Chapter 17

1558 Words
"Humble yourselves in the sight of the Lord, and He will lift you up. Do not speak evil of one another, brethren. He who speaks evil of a brother and judges his brother, speaks evil of the law and judges the law. But if you judge the law, you are not a doer of the law but a judge. There is one Lawgiver, who is able to save and to destroy. Who are you to judge another?" James 4:10-12 ~ Wala akong ginawa sa loob ng tent ni Sean kung hindi manood ng balita buong maghapon. Kaya nang marinig ko ang boses niya sa labas, at pinagbuksan ko siya ng pinto, gano'n na lang ang pagkunot ng noo niya. Pumasok siya sa loob at sinara ang tent. "Pinutol ba 'yong signal transmission sa Mantalongon kaya walang pumapasok na chanel sa tv?" agaran kong tanong sa kaniya. "Wala ring pahayagan na pumapasok at takot ang mga taong bumaba dahil sa virus. Ano bang meron sa Mantalongon at bakit pinaliligiran ng mga militar?" "Ba't hindi ka naligo?" Binaba niya ang baril sa mesa at hinarap ako. Humugot ako ng malalim na hininga. "Wala ako sa mood." Tumaas ang kaliwang kilay niya. "Maligo ka muna. Ako na maghahanda ng hapunan. Mukhang hindi ka pa kumakain." Tapos tumalikod siya para humarap sa refrigerator sa sulok ng tent. Naningkit ang mga mata ko. Naalala ko nang hinalungkay ko ang backpack ay wala akong nakitang mga damit. "Wala na akong pampalit. Naiwan ko ang extra ko sa outpost," mahina kong sambit. "Nagpunta ka sa outpost?" Kunot-noo siyang humarap ulit sa akin. "Unang napuntahan ko nang tumakas ako sa itaas ng bundok." Ilang segundo siyang tumitig sa akin bumuntong-hinga. Lumapit siya sa kama at lumuhod. Kinuha niya mula sa ilalim ang isang maleta at binuksan. Nakita ko ang ilang damit panlalaki. "Kumuha ka ng damit na komportable sa 'yo at maligo ka na," sabi niya at bumalik sa ginagawa niyang pangunguha ng sangkap sa loob ng ref. Lumuhod ako sa maleta at tiningnan isa-isa ang mga damit. Halos lahat t-shirt. May ilang pantalon at long sleeve na sa tingin ko ay aabot sa gitna ng hita ko. Kinuha ko ang long sleeve at backpack bago pumasok sa munting banyo. May gripo at balde doon. Hindi siya 'yong banyo na makikita sa bahay pero para lang may magamit na tubig sa loob kaya nilagyan ng faucet. May ilang sabon at shampoo rin pero walang palikuran. Mabilis akong naligo at sinuot ang long sleeve niya. Hindi ko na rin binasa ang undies para magamit. Saka, magpapalipas ako ng iaang gabi rito. Kung bibigyan ako ng impormasyon ni Sean, mabuti. Hindi na muna ako lalabas, pero kung ayaw niyang sabihin sa akin kung anong meron sa Mantalongon, bukas na bukas ay aalis ako. Natigilan ako nang pagbukas ko sa telang humaharang sa banyo ay nakita ko siyang nakahalukipkip sa labas. "Bakit?" tanong ko. "Handa nang hapunan." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang tapos ka nang maligo," sabi niya at humakbang papalayo. Nagkibit-balikat ako at tumapak sa labas ng banyo. Nakahain na sa munting mesa ang mga pagkain na inihanda niya. Kunot ang noo niya habang pinagmamasdan akong maglakad papalapit sa mesa. Nakaupo siya sa kabilang bahagi ng mesa at ako itong paulit-ulit na hinihila pababa ang tela ng long sleeve. "May pantalon ako riyan sa maleta. May sinturon sa ilalim. Gamitin mo," aniya at nag-iwas ng tingin. "Masyadong maikli ang laylayan para takpan ang katawan mo. Maghihintay ako rito." Mabilis akong nagpunta sa kama at lumuhod sa maleta. Kumuha ako ng pantalon at sinturon saka isinuot. Pero nahirapan ako sa pagsuot ng sinturon dahil maluwang sa bewang ang pantalon. Natigilan ako nang may humila sa ulo ng sinturon habang inaayos ko ang pantalon. "Ilukot mo ang pantalon at 'wag kang matakot na hilain ang sinturon para humigpit ang kapit." "G-Ginagawa ko naman." Umiling lang siya at hinayaan ko siyang ayusin ang pagkabit ng sinturon. Nang matapos ay inaya niya ako sa mesa para kumain na ng hapunan. Naging tahimik lang kami habang pinakikinggan ang balita sa nakabukas na telebisyon. Dahil halos maghapon na akong nakikinig sa balita ay nalaman kong pumili ng tatlong isolated area ang gobyerno para doon i-contain o doon muna patitirahin ang mga infected na nagso-show ng severe symptoms na tulad ng pneumonia at pagdurugo ng baga. At pumili naman ng apat na lugar sa magkakaibang rehiyon sa Pilipinas para sa testing ng newly formulated medicines mula sa kababayan na siyentipiko. Ang tatlong isolated area ay nasa Bohol, sa Lanao del Sur, at sa Cebu. Ang apat na lugar naman para sa testing ay sa tatlo pa ring lalawigan at isang lugar sa Bukidnon. Ginawa nang anim na buwan ang lockdown matapos mabalitaan ang mass gathering at pagtakas ng isang bata. Tuloy pa rin ang paggalaw ng produkto pero bawal na ang private vehicle at public transport sa mga highway. Idineploy ang halos isandaang libong mga sundalo sa iba't ibang bahagi ng bansa, ang apat na pung libong mga doktor at halos siyam na pung libong mga nurse sa iba't ibang rehiyon, at pinapunta sa Metro Manila ang lahat ng siyentipiko para sa malawakang paggawa ng gamot sa isang malaking laboratoryo sa Parañaque. Halos umabot na sa dalawang libo ang kaso ng VV virus sa bansa at 700 na ang namatay sampung oras mula kaninang umaga. Nandito na sa bansa ang mga scanner na donasyon ng ibang bansa. Magkakaroon ng mass scanning ang gobyerno sa susunod na linggo, pati medical equipments ay ipinamahagi na sa iba't ibang hospital sa mga rehiyon. Pinaigting ang lock down sa ibang lugar lalo na sa Alegria dahil sa batang tumakas na carrier ng VV. Dahil sa mga balita, naisip kong pinaigting lang ang operasyon sa Mantalongon kaya parang kinukulong ng militar ang buong lugar. Pero naalala ko ang mga taong mapuputla na pinagbabaril sa sementeryo. Saka 'yong dalawang binaril doon sa paanan, kung saan ang daan papunta sa sentro. Saka, ang sabi, nasa Cebu ang testing at isolated area. Alam kong ang Alegria ang ginawang testing area... kaya maaaring ang Mantalongon ang isolated area? Nalunok ko nang buo ang isang kutsarang kanin kaya napaubo ako saglit. Inabot ni Sean ang baso na may lamang tubig at agad ko 'yong nilagok at pabagsak na nilapag sa mesa ang baso. "Sean." Tumingin siya sa akin. "Sabihin mo ang totoo, ang Mantalongon ba ang isolated area dito sa Cebu?" Matagal bago siya sumagot. "Oo." Napahugot ako nang malalim na hininga at nahulog sa malalim na pag-iisip. Napaupo ako ng tuwid nang hawakan niya ang nakakuyom kong kamao. "Anong iniisip mo, Angela?" "Na... may nangyayaring hindi maganda sa Mantalongon." "Gaya nang?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at mariing tumitig sa mga mata niya. "Minsan, nang magpunta kami ng kaibigan ko sa sementeryo, may mga taong mapuputla na nagmartsa papasok sa sementeryo. Kasunod nila ang ilang militar. Alam mo ba ang nangyari pagkatapos?" Nagtagis ang bagang niya. "Pinagbabaril sila, Sean." "Sinong kasama mo roon?" Tinitigan ko ang mukha niya, tinatantsa kung mapagkakatiwalaan siya. Maya-maya pa'y bumuntonghinga ako. "Si Giovanni." Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya. "Paanong..." "Sinabi niya sa akin na kasama niya sa training ang pamangkin ni Colonel Tañedo. At alam ko na ngayon na ikaw ang tinutukoy niya." "Pero paanong... saan siya ngayon?" "Nasa east side na kampo ng militar. Kasama niya ang mga 'yon." Napakuyom ako ng kamao. Naalala ko ang lalaking muntik nang gumahasa sa akin. Humugot ako nang malalim na hininga at muling tumingin kay Sean. "Siya ang tumulong sa akin para makawala sa kampo ng militar at siya rin ang gumabay sa akin papunta sa itaas ng bundok ng Mantalongon. Doon ako dumaan." Umiling siya at napabuntonghinga. "Paano siya nakapasok ulit sa militar? Blacklisted siya." Nangunot ang noo ko. Umikhim siya at nagpatuloy. "Bawal na siyang humawak ng baril matapos niyang mabaril ang officer na naging ka-duel niya noon." "Sinabi niyang tinawagan siya ng boss niya para maging kasapi ulit sa hukbo." Napalunok si Sean at nag-iwas ng tingin sa akin. "Ang totoo niyan... may ipagtatapat ako." "Ano 'yon." "Alam ko ang nangyayari sa Mantalongon. Bawal naming ipagsabi sa kahit kanino pero alam kong kailangan mong malaman." Napalunok ako. "Makikinig ako." Lumapit siya nang kaunti bago nagsalita sa mahinang boses. "Totoong may nangyayaring kahina-hinala sa Mantalongon. Alam ng gobyerno na idini-deploy ang infected sa isolated area pero hindi nila alam ang totoong nangyayari sa mga infected pagdating sa lugar." "Anong ginagawa -" "Inililibing nila ng buhay." "A-Ano?" Itinapat ni Sean ang hintuturo sa mga labi. "Pero sa Mantalongon, binabaril muna bago ilibing sa isang malaking hukay." Mas lalong nangunot ang noo ko. "Wala bang nagri-report sa palasyo?" Umiling si Sean. "Takot ang gobernador na baka mas lalong lumala ang nangyayari sa bansa kaya pinagbabaril na lang. Kapag patay na ang mga infected, sino nang mahahawa? Hindi makakapag-report ang subordinates dahil bantay-sarado sila ng may kapangyarihan." "Sa... sa Bohol ba ang inililibing nang buhay?" Tumango siya. Umikhim ako. "Paano mo nalaman lahat ng 'to?" "Kasama ako sa under ng gobernador. Saka... si Colonel Tañedo ang namumuno sa isolated area sa Bohol. Idineploy siya roon para mamuno at 'wag mong kalimutan na Tito ko siya." "Ibig sabihin, ang 700 na death..." "Oo. Hindi iyan ang totoong bilang dahil lagpas isanlibo na ang magkahalong bilang ng pinagbabaril at pinapatay na infected sa tatlong isolated area."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD