- Raven Sky Zalvare's POV -
"Wow pancakes!" sabi ni Allen na kakababa lang galing sa kwarto nila. Nasa likod niya si Wendell at Eion. Tinignan ko naman siya ng nakakaloko tsaka tinusok yung natitirang pancakes sa pinggan ko tsaka kinain.
"Oi pahingi!" sigaw ni Allen. Tsss... kalalaking tao ang inggay.
"Ubos na." simpleng sabi ko tsaka tumayo. Aakyat na sana ko kaya lang hinawakan ni Eion yung braso ko.
"Ipagluto mo muna kami." sabi ni Wendell.
"Marunong kayong kumain, matuto kayong magluto. " sabi ko. Sumimangot naman si Allen.
"Sige na naman, nerd. Dati naman nagluluto ka ah." sabi pa in Allen.
"Tsaka hindi ka makakaalis dito ng hindi kami nilulutuan ng makakain." Sabi ni Eion na nagmamayabang na naman. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Fine." sabi ko tsaka lumapit sa lababo.
"Ayun oh! Susunod naman pala eh." dadag pa ni Eion. Tignan ko lang kung paglulutuin niyo pa ako sa susunod.
* Evil Smirk
---
"Ang tagal mo ah." reklamo ni Samir.
"Marami akong niluto eh." sagot ko.
"Dito na iyan sa lamesa namin!" sigaw ni Dylan. Ang lapit-lapit ko sumisigaw. Nilabas ko yung tigdadalawang pingan ng Ham and Egg, Pancakes, toasted bread at Orange juice. Magkahiwalay kasi ng lamesa ang Red at Blue Dragons. Tsk...
Tumayo lang ako sa may pintuan ng kusina habang pinapanuod ko silang kumuha ng pagkain.
Pinipigilan ko lang tumawa. Baka masira ang lovely plan ko.
"Wow, ang dami. Alam mo nerd kung laging ganito ang luto mo edi mabait kami sayo." sabi ni Dash
"Tsss... sipsip." comment naman ni Calvin.
"Pakialam mo?" tatayo na sana silang dalawa para magsuntukan ng umubo si Allen. pffftt... nadura niya agad yung pancake. Pinipigilan ko yung tawa ko. Hindi pa tapos ang palabas.
"Tsss... iyan kasi katakawan." sabi naman ni Kiefer na sumubo ng toasted bread. Nakita ko namang nagsikain na yung iba.
"Pweee." sabi ni Zeke na dinura yung pritong itlog tsaka uminom ng juice
Ganun din yung nangyari sa iba. Nakita ko pa ngang may lumabas na kanin sa ilong ni Barron.
"Hahahaha..." tawa ko. Crap! Hindi ko na mapigilan. Epic... Hahaha
"What the H*ll! Bakit ang anghang nitong Ham?" sigaw ni Vlad sa akin.
"Maanghang ba? Ah nababad ko pala yan sa Chilli powder kagabi. Sorry, I forgot." simpleng sabi ko. Pinipigilan ko pa tumawa para lalo silang maasar.
"Buti nga maanghang lang yang natikman mo. Itong itlog nga ang alat." reklamo ni Zeke.
"Sobrang alat." dugtong ni Jeth
"Sobrang alat? Isang kutsarang asin lang ang nilagay ko dyan ah." inosente kunwari kong sabi. Sana pala vinideohan ko para may pagtatawanan ako pag naiinis sa kanila.
"Eh bakit itong toasted bread may karayom sa loob?" tanong ni loki na nakatinggin sa akin ng pagkasama sama. Tinignan ko naman siya ng pagkatamis tamis. Hahaha...
"Wala. Naisipan ko lang para may design." sabi ko. Hahaha…
"Etong Orange juice lang ata ang matino eh." sabi ni Ryland.
"Pfffttt... Hahahaha..." sabi ko. Hindi ko na talaga mapigilan eh. I'm not yet done.
* Prrruutttt
"Sh*t ang baho!" sigaw ni Alikabok.
"What the... Ang sakit ng tyan ko!" sabi ni Dash.
"Sabi ko na nga ba ikaw yun eh." sabi ni Jeth na katabi si Dash.
"Hindi ako yun, G*g*!" sabi naman ni Dash. Biglang tumayo si East kasabay si Caleb at Zeke papuntang C.R.
"Oi, ako muna!" sigaw ni Samir. Tatlo lang ang C.R. dito so bahala na yung 15 kung saan sila magkakalat.
"Hoi buksan mo ito East!" sigaw ni Dylan na nasa tapat ng pinto ng C.R. pang first floor.
"Shut up!" sigaw ni East galing sa C.R.
"Caleb bilisan mo. Lalabas na!" sabi ni Calvin. Oh sh*t ang baho na.
"Ang baho!" sabi ko. Nagsitingnan sila sa akin.
"You planned this!" sabi ni Alikabok na nakaupo sa upuan. Hindi kaya nagpasabog na siya diyan?
"Huh? ako? Hindi ahhh. Why would I? I'm just a simple nerd who cooks for my masters. Right?" tanong ko at dahil alam kong hihirit na naman sila, inunahan ko na sila sa pagsasalita.
"Oh! Malelate na pala tayo. Una na ako ha. Ai, kung papasok kayo magdala kayo ng tissue. Sige, bye!" sabi ko na kumakaway pa palabas.
Paglabas ko...
"Hahahaha... 1 Point for Sky." sabi ko. Tignan ko lang kung paglutuin pa nila ako.
* Evil Smile
______