Chapter 3: Connected

2343 Words
"Ang tigas-tigas kasi ng ulo mong bata ka!" Napatakip ako nang tenga ng bigla na naman sumigaw si Mama. Umagang kay sermon mula kay Mama. Sine-sermon niya ako dahil sa sugat na natamo ko kahapon. Hindi napansin ni Mama ito kahapon dahil hindi naman kasi ako bumaba mula sa kwarto ko, simula nang makauwi ako. Ngayon lang napansin ni Mama na may band-aid ang kaliwang pisngi ko. "Ma, nagigising niyo po 'yung mga kapit-bahay natin," sambit ko. "Wala akong paki!" sigaw ni Mama ulit na halos maputol na ang ugat niya sa leeg. "Ikaw na bata ka, sinabihan na kita na huwag-huwag kang tutulong sa mga multong nakikita mo at baka ipahamak mo pa, Aelin." Nakaduro pa ang kamay ni Mama. "Anak, alam mo kung gaano ka panganib ang ginagawa mong pagtulong sa kanila," sabi naman ni Papa. "Alam ko naman po kaso po hindi po nila ako tinitigilan hangga't hindi ko sila natutulungan." Kahit na ayokong tulungan sila ay hindi naman nila ako titigilan. "Kaya kahit gabing-gabi na ay lumabas ka pa rin, para tulungan sila? Jusko naman! Gusto mo talaga na patayin kami ng ama mo, 'no!" Napahawak pa si Mama sa kaniyang ulo at napaupo. "Kausapin mo 'yang anak mo, Leo! At baka mamaya mawalan na tayo ng anak!" "Mahal, huminahon ka na muna," sambit ni Papa at inabutan niya si Mama ng tubig." Alam naman ng anak natin kung ano ang tama o mali at alam niya kung saan siya manganganib. 'Diba, Aelin?" tanong ni Papa sa akin. Tumango ako sa harapan ng magulang ko. "Opo." "Tigil-tigilan mo ang pagtulong sa kanila, kung ayaw mong kunin nila ang katawan mo," paala pa ni Mama at medyo huminahon na siya, hindi katulad kanina kaunti na lang ay kakainin na ako ni Mama dahil sa galit niya nang malaman kung saan galing ang sugat ko. "Sige po, Ma..." "Bilisan mo nang kumain dyan at hahatid pa kita," sabi ni Papa. Tumango ako at tsaka ako bumalik sa pagkain. Humingi rin ako nang sorry kay Mama dahil pinag-alala ko siya, alam ko naman na iniisip ni Mama ang kaligtasan ko dahil tama siya na baka kunin ng ibang kaluluwa ang katawan ko, at ang mas malala pa ay baka hindi na ibalik sakin ang katawan ko at 'yun ang kinatatakutan ni Mama at Papa. Ang mawala ako at tuluyan ng hindi makabalik. "Pagpasensyahan mo na ang Mama mo, alam mo naman na nag-iisa ka naming anak at ayaw niya lang na mapahamak ka dahil sa kanila," panimulang sabi ni Papa habang naglalakad kaming dalawa. Ihahatid lang ako ni Papa sa sakayan ng jeep tapos siya ay papasok na rin sa kanyang trabaho. "Naiintindihan ko naman po si Mama, Pa," sambit ko at inayos ko pa ang bag ko bago muling magsalita, "Nag-iisang anak niyo po ako tapos hindi pa ako nag-iingat." "Sa susunod anak, pilitin mo na huwag na silang tulungan at 'yang liwanag na sinasabi nila kaya naakit silang lumapit sa'yo. Sikapin mo na matakpan ng dilim nang sa gayon ay hindi sila maakit sa liwanag na meron ka." Natatawa ako ng mahina. "Buti pa 'yung multo naakit sa akin pero 'yung mga buhay na katulad natin, hindi. Ang unfair naman, Papa." biro kong sabi kay Papa. Napatawa rin si Papa sa sinabi ko. "Lokong-loko ka talagang bata ka! Hala, sige at nandyan na ang jeep na maghahatid sa yo sa school mo." "Sige po," sambit ko habang natatawa pa rin ako, pero bago pa man ako pumara ay muli akong nagsalita. "Papa, hindi niyo po ba dadagdagan ang baon ko?" tanong ko. "Hindi mo ba ako papasakayin, anak?" tanong ni Papa sa akin. "Kahit fifty pesos lang, Papa," nagpupumilit ko. "Sige na at sumakay ka na baka mahuli ka na. Tinulak-tulak pa ako ni Papa pasakay ng jeep. Napanguso ako akala ko kasi madadagdagan ang baon ko pero hindi pala. Nang makasakay ako ay hinarap ko pa si Papa at nagpaalam na ako na gano'n rin ang ginawa ni Papa. Umandar na ang jeep na sinakyan ko papaalis sa lugar namin, nagbayad na rin ako ng sampung piso papunta sa school. Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na ako sa school. Nagpababa ako sa may kanto lang dahil kaya ko na rin naman lakarin papunta sa school. Nagsimula na akong maglakad at may nakakasalubong akong mga katulad kong estudyante na papasok na rin. Maaga pa naman kaya alam ko na 'yung iba ay de-diretso sa canteen para kumain at the same tumambay. "ID niyo, ilabas na. Ang walang ID, hindi makakapasok!" Napahawak ako sa ID ko na nakasabit sa leeg ko. Pumila na muna ako at hinihintay ko ang pagkakataon ko, nang ako na ay pinakita ko kay tinapat ko sa machine para makilala ang ID ko at nakapasok naman ako. Naglakad na ako ulit para makapunta na sa classroom ngunit bago ko pa na magawang humakbang muli ay may mabilis na nahulog mula sa harapan ko. Napatigil ako at naramdaman ko ang malakas na hangin na tumama sa katawan ko. Sobrang bilis ng pangyayari at kung may sakit lang ako sa puso ay sigurado ako na hindi na ako makahinga ng maayos. Nang makabawi ako mula sa gulat ay napatingin ako sa lapag kung saan doon ko nakita ang isang lalaki na nakasuot ng pang-sports na basketball na kulay mint green na may nakalagay na 'Crisostomo 19' at pati na rin ang suot niyang shorts, naka-rubber shoes na white and black. Nakapikit ang kaniyang mata at maya-maya lang ay napanguiwi siya. "Okay ka---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang siyang tumayo na para bang walang masakit sa kaniya. Kitang-kita ko pa kung papano niya pinagpag ang kaniyang suot at ngayon ko lang na realize na hindi siya katulad kong buhay. Isa na namang kaluluwa ang bumungad sa harapan ko na nahulog mula sa rooftop ng school. Nakita ko na natigilan siya dahil napansin niya na nandito ako. Inangat niya ang tingin niya dahilan upang magtagpo ang paningin naming dalawa, nang magtagpo ang aming paningin ay parang nawala ang mga estudyante na pumapasok ngayon at kaming dalawa na lang nandito. Nakatitig pa rin siya sa'kin at gano'n rin ako sa kaniya. He has thick eyebrows, his calm but attractive blue eyes like the color of a deep ocean, halata na may lahi siya. His perfect nose, and his perfect lips. Ang perfect naman ng pagkakagawa sa kaniya at isa ba siyang model? Mukha kasi siyang model na pwede rin mag-artista pero alam ko na mas matanda siya, siguro mga nasa twenty plus ang edad niya at mas sure ako na hindi siya nag-aaral dito. "Is that a light?" Nakabalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang sinabi niya. Light? Tinignan ko siya at nakatingin siya sa likuran ko kaya napatingin rin ako sa likuran ko pero wala naman akong nakitang liwanag na sinasabi niya, binalik ko ang tingin ko sa kaniya at nakatingin pa rin siya sa likuran ko. Katulad ba siya ng mga kaluluwa na mahirap makisama sa liwanag? "Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya dahilan upang mapa kurap siya at tumingin muli sa'kin. "Did you see me?" tanong niya sa hindi makapaniwala na boses. Tumango ako sa kaniya. "Oo." Hindi siya sumagot bagkus tumingin siya sa likuran niya at iniisip niya siguro na may iba akong tinitignan bukod sa kaniya. Nang lumingon siya ay wala namang tao sa likuran niya at tsaka niya binalik ang kanyang tingin sa akin, nang mapagtanto niya na sa kaniya ako nakatingin. "You see me? That's wow!" mangha na sabi niya. Napakunot ang noo ko sa reaksyon niya, humahanga na siya dahil may nakakita sa kaniya o first-time niya lang na malaman na may tao talagang nakakakita sa kanila. "Hindi mo ba alam na may nakakakita talaga sa inyo?" tanong ko. Umiling siya. "I'm aware pero ang iba ay hindi gano'n kabait... Ikaw? Baka naman isa sa kanila." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nanghuhusga agad ang lalaking ito! Hindi pa nga niya ako kilala tapos sasabihin niyang hindi ako mabait. "Ikaw? Baka naman isa ka sa mga kaluluwa na gustong umagaw ng katawan," laban ko sa kaniya. Hindi ko naman siya kilala at ang bilis niya rin akong husgahan, kaya huhusgahan ko in siya. Hindi siya sumagot kaya napairap ako at naglakad para lagpasan siya, pero bago pa man ay nahawakan niya ang braso ko dahilan upang mapahinto ako, ngunit hindi ko inaasahan ang kuryente na dumaloy sa katawan ko kaya nagulat ako doon. Napatingin ako muli sa kaniya at maski siya ay gulat na nakatingin sakin. Don't tell me... "Did you feel the same I feel when I hold your arm?" tanong niya. Hindi ako sumagot at inalis ko ang kamay niya sa braso ko. "Hindi... Wala akong nararamdaman, dyan ka na nga!" Dali-dali akong naglakad upang umalis na. Hindi maari dahil once na makaramdaman ako nang ganon ay ang ibig sabihin no'n ay match kaming dalawa. Ang sabi ni Lola sa akin na once na naramdaman ko ang kuryente na naramdaman niya noon ay lalakas ang kapit ng isang kaluluwang nagbigay ng kuryente at pwedeng-pwede siyang sumapi sa'yo. Naging aware ako sa sinabi ni Lola at never kong naramdaman ang kuryente na sinasabi ni Lola, pero ngayong araw na ito. Ngayon ko naramdaman ang kuryente na sinasabi ni Lola at hindi ito tama! Ayokong may isang kaluluwa ang magiging malapit sa akin. Ayoko! Nagsimula na ang aming unang subjects at may nakakatuwang nangyari, dahil karamihan sa mga kaklase namin ang nalate at ang rason nila ay may hangover sila mula sa party ni Danielle. Sinisi pa nila si Danielle dahil nalate sila. Kaya ‘yung mga nalate ay nasa labas nang classroom namin bilang parusa nila ay hindi sila pinapasok ni Sir. Gagraduate na nga kami, tsaka pa raw nalilate. Sinermonan talaga sila ni Sir. “T*****o, ka! Prez, nilasing mo kami kahapon,” rinig kong sambit ni Michael. Ang isa sa kaibigan ni Danielle. “Marami ba namang biniling alak si Prez kapahon, halata na lalasingin talaga tayo.” Pinag-uusapan nila ay ang nangyari kahapon sa birthday ni Danielle. Nakapasok na rin sila dahil tapos na ang klase ni Sir at ngayon nga ay hinihintay na ang susunod ni Sir. “Hindi ko na kasalanan kung nilunod niyo ang sarili niyo.” Si Danielle. “Kasalanan mo, bro. Kasi ang sabi mo masaya ka kaya bumili ka ng maraming alak.” Sino ba ang hindi sasaya sa araw ng birthday? Meron ba? Sigurong meron naman, pero marami pa rin ang masaya tuwing kaarawan nila. “Sasaya talaga si Prez dahil naroon ang girlfriend niya, ‘diba, Prez?” Narinig ko pa na tinutukso na si Danielle na tinatawanan lang ni Danielle. Nakatingin kasi ako sa kanila at halata naman sa kanila na masaya sila kahapon. Nakaramdam ako ng inggit kahit papaano. Tao naman kasi ako at nakakaramdam rin. Gusto ko na maranasan na sumama sa mga birthday ng mga kaklase ko at magsaya na walang nanggugulo sa akin. “Miss.” Napatingin ako sa kaliwa ko at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko siya ulit. Anong ginagawa nang lalaking ito dito? “Sinusundan mo ba ako?” tanong ko sa kaniya. Napatingin pa ako sa paligid at buti na nga lang ay busy sila sa sarili nilang mundo, at hindi nila ako napapansin. “Nakikita mo talaga ako,” sambit niya sa natutuwang boses. “Anong kailangan mo?” tanong ko sa kaniya. Mahina lang ang boses ko at baka kasi mahalata ng mga kaklase ko na may kausap ako. “Bakit? Ang hina mong magsalita?” tanong niya at ginagaya niya ang boses ko. Humalubbaba pa siya sa table habang nakatingin sa akin. Bored ang isang ‘to. “Alam mo nakakaakit ang liwanag sa likuran mo,” sambit niya. Napakunot ang noo ko at tinignan ko ang tinitignan niya. Nang lumingon ako ay wala naman akong nakitang liwanag na sinasabi niya, tanging mga kakalase ko na nagdadaldalan lang ang nakita ko. Aminado ako na may liwanag sa likuran ko ngunit hindi ko ito nakikita. Bumaling ako ulit sa kaniya. “Okay ka lang? Kung may nakikita ka palang liwanag, sumama kana.” May nakikita pala siyang liwanag, bakit hindi pa siya sumama at nang tumahimik na siya? “I can’t.” “Huh?” Umayos siya nang upo at tumuro sa likuran ko. “Ang liwanag sa likuran mo ang siyang nang-aakit sa mga katulad kong kaluluwa, kaya ka siguro sinundan nang mga kagaya kong kaluluwa at ang liwanag na sasamahan ko ay hindi ‘yang nasa likuran mo.” ‘Yung liwanag na nasa likuran ko ang sinasabi niyang dahilan kung bakit ako sinundan nang mga katulad niya? “Kaya mo ba ako nasundan ay dahil sa liwanag na nasa likuran ko?” tanong ko sa kaniya. Kung ang liwanag nga na nasa likuran ko ang dahilan, kaya sila sumusunod sa akin. Bakit hindi ko kasi makita? Nakikita ko naman ang liwanag na sumusundo sa kanila. “Oo.” Kung gano’n ‘yon pala. “Pero anong kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kaniya. “May gusto akong maramdaman ulit,” sambit niya. Tinignan ko siya at bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko. Nanlaki ang dalawang mata ko nang maramdaman ko muli ang kuryente nang mahawakan niya ang kamay ko. Hindi maari. Ang kuryenteng iyon ang nagpapatunay na nahanap ko na. “Anong ibig sabihin nang kuryenteng ‘yon?” tanong niya sa sarili niya. “Lalakas ang kapit mo sa akin at maari kang sumapi sa katawan ko, ayan ang ibig sabihin nang kuryenteng nararamdaman mo.” Napingin siya sa akin nang malaman niya ang ibig sabihin nang kuryenteng nararamdaman niya. Hindi ko gusto ang kuryenteng pinaramdam niya sa akin, hangga’t maaari nong tinutulungan ko ang mga kaluluwa ay hindi ko sila hinahayaan na humawak sa akin at baka maramdaman ko ang kuryenteng ‘yon. Pero ang lalaking ito na bigla na lamang ako hinawakan na siyang nagbigay nang kuryenteng iniiwasan ko, ay hindi ko na nagawang pigilan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD