- Raven Sky Zalvarez's POV-
Two weeks! Two long weeks na ang nakalipas nang lumipat ako dito and to describe it? Hell.
Away sila ng away. Sa kainan, never pa sila nagsabay-sabay. Pati simpleng bagay pinag-aawayan. Parang last week nag-away si Barron tsaka si East kasi ang ingay daw makipag-usap ni Barron sa cellphone eh nagbabasa si East. So ayun, ang resulta, AWAY. Ni wala ngang umawat, nakisali, madami.
"Oi Nerd almusal?" tanong sa akin ni Allen. Yeah... Ginawa nila akong taga-luto. Mabuti nga hindi ko sila nilalason.
"Nasa lamesa na, kamahalan. Gamitin mo naman yung mata mo." sabi ko tsaka lumabas ng kusina. Nakakain na naman ako kaya papasok na ako. Maaga ako palagi nagigising dito. Ang aga kasi magising ni Caleb tsaka ni Alikabok.
"Oi NERD ang aga mo ah." sabi ni Dash na nakajogging pants pa.
"Good morning din." sarcastic kong bati. Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretsyo na akong school building. Pagkadating kong school building tinurn-off ko yung laptop ko tapos chinat si Rhain para makapagvideo call kami. Iniiwan ko kasi itong laptop ko sa locker. Pakialamero kasi yung mga abnormal kong housemate.
"Hi skyiieee!!!" ang aga-aga ang hyper nito. Dalawang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Hindi kasi ako makauwi sa amin dahil may mga epal na pumipigil. Kesyo wala silang taga luto, laba, linis. Do I look like a maid?
"Hoi babae, lutang much?" tanong niya sa akin.
"Tsss... Bakit ba gusto mo pang makipagvideo call?" tanong ko.
"Eh kasi po namimiss ko na yung pagmumukha mo. Hehehe... How's life?" sabi niya.
"Same. Away sila ng away. Then, Nerd ang tawag nila sakin." sabi ko.
"Bakit kasi naka-salamin ka pa? May contact lense ka naman tapos hindi naman ganun kataas ang grado ng mata mo. Mga trip mo din kasi "
"Walang basagan ng trip. How's the Artemisians?" tanong ko.
"Same. May mga nagmamadilta pero keribels lang. Everything is undercontrol." sabi pa niya
"That's Good." sabi ko.
"Oi Nerd sino yang kausap mo?" sabi ng kabuteng si Jeff. Bigla-bigla na lang sumusulpot. Sinara ko yung laptop ko at tinignan siya. Hindi kasi nila pwedeng malaman na anak ako ng may-ari ng school, edi nasira ang plano.
"Wala." sabi ko tsaka shinut down yung laptop ko at binalik sa locker.
"Asus... boyfriend mo?" sabi ni jeth. Tsimoso
"Hindi. Babae yun. Kapatid ko." sabi ko na lang tsaka umupo. Nagulat na lang ako nung natumba si Jeth dahil sa suntok ni Zeke. Bakit pa ba ako nagugulat? Lagi naman silang nag-aaway.
"Anong problema mo?" Sabi ni jeth na pinapagpagan yung damit niya
"Iyang mapapel mong mukha!" sabi naman ni Zeke. Medyo tahimik tong si Zeke kaya nakakagulat na siya yung nanunugod. Madalas kasi sila Calvin at Alikabok ang nagbabangayan tapos makikisali na yung iba.
"Oh? Bakit nababakla ka na ba sa kagwapuhan ko? Huwag mong problemahin, mukha mo ngang pang haloween hindi ko pinoproblema." Sabi ni Jeth. Eto naman bipolar ata. Minsan friendly at mabait, minsan sira ulo at maangas. Nagsusuntukan lang sila ng pumasok yung iba. Nagkatinginan sila tapos nakipagsuntukan na din. Red vs. Blue na naman.
"Sa susunod kasi wag kang sumbongero!" sigaw ni Zeke.
"Sa susunod din kasi gamitin mo yang utak mo! Huwag kang papahuli!" Sigaw pabalik ni Jeth.
"Napakasumbungero mo kasi, Jeth!" Sabi naman ni Samir.
"Oh tapos? Takot naman pala kayo sa admin. Eh!" sabi naman ni Dylan.
"Kami takot? Sipsip!" sigaw naman ni Kiefer tsaka sumugod.
"Puro kayo dada.. Para kayong babae!" sabi naman ni Alikabok.
"Tsss... " comment ni Caleb. Nag-comment pa siya.
“Awat na." sabi ko pati kasi si Loki na pinakakasundo ko. Sa lagay na yun, eh nakikipagsuntukan na din. Seriously?
Hindi natinag ang mga unggoy at nagsuntukan pa din. Grrrr… Ubos na ang pasensya ko.
"Tama na sabi!" Sigaw ko pero parang wala silang narinig.
Bogshhssss!
Nagsitigil silang lahat dahil sa pagbato ko nung upuan sa whiteboard. Tae... Kaubos ng energy
"Anong problema mo nerd?" tanong ni Alikabok. KAYO ang problema ko!
"Sh*t! Hindi NERD ang pangalan ko. RAVEN and for the nth time! TU-MI-GIL KA-YO! Para kayong mga takas sa mental. Gusto niyong magpatayan? Kumuha kayo ng itak!" sabi ko sabay labas. Halos masira na nga ata yung pinto sa pagsara ko.
Nakakastress ...
"BADTRIP!" Sigaw ko sa may hallway. Wala akong pakealam kung may makakita sa akin.
"Oh pikon ka na?"
O_o
WTH!