Chapter 7: Concepcion University and The Black Phoenix g**g

1614 Words
Natalie's POV Ngayon na ang first day of school ko bilang third year highschool. First section ako at andun din si Larisa. Hindi niya alam na andito na ako sa Pilipinas, sosorpresahin ko nalang siya mamaya. Now do my daily routines. Naligo, nagbihis at kinuha ang round shaped eye glasses. Inayos ko din ang artificial na bangs covered ang noo. Naglagay din ako ng make-up ng freckles sa mukha. Disguise ko para di masyadong halata. Ang Black Tiger Princess kasi na kilala ng mga tao ay magandang pumorma, malakas at maayos ang tindig kaya opposite ang gagawin ko pag nasa school ako. Yung black Porsche GTS ang ginamit namin and what I mean namin is ako at yung personal driver ko. Andito na ako sa school. Naglalakad sa hallway ng may bumanga sakin. A good start to start the school year. "Aray! Watch where you're going!" sigaw sakin ng matangkad at napakagwapong lalaki. Aba, siya pa ang namanga, siya pa nagagalit. Upakan ko ‘to eh. Maraming tao ang nakatingin sa kanya at ang mga babae ay halos tutulo na ang laway at halos malalaglag na nga ang panga nung iba. "Oh okay."tipid kong sagot at tinalikuran na siya saka nagsimulang maglakad papunta sa classroom ko. May narinig akong mga bulong bulungan pero alam kong nagpaparinig lang. "Hala, ba't niya dinedma si Tyler?" Bakit? Kasalanan na ba ‘yon? Tyler pala pangalan nun. "Oo nga, di ba niya kilala yun?" Natural hindi. Bago pa lang ako. "Hala siya, new student siya diba?" may angal ka? Then naglakad na ako papalayo at di ko na narinig kung ano pa ang pinagsasabi nila. Nandito na rin ako sa labas ng classroom. Pinihit ko na ang door knob at tumingin sa loob. Classmate ko din si Grace at Aidan? Destiny nga sila at may dalawang bakante sa likod, naglakad ako papunta dun. At ang katabi ko? Aba malay ko di ko kilala. Nakita ko din ang bestfriend ko na si Larisa na walang kaalam alam na nandito na pala ako sa Pilipinas at classmate pa niya. Di kami nagpapansinan nina Grace at Aidan, marami ding lumapit sa kanila. Nalaman na kasi ng ilang nakakakilala sa amin na dumating na kami. Mga ilang minuto lang, may naramdaman akong lalaking tumabi sakin at umub-ob agad sa desk niya. Dumating rin ang adviser. "Good morning class. I'm Mrs. Jane Ruiz, your adviser and also your Trigometry teacher." And the usual introduce yourselves daw at may kung ano ano pang sinasabi tungkol sa school nato eh alam ko na kasi nga kami ang may nagmamay-ari. And finally break na. Ng may kumulbit sakin sa tabi. "Hello!" isang naka smile na Larisa ang bumati sakin. Di ako umimik. "I'm Larisa. Familiar ka talaga eh pero baka kamukha lang. Hehe." siya. Alam ko matagal na. Pinalitan pala ang last name ko pansamantala dito lang sa school. Ako si Marize Natalie C. Valdez dito pero sa totoo Natalie Marize V. Concepcion talaga. Pinag rambol lang diba? Dapat din daw maging friendly ako at umiwas sa away. Tss. Kaya ko ba? "Marize." sabi ko at nakipag shake hands sa kanya. “You really remind me of someone." sabi niya habang hinahawakan ang chin niya, yun bang nag-iisip? "Talaga? Sino?" kunyaring tanong ko. "Ay dibale na. Di naman siguro uuwi yun dito at iba din naman ang family name mo. Pwede ba kita maging kaibigan?" "Okay." matipid kong sagot. "Okay! BIlis kausap. Papakilala kita sa dalawa ko pang friends." "Saan?" "Pinauna ko na sila." Naglakad na kami papuntang canteen. At ngayon nandito na kami sa loob, nasa isang table din ang mga ka g**g ko pero di ko sila pwedeng lapitan. Madami ding nakatingin at kumakausap sa kanila. Sikat agad ang mga loko. "Lars! dito kami!" sigaw ng isang babae na di ko kilala. Kumaway din pabalik si Larisa at lumapit na kami sa table. Umupo na kami ni Larisa. “Hi! I’m Joanna Mae Gonzales. Joan na lang for short” “And I’m Rina Joy Castro. Rina nalang ang itawag mo sakin.” “Ah.” Simpleng tugon ko at ngumiti ng kaonti. Alam kong nakatingin dito yung ka g**g ko, lumingon ako ng palihim at nakita si Grace na nakataas ang kilay na para bang nagsasabi na makihalubilo ako o di kaya maging friendly. Aba aba, para ko talagang pangalawang nanay ‘tong babaeng ‘to. “Pakilala ka naman samin Marize.” Sabi nung Joanna. Tungeks pala tung babaeng to, tinawag na nga ako sa pangalan ko. Palagi din siyang nakangiti, buti di pa nasira yung bunganga niya kakangiti. “Loka loka, tinawag mo na nga siya sa pangalan niya---“ buti pa si Rina. “Ano ba complete name mo Ms. Valdez?”pagpapatuloy niya. Isa pa pala ‘to, may sayad sa isip. Baka nahawa na din si Larisa. “Hoy kayong dalawa, tumigil na nga kayo. Pwede bang sabihin mo nalang ang buong pangalan mo sa kanila Marize? Pagpasensyahan mo na silang dalawa. Ganyan lang talaga yan.” Larisa Eh sa ayaw kung magsalita. Di ko ata feel ngayon. “Ahaha! Baka nahihiya lang siguro ‘to, siya si Marize Natalie C. Valdez. Isang transferee.” Larisa “Ahahaha! Oo nga!” sabay na sabi nina Joanna at Rina. Tapos ayun nagkuwentuhan pa sila, tinatanong nila ako pero di ko naman sila sinasagot. Tahimik lang sana ng biglang… “KKKYYYYAAAAAAAAAAAHHH!!!!” “HAMPOOGGGIII NILA!!!!” “PAPUNTA SILA DITO SA CANTEEN!!!!!!!!!” “WAAAAHHHH!!!!!!” Ang iingay ng mga babae dito sa canteen ah, pati na rin sina Larisa, Joan at Rina nagtilian din, ako nakaubo lang sa table. Biglang natahimik ang canteen. Naramdaman kung may mga tao sa gilid ko at may kumulbit kaya napaangat ako sakit tas ub-ob ulit sa table. Baka sina Larisa ang kakausapin ng anim na poging unggoy na mga ‘to. “HOY! IKAW!” ??? Tumingin ako sa nagsalita, ako pala ang hinohoy. Aba,aba. May pangalan ako ha. Tumayo ako. Tangkad nito ah. “Sinong hoy?” kalmado kong tanong. Marami na ang nakapalibot sa amin at isa na dun ang ka g**g ko. “ABA EDI IKAW!”sigaw na naman ng poging ungoy number one. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang sinisigawan ako. Grace’s POV Hala, ba't siy nagsisigaw kay Nats? Ayaw na ayaw niya nun. Nako talaga leader magpigil ka, huwag kang makipagsuntukan dito please. Kilala ko din ang anim na lalaking to, sila ang Black Phoenix g**g. Pangalawa sa pinakamalakas ang g**g nila sa buong Pilipinas. Ibig sabihin, mas malakas pa rin kami at mayayaman din ang members nila katulad din namin. "Ano bang kailangan mo?" tanong ni Nats. Palagi talaga siyang kalmado kahit sa mga away namin. Yun yata ang mas nagpapalakas sa kanya eh dahil nakaka concentrate siya ng maayos. "Gusto ko lang naman na pagbayaran mo ang atraso mo sakin." sabi ni Tyler, yung leader nila. "Easy lang pare ha, babae yan." sabi naman nung Mathew. Siya naman ang pinakababaero sa kanila pero pinakagwapo parin si Tyler syempre. Masungit nga lang. s*****a ang leader nila na ‘yan pagdating sa mga babae pero madami paring nagkakagusto sa kanya. "Ako? May atraso? Sa’yo? Kelan? " Nats. Ang tahimik ng mga tao sa paligid. Takot talaga ang mga estudyante sa Black Phoenix g**g pero kasalukuyang nagmamahal parin sa kanila ang mga babae. "Oo. Ba't moko binangga kanina? Ha? Siguro isa kana naman sa gustong magpa close sakin noh? Tss. O baka naman gusto mo lang na pansinin ka? Kaya ka siguro nag transfer dito para makita kami no? Mga babae talaga, walang ibang magawa kundi habol ng habol." Tyler. Aba, insulto yun ha. Kung alam mo lang kung sino ang kinakalaban mo Tyler ka. "Uy tol, easy kalang. Baka mapaiyak mo pa yan." Awat ni William. "Oo nga, mukha naman siyang inosente oh." Anthony "Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Kapal din ng mukha mo eh noh?" Natalie Hala ka. Nako ikaw talagang babae ka, gusto talaga ng away neto. Naku naku. Di naman ako nag-aalala na baka masaktan siya, nag-aalala ako sa reputasyon ni Tita at ng school nila, baka masira ang image pag nalaman na. Aish! “WOAAH!" yung mga tao sa canteen. Pero kami nina Michael, Dominic, Aidan at Samuel ay di na nag react. Nasanay na kami sa ugali ng leader namin. "Hahaha! First time yan Boss ah! May sumagot sayo ng ganun! Babae pa!" Jaden "Astig ah. Di siya attracted kay First. Himala." Christopher Members of Black Phoenix g**g: First - Tyler Garcia Second -Mathew Mendoza Third-William Flores Fourth-Anthony Reyes Fifth-Jaden Ramos 6th-Christopher David Lopez "Tss. Nagpapakipot lang yan" Tyler Bumuntung hininga ng malalim si Nats. Nagpipigil na ‘to. Pipikit na lang muna ako. "Sorry.." Hala. Si Nats ba yun? "Lakasan mo." utos ni Tyler. Si Nats nga. Nanlalaki ang mga mata naming. Wala kasi sa vocabulary ni Nats ang salitang 'SORRY'. "SORRY NGA SABI EH! I Mean.. Ugh. I'm S-sorrry." at yumuko ito pero nakakuyom ang isang kamao. Siguradong sasabog yan mamaya. Natalie's POV "Ayun, marunong ka naman palang mag sorry eh. Gusto mo pang puntahan ka pa dito para pahingihin ka ng sorry sakin, sosyal ka din no?" Tyler ASSFDGHJKLJGFJDFGJASD! Hinga..hinga..hinga.. mabait ako sa school. Hinga lang ng malalim. Yuko na din para di makita ang mukha niya at baka mabasag ko pa ng hindi oras. "Ayun, iiyak ka? Magpapaawa? Magpapacute? Di ka naman kagandahan at mas lalong hindi ka cute." Tyler FCK! FCK! GUSTO KONG MAGWALA AH!! PFFFTTT!!!!!!!! "Dude, tara na. Grabe ka naman makalait ah." yung di ko naman kilala na ka g**g niya. Nagmamabait pa ‘to, mga lalaki talaga nakakainis. Umalis na sila sa canteen. Buti naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD