- Raven Sky Zalvarez's POV -
"What's your plan?" tanong ni kuya Tim na kakarating lang. Nasa bahay ako. Sunday ngayon eh tsaka namiss ko din ito.
"Nothing. Nga pala bakit ka nandito?" tanong ko Kay kuya Tim. Well family time namin ito eh.
"Makikikain tsaka namiss ko na ate mo. Ngayon nga lang siya bumalik galing Japan." sabi niya pa na nakanguso. Yuck!
"Hey you two. Tara let's eat!" sigaw naman ni Rhain na nakasilip sa pinto.
"Ok." sabi ko tsaka kami tumayo at pumuntang dinning area.
"Ayan kumpleto na. Shall we eat?" tanong ni kuya Rid. Sinamaan naman siya ng tinggin ni ate.
"Manners, please." sabi ni ate Myrtle. Natawa na lang kami ng ngumuso si kuya habang nakadila with matching tirik pa ng mata.
"Hahaha..." tawa naming dalawa ni Rhain.
"Shhh... tama na. Let's eat?" tanong ni papa. Nagdasal muna kami at dahil bwisita este bisita si kuya Tim siya ang naglead.
"So, how's your mission?" tanong ni papa sa akin habang kumakain.
"Nothing special." sagot ko. Ano nga ba pinaggagagawa ko? Well, hindi na nila ako pinagluto simula nung breakfast gift ko sa kanila. Nagsisisi talaga ako na hindi ko sila vinedeohan. Hindi na din nila ako pinaglaba or pinagtiklop. Why? Nilagyan ko kasi ng antik yung damit nila. Kasalanan din naman nila kasi hindi nila tinitignan yung isinusuot nila. Ang cool kaya ng itchy dance nila.
"Naku pa. Tinotorture ni Sky ang buong block A." sabi ni kuya Tim.
"Pa? Kailan ka pa inampon?" tanong ko.
"Hey! Kamahalan yung kapatid mo oh, binubully ako." sabi niya na kumapit sa braso ni ate Myrtle.
"Ay umiiscore?” malokong sabi ni Kuya Rid.
"Nasa harap tayo ng pagkain." sabi ni ate Myrtle.
"Ai, shut up na tayo. Hahaha... Magagalit ni Manang. Maglalabas yan ng pamalo." asar naman ni Rhain. Oh, namiss ko din itong sama-sama kami. Ang hirap din kasi na habang tumatanda, naghihiwalay ang mga magkakapatid.
"Shhh... kumain na kayo." sabi ni papa. At dahil siya ang master, ayan na nahimik kami at kumain.
"Hey, Can I ask something?" sabi ni Rhain na nakataas yung tinidor.
"Go ahead." sabi ni papa.
"Bakit ba laging nag-aaway ang buong block A?" sabi niya. Ayan din ang tanong ko eh. Bakit nga kaya?
"Well, 2 years ago..."
"Wait!" putol ko sa sasabihin ni papa.
"Stop. I want it to know by my own." sabi ko. Syempre para may thrill.
"Here she goes with her thrill." sabi ni Rhain na hinigop yung sabaw. Etong babaeng ito ang arte magsalita pero isip bata.
"If that's what you want." sabi ni papa.
"Eh anong plano mo?" tanong ni ate Myrtle
"Torturin yung buong block A." singit naman ni kuya Tim na mukhang singit.
"Heh! Hindi ka kasali dito." sabi ko.
"Oi kasali siya. Di ba brother-in-law?" sabi naman ni Kuya Rid.
"Ayan ang gusto ko sayo eh." sabi ni kuya Tim na nakipag-apir pa kay Kuya Rid. Tss... nagsama yung dalawang unggoy.
"Pa, curious lang ha. Eh pasaway naman pala yung pinapabantayan mo kay Sky. Why don't you kick them all out?" tanong ni Rhain.
"Or atleast punish them." dagdag pa ni ate Myrtle. Well nagtataka din naman ako.
"There are things better to be left behind." sabi ni papa.
"Ashuuu... si papa pamysterious. Wait baka naman anak mo sa labas lahat ng yun?" sabi ni Rhain. Nabulunan naman si papa.
"Heaven Rhain Zalvarez!" warning ni papa.
"Hahaha..." Tawanan naming lahat.
"Back to topic na. Naligaw ligaw na tayo oh." sabi ni Kuya Rid.
"Oo nga. What's your plan Sky?" ulit ni ate Myrtle sa tanong kanina.
"Team building. Bahala na kayo sa date and place. Ang importante sama-sama ang buong block A." sabi ko. Tumanggo tanggo naman sila.
"Fine. Let me handle that." sabi ni kuya Rid. Nung ngumisi siya ng nakakaloko parang gusto kong umangal at sabihing huwag na siya. Paano ba naman halimaw yan.
"Then it's set." sabi ni papa.
Kumain lang kami ng kumain. Uuwi na din naman ako bukas sa Block A mansion.
"Master Sky, may tumatawag po sa inyo." sabi nung maid namin tsaka inabot yung cp ko. Hindi ko na tinignan kung sino yung tumawag.
"Sino ka nag iistorbo ng pagkain ko? " deretsyong sabi ko
" Wow ha hello din " sabi ni alikabok. Si dust lang pala
" Oh anong problema niyo? " tanong ko
" Bumalik kana dito " sabi niya.
" Bakit? Gusto niyo ng special meal? " sabi ko. Di ko mapigilang mapangisi kasi naalala ko yung breakfast gift ko sa kanila.
" No. Huwag ka ng papasok sa kusina! "
" Oh anong kailangan mo? "
" Wa-wala lang. Ano wala kasing pangit dito" sabi niya. Wow ah...
" Tingin ka sa salamin ng makakita ka ng payong " sabi ko naman. Naiimagine ko yung pikon niyang mukha. Well, lahat naman sila pikon.
" Hoi Dust sabihin mo nalang kasi " rinig kong sigaw ni Dash.
" Sh*t! EDI ikaw ang magsabi " sabi naman ni Dash
" Ok. I'll hang up " sabi ko. Papatayin ko na sana kaya lang may narinig ako
" We- We miss you " sabi nila sa kabilang linya
" Oh ba't kayo nakisali. Tumawag din kayo! " sa boses palang Alam kong si Dylan yun
" TSS... Edi kayo na. Tara na nga Vlad " sabi naman ni Caleb.
" Oi dust wala namang sumasagot eh. Baka wala na " sabi nila sa kabilang linya. Tapos nawala na.
" Oh sino yan ? Hindi magandang nagse-cellphone sa harap ng pagkain " sabi ni ate Myrtle.
" Block A. Saying Nothing... " sabi ko. Kumain nalang kami ulit.
Tama ba yung narinig ko?