Chapter 16

1691 Words
"But He gives more grace. Therefore He says: "God resists the proud, but gives grace to the humble." Therefore submit to God. Resist the devil and he will flee from you." James 4:6-7 ~ Binahiran ng dugo ang magandang bundok ng Lanaya. Masyadong gahaman ang nasa kapangyarihan at ni hindi nila naisip ang mga pamilyang maiiwan ng mga infected na ginawa nilang baboy. Nasaan ang konsensya? Ito ba ang proteksyon na binibigay sa buong bansa? "Angela, hindi mo kailangang malaman ang lahat dahil masasaktan ka lang," sabi ni Kuya. Gusto niyang lumapit at akayin ako patayo pero tinaas ko ang palad sa pagitan namin. "Kuya... sagutin mo ako. Gusto kong malaman sa bibig mo ang totoo. Ikaw ba ang nangunguna sa makasalanang gawain na 'to? Ikaw ba, Kuya?" Nag-iwas siya ng tingin. "Kahit labag sa konsensya ko, Angela." "Bakit? A-Anong ginawa nila sa 'yo?" Muli siyang bumaling sa akin na may luha sa magkabilang pisngi. "Ginawa ko 'to hindi para sa sariling dahilan. Ginawa ko 'to para makahanap ng lunas para sa ikakabuti ng iba pang mga tao, Angela." Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumayo. "Hindi ka na dapat lumabas ng Mantalongon, Kuya. Kung dito lang pala ang bagsak mo." Marahas kong pinahid ang basang pisngi at tumalikod sa kaniya. "Humingi ka ng tawad sa kasalanan mo, Kuya. Binahiran mo ng dugo ang mga kamay mo." "Angela..." "Desidido na ako. Bababa ako para malaman ko kung ano nang lagay ng bansa at kung bakit pinalilibutan ng militar ang buong Mantalongon. Kung saan ako dadalhin ng Panginoon, doon ako. Hindi ako magtatagal sa lupang sumipsip ng maraming inosenting dugo. Ipagdadasal ko na sana matauhan ka, Kuya, at hindi tuluyang mahila ng kalaban." Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang monoblock at kinuha ang backpack. Dire-diretso akong naglakad palayo sa tent. Narinig ko ang sigaw ni Kuya. "Bumalik ka dito, Angela! Wala kang matatakbuhan sa ibaba!" Binilisan ko ang hakbang. Narinig ko ang sabi ng lalaking kasama ni Kuya. "Chief, do I need to ---" "No, don't hurt her." "But she can't go ---" Ilang minutong natahimik ang likuran bago ko narinig si Kuya. "Let her be for now." "Walang magbabantay sa kaniya ---" naputol ang sinabi ni Ruben. "Babalik siya rito 'pag nalaman na niya ang buong katotohanan." Nagtagis ang bagang ko. Nakumpirma kong marami pa akong dapat malaman. TAHIMIK ang Alegria. Kahit nasa itaas pa ako ng burol ay wala akong narinig na kahit anong ingay mula sa ibaba na isang komunidad. Nakita kong puro payag ang nakatayo sa bahaging iyon. Siguro 'yon ang komunidad na hindi pa naaabot ng modernisasyon. Maingat akong tumakbo pababa ng burol. Pagtapak ko sa ibaba ay siya ring pag-ihip nang malamig at preskong hangin. Dahan-dahan akong naglakad pasulong sa kabahayan. Puro sarado. Walang ni isang nagbukas ng bintana. Naisipan kong kumatok sa isang pinto, nagbabakasakaling makahanap ng bahay na maaaring masilungan. Malapit nang magtago ang araw at madilim na sa kakahuyan. "Tao po?" Kumatok pa ako ng limang beses sa pintong gawa sa kawayan. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang nagbukas. Wala ring ingay sa loob. Nagdesisyon akong kumatok sa katabing bahay, sa sunod, hanggang pansampung bahay. Pero walang nagbukas o ingay man lang. Huminto ako sa pagkatok at naglakad papunta sa gitna ng kabahayan. Tuluyan nang lumubog ang araw at walang ni isa sa mga bahay ang nagbukas ng ilaw. Dahil nasanay na ang mata ko sa dilim, naaninag ko ang bulto ng kabahayan. Napabuntonghinga ako at kinuha ang flashlight sa loob ng backpack. Narinig ko ang alulong ng aso at nagsimula na ring kumalat sa kalapit na kakahuyan ang ingay ng panggabing hayop. Tinungo ko ang unang bahay na nakita ko. Tinulak ko ang pinto at bigla 'yong bumukas. Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Nilibot ko sa loob ang ilaw ng flashlight at napatango nang makitang nasa ayos pa ang lahat. Nagtungo ako sa kusina at kinuha ang lampara. Sinindihan ko 'yon at naupo sa lapag. Inilabas ko ang de-lata. Sumulyap ako sa kusina at hilaw na napangiti. Ginamit ko ang kutsilyo para buksan ang de-lata. Nagsindi rin ako sa apog para mag-init ng tubig. Pagkatapos, mag-isa akong kumain sa tabi ng lampara na nasa lapag. Napabuntonghinga ako. Hindi ako sanay na walang kasama sa isang bahay. Kinuha ko ang backpack at naghalungkay. Inilabas ko ang Bibliya at nagbasa. Hindi ko alam na nakatulog ako habang hawak ang Bibliya. Nagising na lang ako dahil sa malamig na singaw ng hamog sa pagitan ng kawayan. Napagtanto kong nakatulog akong nakasandal sa hamba ng pinto habang yakap ang Bibliya. Madilim pa sa labas at sobrang lamig. Nanginginig akong lumapit sa lampara na hindi ko pala napatay kagabi. Makaraan ng ilang minuto ay nag-unat-unat ako at inilagay sa backpack ang mga gamit. Isinilid ko sa isang plastic bag ang basura at kinain ang cup noodles na hindi ko natikman kagabi. Sinauli ko rin ang kutsilyo at hinugasan ang kutsarang ginamit ko. Inayos ko rin ang apog. Isinauli ko rin ang lampara sa kusina. Nag-iwan ako ng isandaan sa munting upuan na gawa sa kawayan. Gamit ang flashlight bilang pang-ilaw, lumabas ako ng payag. Sumalubong sa akin ang hamog ng madaling araw. Tumalon-talon at nag-unat ulit ako bago humakbang palayo sa kabahayan. Dumaan na naman ako sa isang kakahuyan bago ko marating ang sa tingin ko ay sentro ng Alegria. Nakita ko ang ilang ilaw mula sa kabahayan sa ibaba. Napangiti ako nang marinig ko ang ingay ng mga truk na naglalabas-masok sa lungsod pero napalis 'yon nang makita ko ang mga batalyon na rumuronda sa buong sentro. Napadapa ako nang dumaan sa puwesto ko ang malaking ilaw na mula sa munting lighthouse. Mukhang gamit iyon, minomonitor ng militar ang kakahuyan sa palibot ng sentro. Gamit ang isang makinis na dahon ng anahaw na nakita ko sa may tabi, mabilis akong dumaosdos sa ibaba, hindi alintana ang sakit sa puwet. Kailangan kong makababa bago pa man muling dumaan ang malaking ilaw sa puwesto ko. Pero... nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong isang lalaki sa ibaba. Kahit nakatalikod, alam kong kasama siya sa mga militar. Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko kayang huminto sa bilis ng daosdos! Hindi rin ako puwedeng sumigaw at baka makarinig ang ibang militar. Pikit-mata kong niyakap ang sarili at pabulusok na lumipad pabagsak sa likod ng lalaki. Impit akong napasigaw nang maramdaman kong ikinulong ako ng lalaki sa bisig niya bago pa man kami nagpagulong-gulong sa lupa. Narinig ko siyang umungol sa sakit. Nakagat ko naman ang ibabang labi nang huminto kami sa paggulong at nadaganan ko siya. "Sorry," sabi ko at mabilis na umalis sa ibabaw niya. Tumakbo ako papunta sa gilid ng nagtataasang rehas na lumibot sa buong sentro pero bigla akong hinila at ikinulong sa bisig ng sinoman. "Wag kang mag-ingay," bulong niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaon ang mukha niya sa balikat ko at nakita ko sa likuran niya ang isang lalaking militar. "Tañedo! Sino na naman 'yang kinakanti mo, ha? Bumalik ka sa puwesto mo!" Nag-angat ng tingin ang lalaki at pasimpleng binaling ang mukha sa gilid. "Aye, Sir." "Girlpren mo ba 'yan, ha?" "Girlfriend ko, Sir." "Naku, boy. Sinabi ni chief na bawal magdala ng girlpren. Miss, puwedeng mamaya na lang? Uuwi si Tañedo mamayang gabi. Hintayin mo na lang siya sa bahay niyo. Tañedo! Siguraduhin mong babalik ka sa puwesto mo bago ka pa mahuli ni Chief." "Salamat sa pagpapa-alala, Sir. Babalik ako mamaya. Ihahatid ko lang 'tong girlfriend ko sa tent." "Bilisan mo." Nanlaki ang mga mata ko nang inakay ako ng lalaki papunta sa munting pintuan papasok sa mga rehas. Hinawakan niya ako sa balikat at mabilis na naglakad papunta sa isang maliit na tent na may nakalagay na S.F. Tañedo. Tinulak niya ako sa loob at mabilis niyang isinara ang pinto ng tent. Marahas akong lumingon at umawang ang bibig ko nang makilala ko siya. "Sean?" Naningkit ang mga mata niya at napahilamos ng mukha. "Ba't ka nagpunta rito? Mas ligtas ka sa command post!" Nangunot ang noo ko. "Sinabi ba ni Kuya sa 'yo?" Tumango siya. "Tinawagan niya ako. Hinintay kita sa ibaba at tama nga ang sinabi niyang sa gate 4 ka magpapakita." "Alam mo rin kung anong nangyayari sa itaas?" Naging seryoso ang mukha niya. "Alam na alam ko." Umikhim siya. "Babalik na ako. Isarado mo ang tent at 'wag kang magpapasok. Linisin mo rin ang sarili mo. May banyo riyan sa likod kama. Ikaw na muna ang bahala rito at 'wag kang gagawa ng ingay. Maliwanag?" Tumango ako. Tumalikod siya pero muling humarap at hinigit ako para sa isang yakap. "Masaya akong nandito ka na. Mas ligtas ka rito sa Alegria kaysa sa Mantalongon. Babalik ako mamaya." Lumabas na siya ng tent at mabilis ko namang sinara ang munting pintuan. Nilibot ko ang tingin sa loob. Huminga ako nang malalim at lumapit sa telebisyon. Binuksan ko 'yon at tumambad sa akin ang isang replay ng interview sa kalihim ng DOH. "Sir, ilang kaso na po ang natatala ng gobyerno sa buong bansa?" "1,459 confirmed cases with 590 deaths." "Sa tingin niyo po, tataas pa rin ang bilang sa mga susunod na araw?" "Yes. Hindi pa rin tapos ang contact tracing sa kabataang kasama sa mass gathering ng Offline Bands. Inaasahan ng aming departamento na mas lolobo ang bilang hangga't hindi iniri-report ng mga magulang ang kanilang mga anak." "Sa ano, Sir, tungkol naman sa tumakas na bata sa Alegria sa Cebu, may balita na po ba?" "Sa ngayon, wala pa." "How about sa mga isolated area po na pinili ng gobyerno para doon i-contain ang mga infected?" "Maayos naman sila. Katunayan, katatawag lang ng isang officer sa Cebu na maayos na nai-deploy ang mga patients ng VV kahapon sa seaport ng Cebu. Binabiyahe na sila papunta sa isolated area." "Sa ongoing testing po ng gamot sa mga infected, ano na pong status?" "Inaasahan namin na mahahanap na ang gamot within this year. Marami na ring siyentipiko ang nagsakripsyo alang-alang sa bansa. Even our medic and military frontliners in this pandemic are sacrificing their lives to contain this virus. The government is hoping for an end of this pandemic."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD