Chapter 10

1732 Words
"Every good gift and every perfect gift is from above, and comes down from the Father of lights, with whom there is no variation or shadow of turning. Of His own will He brought us forth by the word of truth, that we might be kind of firstfruits of His creatures." James 1:17-18 ~ Dinala ako ng mga sundalo sa kanilang kampo. Hindi tulad ng kampo sa ibaba, tanging nag-iisang lampara lang ang nagpapailaw sa buong paligid. Bilang lang din sa daliri ang mga tent at kapansin-pansin ang katahimikan. May isang lalaking biglang sumulpot mula sa likod ng isang tent. Hindi ko masyadong maaninag ang itsura dahil sa dilim. Kanina pa nga ako muntik-muntikang madapa, kung hindi lang nakahawak sa magkabilang braso ko ang dalawang matatangkad na mga sundalo. "Sir," bati ng sundalo sa harapan ko. Huminto siya at sa tingin ko'y sumaludo sa tinawag niyang sir. "May babaeng tumapak sa 10 meter radius sa terrain. Negative. Might be casualty, Sir." Ilang segundong katahimikan bago sumagot ang lalaking tinawag na sir. "Back to your posts." "Aye." Binitiwan ako ng dalawang sundalo at ilang sandali pa'y naiwan ako kasama ng chief. Lihim kong pinasadahan ng tingin ang paligid at tanging ang lampara sa likuran ng lalaki ang naaninag ko nang husto. Napatingin ako sa lalaki nang maglakad siya papalapit sa akin. Napaatras pa ako at napansin kong may dinudukot siya sa bulsa. Maya-maya pa'y may pinakita siya na hindi ko rin makita dahil sa dilim. "Do you know him?" Naningkit ang mga mata ko. "Di. Hindi ko makita." Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang braso ko at pinaharap ako sa lampara. "Here. See that?" Nagbaba ako ng tingin sa inilahad niya. Isa 'yong larawan ni Gukyo sa may sementeryo. Nag-iisa lang siya at nasa malayo ang tingin. Napalunok ako. "His name?" tanong ng lalaki. "Hindi k-ko alam." Nag-iwas ako ng tingin sa larawan at nagkunwaring pinagmamasdan ang paligid na nasisinagan ng ilaw ng lampara. Narinig kong bumuntong-hinga ang lalaki at nagsalita. "Come with me." Nauna siyang humakbang sa harap. Hindi na sana ako susunod at liliko sa daan papunta sa tuktok ng bundok pero lumingon siya at sinenyasan akong sumunod. Lumunok ako bago humakbang pasunod sa lalaki. Tahimik naming binagtas ang madilim na daan at napasinghap ako nang walang anu-ano'y napadapa ako sa lupa. Naramdaman ko ang pagtagas ng dugo sa tuhod at siko. Narinig ko ang ilang mabibilis na yabag at isang sigaw. "Sir! May nakatapak sa bitag." "Pick her up." Ilang segundo ang lumipas nang maramdaman ko ang pag-angat ko sa lupa. Pinipikit at minumulat ko ang mga mata para makakita sa dilim pero mga bulto lang ang naaaninag ko. Matatangkad ang dalawang sundalong lumapit sa chief kanina. Maya-maya pa'y nagtanong ang lalaking bumubuhat sa akin. "Sa Quart ba siya dadalhin, Cap?" "Too much question, Abañez." "Sorry, Cap." May sumapak sa braso niya at narinig ko ang reklamo ng lalaking bumuhat sa akin. "Magtino ka, Galso. Baka mabitawan ko 'to." Isang tawa ang narinig ko sa dilim. "Gamitin kasi ang utak, Abañez. Hindi mo nanay si Cap." Hindi na sumagot ang lalaking bumuhat sa akin. Naramdaman ko lang ang paghigpit ng hawak niya sa braso at hita ko. Ilang minuto ang lumipas at sa wakas, binaba ako ng lalaki. "Kaya mong maglakad?" tanong niya. Tumango ako at paika-ikang naglakad papasok sa tent kung saan pumasok ang chief kanina. Nasa likuran ko lang ang lalaking sundalong nagdala sa akin dito. Nauna na ring pumasok ang lalaking tinawag niya na Galso. Sa maliit na siwang ng pintuan ng tent, napansin ko ang isang ilaw. Mukhang kailangan kong paghandaan ang pagpasok sa malaking tent. "Naligaw ka yata, Miss? Sa'n ka ba galing?" Hindi ako nagsalita. Naalala ko ang sinabi ng isang sundalo no'n na papatayin kami 'pag nakita pa ulit kami ng kampo. Nakapagtataka yatang hindi nila ako mamukhaan. O baka, banta lang 'yon ng sundalo? Akmang hahawiin ko ang pinto ng tent pero mabilis na hinawi ng sundalo ang pinto at sinenyasan akong humakbang papasok. Tumalima ako. Napapikit ako nang tumama ang ilaw sa mga mata ko. "Another prospect, Captain?" "Check her out. She might be the missing civilian." "Alright, and if she is?" "We might deliver her outside." "Outside?" "Outside the circle." Minulat ko ang mga mata nang maramdaman kong nasanay na ang mga mata ko sa matinding liwanag. Unang bumungad sa akin ang isang may kalakihang parihabang selda sa gitna ng tent. May mga tao sa loob, sa tingin ko lima hanggang sampu. Sa labas ng selda, nakatayo paikot ang mga sundalong may bitbit na mahahaba at malalaking mga baril. Nakatingin ang lahat sa akin. May ilang nakangiti, may ilang nakabusangot, at may nakaismid. Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa gilid ng lalaking may takip sa mukha. Siya lang ang natatanging nakasuot ng puting coat, na gaya ng mga doktor. Pero walang stethoscope na nakasabit sa leeg niya. "Hi there," bati ng babae. Kumaway pa siya sa akin bago humakbang palapit sa puwesto ko. "Maayos ka lang ba?" dagdag niya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa lalaking may takip na mukha. Naalala kong siya rin ang lalaking nakita namin noon. Maiitim na mga mata at makakapal na kilay lang ang nakalabas sa telang nakatakip sa mukha niya. Maya-maya pa'y napansin ko ang pagkunot ng noo niya. Napaiwas ako ng tingin at nabaling ang paningin ko sa babae. Kunot na ang noo niya habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Naging isang linya ang mga labi ko. "What's your name?" tanong ng babae. Hindi ko siya sinagot. Kumunot lalo ang mukha niya at napabaling sa gilid ang mukha ko nang lumapat ang likod ng palad niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang hapdi sa kanang pisngi ko. "What's your name?" tanong niya ulit. Dahan-dahan akong tumayo nang tuwid at seryosong tumitig sa babae. "Angela." Napansin kong natigilan siya. Maski ang mga sundalo sa paligid ay napatayo nang tuwid. Nakita ko ang dahan-dahang pagsilay ng ngisi sa mga labi niya. "So, your Angela. Welcome to Quart." Bumaling siya sa sundalong nakatayo sa gilid ko. "Bring her to examination room. Get het bag. Strip her off. I don't want a headache, Abañez. Got it?" "Yes, Miss." Naunang naglakad papasok sa isa na namang pinto ang babae. Naramdaman kong hinawakan ng sundalo ang braso ko at kinuha ang bag. Hinayaan ko siyang ibigay iyon sa isa niyang kasama. Nang akmang huhubaran niya ako ay doon ko siya pinigilan. "Kaya kong maghubad. Pero hindi rito." Tumango siya at sumenyas sa lalaking may takip sa mukha. Napatingin din ako sa chief at doon ko lang napagtantong kanina pa niya ako tinitingnan nang masama. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin. "Bring her inside and back out immediately, Abañez." "Yes, Cap." Inalayan ako ng lalaki papasok sa isang pinto at tinuro ang isa na namang pinto sa loob. "Yan. Diyan ka maghubad. Tapos, lumabas ka ng pinto. Kita mo ang puting pinto na riyan? Pumasok ka at makikita mo si Miss sa loob." "Sige." "Wag kang tumakas kasi maraming nagbabantay sa labas. Baka mapagkamalan ka at barilin ka ura mismo." "Mapagkamalan?" Napatingala ako sa kaniya. "Oo, mapagkamalan. Lalabas na ako. Baka sugurin na ako ni Cap." Bago pa ako makapagsalita ay nawala na siya sa harap ko. Kumunot ang noo ko habang inaalala ang sinabi niya. Mapagkamalan? Mapagkamalang ano? Bumukas ang puting pinto at niluwa niyon ang babae kanina. "Abañez, how ---" naputol ang sasabihin ng babae nang makita niya ako. Umikhim siya at sumenyas na pumasok. "Don't strip and get inside. I hate waiting." Agad ko siyang sinunod. Humakbang ako papasok at dilim ang nakikita ko sa loob. Hindi 'yong dilim dahil walang ilaw, kung hindi 'yong klase ng dilim na gawa ng masasamang espiritu. "Sit down," utos ng babae. Pero nanatili akong nakatayo. Marahas siyang lumingon sa gawi ko at nakita ko ang pasimpleng pagpikit ng mga mata niya. "Did you bring a flashlight?" "Hindi." "Then why are you shining there?" Napalunok ako. Paulit-ulit. Madilim sa loob pero nakakakita ako. Walang maski isang ilaw pero nasisilaw ang babae. Kumuyom ang kamao ko at inusal ang panalangin ni David. "The Lord is my shepherd. I shall not want. He makes me lie down in the green pastures. He leads me beside the still waters. He restores my soul. He leads me to the path of righteousness for His name's sake. Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil. For You are with me. Your rod and Your staff, they comfort me. You prepare a table before me in the presence of my enemies. You anoint my head with water, my cup runs over. Surely, Your goodness and mercy will follow me all the days of my life. And I will dwell in the house of the Lord forever, amen." Minulat ko ang mga mata at nagulantang ako nang makita ko ang sariling nakatayo sa labas ng kampo. Sa labas ng Tañedo Private Property! Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa likod. Madilim pa rin. Nakatirik sa kalangitan ang kalahating buwan. May ilang butuin at rinig ko ang huni ng mga kuliglig. Mabini ang malamig na simoy ng hangin. At parang sa isang iglap, may alaalang biglang pumasok sa isip ko. "Gukyo, anong ginagawa mo riyan?" "Shh... tinitignan ko kung ayos ba 'yong daan." "Daan? Anong daan?" "Alternatibong daan papunta sa bundok." "Sa Tañedo?" "Hindi, iba pa. Sa gilid ng tarangkahan, sa labas ng Tañedo, may makitid na daan doon. Tinamnan ko lang nang talahib. At ngayon, matataas na. Halos hindi na makita ang daan." Napakurap ako. Napaatras. Napatingala ako sa buwan at nanginginig na napaluhod. "Alam kong hindi Mo ako hinayaang tumapak sa daan ng kalaban. Salamat. Salamat sa pagpapakita sa akin kung anong mangyayari. Salamat, maraming salamat." Nagmulat ako at dahan-dahang tumayo. Mabilis akong naglakad papunta sa gilid ng tarangkahan. Nakita kong puro talahib ang nandoon. Pikit-mata akong sumuong sa lagpas taong mga talahib. Hinahawi ko ang mga iyon hanggang wala na akong mahawakan. Dinilat ko ang mga mata at dahan-dahang tinaas ang flashlight. May makitid na daan nga. Umihip ang malamig na hangin at sinayaw niyon ang talahib sa magkabilang gilid ng daan. Napangiti ako at binaybay iyon. Binaybay ko ang daan na alam kong magdadala sa akin sa tuktok ng bundok. Sa daan na binigay ng Panginoon sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD