1- A Mother's Unconditional

4879 Words
"Tulungan mo ako, hija. Nagmamakaawa ako sa'yo." Mas lalong diniinan ang hawak kong unan sa magkabilang tenga ko upang hindi ko siya marinig. Nakadapa ako habang nakapikit at pilit na hindi siya intindihin. Kailangan kong makatulog ngayon dahil bukas ay graduation pictorial na namin. Ayoko naman na humarap ako sa camera na ang lulusog ng eye bags ko, tapos kulang pa ako sa tulog. Imbes na blooming sa picture, magmumukhang adik dahil kulang ako sa tulog. "Ang anak ko, tulungan mo siya." I took a deep breath, bago ako tumayo at umayos ng upo. Hindi talaga ako lulubuyanan ng mga katulad niya. Inis kong nilagay ang unan na hawak ko na ginamit ko upang i-takip sa tenga ko, kaso hindi naman gumana. Binalingan ko siya nang tingin, buti na nga lang at hindi nakakatakot na mukha ang sumalubong sa akin. "Alam niyo po ba, kung anong oras na?" tanong ko sa magalang na boses. Tinuro ko ang wall clock na nakadikit sa pader ng kwarto ko. "Alas dose na po nang madaling araw. Ilang oras na lang po akong pwedeng matulog, once na tinulungan po kita. May graduation pictorial po ako bukas, kaya bukas na lang po kita tutulungan. Kaya po sige na at huwag niyo na po akong guluhin," nagmamakaawa na sambit ko. Kahit na ngayon lang. Ngayon lang. Madalas ko naman kayo tulungan kaya pagbigyan niyo na ako. Mahalaga sa akin ang graduation pictorial at gusto ko na maayos ang itsura doon, dahil once in a life time lang ako ga-graduate ng senior high school. Tinignan ko si Manang at may edad na siya, kung hindi ako nagkakamali nasa seventy years old na siya. Wala rin akong nakitang sugat sa mukha niya, na maaring kinamatay niya. Mukhang sa sakit siya namatay. Nakasuot siya nang puting dress na hanggang baba ng tuhod niya, bluish-gray color around the mouth na karaniwang makikita sa mga namatay ng tao. Kulay puti na may pagka-purple ang kanyang mukha at pati na rin ang kanyang balat. Kung hindi ako nagkakamali ay matagal na s’yang patay, ngunit narito pa rin siya sa mundo. "Ang anak ko nahihirap siya, kailangan niya nang tulong." "Manang, lahat naman po ay ng tao ay naghihirap dahil kasama po 'yan sa buhay. Tsaka hayaan niyo na lang po ang anak niyo na tumayo sa sarili niyang paa at kayo po ay kailangan niyo na pong manahimik," wika ko. "Ang anak ko sinasaktan siya ng kanyang asawa, pati na rin ang dalawa kong apo. Kaya tulungan mo sila." Domestic violence ang nangyayari sa kanyang pamilya. Karamihan talaga sa mundo ay nakakaranas ng ganitong pangyayari sa kani-kanilang partner o di naman ay sa kanilang asawa na minsan ay nauuwi pa sa pagkamatay ng taong nakakaranas nito. "Hindi po dapat ako ang nilapitan niyo. Dapat po sa police— Ay! Oo nga pala kaluluwa na pala kayo." Napakamot pa ako sa buhok ko. Napatitig ako kay Manang na nagmamakaawa sa akin ngayon upang tulungan ang kanyang anak at pati na rin ang kanyang apo. Kaya siguro hindi siya matahimik ay binabantayan niya ang kanyang anak at apo mula sa asawa nito. Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka ako tumayo upang magbihis. Sinuot ko ang kulay itim na may hoodie, bumaling pa ako kay Manang na nakatingin sa akin ngayon. Kahit na ayawan ko si Manang ay hindi pa rin niya akong titigilan at baka bukas ay bigla na lamang siyang magpakita habang kinukunan ako nang picture. "Hihingi po ako nang tulong sa Tito ko po, para po matulungan po niya tayo. Tapos ituro niyo po kung saan nakatira ang anak niyo po," sambit ko. Nagsuot ako ng hoodie tsaka tsinelas at dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, upang hindi ko magising sina Mama at Papa na nasa kabilang kwarto lang at tulog na nang ganitong oras. Walang ingay akong naglakad papalabas nang bahay namin. Bago kami pumunta sa anak niya ay dumaan muna ako sa bahay ni Tito Mike na isang police na may mataas na rango. Hindi naman maganda kung ako lang ang pupunta dahil domestic violence ang kaso, hindi malayo na maari rin akong saktan ng asawa ng anak ni Manang. Magaling man ako sa self-defense ay kailangan ko pa rin ng tulong ng isang police. “Tito!” sigaw ko. Mula dito sa labas ng kanyang bahay. Hindi naman malayo ang bahay ni Tito Mike sa amin, kaya madali ko lang napuntahan. Kumakatok ako mula sa bahay ng pinto ni Tito Mike upang marinig niya. Hindi ko alam kung tulog na si Tito o gising pa dahil late na rin. Naka-ilang katok ako bago bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Tito Mike na nakasuot ng sando at short, halata rin na naabala ko ang tulog ni Tito Mike dahil humihikab pa siya sa harapan ko. “Gabing-gabi na Aelin, bakit nasa labas ka pa?” tanong ni Tito Mike. “Ahm… Tito, kasi kailangan ko nang tulong mo,” sabi ko. Kumunot naman ang noo ni Tito. “Bakit? Nag-aaway ba ang Mama at Papa mo? Hayaan mo na ang dalawang ‘yon, alam mo naman na hindi sasaktan ni Kuya ang Mama mo.” biro pa ni Tito na ikatawa ko naman. “Hindi naman ‘yon, Tito. May isa kasing kaluluwa na humihingi ng tulong ko. Nandito po siya sa tabi ko.” Tinuro ko ang kanang bahagi ko, kung saan naroon si Manang na nakatingin kay Tito Mike. Sinundan ng tingin ni Tito ang tinuro bago ibalik ang tingin niya sa akin. “Kailangan niya ng tulong, Tito. Kasi binubugbog po ‘yung anak niya ng asawa niya, kaya kailangan namin ng tulong mo, Tito.” “Sandali? Nag paalam ka ba kanila Kuya,” tanong ni Tito. Napakamot ako sa buhok ko dahil aminado ako na hindi ako nag paalam kanila Mama at Papa. “Ikaw na bata ka, alam mo naman na ayaw nila 'yang ginagawa mo, Aelin.” “Tito, hindi ko naman po kasi mapigilan na hindi tumulong. Kaya, please po. Tulungan mo na po kami.” Nagpapa-cute pa ako sa harapan ni Tito. Sandali na nag-isip si Tito kung tutulungan niya ba ako o hindi. Maya-maya lang ay napabuntong hininga si Tito at sinabihan ako na mag-hintay at magbibihis lang siya. Kaya naghintay na lang kami at lumabas rin agad si Tito. Umalis rin kami at tinuro ko kay Tito kung saan nakatira yung anak ni Manang, sakto naman na may kakilala si Tito na kasamahan niya sa trabaho. Kaya kinausap niya iyon upang puntahan ang apartment building kung saan nakatira ang anak ni Manang. Nakarating na kami sa apartment building kung saan nakatira ang anak ni Manang. Nagmadali kaming bumaba ni Tito dahil ayon sa kasamahan niya, ay hindi nito magawang buksan ang pinto dahil may nakaharang dito at talagang ayaw silang pagbuksan ng asawa ng anak ni Manang. “Anong nangyari, Cruz?” tanong ni Tito sa kasamahan niya. Nakita ko na maraming tao ang naririto sa harapan ng room ng anak ni Manang. Lahat sila ay inaabangan kung ano ang mangyayari. “Sir, mahirap po talaga na paki-usapan si Caloy lalo na’t adik at naka-inom po si Caloy,” sabi nang isa sa mga residente dito. "Tama na! Nasasaktan na ako!" “Tumahimik kang babae ka!” Dining na dining dito sa labas ang kalabog na mula sa loob at alam na kung sino ang may gawa. “Tito, tulungan na po natin s’ya,” sabi ko kay Tito, dahil hindi ako mapakali lalo na at nasa kapahamakan ang anak ni Manang. Lumapit si Tito sa pinto at kinatok niya ang mag-asawa sa loob at nakikiusap sa asawa ng anak ni Manang, kung maaari na buksan ang pinto at tigilan ang ginagawa niya sa anak at apo ni Manang. Ngunit hindi sumunod ang lalaki at sinigawan pa kaming nandito, kaya wala ng choice si Tito kung hindi sapilitan na buksan ang pinto. Nag tulungan si Tito at ang kasamahan niya upang mabuksan ang pinto. Nagawang buksan ni Tito ang pintuan ng room ng mag-asawa kaya bumungad sa amin ang nagkakalat na mga gamit ng mag-asawa. Naunang pumasok si Tito at sumunod ako. Nagulat ako sa nakita ko na halos gusto ko na i-balik sa asawa ng anak ni Manang ang kanyang ginawa sa mag-ina niya. Nakasalampak ang anak ni Manang habang pinoprotektahan niya ang kanyang anak na may black eye sa kaliwang mata at may dugo ang kanang gilid ng labi nito. Nakapikit ang bata habang ang anak naman ni Manang ay umiiyak na ginigising ang anak. “Mga walang hiya! H’wag kayong makielam dito kung ayaw niyong matulad sa kanila!” “Tumigil ka na, kung ayaw mong makulong!” sigaw ni Tito sa asawa ng anak ni Manang. “Pakialamero!” Mabilis na humakbang papalapit ang asawa ng anak ni Manang upang ihampas kay Tito ang hawak nitong bote. Dali-dali namang iniwasan ni Tito ang ginawa ng asawa ng anak ni Manang dahilan upang hindi matamaan si Tito. Gamit ang siko ni Tito ay mabilis niyang siniko ng malakas sa likod ang asawa ni Manang, dahilan upang matumba ito at mapahiga sa lapag. Inilabas ni Tito ang posas niya na nasa loob ng bulsa ng jacket niya at pinosasan ang asawa ng anak ni Manang. “Bitawan mo ako!” Pumapalag pa ang asawa ng anak ni Manang. “Tumahimik ka!” sigaw ng kasamahan ni Tito, habang hinahawakan ito. “Aelin,” tawag ni Tito sa akin. “Ilabas mo na ‘yung mag-ina at dalhin na agad sa ospital. Kami nang bahala ni Cruz sa lalaking ito.” “Sige po, ‘to.” Agad ko namang dinaluhan ang mag-ina. Ako na ang bumuhat sa bata dahil hindi rin naman kaya ng anak ni Manang na buhatin ito, dahil maski siya ay may mga sugat na natamo galing sa kanyang asawa. Paglabas namin ay naroon na rin ang mga kagawad at tinulungan ang anak ni Manang. Sumakay kami sa patrol ng barangay upang madala sa pinakamalapit na ospital ang mag-ina. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay Manang na tahimik lang na nakatingin sa kanyang anak, ganon rin sa kanyang apo na nasa bisig ko. Tinapunan ko nang tingin ang anak ni Manang at umiiyak ito habang nakatingin sa anak niya. “Anak, kumapit ka lang, ah. Malapit na tayo sa ospital.” Hinimas pa ng anak ni Manang ang buhok ng anak niya. “Huwag po kayong mag-alala. Mukha naman pong malakas ang anak niyo po,” sabi ko. Hindi ko man makita na malakas siya sa kanyang itsura ngayon pero ramdam ko na malakas siya at kakayanin niya ang lahat. Nang makarating na kami ay bumaba na kami, agad naman inasikaso ang anak ni Manang pati na rin ang apo nito dahil emergency na rin. “Lola…” Napatingin ako sa apo ni Manang nang bigla itong nagsalita at naidilat nito ng kaunti ang kanyang mata. Nakatingin ito sa kanang bahagi ko na para bang nakikita niya ang kanyang Lola. “Apo, magpagaling ka para sa mama mo.” Hindi ko alam kung narinig ba nang apo ni Lola ang kanyang sinabi dahil pumikit na rin ito at inasikaso na ng doctor. Napabuntong hininga na lang ako at tsaka naglakad papunta sa upuan kung saan pwedeng maghintay. "Ang akala ko ay bubuti ang buhay ng anak at apo ko kay Caloy, kaya kampante ako na maiiwan ko ang anak ko at apo ko dahil alam ko na may lalaking nagmamahal sa kanila. Pero hindi pala... Iniwan ko ang anak at apo sa isang demonyo." Napatingin ako kay Manang nang magsalita. Napasandal ako sa upuan. Hindi naman natin masasabi kung masama o mabuti ang taong pag-iiwanan natin sa mahal natin sa buhay, hindi rin kasi agad makikita ang isang ugali ng tao kung mabuti ba o hindi. Gaya na lang ng asawa ng anak ni Manang, hindi niya akalain na ganon pala ang ugali ng lalaking ‘yon. Ang akala niya once she dies, her daughter and granddaughter will be okay. But no. "Atleast po ay nailagtas niyo ang anak at apo niyo po," sabi ko upang magaanin ang loob niya. "Maraming salamat sa'yo." Ngiti lang ang sinagot ko at maya-maya lang ay lumabas na ang anak ni Manang. Napatayo ako kaya napatingin sa akin ang anak ni Manang. Lumapit ito sa'kin sabay hawak sa kamay ko habang may luha sa kanyang mata. "Maraming salamat sa'yo, kung hindi dahil sa'yo ay baka namatay na ang anak ko. Maraming salamat!" Humahagulgol siya sa harapan ko kaya wala akong nagawa, kung hindi tapikin na lamang ang balikat niya upang aluhin siya. Nakamasid lang sa amin si Manang at tinitignan kung ano ang ginagawa ng kanyang anak. "Huwag na po kayong umiyak,” saad ko at hinagod ko ang kanyang likuran. “Actually po, hindi lang po ako ang tumulong sa inyo," wika ko. Gusto ko na malaman niya na kahit wala na ang kanyang ina ay palagi itong nasa tabi nila. "Ang iyong ina. Siya ang po ang tumulong sa akin upang tulungan po kayo." Naguguluhan na nakatingin siya sa akin. Alam ko na gano'n ang magiging reaksyon niya dahil impossible naman kasi ang sinasabi ko, but I'll never lie. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Ngumiti ako bago ko tinuro ang direksyon ni Mamang. "Ang ina niyo po ang nagsabi sa akin na nasa panganib kayo, kaya po nagawa po namin na tulungan po kayo mula sa asawa niyo po at kasama rin po natin siya." Kahit na naguguluhan siya ay tumingin siya sa tinuro ko. Bigla na lamang lumiwanag ang paligid ni Manang at alam ko na nakita niya ang kanyang ina dahil napatakip siya nang bibig at humagulgol ng malakas. "M-Ma..." Isang ngiti ang sinalubong ni Manang sa kanyang anak na si Rebecca. Ang anak niya ang tanging kaligayahan na meron siya dahil simula nang mamatay ang kanyang asawa, dahil sa deadly stroke ay tanging anak niya lang na si Rebecca ang naiwan, kaya nangako siya sa kanyang asawa na gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak. Nagawa ni Manang na pagtapusin ng hayskul ang anak, balak pa sana ni Manang na paaralin ang anak sa kolehiyo ngunit hindi nangyari, dahil na rin sa maagang pagdadalang tao ang kanyang anak na si Rebecca. Kaya wala nang nagawa si Manang kung hindi ang supportahan na lamang ang anak. Mabait at masipag naman ang naging asawa ng kanyang anak, kaya hindi na siya nag-aalala sa anak, oras na mawala siya sa mundo. Dahil alam ni Manang na may mag-aalaga sa kanyang anak at si Caloy ito. “Kamusta ang apo kong si Grace, anak?” tanong ni Manang sa kanyang anak. Dumalaw si Rebecca sa kanyang ina. Hindi na kasi nito magawang makadalaw sa kanyang ina dahil na