Chapter 5: House of Disasters

833 Words
- Raven Sky Zalvarez's POV - "No kuya Tim. I'll stay at block A's House." sabi ko. Sa Apollo University kasi nasa iisang mansyon ang isang block, total 18 lang naman ang studyante sa isang block. Oo nga pala, nasabi ko na ba ang course namin? I'm a certified Multimedia Arts student, 3rd year. Parehas lang kami ng course ni Rhain kasi naman yung business namin aside sa school na ito at sa Artemis eh yung sa entertainment industry. Hehehe... Nagproproduce kami ng mga Artista. Si kuya Rid at ate Myrtle na kasi ang magmamana nitong school. "Hindi naman ako mananalo sayo kung makikipagdebate ako diba?" malokong sabi sakin ni kuya Tim. Nginisian ko naman siya. "Asa ka pa." sabi ko nagpailing sa kanya. Tuloy-tuloy lang siya tsaka kinuha yung susi galing dun sa dingding. "If that's what you want. Apat lang ang CR kada mansion, 3 students per room, so obviously may ka-share ka ng kwarto. So far, sila Dustin at Caleb ang kulang ng isa." sabi sa akin ni kuya Tim. Hmmm... Si alikabok at Caleb sa isang kwarto? Eh ayun sa profile nila magkaaway yung dalawang grupong yun eh. Yeah pinag-aralan ko na yung background nila kanina. Ang hirap kasi kapag hindi mo kilala yung mga kasama mo sa bahay. "So bahala ka nang umawat sa away ng Red at Blue Dragons. Sige na layas na." sabi ni kuya Tim na pinagtatabuyan na ako. Isumbong ko kaya to kay ate Myrtle. --- Ding dong... 5X TSSSS! Kanina pa ako doorbell ng doorbell sa mansion ng block A pero wala man lang nagbubukas. Mabuti na lang kaunti lang yung gamit ko. Dingdong... Dingdong Doorbell ko ulit na gigil na gigil. Tsk! Sisirain ko tong pinto. "Nandyan na! Oi Vlad tirahan mo ako ah!" Sigaw nung taong nasa loob. Tao nga ba? Tss... Ang tagal! "Oh Ms. Weird nerd." Sabi ni Allen pagkabukas niya ng pinto kanina. Alam ko na ang pangalan nilang lahat. Kaya naman pala magulo ang buong block A. Mga kasali pala sa Gang ang mga unggoy at sa magkaaway na gang pa. Dapat pinagbabawal yun eh. "Hi boy takaw." sabi ko tsaka pumasok. Binitbit ko yung maleta ko papasok. GentleDOG! "Anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Calvin, isa sa kambal. Paano ko nalamang si Calvin siya at hindi si Caleb? Si Calvin nakangiti, si Caleb Pocker Face. "Dito ako titira. Saan ang room nila Alikabok at Caleb?" deretsyong tanong ko sa kanila. Asa sala kasi silang lahat. Kanya-kanya ng ginagawa. May nanunuod ng Basketball, may kumakain, may nakatungaga at may nagbabasa. "Sino nagsabi?" Tanong sa akin ni Alikabok. "Ako. Kakasabi ko lang." sagot ko. "Sino nagsabi sa iyo?" ulit niya na parang naiinis. Tss... Linawin mo kaya. "Si sir Tim. Nasaan?" tanong ko. Nagsitinginan naman sila sa isa't isa na parang ayaw magsalita. Malamang kwarto ba naman yun ng dalawang leader nila. "Uso magsalita." sabi ko. Umubo naman kunwari si Dash at tinuro yung kwarto sa taas. "Aray!" may bumato kasi sa kanya ng kutsara. Si Eion na kumakain ng popcorn. Kailan pa kinutsara ang popcorn? Umakyat na ako dala yung maleta. May susi naman ako ng kwarto nila. Tsss... Mga walang manners ni hindi man lang ako tinulunggan. "Akin na nga." sabi ni Barron na kinuha yung maleta ko "Wow tutulong ka pa, nakaakyat na ako" sabi ko. Paano ba naman nung nakaakyat na ako tsaka pa ko tinulingan i-akyat yung gamit ko. Nag-effort pa siya. "Buti nga tumulong pa ako eh" "Oh, edi thank you." sarcastic na sabi ko. "Shhh. May halimaw diyan sa loob. Huwag kang mainggay ah. Sige." sabi niya tapos bumaba na. Halimaw? Baka iyon pa ang matakot sakin. Binuksan ko naman yung pinto. Owww... May tae este tao pala. Si Caleb na natutulog sa study table niya. Akala ko naman kung sinong halaw eh tao naman yan. Tsss... Makababa na nga muna. Gutom na ako eh. Nilapag ko sa gitnang kama yung gamit ko. Tatlo kasi yung kama, halata namang may may-ari na nung dalawang kama. "Ilag!" sigaw ni Jeth. Nanlaki yung mga mata ko nung may lumilipad na pingan na papalapit sa akin. "Tsss... Sabing ilag eh." sabi ni Alikabok na hawak-hawak na yung pingan. Anong meron? Tumakbo sila pababa ng hagdan at sinugod si Calvin. "Anong nangyayari?" tanong ko sa sarili ko. "Naku, pasensya na ganyan talaga dito. Blue Vs. Red Dragon. Para talaga silang bata." sabi niya na inaayos yung eye glasses niya. Ang bilis naman nito nakapunta sa tabi ko. "Ano bang pinag-aawayan nila?" tanong ko. "Hmmm... Yun? Secret. Bawal malaman. Hahaha" tapos tumawa na naman siya tsaka bumaba at lumapit sa may tapat ng TV at sinindi iyon. Umupo siya sa sofa at nanuod ng TV. Seriously? Ang gulo kaya ng background niya. Pano siya nakakanuod ng maayos? Tinigna ko ulit sila sa baba. Puro inggay lang ng away nila ang naririnig ko. Hindi naman sila nagsasalita. Kaya naman pala disaster ang tawag sa bahay na ito. Pero teka ... ANO BA ANG PINAG-AAWAYAN NILA?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD