po dito Miss." sabi sa akin nung guard nang papasok na sana ako sa gate ng Apollo University. Inabot ko naman sa kanya yung registration form ko. Kumunot pa yung noo niya tapos tinitigan ako. Naman eh. Sipain kaya kita kuya? "Miss, all boys school po dito." sabi niya kaya tinignan ko siya ng seryoso. Alam ko naman. "Alam ko po." sagot ko. Ano namang akala sa akin ng guard na to? Hindi marunong magbasa? "Manong, Nakita mo po ang nakasulat diyan? 3rd year, block A" sabi ko pa. Tsk... Bakit hindi man lang ininform ni daddy si Manong. Siya nga itong nag-utos sa akin. Kapag ako tinamad babalik nalang ako sa Artemis OR wawasakin ko tong pesteng gate na to. Nakatinggin lang ako kay manong guard nang may nagsalita sa may likudan ko. "Manong Jeff, SHE'S our new student " lumingon naman ako sa unggoy na nagsalita sa may likuran ko. Boses pa lang, Si kuya Tim. Hindi ko siya kapatid pero boyfriend siya ng ate ko. Apat kaming magkakapatid, boyfriend siya nung panganay namin na si ate Myrtle, ang maria clara ng 21st century. "Ah ga-ganun po ba sir? Pasensya na po ma'am pasok po." sabi niya sabay bukas ng gate. Sana pala sinira ko yung gate para mas masaya pero sa kabilang banda, huwag na pala. Bawas allowance lang yun. "Tara na, Ms. Zalvarez." sabi ni kuya Tim. Formality, mayroon pala siya nun? Noong nakapasok na kami ng office niya bigla niyang ginulo yung buhok ko tsaka ngumiti. Ginawa pa akong aso. "Namiss kita, bunso." sabi pa niya sakin. Parehas na bunso ang tawag niya sa amin ni Rhain. "Feeling kapatid?" sagot ko na nakangisi. Well, ok lang naman. Boto ako sa kanya eh. Trip ko lang siyang asarin dahil unang-una, isa siyang patola. "Time will come. Oo nga pala, No one knows na anak ka ng may-ari ng school kagaya ng gusto ni Daddy." talagang feel na feel niya ang pamilya namin at nakikitatay na siya. "Wag ka ng umangal. I love your sister and time will come magpapakasal din kami " sabi pa niya. Alam niya kasing aangal pa ko sa kabaduyan niya pero angal lang naman. "Time will come mababagok siya at papalitan ka din." pang-aasar ko sa kanya. "If that hapens, liligawan ko ulit siya. Kaso wag naman. Ang hirap kaya ligawan ng ate mo." sabi niya na nagpatawa sa akin. Mabalik na nga sa topic baka matuwa ako at makalimutan kong may pinapagawa sakin. "Oo na nga lang. Tara na sa room. Knowing Daddy alam kong ikaw ang adviser namin." tumanggo naman siya at binuksan yung pinto. "Alien ulit tayo sa isa't isa, Ms. Zalvarez." sabi niya. Yeah, I know. Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Kahit saan ka pumunta, nagkalat ang mga lalake. Naman Sky, all boys school nga eh. May mga nakatambay sa hallway na nakatingin sa akin. Naka uniform kasi ako ng Artemis University. Paano ba naman, wala silang uniform for girls kaya eto na ang pinagamit sa akin. "Ms. Zalvarez, I just want to warn you that this block is the worst section in Apollo University. " paalala niya na nakangisi. Wow kuya Tim! Ako pa tinakot mo? Noong malapit na kami sa pinto may narinig kaming kalabog galing sa loob. "Oh... Timing. Makikita mo sila magbasag ulo." bulong sa akin ni kuya Tim. Tumingin na lang ako sa may pinto. Naririnig ko pa din yung ingay nila sa loob. Nagbabatuhan ba sila ng upuan? Ang ingay. May naririnig pa kong nabasag na salamin o kung ano man yun. May sigawan din at kung anu-ano pa. "Ready?" sabi ni kuya Tim. Napalunok ako dun. Aba, kayo kaya makarinig ng ganung mga tunog. "Yeah." sabi ko kaya binuksan na ni Kuya Tim yung pinto. OH CRAP! Eto na ata yung excitement? Aatras na ba ko? ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD