- Raven Sky Zalvarez's POV-
Literal na nanlaki yung mga mata ko pagkabukas ni Kuya Tim ng pinto. Classroom pa ba ang tawag dito? Basag na yung bintana. Wala sa ayos yung upuan, sira pa nga yung iba eh. Yung mga studyante nagsusuntukan. May ilang nag checheer at may ibang nang-aasar lang.
"Ahemm." tikhim ni kuya Tim. Hindi siya pinansin ng mga studyante at nagtuloy sa pakikipagbakbakan. Malamang kasi naman sa ingay nila, malabong marinig siya. Napaatras ako nung kinuha ni Kuya Tim yung pinakamalapit na upuan sa amin tsaka yun binalibag.
Blag!
Napalingon lahat ng studyanye sa amin. What the heck is wrong with us? Mukha silang papatay.
"Sit down." sabi ni Sir Tim. Napapa-sir tuloy ako ng wala sa oras. Tumayo naman yung mga lalake at inayos yung pwede pang upuan. If I am my Dad, ipapa-expell ko silang lahat o kaya itatali tuwing may klase. Sayang sa gamit yung mga nasisira nila.
"You have your new classmate." sabi ni Sir Tim. Hindi man lang ba niya tatanungin kung sino nagumpisa ng away?
"Nasaan sir?" tanong nung lalake sa likod. Bulag ba siya? Nandito lang ako sa harap eh. At bakit siyang nagsisigarilyo sa loob ng classroom?
"Dylan, smoking is strictly prohibited in this school." sabi ni Sir Tim na hindi naman pinansin nung lalake. Mukhang mahihirapan ata ko dito ah.
"Sino nga sir?" tanong pa nung isang lalake. Malamang puro lalake sila. Ow, my common sense is fading.
"She's your new classmate." sabay turo sa akin ni Sir. Sinenyasan naman niya akong magpakilala.
"I'm Raven Sky Zalvarez." sabi ko. Sumigaw naman yung nasa harap kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit ang pangit mo?" sigaw niya kaya nagtawanan ang buong klase. Okay, ang babaw. I mean, people should not based on what they see all the time.
"Ikaw, bakit mukha kang unggoy?" tanong ko pabalik. Hindi ko mapigilan eh. Isa pa, mukhang hindi ko mapapatino itong mga ito sa santong dasalan. Dapat sa kanila PASPASAN! Nagtawanan naman yung buong klase. Ow great!
"Tahimik. So she's an exchange student from Artemis University. Dito muna siya for the whole semester." sabi ni Sir Tim. Isang buong sem kasama tong mga unggoy na to? Well, Goodluck sa KANILA.
"Tsk.. Magkakababae na nga lang sa school na to, nerdy pa." sabi nung isang lalake sa may tabi ng bintana. Naka-nerdy out fit nga ako. Syempre baka may makakilala sakin, mahirap na. Masisira lang yung plano ko. Tinignan ko naman yung lalake, kung makapagsalita, may pasa nga siya sa may tabi ng labi eh. Weak.
"Better to be nerd than an idiot." sabi ko na tinignan pa siya simula paa hangang sa ulo. That is the best way to insult people. Kumunot naman yung noo niya.
"Sumasagot, Dust." sabi nung katabi niya sabay ngisi sakin.
"Malamang may bibig ako. Don't you guys know the word 'common sense'?" sabi ko. Ngumuso naman sa akin yung katabi nung alilabok. Dust? Sino namang nanay ang magpapangalan sa anak niya ng alikabok? Oh yeah, sky nanay niya. Now, I'm talking to myself.
"Ms. Zalvarez, please take your seat." sabi sa akin ni Sir Tim. Naghanap naman ako ng matinong upuan at umupo sa may likod. I don't think this is considered as matinong upuan. Wala pang 5 minutes nung umupo ako at magdiscuss si kuya Tim nang may nambato sa akin ng papel. May laman pa nga na pambura iyon kaya masakit. Batuhin ko kaya sila ng granadang binalot sa papel.
Noong lunch time naman, nagpunta muna akong canteen. Hindi ako makapunta ng dorm ko kasi wala pa kong dorm assignment. Nakakatuwa hindi ba? Sobra. Nanibago ako kasi puro lalake ang nakikita ko sa school na to samantalang sa Artemis ay puro babae.
"Siya ba yung sinasabing babae dito sa school?" rinig kong bulong ng isang unggoy.
"Oo eh. Akala ko nga heaven na at may babae dito kaya lang pangit pala." Napapataas na lang yung kilay ko habang naglalakad. Kung sino pang-pangit siya pang malakas manglait eh.
"Sayang." Sagot pa nung isa. See? Kung si Rhain ang nandito baka napagtripan na siya ng mga unggoy na to. Isa pa, ngayon ko napatunayan na hindi lang pala kaming mga babae ang mahilig sa tsismisan.
"Ms., bakit mag-isa ka?" tanong nung lalake tsaka tumabi sakin. Ka-block ko to. Pamilyar yung mukha niya eh.
"Kasi wala akong kasama." why do people ask obvious questions anyway. Kung may kasama ako edi hindi na ko mag-isa?
"Errr... Pilosipo. Nga pala, I'm jeth, SC vice-president" pakilala niya sa akin.
"Malayo pa ang eleksyon. Next time ka na mangampanya." sagot ko na nagpatawa sa kanya. Baliw.
"Hahaha... Grabe ka nangagampanya agad? Nakikipagkaibigan lang." sabi niya kaya hindi ko na inimikan. Maya-maya may dumating na mga lalake na sa tingin ko eh kaklase ko din.
"Hoy Giovanni, nandito ka lang pala." sabi nung bagong dating tsaka inakbayan yung Giovanni daw, baka second name niya.
"Umayos ka Alfonso!" sabi naman ni Jeth. Alfonso?Ang ingay nilang dalawa.
"Shut up your f*****g mouth." sigaw nung isa. Ah si alikabok pala.
"Dust naman. Highblood." sabi nung isa. Apat silang magkakasama. Apat na unggoy, lahat baliw.
"Shhh... Magpakilala nga kayo." sabi ni Jeth sa mga kasama niya. Hindi ko alam kung bakit sila magpapakila.
"Ah, oo nga pala. I'm Dash." sabi nung lalakeng kasama ni Alikabok, akala ko ba Alfonso ang pangalan nito? Second name din?
"East." sabi nung isa. Eto naman mukhang tahimik.
"Dust." sabi nung alikabok. Gusto ko sanang sabihing 'Ah Oo ikaw yung pinangalan ng nanay mo ng alikabok' kaya lang nanahimik na lang ako. Sabi nga nila, less talk, less mistake.
"Kami ang officers ng student body so if you need something, sabihin mo lang." sabi ni Jeth. Head, officer? Eh sira pala ang ulo ng student body. Tumango na lang ako at tumayo. Anyway time naman na kaya babalik na lang ako sa room.
* wonder pets 2x, kikilos na... Tutulong sa kaibigan...
Message tone ko. Walang basagan ng trip
From: Rhainie
Yow, twiny how's your day?
Wala pang isang buong araw nag-text na siya. Wala na naman tong magawa sa Arthemis.
To: Rhanie
Fine. So far.
Pagkasend ko nun, pinatay ko na agad yung cellphone ko. Tatawag yun eh. Paano ko nalaman? Gawain niya kasi yun kahit dati pa. Magte-text tapos biglang tatawag. Pagpasok ko sa room napatunayan ko na ...
...this block is a block of disaster...
----