"Hey, weirdo."
Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko. Break time na ngayon kaya nag-aayos na ako nang gamit ko upang makakain na rin, pero naabala nang marinig ko ang boses ni Sandara.
I'll face her with a smile on my face. "Yes? May kailangan ka?" Kasama nito ang dalawa niyang kaibigan na nasa magkabilang gilid niya.
"Well..." Hinawi pa niya ang kanyang buhok na parang nasa commercial siya ng shampoo. "We would have invited you because all of our classmates are going to join us, only you are not. Do you want to join? We had a party at my boyfie’s house." Nakangiti siya sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kailan pa nila ako na isip na isama sa mga gimik na meron sila? Bagong-bago toh, ah!
"Party? Kaninong party?" tanong ko.
"Hindi mo ba alam na birthday ni Danielle, kaya may party pagkatapos nang klase," sambit ni Laurice, ang isa sa kaibigan ni Sandara.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Birthday pala ni Danielle ngayon, kaya naman pala may pa-party sila after ng class. Kung may party pala, syempre hindi mawawala doon ang inuman, sayahan, at biruan. Teka? May swimming pool ba sa party, mamaya?
"Magpa-party ba kayo malapit sa swimming pool?" tanong ko.
"Yeah."
So, sa swimming pool pala. Delikado ako doon. Hindi ako sasama, dahil wala rin naman akong balak na sumama sa kanila. Naitanong ko lang naman kung meron.
"Hindi ako pwede," sabi ko sabay iling sa kanila. "May gagawin kasi ako, kaya hindi ako pwede."
Bukod sa hindi talaga ako nakikisama sa kanila at baka mamaya ay pag-tripan lang ako ng mga tao doon, dahil hindi naman sila naniniwala na may third eye ako at isipan pa nila ako ng mabibiro sa akin. Mamaya bigla na lang nilang maisipan na ihulog sa swimming na kinatatakutan ko talagang mangyari.
Na-trauma na ako sa swimming pool dahil sa akin may muntik kang mawalan ng buhay. Isa sa mga kaklase ko ang muntik nang malunod sa swimming pool kung saan nagbirthday 'yung isa ko pang kaklase. Bigla na lang kasing nahulog siya, sakto naman at nandoon ako. Akala nang lahat ay ako ang tumulak sa kanya, pero hindi nila alam na may kaluluwa doon sa swimming pool na bigla-bigla na lang nang hihila ng paa.
Kaya simula noon ay hindi na ako sumama dahil na rin sa pinalalayo na ako ni Mama sa mga kaklase ko at maski yung mga kaklase ko ay lumalayo na rin sa akin. Dahil baka raw gawan ko sila nang masama, once na lumapit sila sa akin.
"Katulad ng alin?" tanong ni Cindy na may ngisi sa labi niya. "Makipag-usap sa mga ghosts friend' mo." Sabay halakhak ng tatlo.
"You're so weird talaga." Umiling pa si Sandara.
Tinignan ko lang silang tatlo na tinatawanan ako. Nakakatawa ba ang mga ghosts? I hope na isa sa kanila ay makakita ng multo, tignan natin kung matatawa pa rin sila. Hinayaan ko na sila doon at nilagpasan ko na sila pero bago pa man ako makalabas nang room ay bumungad sa akin si Danielle. Napahinto siya at nagkatinginan kaming dalawa, muntik ko pa siyang mabunggo kung hindi lang ako nakatingin sa dinadaanan ko.
"I'm sorry," he said with his manly voice.
"Hindi mo naman ako nabangga, kaya hindi mo kailangan na mag-sorry sa akin," sabi ko sa kanya, habang nakatingin sa kaniya.
Danielle Raj Manzano, our class president. Siya 'yung tipong gugustuhin mo na maging kaibigan dahil hindi siya gano'n ka kj na kaibigan at ituturing ka niya bilang kapatid. He's kind, matalino rin siya at gwapo kaya siya ang pambato ng section namin, isama pa 'yung girlfriend niya na si Sandara.
"But I-"
"Hey, babe," singit ni Sandara at kitang-kita ko kung papaano pumulupot ang kamay niya sa braso ni Danielle.
Tumikhim ako at ngumiti sa kanila. "Una na ako."
Nababawasan ang oras ko upang makakain kung tatagal pa ako dito. Naglakad ako upang lagpasan na sila, pero bigla na lamang hinawakan ni Danielle ang braso dahilan upang mapahinto ako at mapatingin sa kamay niya na nakahawak sa braso ko.
Nakita ko naman na napatingin rin siya sa kamay niya at bumitaw rin naman siya. Napansin niya siguro na hindi naman kami close, para hawakan niya ako.
"I'm sorry, I just want you to invite to my birthday," sabi niya at katulad ng girlfriend niya ay niyaya niya rin ako. "Are you coming with us?" he asked.
Hinawakan ko ang kanang braso ko na hinawakan niya. Napabaling ako kay Sandara na nakataas ang kaniyang kilay, siguro ako na nakita niya 'yon.
"Pasensya ka na, pero hindi ako pwede," I rejected his invitation. "Mauna na ako." Ngumiti pa ako ulit sa kanila bago ko sila nilagpasan.
Naglakad ako palabas nang classroom, inayos ko pa sa pagkakasukbit ng bag ko. at dumeritso ako sa canteen. Wala naman akong paki kung ako lang ang hindi makakasama sa party niya, hindi naman mauudlot ang party niya kung hindi ako kasama. Kaya hindi kailangan ang presensya ko doon.
Pumasok ako sa loob ng canteen upang bumili ng pagkain ko. Napahinto pa ako dahil may biglang dumaan na kaluluwa sa harapan ko, sinundan ko nang tingin ang babaeng multo na sumusunod sa isang student dito. Umupo ang babae estudyante dala-dala ang inorder na pagkain niya habang ang multong babae naman ay nakatayo lang sa likuran niya. Kilala siguro ng multong 'yon ang sinusundan niya. iniling ko na ang ulo ko at tsaka ako pumunta sa harapan upang maka-order na nang pagkain at nagwawala na ang mga bulate sa tiyan ko.
Umorder ako nang adobong manok. Isang pirasong hita ng manok na medyo malaki na may sabaw na madami, mas marami pa ang sabaw kesa laman pero forty-five na. Masyado namang tipid ang school na ito, bale sixty pesos ang nagastos ko sa pagkain ko ngayon kasama na ang kanin at inumin. Humanap ako ng upuan na pwedeng makainan at nakahanap ako ng isang table na walang estudyante na kumakain, kaya doon ako pumunta at umupo upang makakain na.
Habang ngumunguya ako ay nakatingin ako sa cellphone ko upang maghanap ng pwedeng pasukan na university na may scholarship. Ngayong month kasi ng February ay may mga university na nagbukas na para sa mga magko-kolehiyo. Naka-pagpasa na ako ng requirements sa mga kilalang universities dito sa manila, nag-apply na rin ako for scholarship ang kailangan ko na lang hintayin ay ang sagot nila.
Nag-iiscrool lang ako sa social meadi ko nang biglang may nag-chat sa akin. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman friends ang nag-chat sa akin.
'Good morning po, ikaw po ba si Ms. Aelin Mean Ramos?'
"Sino 'to?" tanong ko sa sarili ko at tsaka ako nagreply sa chat sa akin.
'Yes, sino po kayo? At paano niyo po nalaman ang socmed account ko po?'
Paano niya nalaman ang socmed account ko? Impossible naman sa mga kaklase ko dahil hindi naman kami close ng mga 'yon pati na rin kanila Mama at Papa dahil hindi naman sila mahilig sa socmed.
'Risa po ang pangalan ko, tulungan mo po ako.'
Risa? Wala naman akong natatandaan na may risa akong nakilala o nakasalamuha at tsaka tulong? Bakit?
'Tulong? Bakit hindi po kayo tumawag ng police? Nagkakamali po yata kayo. Student po ako at hindi police'
Prank ba 'to? kung prank 'to at ako pa ang napili para maging biktima nila, pwes maboboring lang sila dahil hindi ako nakikipag-participant sa kanila. Uminom ako nang tubig at tsaka ko binuhat ang tray upang ilagay sa harapan. Pagkatapos kong mailagay sa harapan ang pinagkainan ko ay umalis na ako sa canteen. Marami na rin kasing tao dahil vacant na.
Naramdaman ko na nagvi-vibrate ang cellphone ko kaya napatingin ako at ang Risa pa rin ang nag-chat sa akin.
'Hindi po police ang kailangan ko, kayo po. Please po, tulungan niyo po ako.'
Huwag mong sabihin na may alam ang Risang ito kaya nanghihingi ng tulong sa akin.
'Nasaan ka ba?'
Tumingin ako sa relo ko at may ilang oras pa naman ako para bumalik sa classroom. Dumeritso na muna ako sa may upuan upang makalanghap ng sariwang hangin, sakto naman na walang estudyante ang nakaupo sa upuan na nakita ko, kaya doon ako umupo at tsaka ako tumingin sa cellphone ko.
'Nasa harapan po ako ng school niyo po.'
Kunot ang noo ko sa nabasa ko. Nasa harapan siya ng school? Paano niya nalaman na dito ako nag-aaral? Stalker ko ba siya?
'Ang weird mo alam mo ‘yun? Hindi ko alam kung nantitrip ka lang, tapos alam mo pa kung saan ako nag-aaral. Stalker ba kita?'
Nasa harapan siya ng school ngayon. Hindi naman pwede na basta-basta na lamang akong magtitiwala lalo na kung hindi ko kilala ang isang tao. I'll block her on my socmed at tsaka ako umalis mula sa pagkakaupo ko upang bumalik na sa classroom, malapit na rin kasi mag-time kaya babalik na ako.
"Uy! Aelin," bungad sa akin ni Mila, ang bise-presidente ng classroom.
Tumingin ako sa kaniya pagkatapos kung umupo sa upuan ko.
"Bakit?"
Umupo pa siya sa harapan ko. "Ayaw mo raw sumama, sayang naman at huling party na rin natin ‘yan kasi nga ga-graduate na tayo. Sama ka na, ako bahala sayo." anyaya pa niya.
"Ayoko talaga at isa pa hindi rin ako papayagan ni Mama," sabi ko.
"Ang istrikto naman, sabihin mo na gusto mong magsaya. Sure naman na papayagan ka na niyan."
Umiling ako at tsaka ngumiti sa kaniya. "Sorry talaga, pero hindi talaga pwede,"
Nakita ko sa mukha niya ang disappointed dahil hindi niya ako papayag na sumama.
"Okay..." Tumango siya at umalis na siya sa harapan ko upang bumalik na sa pwesto niya.
Hinabol ko lang nang tingin si Mila na umupo na sa pwesto niya at nakipagchitchat sa katabi niya. Mila is nice at pala kaibigan talaga siya, kaya nga maraming bumoto sa kaniya 'nung nag-election dito sa classroom. Dahil magaling siyang makisama sa lahat, kaya nakuha niya 'yung loob naming lahat. I wish katulad ako ni Mila na kayang makisama na walang inaalala.
Inalis ko ang tingin ko kay Mila at aksidente na napatingin ako sa gawi ni Danielle. Nagulat ako nang makita ko na nakatingin siya sa akin kaya pagtingin ko sa kanya ay nagsalubong ang tingin naming dalawa. He just nods to me and gives me a bright smile na gano'n rin ang ginawa ko, para kaming hindi magkakilala na dalawa kung ituring ang isa't-isa. Hindi naman ako naiilang sa kaniya kahit na narinig ko na balak niya akong ligawan at hindi na rin natuloy dahil sila ng dalawa ni Sandara, siguro iwas na lang sa gulo.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanya dahil nariyan na si Sir Alonzo upang magturo ng entrepreneurship sa amin. Last lesson na namin today sa subject— actually lahat ng subject namin ay last lesson na ngayong araw, tapos sa monday ay re-review na lang for an exam at malapit na talaga kami grumaduate. Sir Alonzo started his lesson, kaya kami ay nakikinig na dahil maladas tumawag si Sir, upang sagutin ang tanong niya at kung hindi mo masasagot ay tatayo ka lang hanggang sa masagot mo ang tanong ni Sir.
I'll always be active for recitation dahil madalas naman akong a-advance na magbasa ng mga libro sa bahay, nakikinig rin ako tuwing nagle-lesson ang mga teachers namin. Wala namang maling sagot kung gusto mong ilahad ang opinyon mo sa tanong ng mga teachers namin at confident naman ako sa mga sagot ko dahil 'yon ang nababasa ko sa mga libro ko at nalalaman ko sa mga tinuturo ng mga teachers namin.
Time passed and the bell rang. Tapos na ang lahat ng subjects namin at pwede nang umuwi. Nag-aayos na ako nang gamit habang ang iba naman ay excited dahil dediretso na sila sa bahay ni Danielle. Tumayo na ako at tsaka ako lumabas sa classroom upang makauwi na. Hawak-hawak ko ang cellphone ko dahil tinext ko si Mama na pauwi na ako.
"Ate Aelin..."
Napahinto ako sa paglalakad at nakalabas na ako nang gate ng school. Narinig ko ang boses na tumawag sa akin sa likuran ko. Umihip ang malakas na hangin sa pwesto ko, kaya naramdaman ko ang lamig sa balat ko. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon.
"Sino ka? Tao ka ba o multo?" tanong ko.
Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ako humarap sa kanya dahil gusto ko muna alamin kung tao siya o multo.
"Ate Aelin..."
Napapikit ako nang bigla na lamang bumungad siya sa harapan ko. Ayoko na ayoko talaga ang ginugulat ako ng mga multong ito.
"Tulungan niyo po ako, Ate Aelin."
Ang boses niya ay pambata ibig sabihin ay mga nasa labing-tatlo lang ang nasa harapan ko. Unting-unti kong minulat ang mata ko at bumungad sa akin ang batang babae na nakasuot ng uniform. Naka-ponytail pa ang kaniyang buhok at ang sapatos niya ay doll shoes na kulay pink, nakapalda siya na kulay red at puting uniform. Ang mukha niya ay sobrang putla at pati na rin ang kanyang labi.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin, kaya kitang-kita ko ang kumpletong ngipin niya. She has a sweet smile na nakakawala ng pagod, oras na masilayan mo ang kanyang ngiti.
"Risa po ang pangalan ko, ako po si Risa."
"Ikaw 'yung kausap ko kanina?"
Nakita ko na tumango siya at nawala rin ang ngiti sa labi niya, napalitan ito ng lungkot.
"Ako nga po. Gusto ko po na tulungan niyo po ako... Tulungan niyo po ang Ate ko." sabi niya sa malungkot na bosses.
"Ano bang nangyari sa Ate mo?"
"Sinasaktan po siya ngayon ng mga kaklase niya, kaya po tulungan niyo ang Ate ko," sabi pa niya at talagang gusto niyang matulungan ang Ate niya.
"Nasaan ba ang Ate mo?" tanong ko sa kanya.
Hindi ko naman pwede na hindi siya tulungan dahil halata sa bata na kailangan niya ng tulong.
"Sumunod po kayo sa akin."
Tumango ako at pinauna ko na siya na maglakad. Patakbo ang ginawa kong lakad dahil ang bilis tumakbo ni Risa. Nasa panganib ngayon ang Ate niya kaya nagmamadali siya na makapunta kung nasaan ang Ate niya.
Huminto kami sa may eskinita kung saan sa gilid lang ng school kung saan pumapasok ang Ate ni Risa.
"Nandoon po si Ate."
Tinuro pa ni Risa kung nasaan ang kanyang Ate. Pumasok ako sa loob ng eskinita kung saan ako tinuro ni Risa at upang makita ko ang Ate niya. Hindi ko pa man nakikita ang Ate ni Risa ay naririnig ko na ang mga sigaw mula sa dulo ng eskinita.
"Mag-hubad kana, Ella!"
"Maghuhubad ka o tatadyakan ko 'yang mukha mo!"
Naglakad pa ako hanggang sa marating ko na ang dulo ng eskinita. Bumungad sa akin ang dalawang lalaki at apat na babae habang may nakaluhod naman na babae sa harap nila. Magulo ang buhok ng babae na halatang pinagsasabunutan at naka bukas pa ang uniform nito. Mga nakangisi ang iba habang 'yung isa naman ay halatang naiirita na at meron rin na may hawak ng cellphone nakatutok sa babaeng nakaluhod sa harapan nila.
"Ang Ate ko..."
Napatingin ako kay Risa na umiiyak na sa gilid ko habang nakatingin sa harapan niya. Binalik ko ang tingin ko sa harapan at kitang-kita ko lumapit ang isang lalaki. Marahas niyang hinawakan sa uniform ang babaeng nakaluhod.
"Ang sexy mo pala talaga, Ella," rinig kong sabi nung lalaki.
Nakita ko na napangisi ang Ate ni Risa sa lalaki.
"Manyak, pwe!" Sabay dura nito sa mukha ng lalaki.
Napapikit ang lalaki at hinawakan ang mukha niya bago tumingin muli kay Ella. Napasinghap ako nang malakas nitong sampalin ang Ate ni Risa dahilan upang sumalampak sa lupa. Marahas pa nito na itinayo si Ella at aakmang sasapakin nito, nang magsalita ako dahilan upang maiwan sa ere ang kamao nito.
"Bakla ka ba?" tanong ko dito.
Napatingin sila sa akin at hindi makapaniwala na may nakakita sa ginagawa nila. Mga hayskul student ang mga ito pati na rin ang Ate ni Risa.
"Sino ka? At ang lakas mong pakialaman dito," sabi nung babae na may kulay pink na jacket.
Hindi ko inintindi ang sinabi ng babae at tumingin ako sa lalaki na hanggang ngayon ay hawak-hawak pa rin si Ella.
"Bitawan mo siya," utos ko sa kanya dahilan upang mapatawa siya.
Binitawan niya si Ella at lumakad papalapit sa'kin. Nang makalapit siya sa'kin ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, may ngisi sa labi niya at ang tingin niya na may pagnanasa.
"Napakamanyak ng batang 'to."
"Mukhang mayaman ka dahil nag-aaral ka sa private school," sabi niya at hinawakan pa niya ang ID ko. "Aelin Mean Ramos." bigkas niya sa pangalan ko at tumingin saking.
Naamoy ko ang hininga niya dahil ang lapit niya sa'kin, amoy yosi ang hinga niya at hindi ko gusto ang amoy ng kanyang hinga.
"Lumayo ka nga. Ang baho ng hininga mong bata ka," saad ko at tinakpan ko pa ang ilong ko.
Nakita ko na, na asar siya sa sinabi ko. Nagsasabi lang naman ako nang totoo.
"Gusto mong masaktan, ah?!" bulyaw niya na akala naman niya ay matatakot ako sa kanya.
Kung multo siya ay pwede pa akong matakot sa kanya pero hindi eh, Hindi ako natatakot sa kanya.
"Huwag kang sumigaw at mas lalong kong naamoy ang mabaho mong hininga," sabi ko pa dahil naiirita talaga ako.
"Sino ka ba, ah?!" singit ng babae na pink ang jacket, sabay tulak sakin ng malakas.
Hindi ako handa sa pagtutulak niya kaya akala ko ay babasagsak na ako pero hindi dahil naramdaman ko na may pumulupot sa bewang ko, upang hindi ako tuluyan na bumagsak sa lupa.
"Okay ka lang?" sabi ng pamilyar na boses.
Nang makaayos ako ng tayo ay tsaka ko tinignan kung sino ang taong nasa likuran ko. It's Danielle. Bakit siya nandito?
"Kayo talagang mga bata kayo! Hindi na kayo nadala!"
Napatingin ako sa kasama ni Danielle na sumisigaw ngayon.
"Imbes nasa klase kayo, heto ang ginagawa niyo!" sigaw pa nito.
"Mrs. Natividad, nagsasaya lang naman po kami," sabi nung lalaki.
"Nagsasaya ba ang tawag niyo sa pambubully," sabi ni Danielle at hinuban niya ang suot niyang jacket at sinuot niya sa doon sa Ate ni Risa.
"We're not bullying Ella, Ma'am. We're just having fun here, right, Ella?"
Napatingin kaming lahat kay Ella na ngayon ay tumayo mula sa pagkakaupo niya at inayos ang jacket na nilagay sa kanya.
"Bakit pa kailangan na tanungin mo ako, Ericka? Kakampihan naman kayo ni Mrs. Natividad," walang preno na sabi ni Ella.
Napatingin ako kay Mrs. Natividad na napalunok ngayon. Kung ganon alam pala ng teacher na ito na binubully ng mga ito si Ella.
"E-Ella, ano bang pinagsasabi mo?" nauutal na tanong nito kay Ella, tsaka tumingin kay Danielle. "Mr. Manzano, ako na pong bahala sa mga batang ito. Nangangako po ako na mapaparusahan ang mga batang ito. Halika na kayo!"
Lumapit si Mrs. Natividad kay Ella upang makasabay itong maglakad pero tinanggihan ni Ella na makasabay ito at matalim na tumingin kay Mrs. Natividad.
"Ang plastic niyo."
"Gosh! Ginaganyan mo si Mrs. Natividad, Ella," rinig kong sabi nung isang babae.
Hindi pinapansin ni Ella ang sinabi ng kaklase niya, sa halip ay lumingon ito sa aming dalawa ni Danielle.
"Magtatawag na lang kayo ng tutulong dito pa sa teacher na ito na kakampi ng mga 'yon."
She directed pointed her finger sa mga kaklase niya.
"Masyado pa kayong pakilamera dito," sabi pa niya.
"Ms. Lacuna!"
"Gusto ka lang namin na tulungan, Ella," sambit ko.
Natawa lang ito sa sinabi ko na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Hindi tulong ang ginawa niyo, kundi pinapahamak niyo ako," sambit nito at tsaka naglakad.
Ngunit bago pa siya makapaglakad ng malayo sa amin ay isang tinig ang narinig niya, dahilan upang mapatigil siya.
"Ate…"
Agad na napalingon si Ella nang makilala niya ang tinig na tumawag sa kanya. Nangingilid ang luha sa kanyang mata nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.
"Risa…"