Chapter 2 Part II: There's No Silent For Justice

5000 Words
Sa isang maliit na apartment na kasya lamang ang dalawang tao na pwedeng tumira. Hindi maayos ang bubong, maiingay, sira minsan ang pinto dahil matagal na rin na hindi napapalitan. Ngunit ang maliit na apartment na iyon ay napupuno naman nang pagmamahal at saya ng dalawang taong nakatira doon. "Ate, bakit kamatis na naman ang ulam?" tanong nang batang innocente na si Risa sa kanyang nakakatandang kapatid na si Ella. "Wala pa kasing sahod si Ate, Risa. Kaya ayan na muna pero, promise sa susunod isang buong manok ang uulamin natin," ani ni Ella Tumango sa kanya ang kanyang kapatid at nginitian siya na napaka-tamis. Hindi naman kasi lumaking maluho si Risa, kaya naiintindihan niya kung anumang meron silang dalawa ngayon. Naiintindihan ni Risa ang kalagayan na meron silang dalawa ng kanyang Ate Ella. Grade four na sa elementary si Risa habang si Ella naman ay grade ten na sa hayskul. Ulila na ang magkapatid kaya silang dalawa na lamang ang magkasama ngayon may kamag-anak naman sila at doon sila dati nakatira. Ngunit umalis lang nang makita mismo ni Ella na pinagmamalupitan ang kanyang kapatid ng kanilang Tiya, kaya minabuti na lamang ni Ella na silang dalawa na lamang at maghanap ng tirahan. At dahil sa menor de edad pa lang si Ella ay umaasa silang dalawa sa paglalabada ni Ella sa isang mayaman na pamilya na napasukan niya, upang mabuhay silang dalawa ni Risa. Si Ella na ang tumayong ina at ama sa kanyang kapatid, mahal na mahal ni Ella ang kanyang kapatid kaya kahit ano ay gagawin niya upang mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang kapatid balang-araw. "Makinig ka palagi sa teacher mo, Risa," habilin ni Ella sa kanyang kapatid na agad namang tinanguan ni Risa. "Opo, Ate!" Ngumiti lang si Ella at sinabihan ng pumasok na si Risa sa loob ng school. Tinanaw lamang ni Ella ang kanyang kapatid na magiliw na naglalakad sa corridor nang school. Si Risa… Si Risa ang buhay ni Ella— ang kanyang kapatid. "Ang bango mo ngayon, Ella." Sumalubong sa kanya si Paulo na inaamoy ang leeg niya mula sa likuran. Tumayo ang balahibo ni Ella sa tuwing lumalapit ang lalaking ito sa kanya. Hindi lang kasing amoy ang ginagawa nito, may kasama pang pang manyak sa tuwing nagsasalita ito. Gusto man nyang sikuhin at sapakin ang lalaki ay hindi pwede, dahil mawawala sa kanya ang scholarships na meron siya. Sa isang pribadong haykul siya nag-aaral. Aktibo at magaling sa klase si Ella simula pa lang kaya hindi na nakakapagtaka na, na bigyan siya nang full scholarships ng school na pinapasukan siya at may allowance pa na kasama buwan-buwan. Kaya nakakatulong na rin para sa kanilang magkakapatid bukod sa paglalaba niya. Ngunit may isang rules na sa tuwing makakatanggap ng scholarships ay kailangan hindi nasasangkot sa anumang gulo o gumagawa ng gulo, kung hindi ay mawawala ang scholarships na meron ang isang estudyante. "Pwede ba huwag mo akong lapitan," mahinahon na sambit ni Ella sa kanyang kaklase na si Paulo. "Why?" Lumapit pa ito na halos ay gusto na nitong magdikit silang dalawa habang buhay. "Pinupuri lang naman at tsaka nagagandahan ako sayo." Ngumisi pa ito na parang aso. Humakbang paatras si Ella dahil sobrang lapit sa kanya ni Paulo, ngunit hindi niya inaasahan na sa pag-atras niya ay may nasagi siya mula sa likuran. "Gosh!" Napalingon si Ella sa kanyang likuran at nanlaki ang mata niya nang makilala kung sino ang nasagi niya. Walang iba kung hindi si Ericka, na anak ng isa sa mga member of board ng school at kilala rin bilang bully sa school. "Look what you've done, slapsoil?!" Diring-diri pa itong tinatapik ang kanyang nabasang uniform. "Sorry, hindi ko alam na may ta—" Napapikit na si Ella nang tumama sa kanyang kanang pisngi ang kamay ni Ericka. Tumunog ang ginawa nitong pagsampal kay Ella. Ramdam ni Ella ang pagkamanhid nang kanyang pisngi at ang hapdi nito. Alam naman niya na pinag-iinitan siya nang groupo ni Ericka kaya nga todo ang iwas niya sa groupong ito, pero hindi niya magawa dahil ang grupo mismo ni Ericka ang lumalapit sa kanya. "B***h! I don't need your sorry?!" Nanggagalaiti sa galit si Ericka ngayon. Pigil ang luha ni Ella at matapang na tumingin muli kay Ericka. "Lalabhan ko na lang," sambit niya. "Hala! Ericka, mukhang wala lang sa kanya ang galit mo," sulsol na sabi ni Bea. "Right, girl. Mukhang wala lang talaga kay Ella," sabi pa ni Jenny. Dahil sa pagsusulsol ng dalawa kay Ericka ay mas lalo pa itong nagalit at marahan na hinawakan ang buhok ni Ella at hinila pababa, dahilan upang mapadaing sa sakit si Ella at mapatilanga sa ginawa ni Ericka. "You make me an idiot in front of my friends. Sa tingin mo gusto ko na labhan mo ang uniform ko? No! Mas mahal pa ang uniform ko kesa sa buhay mo." Tinulak niya nang malakas si Ella dahilan upang mapaupo ito sa sahig. Natawa ang lahat dahil sa ginawa ni Ericka at hindi lang 'yon ay tinapunan pa ni Ericka ng juice na hawak-hawak niya. Bumuhos lahat sa ulo ni Ella pababa sa kanyang uniform, dahilan upang mabasa ito. "HAHAHAHAHA!" "You're such an evil, Ericka!" "Sobrang lagkit niyan, kakawa!" "Let's make her viral!" "Poor, Ella!" Samo't-saring mga boses ang kumutcha kay Ella at ang iba pa ay pini-picturan siya. "That's your punishment, Slapsoil." Ngumiti pa si Ericka na pinapakita niya kay Ella na siya ang nagwagi sa kanilang dalawa. Nilagpasan nila si Ella na nakaupo pa rin sa lapag. Palihim na napakuyom kamao si Ella. Sobrang liit na nh tingin sa kanya dahil sa groupong 'yon. Ang gusto lang naman niya ay mag-aaral at makapagtapos dito. 'Yon lang naman ang gusto niya. May oras na gusto niyang labanan, ngunit sa tuwing na aalala niya si Risa at ang kinabukasan nila ay nawawala sa isip niya ang lumaban sa mga ito. Malaki talaga ang tinutulong nang scholarship sa kanya, kaya hindi niya hahayaan na mawala sa kanya iyon. Tanging 'yon na lamang ang tumutulong sa kanya at pati na rin sa kapatid niya. Hindi na pumasok nang araw na 'yon si Ella at umuwi na lamang. Wala naman kasi siyang maisusuot dahil nag-iisang uniform niya lang ang dinumihan ni Ericka. Hindi na kasi siya bumili ng isa pa dahil kaya naman niyang labhan ang kanyang uniform pagkatapos niyang gamitin. Bakit ba kasi ang unfair ng mundo sa kanila? Sobrang bata pa niya para mamulat sa buhay na ito. Dapat may mga magulang pa siya na bumubuhay sa kanila, pero kinuha agad at binigay sa kanya ang pasanan na hindi naman niya hinihiling sa buong buhay niya. "Umiiyak ka ba, Ate?" tanong ni Risa sa kanyang Ate na nakayakap sa kanya ngayon. Agad naman na hinawi ni Ericka ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mata. "Hindi, ah! Bakit naman ako iiyak?" tanong ni Ella sa kanyang kapatid. "Dahil po ramdam ko na malungkot ka, Ate," agad na sagot ni Risa at tsaka umikot upang tingnan ang kanyang Ate. "Tignan mo, Ate. Namamaga ang mata mo sa kakaiyak." "Hindi nga ako umiyak." Ngumiti pa si Ella sa kanyang kapatid. "Napapagod ka na ba, Ate?" tanong ni Risa. Kahit na bata pa si Risa ay may alam siya sa nangyayari sa kanyang Ate. Mulat na sya sa buhay nilang dalawa, na ang tanging sumusuporta sa kanya ay ang kanyang Ate. "Paano mo naman nasabi na napapagod na ako, Risa?" "Hindi ko naman po masasabi, Ate. Nararamdaman ko po na pagod ka na po sa lahat, pagod ka na rin mo na asikasuhin ako." "Ano ka ba?" Tumawa pa si Ella sa kanyang kapatid. "Bakit naman mapapagod si Ate sayo? Alam mo naman na gagawin ni Ate ang lahat para maibigay ang pangangailangan mo." "Kung gano'n po ay binully ka na naman nung babaeng kamatis? Kaya ka po umiiyak?" tanong pa niya. Natawa si Ella sa sinabi nang kapatid. Ang tawag kasi ni Risa kay Ericka ay babaeng kamatis, dahil mamula-mula ang pisngi nito tuwing pumapasok ito. "Kung ano-ano sinasabi mo, Risa. Matulog ka na nga," sambit ni Ella at inayos ang kumot nilang dalawa. Hinawakan ni Ella ang buhok nang kanyang kapatid at hinimas ng dahan-dahan upang makatulog na. Naramdaman ni Ella na yumakap ng mahigpit ang kanyang kapatid. "Mahal na mahal kita, Ate. Maraming salamat po sa'yo." Napangiti dahil doon si Ella. Lahat nang nararamdaman niyang pagod ay bigla nalang nawala dahil sa sinabi nang kanyang kapatid. "Mahal na mahal ka rin ni Ate, Risa. Tandaan mo na ikaw ang kaligayahan ni Ate." Naghari ang katahimikan sa maliit na apartment na tinitirahan ng dalawa. Magkayakap na natulog ng mahimbing na wari hindi na mapaghihiwalay kahit anumang at handa nang harapin ang bagong bukas na darating sa kanila. Pero ang hindi nila inaasahan lalo na ni Ella na ang bukas na 'yon ang maghihiwalay sa kanilang dalawa habang buhay. "Maniwala naman kayo sa akin, Mrs. Natividad. Hindi ko po magagawa na nakawin ang wallet niyo po!" nagmamakaawa na sabi ni Ella sa principal. Bigla na lang kasing nagulat si Ella nang ipatawag siya ng isa mga kaklase niya. Nabigla na lang siya ng akusahan siya ni Mrs. Natividad na ninakaw niya ang wallet ni Mrs. Natividad. Galing kasi si Ella sa office ni Mrs. Natividad dahil may inutos sa kanya ang kanyang adviser na dalhin kay Mrs. Natividad ang dokumento na hinihingi nito sa kanyang adviser. Pagtapos naman niyang mailagay sa table ni Mrs. Natividad ay umalis na rin siya at wala siyang ginalaw kahit ano. Kaya hindi alam ni Ella kung bakit siya pinagbibintangang kumuha ng wallet ni Mrs. Natividad. "Sinisigawan mo ako?! Wala ka talagang galang na bata ka!" sigaw ni Mrs. Natividad. "Hindi ko po talaga kinuha, Mrs. Natividad. Sinet-up lang po ako nina Ericka." Bigla na lang kasing umeksena sina Ericka para sabihin na nakita siya na si Ella mismo ang kumuha ng wallet. At alam ni Ella na sine-set up siya ng mga ito. "Such a liar, Slapsoil," sambit ni Ericka na naka cross arm pa siya. Humarap si Ella sa mga nagturo sa kanya. "Kayo ang sinungaling! Alam ko naman na kayo ang kumuha, dahil kayo lang naman ang may galit sa akin!" Instead of saying anything. Ericka rolled her eyes at tsaka nagmamakaawa na tumingin kay Mrs. Natividad. "Mrs. Nativ, nawalan na rin po ako nang wallet at nakuha namin ang wallet ko sa bag niya katulad na lang po ng wallet niyo. Kaya sana po maaksyonan niyo." Hindi makapaniwala na nanlaki ang mata ni Ella sa sinabi ng kanyang kaklase. Sinungaling. Walang nangyaring ganon. Kahit pa tamaan ng kidlat si Ella ay wala siyang kasalanan. Agad na tumingin si Ella kay Mrs. Natividad. "Sa akin po kayo maniwala, wala po akong kinukuhang wallet kahit kanino." Halos umiyak na si Ella sa harapan nilang lahat. "Okay. Umalis na kayo dito, Ericka." Ngumiti nang matamis si Ericka at tsaka tumayo na parang reyna nang school. Nagpaalam ito at tumingin pa kay Ella na nagpapahiwatig na siya na naman ang magwawagi sa araw na ito. "Ella, this is your first warning. At gusto ko na mag-community services ka ng isang linggo." Nanghina na lamang si Ella sa nangyari. Kahit anong pagmamakaawa pala ang gawin niya ay wala pa ring maniniwala sa kanya. Tumango na lamang siya at nagpaalam na. Nakasalubong pa niya ang grupo ni Ericka na nakangisi sa kanya. Sa pagkakataong ito ay talo na naman siya. "So? You know your place na?" Napatingin si Ella sa taong nagsalita mula sa likuran niya. Nang makilala niya ay napabuntong hininga na lang siya at nilapag ang ginamit niyang sa paglilinis. "Ayoko nang away, Ericka." Sinubukan ni Ella na umalis na sa lugar na 'yon ngunit mahigpit na kamay ang humawak sa kanya, dahilan upang tumigil siya. Nang lingunin niya ay si Paulo. "Gusto naming makipag-away sa'yo, Ella," sambit nito sa kanya at hinigit sya nang malakas upang bumalik sa pwesto niya kanina. "Okay guys! We have a show now," nakangiting inanunsyo ni Ericka sa mga kaibigan niya. "What kind of show, Ericka?" "A show that reminds of Ella." She smirked like an evil that makes Ella nervous. Hindi niya gusto ang gagawin sa kanya ng grupong ito. Nakita niya na naglabas ng isang camera si Bea at tinutok niya sa akin. Nakita rin ni Ella na unting-unting lumalapit sa kanya si Paulo. "A-anong gagawin niyo?" Humakbang nang paatras si Ella dahil mas lalong lumalapit sa kanya si Paulo. "Alam mo ba na minsan ko nang napapanaginipan na may nangyari sa atin," sabi ni Paulo kay Ella, na mas lalong nagpakaba kay Ella. "P-pinagsasabi mo?" Humakbang lang ng humakbang si Ella nang maramdaman niya na pader na ang pumigil sa kanya. Isang hakbang pa ni Paulo ay nagdikit na silang dalawa. "Ang bango mo talaga, Ella." Naramdaman ni Ella na pinalibot ni Paulo ang kamay nito sa bewang niya at hinila siya papalapit, dahilan upang magtama ang hininga nilang dalawa. "S**t! Ang sexy mo pala, Ella," natutuwang sambit nito. At ang mga mata nito ay nakatingin sa kanya na may pagnanasa. "Lumayo ka sa akin, please," pagmamakaawa ni Ella at pumipiglas siya sa pagkakahawak sa kanya ni Paulo. "Huwag ka nang pumalag, Ella." "Simulan mo na kaya Paulo," sambit ni Jenny sa masayang bosses. "Let the show begin, Paulo," sabi ni Ericka at umupo sa upuan na parang reyna. Nanlaki ang mata ni Ella nang maramdaman niya ang hininga ni Paulo na tumatama sa balat niya, kaya mas lalo siyang pumiglas gamit ang lakas niya. "Bitawan mo ako!" Ginawa lahat ni Ella ang makakaya niya para lang makawala sa lalaking may pagnanasa sa kanya. "F**k! Ang gulo mo!" sigaw sa kanya ni Paulo at tinignan ang dalawa nitong kasamang lalaking kaibigan. "Hawakan niyo, bilis!" Mas lalong naging alerto si Ericka nang hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila niyang kamay, upang hindi siya makagalaw. "Bitawanan niyo ako, please!" Naiiyak na si Ella sa oras na 'yon at lahat ng lakas niya ay ginamit niya para lang makawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki. Nanlaki ang mata ni Ella nang maramdaman niya na malakas na pinunit ni Paulo ang uniform niya. "P**a! Ang sexy at ang laki!" Hindi pa naman nakikita ni Paulo ang kabuon ni Ella ay para na itong asong u**l sa itsura nito. May suot pa na sando si Ella ng oras na 'yon. "Tiba-tiba ka, Paulo!" "Kami naman ang sunod pagkatapos mo!" "Tulong-tulungan niyo ako!!" sigaw ni Ella upang may tumulong man lang sa kanya. "Nobody can help you, girl," sambit ni Bea habang may hawak-hawak na camera. Naramdaman ni Ella ang labi ni Paulo sa kanyang leeg kaya nagawa niyang tuhurin ang gitna nito, dahilan para mapalayo sa kanya. "F**k! Ang sakit!" "Patay basag na ata, Pau." "Hindi pa nga pumapasok, basag na agad." "Poor, Paulo!" "Humanda ka sa akin!" galit na sambit nito at lumapit ito kay Ella, sabay sapak sa sikmura nito. Napapikit si Ella nang tumama ang kamao ni Paulo sa sikmura niya. Ramdam niya ang pag manhid ng kanyang katawan at panghihina ng tuhod niya, kung hindi lang siya hawak-hawak nang dalawa ay napaupo na siya sa sobrang sakit. "Galaw ka kasi nang galaw, kung pagbigyan mo na lang ako. Edi sana hindi ka nasasaktan kung hindi masasarapan ka pa," sambit ni Paulo. Kahit na nanghihina ay nagawang sagutin ni Ella si Paulo. "Hindi… H-hindi kita hahayaan." Nakahawak pa si Ella sa kanyang tiyan. "Paulo, the show was boring na. Can you make skip that drama part," singit ni Ericka. Nakita ni Ella na lumapit ulit sa kanya si Paulo. Naramdaman niya na hinawakan ni Paulo ang lock ng skirt na suot niya. "Please… Huwag…" Ngumisi lang si Paulo kay Ella at aakmang bubuksan na nang may pumalo mula sa likuran ni Paulo dahilan para matumba si Paulo. Nang matumba si Paulo ay nakita ni Ella kung sino ang pumalo sa lalaki. "Bitawan niyo ang Ate ko!" sigaw ni Risa habang may hawak-hawak na pamalo gawa sa kahoy, na tamang-tama lang sa kamay ni Risa. "Dimwit! Ang lakas nang loob mong pumaki-alam dito." Hinawakan ni Jenny si Risa ngunit mabilis na umilag si Risa at pinalo si Jenny sa likuran dahilan upang matumba rin ito. "Matapang pala ang kapatid mo, Risa." Tumayo si Ericka mula sa pagkakaupo sa trona niya at lumapit kay Risa. "Layuan mo ang kapatid ko!" sigaw ni Ella kay Ericka, at pumigilas sa pagkakahawak nang dalawang lalaki sa kanya. Lumapit si Ericka at handa na sana paluin ni Risa si Ericka nang biglang itulak ni Paulo nang malakas si Risa. Sa pagtulak na iyon hindi inaasahan na merong malaking bato sa pwesto iyon at doon mismo tumama ang ulo ni Risa. Lahat sila ay napatigil nang marinig ang malakas na pagbagsak ni Risa. Maluha-luha na nanlalaki ang mata ni Ella. Her body frozen for a second na para bang hindi mag sink-in ang nakita niya. Inalis na rin ang pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalaki. "R-Risa…" "S**t! Bro, napuruhan mo!" Nang marealize ni Ella ang nangyari sa kapatid. "Risa!" Agad na tumakbo sa gawi ni Risa si Ella upang malaman kung anong nangyari sa kapatid nya. Agad na maingat na inangat ni Ella ang ulo nang kapatid at kinapa niya ang ulo ni Risa, upang malaman kung may dugo ba o wala. Nanginginig ang kamay ni Ella habang tinitignan niya ang kanyang kamay na walang bakas na dugo na galing kay Risa. "A-Ate…" ungol na tawag ni Risa sa kanyang nakakatandang kapatid. "Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" Kahit na puno na nang takot ang nararamdaman ni Ella ay nagawa niyang kausapin ang kapatid. "Sobrang… Sobrang sakit ng ulo ko, Ate," nanghihina na tugon ni Risa. "Hush… Huwag ka nang magsalita, dadalhin ka ni Ate sa ospital," nanginginig ang mga labi na sabi ni Ella sa kapatid. Alam ni Ella na delikado ang lagay ng kanyang kapatid dahil sa lakas ng impact ng pagtulak ni Paulo sa kanyang kapatid. Walang dugo na lumabas ngunit meron naman sa loob. "Huwag mong ipipikit ang mga mata mo, Risa, ah?" bilin ni Ella at tsaka tumingin kanila Bea na nakatingin lang sa kanilang magkapatid. "Please! Tulungan niyo ako," nagmamakaawa na sabi ni Ella sa mga kaklase niya. "Ate… Hindi ko na kaya…" Agad na napalingon si Ella sa kapatid at iniling ang ulo. "No. Kaya mo pa, Risa. Alam ko na malakas ka, kaya huwag kang susuko, Risa!" Umiiyak na ngayon si Ella dahil kitang-kita nya na unting-unti na pumipikit ang kanyang kapatid. "Inaantok na ako, Ate…" Risa started to cry not because she was in pain, but just because she would not stay longer. Risa started to see their parents waiting for her. Kaya mas lalong naiyak si Risa dahil iiwan na niya ang kanyang Ate, na ngayon ay umiiyak sa harapan niya. "Please! Tulungan nyo ako!" sigaw ni Ella kahit kanino. "Ate… Mahal na mahal po kita, kaya huwag ka nang umiyak." Pilit ni Ella na ngumiti sa kapatid nya kahit na sobra syang nasasaktan ngayon. "Hindi na iiyak si Ate, basta huwag kang pipikit. Dadalhin pa kita sa ospital." Nilinga-linga pa ni Ella ang kanyang ulo, nagbabakasakali na may dumaan at hihingiian nya ng tulong. "Lagi mong tatandaan, Ate. Na masaya ako na ikaw ang naging Ate ko po. T-thank you po, sa lahat ng sakripisyo na nagawa nyo po sa akin, Ate." "Bakit ka ba nagsasalita nang ganyan? Para kang sira, Risa." Nagawa pang tumawa ni Ella kahit na nasasaktan siya. "Ate, nakikita ko na ulit sina Mama at Papa." Nagawa pa na tumingin sa kaliwang bahagi ni Ella, kung saan nandoon ang kanilang magulang na nakaputi at nakangiti na nakatingin kay Risa. Mas lalong napaiyak si Ella sa sinambit nang kanyang kapatid. "Hindi pwede…" Umiling pa si Ella at niyakap ng mahigpit ang kapatid na si Risa. "Ma, Pa! Huwag niyo po munang kunin si Risa sa akin! Hindi ko po kaya na pati si Risa ay mawawala! Please po!" Walang magawa si Ella kung hindi ay mahigpit na niyakap ang kapatid. Umiyak lang ito nang umiyak. Wala na ring tulong ang darating upang tulungan sila magkapatid. Hanggang sa maramdaman ni Ella na unti-unti ng bumibigay ang katawan ng kapatid niya. Wala nang maramdaman si Ella na t***k ng puso at hininga mula kay Risa. Napatingin si Ella sa kamay ng kapatid na, nasaksihan sa kung papano ito lumaylay ito. Nanginginig ang mga kamay ni Ella upang iharap ang kapatid nya na ngayon ay pikit na. Ella saw the last tears fall into her sister's eyes. "Risa…" Nanginginig ang mga labi ni Ella habang pinipilit na ginising ang kanyang kapatid. Mahina pa nitong niyugyog ang balikat ni Risa upang magising nya. Still didn't respond… "Bro! Napatay mo 'yung bata!" "Let's go! Umalis na tayo dito!" "We didn't mean to do that, Ella!" "Risa naman, eh. Please, idilat mo naman ang mga mata mo," pagmamakaawa ni Ella na may kasamang pag-asa sa kanyang bosses na baka dumilat pa ang kanyang kapatid. "Hindi mo naman iiwan si Ate, 'diba? Kaya sige na dumilat ka na at pangako lalaban na si Ate." Patuloy pa rin si Ella na niyugyog ang kanyang kapatid, ngunit wala pa ring nagbago. May mga estudyante na rin ang nakatingin sa kanya, hanggang sa dumami ito. "Ikaw na lang ang meron si Ate, kaya sige na! Gumising ka na, kapatid ko!" Mahigpit na niyakap ni Ella ang walang buhay na katawan nang kapatid at malakas na huminagpis sa harapan ng maraming tao na nakatingin sa kanya. Nasaksihan nilang lahat kung paano namatay ang isang bahagi ni Ella, kung gaano ka lungkot at kasakit ang araw na 'yon para kay Ella. They even cried, naawa sila para sa dalaga. Hanggang sa madala ang kapatid ni Ella sa ospital ay wala pa ring tigil sa pag-iyak si Ella at hindi umalis sa tabi ni Risa. On March 17, Risa died. Nang araw na 'yon ang nagpabago kay Ella. "Alam mo ba na sumahod na si Ate, Risa?" Nakangiti si Ella habang kinakausap ang kapatid. "May isang buong manok si Ate pag-uwi ko… Kaso ako lang mag-isa ang kumain, kasi wala ka na, eh. Iniwan mo na si Ate…" I can't handle myself now. Hindi ko mapigilan na hindi rin umiyak sa sinasabi ni Ella habang nakatingin sa kanyang kapatid. "Huwag ka nang umiyak, Ate." Pinunasan ni Risa ang luha ng Ate nya gamit ang kanyang kamay. "Palagi naman kaming nakabantay sayo. Sobrang proud kami sayo, Ate. Dahil malapit ka ng makapagtapos at matutupad mo na ang pangarap mo. Kaso, Ate. Kailangan mo na rin na tanggapin na wala na ako nang sa gayon ay maging masaya ka na." "Hindi ko kaya, Risa." Umiling pa si Ella. "Hindi…" Sumilay ang ngiti sa labi ni Risa. "Kaya mo, Ate. Ikaw pa? Malakas ka, Ate. Kaya, sige na, Ate. Tanggapin mo na nang sa gano'n ay tuluyan ko nang makasama si Mama at Papa sa paraiso na napakaganda." "Paano naman si Ate, Risa?" tanong ni Ella habang patuloy pa rin itong umiiyak. "Kasama mo pa naman ako, Ate. Dito…" Tinuro ni Risa ang kaliwang dibdib ni Ella kung saan nandoon ang puso. "Mananatili ako na kasama mo, hindi mo man mahawakan at mahaplos. Madadama mo naman ako, Ate." Paano nilang nagawang paghiwalayin ang magkapatid na ito? You can see how pure their heart is at kung paano nila kamahal ang isa't-isa, ngunit dahil sa mga taong makasarili ay nagawa silang paghiwalayin. "Ipangako mo na babantayan mo si Ate, ah?" Nakita ko na tumango si Risa. "Oo naman, Ate." "Sige na." Huminto sa pag-iyak si Ella at ngumiti sa kapatid. "Kahit masakit… Tatanggapin ko na wala na 'yung kapatid ko— na wala na 'yung kaligayahan ni Ate…" Nakita ko kung papaano sumilay ang magandang ngiti na gumuhit sa manipis na labi ni Risa. Kasabay rin no'n ang pagpakita ng puting liwanag sa likuran ni Risa. Risa's Ate finally let her go. "Mahal na mahal kita, Ate ko. Maraming salamat ulit sayo!" Yumakap pa si Risa sa kanyang Ate at ganon rin ang ginawa ni Ella. Mahigpit ang yakap na binigay ni Ella sa kapatid, hanggang sa sakupin na ito ng liwanag at nawala sa paningin ni Ella. "Risa…" Ella let her tears down nang hindi na niya makita ang kapatid. "Kung hindi sana pinairal ang connections at pera... Sana... Sana nabigyan nang hustisya ang nangyari sa kapatid ko," umiiyak na sabi ni Ella. Mararamdaman mo ang sakit mula sa pagkamatay nang kanyang kapatid. "Sana 'yon lang. Kahit 'yon lang pinagbigyan niyo sana ako... 'Yung hustisya na deserve ng kapatid ko... Kaso pinagkait niyong lahat!" Kitang-kita ko kung papano napaluhod si Ella habang umiiyak ito. Sobrang sakit para sa kanya ang lahat ng nangyari sa buhay niya, lalo na ang pagkamatay ng kapatid niya. Lumapit ako sa kay Ella at dinaluhan siya. Nilagay ko ang kamay ko sa likuran niya at dahan-dahan na tinapik upang mapatahan siya. "Sinabi sa'yo ni Risa na huwag ka nang umiyak, 'diba?" Inangat niya ang kanyang ulo at doon ko nakita ang kalungkutan sa mga mata niya, hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay ng kapatid niya. "Salamat po sa inyo," umiiyak na sabi nito. Ngumiti ako. "Wala 'yon, tumahan ka na. Matutuwa ang kapatid ko, oras na makita ka niya na nakangiti." That's Risa want, bago siya sumama sa liwanag na maghahatid sa kanya patungo sa pangakong paraiso. "If you need justice for your sister. You can call this." May inabot si Danielle na maliit na card. "Don't worry, bibigyan niya ng hustisya ang kapatid mo. He's not biased after all." Tinignan ni Ella ang hawak-hawak ni Danielle bago ito tanggapin. "Maraming salamat po." "Mr. Manzo, I'm very—" "I'm so disappointed with you, Mrs. Natividad." Danielle voice change into a scary voice na tipong pagnarinig mo ay hindi ka makakapagsalita at titiklop ka na lang. Napayuko na lang si Mrs. Natividad at hindi na nagsalita. Si Danielle lang 'yan pero nagagawa niyang takutin si Mrs. Natividad. "If you love your career, Mrs. Natividad. You should think now, because if you didn't help Ella to achieve justice for her sister. I'm sorry to tell you but…" Danielle paused his word first at tumingin sa mga kaklase ni Ella. "I will use all my connections to make you suffer and even these six not-mannered kids, will feel the suffering too." Natahimik silang lahat sa sinabi ni Danielle, wala niisa ang gustong magreklamo sa sinabi niya. That's Danielle. Kilala ang angkan niya kaya siguro hindi sila makapag-react. Inaya ko na rin si Ella na umalis sa lugar na 'yon. Pinahatid pa ni Danielle sa driver si Ella sa bahay nito upang siguraduhin na hindi mapapahamak. Nakatingin lang ako sa sasakyan kung saan nandoon si Ella. Panibagong araw, panibagong kaluluwa ang natulungan ko— I mean namin pala dahil mas may natulong si Danielle sa magkapatid. "Salamat pala sa'yo," paninula kong sambit sa kanya upang mabasag ang katahimikan. He looked at me. "Welcome." "So, naniniwala ka na nakakakita ako ng kaluluwa? Dahil nandoon ka at nasaksihan mo naman kung papaano ako naging mukhang baliw. Katulad nang sinasabi nila." "I believe you since we are grade seven," sabi niya. Nabigla naman ako doon. May naniniwala pala sa akin, totoo ba? 'Yung last kasi na may naniwala sa akin ay niloko ako, para mas lalo akong mawalan ng pag-asa na makisalamuha sa kanila. "Paano mo nga pala nalaman na nandoon ako?" tanong ko sa kanya. "I follow you," sagot niya, habang naglalakad kaming dalawa. "I saw you. Nagmamadali kang tumakbo na parang may emergency kang pupuntahan. Then, I saw you na pumasok ka sa isang eskinita. Hindi mo ba alam na delikado ang pagpasok doon?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi, eh. Hindi ko na kasi naisip na delikado pala na sumugod mag-isa." "That's why. I call, Mrs. Natividad. Kilala ko kasi si Mrs. Natividad dahil isa ang family ko sa founder ng school. May mga issue kasi na doon sa eskinita na pinuntahan mo ay doon ginagawa ang pambubully. And I am right. I saw you with a group of bullies." "Thank you talaga sayo. Hindi ko talaga kasi naisip na hindi pala dapat sumusugod mag-isa sa mga ganong bagay. Kaya thank you, talaga." Ngumiti pa ako sa kanya. "Yeah, you should think first bago ka sumugod sa mga gano'n," sabi niya. "Halos ilang years na rin tayong magkakilala na dalawa but ngayon lang tayo nagkaroon ng conversation na tayong dalawa." dagdag pa niya. Kaming dalawa? Napahinto ako sa paglalakad at alam ko na napansin niya 'yon, kaya napahinto rin siya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya at tumingin pa ako sa kaniya. Alam ko na matagal na kaming magkakilala na dalawa dahil mula grade seven hanggang ngayon, pero 'yung kaming dalawa ay hindi ko ma-gets ang sinasabi niya. "Hmm... Nevermind and by the way." Nakita ko na may kinuha siya mula sa pocket nang kanyang pants, at may hawak-hawak na siyang band-aid. Tinitingnan ko ang ginagawa niya. Inalis niya yung papel doon sa band-aid at tsaka siya tumingin saking. Hindi ako nakapag-react nang bigla na lang siya lumapit sa akin, nang sobrang lapit at naramdaman ko na lang na may dinikit siya sa pisngi ko bago lumayo sa akin. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. "There. May sugat ka kasi sa pisngi mo," sabi niya at tinuro pa niya ang kanan kong pisngi. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko ang band aid na nilagay niya doon, hindi ko naramdaman na may sugat pala ako. Nakuha ko ito 'nung samplain ako no'ng babaeng 'yon. "Thank you," nahihiya kong sabi. He smiled. "You're welcome, Aelin. And just put something in your cheek, namumula kasi." Tumango ako sa kaniya. "Sige... Dyan ka na nga. Mauna na ako sa'yo." Bakit ba feeling close ang isang 'yon? Hindi ba niya napapansin na mainit ang dugo ng girlfriend niya sa akin, tapos lapit pa siya nang lapit sa akin. Uuwi na ako at masyado ng mahaba ang araw ngayon para sa akin at gusto ko nang magpahinga na sa bahay. Close ba kami? Hindi naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD