- Raven Sky Zalvarez's POV -
"Oh nandito ka na pala." sabi nung isang lalake na may hawak sa bag kong ginupit gupit nila. Mabuti na lang sa divisoria ko lang binili yan. Agaw pansin kasi kapag branded ang gamit ko at baka maholdap pa ako. Hindi hamak naman na mas mahalaga ang buhay ko kaysa sa bag. Nakita ko yung notebook ko na cover na lang ang natira. Obviously, nagbatuhan sila ng papel. Kawawang mga puno, sinayang lang ng mga unggoy na ito yung papel. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo sa may upuan ko. Nakapangalumbaba ako habang sila nag-iingay. Patience sky, PATIENCE. Hindi na virtue ang patience ngayon, it's a must na.
"Good afternoon class." bati sa amin nung professor pagkapasok niya. Masyado siyang seryoso kung titignan.
"Ok, assessment tayo. Get one whole sheet of paper." sabi niya habang kinukuha yung marker niya.
"Ano ba yan? Quiz na naman?" rinig kong reklamo ng isa sa kanila.
"Tsk... Sir Arthur naman."
"Pass muna."
Angal ng mga kaklase ko. Late na ko nakapag enrol dito. One week na sila nagstart ng klase kaya hindi na nakakapagtaka na assessment na agad ang bumungad sa akin pero sa reaksyon nila baka naman araw-araw nagpapa-assessment tong si Sir.
"One more complaint and you'll answer a hundred item test." sabi nung Prof. Arthur daw. Nagsilabasan naman sila ng papel at ballpen samantalang ako nakatungaga lang. Malamang naman di ba? Wala akong papel at ballpen. Sinira na ng mga unggoy eh. Maya-maya nagsimula na si sir magsulat ng equations. So statistic pala ang subject niya.
"Ms. Zalvarez, I know you are new but still you are not exempted to the assessment test." sabi niya na nakatingin sa akin. Tinignan ko lang siya. Oh tapos? This may sound rude pero wala akong sinabing excempted ako.
"I don't have a pen as well as a single paper. Some monkeys became wild and ruined it." sabi ko. Nagsitinginan naman yung mga kaklase ko sa akin. Why? I'm just telling the truth here. Unggoy sila tapos naging wild sila kaya pinaglaruan nila yung gamit ko na nananahimik sa upuan ko tapos ngayon eto ako at walang magamit.
"Answer this. Now!" sigaw sa akin ni Sir Arthur. Tinignan ko naman yung equation. Ako pa ang hinamon niya sa math.
Hah.
I love Maths but Maths HATES me. So yeah, anong alam ko diyan? Si Rhain nga ang gumagawa ng assignments ko eh.
"I don't know how, sir." sabi ko. Nagtawanan naman yung mga kaklase kong baliw.
"Naturingang nerd hindi alam yung sagot!" sigaw nung isa. So pagnakasalamin matalino agad-agad? May sinabi ba akong isa akong nerd? Stereotyping tong ginagawa nila ah.
"I may look like a nerd but I'm not. And sh*t guys shut up your mouth!" Sabi ko. Patience please.
"Watch out your mouth, Ms. Zalvarez." Grrr...
"Ako na sasagot, Sir." sabi nung isang tahimik sa likod. Dalawa silang magkamukha, kambal sigurado sila.
"Sure Caleb." sabi ni Sir. Wala pang one minute tapos na niya sagutan yung equation. Tsss. Kanina pa siguro siya nagsasagot sa upuan niya.
"Simple right?" sabi niya sabay ngisi sa akin. Ang yabang no?
"Oh tapos?" tapos inirapan ko siya at umupo na. Hindi ko lang alam kung kita yung pag-irap ko. Ang laki kasi nitong salamin ko. Sinadya para daw matakpan yung halos 1/4 ng mukha ko.
Pagkatapos ng klase namin sa math ay may tumabi sa akin.
"Dylan is my name." pakilala niya.
"No one asked for it." sabi ko. Eto yung kanina pa nang-aasar sa akin eh.
"Maganda lang ang may karapatang magtaray, ikaw wala." sagot niya sa akin kaya napairap ako bago sumagot.
"Gwapo lang ang pwede mag yabang, ikaw HINDI." sabi ko na super diin ng salitang hindi. Wala sa bokabularyo ko ang magpatalo. Pero keme lang yun. Gwapo siya, actually lahat sila kaya lang kung anong ginanda ng mga mukha nila, siyang pinangit ng ugali nila.
"Tss.. Buti nga kinakaibigan kita." sabi niya. So pakikipagkaibigan ang tawag dun?
"Then, thank you." sarcastic kong sabi, ang galing kasi parang nagkautang na loob pa ako sa kanya. Ang daming pangit na nangyayari. Isang araw pa lang ako dito niyan ah.
"Hoi Dylan, Wala daw si Sir! Tara na." sigaw nung lalakeng maputi, super puti. Lumulunok kaya yan ng glutathione?
"Sige Vlad. Antay lang." sabi naman nitong si Dylan. Nang umalis na siya tsaka naman lumapit sa akin yung grupo nila Jeth, Dash, East at alikabok. Foursome--- FourSAMA!
"Tss... Hoi nerd kampi ka ba sa mga yun?" tanong sa akin ni Alikabok. Ano to? Matayataya? May kampihan?
"Ang galang mo no?" sabi ko.
"Naku, Raven wag ka lalapit dun sa mga yun. They're EVIL." sabi ni Dash na para lang nananakot ng bata. Raven? Hanep dito lang may tumawag sa aking Raven. Sky kasi ang laging tawag sa akin. Pero ok na din, para naman may silbi ang first name ko.
"At kayo, Hindi?" tanong ko. Kung maka-evil sila parang ang babait nila. Tsk! As in Tsk! Pareparehas lang naman silang nakakaubos ng pasensya.
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala." sabi ni East.
"Tara na. Weird Nerd." sabi sa akin ni Alikabok tsaka nila ako nilagpasan.
"Oi, antay naman Dust!" sabi ni Jeth. Nagbow siya sa akin tsaka tumakbo paalis. Okay?
Hindi ko sila maintindihan kaya hinayaan ko na. Naglakad na ako sa hallway papuntang office ni Kuya Tim. Last subject na kasi namin yung walang Prof. kaya uwian na. Kukunin ko lang yung dorm number ko sa kanya para makapagpahinga na din ako.
Tahimik lang akong naglalakad nang may bumuhos sa aking malagkit at masangsang na bagay. Gross.
"Oh ba't naligo ka sa itlog?" sabi ni alikabok. Grrrrrr! Tama bang buhusan ako ng pinagsasamang itlog? Bugok pa ata yung iba. Ang lagkit at isa pa saang lupalop nila to nakuha?
Patience Please!
Ah wag na! Gaganti ako. Humanda kayo. Buset. Sa dinadami dami ng ibubuhos sa akin eh itlog pa. Ang lagkit na nga nito, ang baho pa.
I'm not just a nerd. I'm Raven SKY Zalvarez and no one dare to mess up with me. Block A, prepare for distruction!
----