rin sa may trabaho ito, kaya ngayon lang niya nagawang dalawin ang kanyang ina na ngayon ay may sakit na. May Coronary artery disease o Cad, plaque builds up in the wall of the arteries that supply blood to the heart. Once narrowing or blockage of your coronary arteries can cause heart failure. Malala na rin ang sakit ni Manang kaya gusto na rin nyang makasama ang anak at apo niya. “Gagaling ka pa, Ma. Maabutan mo pa na pumasok ng school si Grace,” wika ni Rebecca sa kanyang Mama, habang pinapainom niya ito ng gamot. Ngumiti lang si Manang at nakipag-kwentuhan sa kanyang anak. Masaya si Manang na inaalagaan ni Caloy ang kanyang anak at pati ang anak nito. Palagi kasing sinasabi ni Rebecca na napaka-pagmahal ng kanyang asawa sa kanilang dalawa, kaya hindi nag-aalala si Manang. Ngunit hindi pala gano'n ang nangyayari. “Anong nangyari dyan sa braso mo?” tanong ni Manang nang mapansin ang pasa nito sa kanang bahagi ng braso ni Rebecca. Mabilis naman na tinago ni Rebecca ang kanyang pasa at sapilitan na ngumiti sa kanyang ina. “Tumama lang sa pader, Ma… Kumain na po kayo.” Tumango lang si Manang at tsaka siya kumain upang makainom na ng gamot kasama ang kanyang pamilya. Sa bawat na lumilipas ang oras at araw, pati na rin ang mga numero sa kalendaryo ay mas lalong lumalala ang kalagayan ni Manang na tipong hindi niya na magawang tumayo sa higaan niya, dahil nahihirapan na siyang maglakad at pati na rin sa kanyang paghinga ay nahihirapan na rin siya. “Caloy… Alagaan mo sana ang anak at apo ko… Sa’yo ko na iniiwan ang aking anak, alam mo naman kung gaano ko kamahal ang anak ko. Kaya hinayaan ko siya na magpakasal sayo dahil alam ko na sasaya ang anak ko sa’yo. A-At nakikita ko rin na mahal mo rin ang anak ko. Kaya masaya ako na iiwan ko ang anak ko sa’yo, pati na rin ang apo ko.” Halos kinakapos na sa hininga si Manang, habang nasa gilid niya sina Rebecca at Grace na kapwang umiiyak. “Makakaasa po kayo,” sambit ni Caloy sa magalang na tono. Dahan-dahang ngumiti si Manang at tsaka niya binalingan ang anak at apo na nasa gilid niya at hindi tumitigil sa pag-iiyak. “Huwag na kayong umiyak na dalawa… Tatandaan niyo na nasa tabi niyo lang ako anumang mangyari ay gagabayan ko kayong dalawa.” On March 25, Manang died at the age of seventy years old. Ang huling salita ni Manang na iniwan niya sa kanyang anak at apo bago ito tuluyang mawalan ng buhay. Kahit na gaano kagusto ni Manang na magtagal pa sa mundo ay hindi niya magagawa. Dahil bawat buhay sa mundo ay may limitasyon ang itinakda, kung oras mo na ay oras mo na kahit na hindi mo pa gustong mawala sa mundo, ay walang magagawa. Katulad ni Manang na kahit gusto niyang magtagal ay tinanggap niya na ang kanyang kapalaran. Unting-unting lumapit si Manang sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak na nakatingin sa kanya. Naroon pa rin ang pagkabigla sa mukha ng kanyang anak na bigla na lang niyang nakita ang kanyang ina. Lumuhod si Manang upang magpantay sila ng kanyang anak at dahan-dahan na hinawakan ang kaliwang pisngi ng anak at hinaplos ito ng dahan-dahan, sabay ngiti nito. "Sabi ko naman sa inyo na nasa tabi niyo lang ako. Ligtas ka na, anak. Mula sa lalaking ‘yon… Alagan mo ang sarili mo at pati na rin ang aking apo. Gusto ko na masaya kayong dalawa at nandito lang ako palagi sa tabi niyo." “Mama…” “Tumahan ka na aking anak at lakasan mo ang loob mo para sa anak mo.” “Mama, miss na miss na po kita, Mama…” “Miss na miss ka na rin namin ng Papa mo, anak. Kaya sige, tumahan ka na.” “Mama!” Napangiti na lang ako habang nanonood sa kanila. Niyakap ni Manang ang kanyang anak at masaya itong inaalo ang anak upang tumigil na sa kakaiyak, maya-maya lang ay napatingin ako sa likuran ni Manang nang biglang may lumiwag mula sa kanyang likuran at unting-unting nilamon ng liwanag si Manang, habang ang kanyang anak ay walang tigil na umiiyak at niyayakap ang sarili. You have now found your peace, Manang. With your husband. Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka ko nilusot ang kamay ko sa bulsa ng suot-suot kong hoodie. Sandali pa akong tumagal doon bago ako tuluyang umuwi na dahil kailangan ko na rin naman na umuwi. Panibagong kaluluwa ang natulungan ko at tuluyan nang mananahimik dahil alam niya na ligtas na ang mahal niya sa buhay. Hindi kasi magawang manahimik ng isang kaluluwa kung may hindi pa sila natatapos sa mundo o baka nasa panganib ang mga mahal nila sa buhay, kaya hindi nila magawang sumama sa puting liwanag na maghahatid sa kanila sa magandang paraiso. Tuluyan na akong umalis sa ospital at umuwi na nang bahay dahil kailangan ko pa na matulog kahit na alam ko na kukulangin ang tulog ko. Alas syete ang pasok ko bukas at ang oras ngayon ay alas dos na, sana nga lang ay hindi halata ang eyebags ko dahil hindi na ako aasa na maayos ang itsura ko sa picture. Hinubad ko ang suot kong hoodie at tsaka ko 'yon pinagpag bago ko isabit sa aparador ko. Humiga na ako sa kama ko na gawa sa kahoy at tsaka nagdasal, bago ko tuluyang ipikit ang mata ko. Sana lang walang multo ang manggugulat sa akin bukas. "Aelin, mali-late kana!" Dining kong sigaw ni Mama mula sa labas nang bahay. Kumagat muna ako sa hotdog na almusal ko ngayong umaga at tsaka ako humigop nang mainit na tsokolate, bago ako tumayo at kinuha ang bag ko. Pinunasan ko pa ang bibig ko gamit ang tissue na dala-dala ko, araw-araw kasi akong may dalang tissue sa bag. Nakita ko si Mama na kausap ngayon ang kapit-bahay na si Aling Malou. "Ma, aalis na po ako." Napabaling sa akin si Mama at pati na rin si Aling Malou. Ngumiti lang ako sa kanya. "Umalis ka na at baka mahuli ka na," sabi ni Mama. Napango naman ako at nagpa-alam na kay Mama pati na rin kay Aling Malou. Nagsimula na akong lumakad papunta sa sakayan ng jeep. Hindi naman ako late nagising dahil kinatok ako ni Papa sa kwarto kaya na gising na rin ako nang alas sais ng umaga, nakakain nang tama na hindi naghahabol sa oras, akala ko talaga ay mali-late na ako nang gising dahil sa tinulungan ko si Manang, hindi pala. Sumakay na ako ng jeep at tsaka nagbayad, napahikab pa ako dahil aamin ko ay nakulangan ako sa tulog ko kanina. Kinuha ko na lang ang wireless earphones ko sa bag at tsaka ko 'yon kinonekta sa cellphone ko. Makikinig na lang ako nang music habang hinihintay na makarating sa school. Grade 12 students ako at malapit na maka-graduate. Humanities and Social Sciences o Humss is my strand, dahil sakop nito ang gusto kong kurso oras na makarating ako sa kolehiyo at ang pagiging lawyer ang gusto ko balang araw. Ang Humss ang malapit na strand kung gusto mong mag-law balang araw. Sa pribadong paaralan akong pumapasok, Catholic school siya at nakakuha ako nang scholarship sa school na pinapasukan ko. Ang tanging babayaran ko lang ay ang uniform at libro lang, the rest wala na. Nang makarating na ako sa school ay pumasok na ako para makarating na ako sa room. Tinanggal ko na muna ang earphones ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng room. Marami na rin kami sa room at halos ang iba ay may sariling mundo, may mga nagce-cellphone dahil malakas ang wifi sa school kaya ang lakas nilang mag-mobile games dito, may busy kaka-make up na tipong kada-oras ay kailangan ire-touch at baka haggard na sila, may mga nagtatawanan naman sa kabilang dulo, at may naghahabulan naman. Dumeritso na lang ako sa upuan ko malapit sa may bintana. By alphabet ng apelido ang arrange ng upuan kaya nasa may dulo ako, pero hindi naman ako ang huli dahil may Z na first letter na apelido sa amin. Sinabit ko sa upuan sa harapan ko ang bag ko para maayos ang pagkaka-upo ko. "Hey, weirdo." Napatingin ako kanila Mary na nakaupo doon sa unahan. Nakangisi silang tatlo sa akin na para bang may balak silang gawin sa akin. "Aelin Mean Ramos," banggit ko sa pangalan ko. "'Yan ang pangalan ko, pwedeng-pwede mo akong tawagin sa kahit ano sa pangalan ko. Aelin? Mean? O di kaya pwede mo akong tawagin by surname." Ngumiti pa ako. "Pero mas bagay naman ang weirdo sa'yo. Kasi Weirdo ka talaga." Humahalakhak pa sila. Tumango na lang ako at hindi ko na sila pinansin dahil baka pag-pinansin ko pa ay humaba ang usapan. They called me weirdo kahit na libre naman na tawagin nila ako sa pangalan ko, pero mas pinili nila na tawagin akong weirdo. Hindi ko naman sila masisi kung 'yon ang itawag nila sa akin dahil saksi sila sa mga kinikilos ko na kakaiba sa paningin nila. Nahuli nila ako na kinakausap ko ang sarili ko kahit na may kausap naman talaga, kaso nga lang only me nga lang dahil hindi nila nakikita. Nahuli rin nila ako na bigla-bigla na lamang sisigaw at tatakbo papalayo. Sino nga ba naman ang hindi mawe-weirduhan sa akin? Kung ganun ang ginagawa ko. Tinanggap ko na lang kung ano ang tawag nila sa akin kahit na okay naman ang pangalan ko, mamili na lang sila kung anong gusto nilang itawag sa akin. Hindi naman ako 'yung tipong weirdo na tao, sadyang nagiging weirdo lang ako dahil sa mga kaluluwa na lumalapit sa'kin bigla-bigla. Wala rin akong naging kaibigan dahil may pinili ko na lang rin ang mag-isa, in short lonely girl ako. Hindi ko nagagawang magkaroon ng kaibigan dahil natatakot sila sa akin. One time kasi sinabi ko sa mga kaklase ko na groupmates ko sa research na may multo sa likuran nila, ayon nagsisi takbo at never na nila akong sinali sa grupo. Muntik pa nga akong ma-suspends noon dahil sinasabi ng mga kaklase ko na nakakatakot raw ako at baka raw takas ako sa mental, kaya napatawag noon sina Mama at Papa dahil nga sa reklamo ng mga kaklase ko. Pinaliwanag naman ni Mama kung anong meron sa akin. Naniwala naman sila pero may iba talaga na hindi naniwala na may gano'n akong kakayahan. Hindi rin naman natuloy ang pagsu-suspend sa akin at sinabi na lang sa akin ni Mama na lumayo na lang ako sa kanila, iwasan ko rin na magsabi sa mga kaklase ko ng nakakatakot na bagay. Kaya 'yon ang ginawa ko, umiwas ako sa mga kaklase. Sa kakalayo ko sa kanila ni-isa ay wala manlang ako naging kaibigan. One time tinary kong makipagkaibigan, pero tinawag lang nila akong weirdo at hindi pinansin ang sinabi ko. Kaya hindi ko na rin sinubukan pa. May nakakausap naman ako pero iba pa rin yung magkakaroon ka ng kaibigan sa buhay. 'Yung dadamay sa'yo at dadamayan mo. 'Yung makikipagkulitan sa'yo, dadaldal, iiyak sa'yo pag-may problema. At syempre 'yung totoo sa'yo. Kaso puro kaluluwa naman ang gusto maki-pagkaibigan sa akin. Nakapikit ang dalawang mata ko dahil nilalagyan ako ngayon nang eyeshadow, malapit na rin kasing tawagin ang apelyido ko. Nagsisimula na kasi ang graduation pictorial namin at natapos na rin 'yung mga boys na kaklase ko, kaya kami nang girls ang inaasikaso. "Ganda mo, bhe." Natapos niya na akong lagyan ng make-up sa mukha "Sure po ba kayo?" natatawang tanong ko. "Baka naman po malabo na ang mata niyo po." I'll accept his say as a compliment, pero hindi ko se-seryosohin dahil baka mamaya ay jino-joke niya lang ako. "Pa-humble ka pa, ang ganda mo kaya!" Ngumiti lang ako sa kaniya at nagpasalamat ako sa paglagay niya nang make-up sa mukha ko, bago lumabas ng room upang pumila na. Inayos ko pa ang buhok ko upang hindi mapunta sa mukha ko at baka mamaya ay masira pa, tsaka ako pumila sa likuran ni Quirino. Tumingin ako sa harapan at nakita ko na pinipicturan siya, kita ko rin kung gaano ka liwanag ang kanyang ngiti habang nakatingin sa camera. Sasaya ka talaga pag-ala mo na gagraduate ka pagkatapos ng paghihirap mo, para lang mapabilang ka sa mga gagraduate. "Ang ganda mo, Aelin." Napabaling ang tingin ko kay Quirino na nakatingin pala sa'kin. "Kaya hindi nakakapagtaka kung gusto kang ligawan noon ni Danielle." Si Danielle, ang president ng klase namin. siya rin ang madalas na ilaban sa mga contest katulad ng pagent at ka-partner niya si Sandara, ang muse sa klase namin. "Hindi naman totoo 'yon," sabi ko sa kanya, dahil never na lumapit sa akin si Danielle, kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na may balak noon si Danielle na ligawan ako. "Totoo kaya 'yon, kaya lang sinisiraan ka ni Sandara sa kanya kaya hindi natuloy," sabi pa niya. Ngumiti lang ako dahil hindi naman ako nanghihinayang kung hindi natuloy 'yon. Focus kasi ako sa pag-aaral kaya kung natuloy man 'yon ay papatigilin ko rin siya, buti na nga lang ay hindi natuloy at ang niligawan niya ay si Sandara. Sumunod na si Quirino tapos ako na. Hinintay ko lang na matapos si Quirino, nang matapos si Quirino ay ako na ang pumalit. Umupo ako sa upuan at tsaka ko inayos ang suot-suot kong toga bago ako humarap sa camera. "Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Manong na kumukuha ng picture. Hindi ako sumagot at tumingin ako sa paligid. Wala akong nakikita bukod sa mga kaklase ko na naghihintay sa gilid, wala namang sigurong susulpot sa harapan ko dahil wala akong nakikitang kaluluwa sa paligid. Humarap ako tsaka ako ngumiti. "Yes, po." Nagsabi si Manong na magbibilang siya hanggang three. Pagkarinig ko nang tatlo ay ngumiti ako sabay ang pag-flash ng camera na nasa harapan ko. This is my life, nakatadhana na sa akin ang makakita ng kaluluwa na hindi nakikita ng iba. Nakaguhit sa kapalaran ko na ang madalas kong makakasama ay ang mga multo na gustong humingi ng tulong sa akin, kaya hindi na nakakapagtaka na mas close ako sa mga multo kesa sa mga kagaya kong buhay na tao. Wala akong magagawa kung hindi tanggapin na lamang kung ano ang binigay sakin at kalimutan na ang hangarin na magiging normal pa ang buhay ko, kahit na gustong-gusto ko na maging normal ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD