Scarlet heart
'Ikaw Yung babae na walang kadiska diskarte sa buhay . Umaasa ka nalang lagi sa pinapadala ko. Wala ka talagang kwenta kahit kailan.Wag ka ng kokontak kahit Kelan sakin dito ha! Wala Kang kwenta _Blocked_*.' isang mensahe sa messenger galing Kay My King na nagpaluha at nagpabiyak sa puso ni Marian Angeles Beunavista. Actually 6moths na ang nakalipas ang messege na yun ngunit hindi nya binubura at paulit ulit nya yun binabasa na parang bang gusto nya lang talaga torturin yung sarili nya sa sakit. Halos blurred na ang paningin nya sa Bawat letra na nababasa nya. Pinahid nya ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Papatunayan ko sayo na Kaya Kung tumayo sa sarili Kung mga paa Armando Beunavista at Kaya ko din bigyan ng magandang buhay ang mga anak ko at ipapamukha ko sayo Kung ano ang halaga ko sayo. Pero kapag nangyari yun I'm pretty sure wala na akong pagmamahal pa para sayo" aniya sa kanyang sarili habang pinapahid ang mga luha na kanina pa'y na Kaharang sa kanyang mga Mata.
Isang bother wife Kung tawagin si Marian Beunavista 29 years old may tatlong anak na sina Sapphire, Crystal at si Jewel. Si Sapphire ay pitong taong gulang si Crystal naman ay nasa apat na taon at si Jewel naman tatlong taong gulang. Ginusto nyang magtrabaho muli para mapatunayan sa kanyang sarili na kaya nya din tustusan ang pangangangailangan ng kanyang tatlong anak na hindi Umaasa o humihingi sa kanyang asawa. Ngunit malaking challenge ito sa kanya dahil high school graduate lamang sya.Pero never syang napanghinaan ng loob sa Laki ng kagustuhan nyang makakuha ng regular na trabaho. Lahat ng diskarte ginawa nya nag online business nagtitinda ng Kung anu-anupara lang kahit papano ay hindi sya makahingi sa asawa nya. Halos araw araw syang nagchicheck sa sss Kung Saan may hiring na trabaho. Kahit anong trabaho basta pwede sya at pasado.Kahit sinong mga kakilala nya minimessege nya kung saan pwede syang makapasok para magtrabaho.
*You can be amazing. You can turn a phrase into a weapon or a d**g. You can be the outcast Or be the backlash of somebody's lack of love Or you can start speaking up. Nothing's gonna hurt you the way that words do_Title Brave by Sara Bareilles.Ring tone ng phone ni Marian. May tumatawag at kinuha nya ito tiningnan nya unsaved number ito nacurious sya bigla Kung sino ito Kaya Sinagot nya din.
"Yes hello, sino po Sila?" tanong nya sa nasa kabilang linya.
"Bakla ako to". boses ng isang lalaki na pilit pinapahinhin ang kanyang boses. Di maipagkaila na isang Bakla ang nasa kabilang linya.
"Si-sino to,Herman ikaw ba to? nauutal na tanong nya sa kausap.
" Oo Bakla ako nga to, kilalang kilala mo nga talaga ako sa boses palang alam mo na agad Kung sino ako.Kamusta kana Bakla sobrang miss na miss na kita"Sabi ng boses sa kabilang linya.At ito nga yung matalik nyang kaibigan na si Herman hindi lang kaibigan pinsan buo pa nya ito.Halos mag kasing edaran lang Sila ni Herman at halos magkasing Ugali din Kaya sobrang magkasundo Sila. Ngunit bigla nya itong binabaan ng cellphone. May konting Sama ng loob kasi sya sa kaibigan dahil bigla na lamang ito umalis na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Sumabay pa non sa panahong bigong bigo at halos nawawasak ang kalooban nya. Dahil sa problema nya sa kanyang asawa.Tulala at nanatiling nakaupo sa kanilang Higaan na kawayan at may sapin na foam si Marian. Binuksan uli ang kanyang phone at tumingin sa kanyang sss account nagbabaka Sakaling may Makita na goodnews sa mga inaaplayan nya via online. Biglang may nag pop up na notification sa kanya sa messenger. Binuksan nya ito at binasa. Galing ito sa isang Mina Alvarado.
'Bakla I'm very sorry Alam ko may Mali akong nagawa sayo Kaya sorry na. May mga rason ako Kung bat hindi ako nakapagpaalam sayo nong umalis ako.Let me explain. Please accept my apology.Miss na miss na kita oy Alam mo ba Yun.Palagi kitang naiisip simula nong umalis ako iyak nalang ako ng iyak bakla.Messege mo naman ako please bakla.' messege from Mina Alvarado.
"Hmm. Pamina mina pa ang bruha" natatawang Sabi ni Marian. Hindi nya muna nireplayan si Mina magpapa hard to get daw Muna sya dito. ?Tumayo sya kumuha ng tuwalya pumunta ng banyo para maligo.