-Raven Sky Zalvarez's POV -
"Ku- Kuya?"
Sabi ko pagkakita ko sa maputi at matangkad na lalaking boy version ko sa itsura. Never sa ugali. Baliw ito eh. Ang kuya kong mahangin na baliw pa.
"Oh anong itsura yan parang hindi ka masayang nakakita ka ng gwapo sa katauhan ko?"
See?
"Paano makakita ba naman ako ng nagsasalitang unggoy. Nga-nga talaga." sabi ko. Ngumuso naman siya tsaka ako inakbayan. Anyway, wala namang tao.
"Huwag kang ganyan bunso. It's bad. Hahaha... Wag mong idedeny na gwapo ko kasi gwapo talaga ako."
"Ano ba kasi kailangan mo dito kuya Rid?"
"Tara kain tayo. Gutom na ako eh."
Sabi niya tsaka ko hinatak palabas ng school. Naman, makakalabas talaga kami paano ba naman alam ng guard na anak ng may-ari si kuya Rid.
"So how's your mission? Kaya pa?" Tanong niya pagkadating nung order namin. Kuripot. Halo-halo lang nilibre sakin.
"So nandito ka kasi sinabi ni papa?" Tanong ko. Umiling naman siya.
"Nope. Tumakas ako. Hahaha... Hindi niya alam na nandito ko. Hahaha." Ang lakas pa ng loob niyang tumawa. Kapag nalaman ni papa na nakikialam siya panigurado magcu-cut any allowance niya. Good luck sa kanya.
"Anyway ngayon lang naman. Mukha kasing magkakawrinkles ka na sa inis sa block A eh dalawang linggo ka palang." Hay naku Kuya, sinabi mo pa. Gusto ko na nga silang ikadena eh.
"Yeah." Walang buhay kong sabi.
"Hayyy bunso. Alam mo ba kung bakit ikaw ang pinadala nung matanda sa Apollo University?" Tanong niya. Bastos talaga ito eh. Matanda.
"Kasi plano na niyang mapatay ko sa inis ung mga unggoy na iyon?" tanong ko. Aba, malay ko… Tinangap ko lang naman itong mission na ito kasi hindi naman siya titigil hangga’t hindi ako pumapayag. My father is a man of authority. Alam ko namang may plano siya iyon nga lang hindi ko alam kung ano.
"Well, he said that his youngest daugter is much hard headed than that block of disaster." sabi niya na parang ginagaya yung tono ni papa. Hindi bagay.
"So you’re saying that?" sabi kong inaantay yung idudugtong niya. Para kasing insulto iyon eh.
"Hahaha... Be your self bunso. Let them see the weird stubborn princess of Zalvarez Clan. Hindi iyong nag-aala maid ka. Hindi bagay." sabi niya. Yeah... Sapilitan kaya ang paglilinis ko sa bahay na yun. Akala ko kasi madadaan sila sa mabuting pakikitungo.
"Sinubukan ko lang naman. Iyon lang ba pinunta mo dito sa Pilipinas?" tanong ko. Pinatapon kasi itong magaling kong kuya sa Japan para asikasuhin yung isang kaso na hawak niya. Detective kasi ang loko.
"Nope. Dumaan lang ako dahil nandito yung sagot sa kasong hawak ko." sabi niya na dinidilaan yung kutsara.
"Tungkol saan?" Tanong ko. Curiosity.
"Secret." sabi niya sabay kindat.
"Tsss." lagi na lang secret. So detectives are secretive.
"Don't be like that young tiger. Oh, paano tara na? Maabutan ka na ng curfew. Nine na oh." sabi niya. Tumango na lang ako at tumayo. Tinatamad ako magsalita.
Hinatid ako ni kuya sa Apollo University. Nagderederetsyo na akong Block A's mansion pagkadating naming sa gate.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Dash pagkapasok na pagkapasok ko.
"Oo nga. Gutom na ako. Walang nagluto." sabi ni Allen na nakanguso. Isubsob ko kaya yang nguso niya sa tiles ng C.R.
"Oh tapos? HIndi ko hawak yang bibig niyo. Kumain ka kung gusto mo." sabi ko na nagderederetsyo sa kwarto namin.
"Galit ka pa din ba kaya ka ganyan?" tanong ni Loki. Hinarap ko sila. Lahat sila nasa sala. Pero as usual hiwahiwalay sila. Kailan ko kaya sila maabutang sama-sama?
"No. I'm not mad. I'm just showing you the real Raven Sky Zalvarez." Sabi ko tsaka umakyat.
Now meet the real sky. Tignan ko lang kung di kayo magtino.