1
Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!
_________
Masaya akong pumasok sa headquarter nila Uno habang bitbit ko ang paborito nitong mango cake na pinagawa kopa talaga kay Carnation.
"Si Uno ba ang hanap mo?" tanong ni Dos. Nakangiti akong tumango sa kanya. "Andun sa torture room balak atang patayin yung mga singkit na chino na bumaril sa kanya last week." aniya nito saka umalis sa'king harapan.
"Dos!" sigaw ko kaya napalingon at napataas ang kilay nito sa'kin. "Oh, favorite mong chocolate!" sabay hagis ko sa kanya ng dairy milk na kina-ngiti nya saka ako naglakad patungo sa sala para hintayin nalang si Uno.
"Mirasol! Para sa'kin bayan?" sino paba edi malamang si Quattro na 'to.
"So sino ka? Si Fourth, Fifth o Sais?" Kunware ay hindi ko s' ya kilala sa tatlo. Ang comfy kasi biruin ni Quattro dahil sumasakay talaga s'ya.
"Ouch naman, Mirasol. Syempre si Quattro to. Pag gwapo si Quattro pag-impakto si Fifth at tukmol si Sais." sabay akbay nito sa'kin. "Penge ako n'yang cake. Hindi mona ako dinadalhan ng cookies kaya may tampo ako, dapat mokong bigyan ng cake na dala mo." may tampong wika nito sa'kin na kinatawa ko.
"Kay Uno ito kasi nililigawan ko sya." pabirong saad ko habang tinataas-taas pa ang box ng cake saka ko sya binatukan dahil panay ang nguso.
"Bakit ba kasi si Uno pa ang gusto mo ihh kamukha naman nya si Dos at Third tapos di hamak na gwapo naman ako sa kanya."
"Gago! Ampangit mo mag-tampo, saka anong mas gwapo ka kay Uno, kamukha mo nga yung unggoy sa zoo." sabay tanggal ko ng kamay nito sa balikat ko.
"Hoy, Mirasol! Suyuin moko!" sinaman ko sya ng tingin dahil sa pangalan na sinigaw nito.
"Pasuyo ka nalang sa kahalikan mo sa bar kahapon!"
"Tinulak ko kaya 'yon!" Tumawa lang ako saka nag-tungo sa kwarto s***h office ni Uno.
Paborito talaga ng unggoy nayun na sirain ang araw ko. Pumunta ako sa banyo sa kwarto ni Uno para ayusin ang sarili ko.
"Nakaka-inis talaga si Unggoy pumapanget ako pag-nakikita ko sya." kausap ko sa sarili ko sa salamin saka ako naglagay ng liptint at pulbos.
Lumabas ako galing sa CR at nilapag sa mini table ang cake na dala ko, umupo ako sa kama ni Uno ng mahagip ng mata ko ang picture ng ate ko na naka frame malapit sa pinto.
"Bakit ba kasi Ate mas mahal ka ng lahat kesa sa'kin. Sila Mama at Papa ambaba ng tingin sa'kin dahil ikaw ang perpekto sa paningin nila kahit si Uno hindi ako magawang bigyan ng pansin dahil mahal na mahal ka nya kahit wala ka naman na." malungkot kong kausap sa litarto ni Ate na kasama si Uno habang nakangiti silang dalawa, kung hindi ako nag-kakamali ito ang araw na nag announce si Ate na buntis s'ya sa magiging anak sana nila ni Uno.
Hanggang ngayon ako parin ang may kasalanan ng lahat. Ako ang dahilan kung bakit nasira at nagulo ang lahat.
Bumukas ang pinto ng kwarto ni Uno kaya naman napa-baling ang tingin ko ro'n, kita ko ang seryosong awra ni Uno habang may mga talsik ng dugo ang damit nito pati ang mga kamay nito.
"Ano na namang kailangan mo Sunflower?" malamig na tanong nito habang nag-pupunas ng kamay nyang may dugo.
Sanay na ako sa malamig na pakiki-tungo n'ya saakin, pero hindi ako nawalan ng pag-asa na baka isang araw ay mag-bago ang ihip ng hangin.
"Ahm... for you." sabay abot ko sa kanya ng cake na agad naman nitong tinggap.
"Dapat hindi kana nag-abala saka halos araw-araw nalang cake ang dala mo, hindi ko naman to mauubos. Sunflower, don't waste your time for me, alam mong hindi ko kayang suklian ang pag-mamahal na pinapakita mo." seryosong sabit nito.
Ngumiti ako saka huminga ng malalim. "Alam ko naman yun, Uno. Hayaan mo nalang sana akong iparamdam sayo na mahal kita, ayos lang naman sa'kin kahit hindi moyon masuklian. Saka pag-napagod naman na ako kusa na'kong iiwas sayo." sambit ko saka lumabas ng kwarto nya.
"Ganda ng mood mo kanina tapos ngayon daig mopa ang namatayan." inirapan kolang si Quattro saka umupo ako sa sofa at nanood ng basketball na pinapanood nya.
"Paano kaya minahal ni Uno ng sobra si Ate Rose?" hindi ko naman sila nakitang sobrang close sa isa't-isa pero naging sila.
"Kasi yung Ate mo kabaliktaran mo, Mirasol."
"Oh, tapos? Yun na yun?" sabay irap ko sa kanya. "Alam ko namang malayo ang ugali ko sa ate ko, halos perfect na nga s'ya sa paningin ng lahat. Isipin mo c*m laude sya tapos ako muntikan pang hindi maka-pasa sa strand ko tapos hibdi pa ako nakapag-tapos. Ang taas ng tingin ng lahat kay Ate, kaya yung expectation sa'kin ng iba mataas din. Once na magka-mali ako or nag-fail ako sa isang bagay ang laking kahihiyan kona sa paningin nila. Isang malaking himala nalang talaga na natuto ako maging independent." malungkot kong aniya pero ngumiti parin ako.
"Nakaya kong mabuhay kahit ayaw na saakin ng lahat." sabay tawa ko nalang.
"Ayos lang yan, sabi nga life is unfair so bear with it. Don't worry, basta't buhay ako mananatili kang perpekto sa paningin ko." ginulo pa nito ang buhok ko at nginitian ako.
"Salamat, kahit lagi kang pang-bwiset sa araw ko ikaw naman ang nagpa-papagaan ng loob ko." nata-tawang aniya ko at kasabay ng pag-ring ng cellphone ko.
Lily calling.....
"Sagutin ko muna baka importante." paalam ko saka lumayo kay Quattro ng tumango ito.
"Sunflower, nag email sa'kin
si Venus ikaw daw ang
ipapadala sa Sicily para
sa next mission almost
1 week lang naman yun.
So ano papayag kaba?"
"Bakit ako, akala koba
silang dalawa ni Saturina
ang nagkasundo
para ipadala sa Sicily?"
"I dunno.
Umuwi ka muna dito,
then deretsyo tayo sa HQ
para kausapin si King."
Nagpaalam na ako rito at ko binaba ang tawag saka ako pumasok sa sala kung saan naka-upo parin si Quattro, nag-paalam nakong uuwi dahil may emergency.
Maingat akong nag da-drive ng aking ducati na motor papunta sa bahay naming mag-kakaibigan para mapag-usapan ang naging desisyon ni King.
Isa akong member ng Mafia kung saan ay may mga illegal na gawain kaming ginagawa kabaliktaran iyon ng Mafia na hawak ng mga Rivera.
Mulat ako sa mga gawain ng Mafia na pinasok ko. Sila King ang tumulong saakin noong panahon na tinalikuran ako ng pamilya ko.
Highschool ako ng tumigil ako sa pag-aaral at mas pinili kong sumama kay Venus, inalok n'ya akong maging isang agent sa grupo nila at tumagal ay natuto na ako sa gawain nila.
Madalas kaming nag-a-assign sa iba't-ibang bansa pero kung sakali ito ang magiging unang mission ko sa labas ng bansa sahil kadalasan pakikipag-transaction lang ang gawain ko kung saan ako ang nag hahandle ng pag export at import ng mga illegal na baril sa mga bansang nakikipag transact sa grupo namin.
Kahit mga drugs ay katulong ang grupo namin para makapag-export at import sa iba't-ibang bansa.
Bumaba ako ng motor ko saka ako pumasok ng bahay at naabutan ko sila na busy sa pag-tipa ng laptop.
"Carnation..." tawag ko.
"Oh, andyan kana pala. Kailangan natin ngayon pumunta sa HQ para kausapin si King tungkol dito sa mission mo sa labas ng bansa, baka pwede ng pakiusapan na sila Venus nalang ang ipadala tutal mas sanay naman ang mga 'yon sa labanan."
"No need. Tatanggapin ko ang mission, I know naman na sasamahan n'yo ako at panigurado naman na gagawa kayo ng paraan kahit ipag-bawal ni King na sumunod kayo sa'kin." nata-tawang aniya ko at ibinaba ang helmet na hawak ko sa ibabaw ng cabinet.
"Of course sasama kami sa'yo baka mapaano kapa, edi mababawasan ang mga magagandang blooming flowers dito sa earth." biro ni Tulipian na kinatawa namin pare-pareho.
"May tirang mango cake sa ref, Sunflower, kainin mona at baka maunahan kapa ng tuyot na bulaklam d'yan." wika ni Carnation at tumingin pa kay Tulipain na napa-ngiwi.
"For the parinig naman ang ferson." sambit ni Tulipian kaya natawa ako.
"Sige, ayusin kona rin yung gamit ko para maka-alis na ako bukas ng gabi. Kayo rin pahinga na kayo sasama pa kayo sa'kin." sambit ko ng makuha ko ang cake sa ref at umakyat sa kwarto ko.
Habang kumakain ako naisipan kong i-open ang IG acc ko para mag stalk kay Uno.
Uno Rivera (@Uno.Rivera01)
10 336k 9
Post followers Following
Halos mga larawan lang naman ni Ate ang laman ng Ig nya minsan ay may naliligaw na picture nya na kuha pa yata ni Ate sa kanya no'ng nasa beach sila sa Batangas.
May bago syang post halos 1 day lang ang nakalipas puntod iyon ni Ate kung saan may caption na "Remembering" mukhang ito yung araw na inabot kolang kay Third yung dala kong cake dahil wala si Uno sa HQ nila.
Nag vibrate nag phone ko at message yun mula kay Quattro sa IG.
From:QuattroGwapo.04
Kunware hindi ko alam
na ini-stalk mo si Uno.
Btw, may utang kang suyo
sa'kin tomorrow morning.
Have a coffee date with me
sa paborito nating cafe
para 'di kana stress, Mirasol. π
To:Sun_Flower
Oo na bukas, sharp
8 AM pupunta ako sa cafe
ni Carnation doon nalang tayo
mag-kita treat ko 'wag ka
mag-alala. π
From:QuattroGwapo.04
parang may-sama ka pa ng
loob na samahan ako,
Sunflower.π£
To:Sun_Flower
Whatever bahala kana
nga d'yan, kita nalang
us tommorow, Unggoy!π»
From:QuattroGwapo.04
noted po, Madam Mirasol.
G'night! π€
Napa-iling nalang ako saka pinatay ang cellphone ko. Kumain nalang ako ng cake habang pilit na inaalis ang sa isip ko ang usapan namin kanina ni Uno. Matapos akong kumain ay nag shower muna ako saka ko inayos ang mga gamit na dadalhin ko for tommorow.
Humiga ako at pilit na pinapa-antok ang sarili ko hanggang sa kusa nalang akong dapuan ng antok.
Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko kaya kinapa ko iyon at sinagot ang tawag habang naka-pikit.
"Hello?"
"Hoy, Mirasol hanuna na?
Sabi mo sharp 8 kaya 7:45
andito nako sa cafe ni Carnation
tapos ikaw 8:30 na tulog pa?"
Dali-dali akong napa-bangon ng maalala ko ang usapan namin ni fourth.
"oh, sh*t! Sorry na, Unggoy.
Maliligo lang ako punta
nako dyan."
Mabilis kong pinatay ang tawag saka pumasok ako sa banyo para maligo ng mabilisan saka nagbihis ng simpleng white polo-shirt at maong na short.
Akmang lalabas na ako sa gate ng mahagip ng aking mata ang Mercedes-Benz na koste habang naka-sandal naman si Uno do'n.
"oh, anong ginagawa mo rito?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
"Let's have a breakfast, I need to talk to you." seryosong wika nya pero umiling ako. "Why?"
"Nangako kasi ako sa kapatid mong si Fourth na mag co-coffee kami, pambawi ko sa kanya. Free ako mamayang lunch sabay tayo. Puntahan kita sa company mo or sa HQ?" masiglang tanong ko.
"Sa Uno Technologies nalang. Let's talk later, after lunch." aniya nito saka ako pumasok sa kanyang sasakayan at umalis.
Napa-buntong hininga nalang ako saka sinuot ang helmet ko at sumakay sa motor para puntahan si Quattro.
Nang maka-pasok ako sa cafe ay nakita ko si Quattro na masama ang tingin sa'kin kaya naman tumakbo ako palapit sa kanyaat nginitian ko ng s'ya ng malaki. "Order kana."
"Akala mo ba madadaan moko sa suhol mo pwes tama ka! Libre to huh, o-order ako ng tripple chocolate cake tapos espresso." aniya niyo sabay punta sa counter kaya sumunod nalang ako.
Parang nahawa na si Quattro sa ugali ni Third, dapat kona sigurong warningan si Quattro na bawas-bawasan ang kakasama sa kapatid n'yang mag-ubo sa utak.
"Sa'kin egg pie nalang saka Vanilla latte." aniya ko sa counter saka ko binigay ang card ko para mayaran.
"Masyado kabang na-puyat kaka-stalk sa kapatid ko?" tanginang bigbig, pasmado.
"Agang-aga, Quattro, tantanan mo muna ako." tumawa lang ito at sumimsim sa kanyang inumin.
"totoo naman kasi. Masyado kang nahahaling kay Uno may Dos at Third naman pwede rin namang Quattro."
"Kung sakaling sukuan kona si Una mas pipiliin kopa si Dos at Fifth, oh kaya si Sais kaysa sa inyong dalawa ni Third, daig n'yo pang dalawa ang may ubo sa utak." pag-bibiro ko na kina-sama namna ng mukha n'ya.
"Ang sakit mo talaga sa puso, Mirasol. Si Third ang may-ubo sa utak, ako pogi lang."
"Tangina mo sagad sa bunbunan, Quattro Pogito!"
"Wow huh kaka-endearment molang sakin ng Unggoy ngayon naman Pogito napaka sweet mo talaga aking Mirasol." inirapan ko ito na kinatawa nya lang.
"Kapal mo! Ang endearment sweet ang tawag sa binibigay ko sa'yo codename!"
"Sweet 'yon para saakin, Mirasol." sabay kindat nito.
"Hoy, mag-babakasyon ako mga 1 week bantayan mo naman si Uno saka ikaw muna mag-alaga kay elliot."
"Elliot?" takang tanong nito.
Tumango ako""Yung anak ko yung pusa na kulay black. Regalo sa'kin yun ni Sister Eula nakita raw kasi nila sa loob ng ampunan, ang cute kaya tinaggap ko."
"Ahh, kala ko bagong crush mo."
"Si Uno lang ang crush ko wag kang ano dyan. Gagawin pa akong 2 timer nako Quattro wag moko igaya sayo na may kati sa katawan."
"Matagal na 'yon wag mona ipaalala, Mirasol. Nang mas makilala kita nag-bagong buhay na ako." napa-iling nalang ako dahil parang wala naman sa utak nito ang usapang matino.
"Titigil kaba kaka-Mirasol o iiwan kita dito sa cafe?" banta ko sa kanya na kinatawa n' ya ng malakas.
"Titigil na nga po, Boss Madamdamin."
Hanggang sa natapos ang breakfast namin at kinakailangang pumunta ni Fourth sa HQ nila dahil daw sa biglaang meeting kaya naman naiwan lang ako sa cafe.
Lumabas ako sa cafe habang bitbit ang latte ko ng biglang may humila saakin dahilan para matapon ang inumin ko.
"Do you really love having a breakfast with my brother huh." madilim ang awra nito at talagang tataasan ka ng balahibo sa talim ng mga titig n'ya.
"U-Uno, andyan ka pala. Mamaya pang lunch tayo mag-kikita diba." iniwas ko ang mata ko sa kanya dahil sa kab ana nararamdaman ko.
"Let's talk." sa ganto ako kabado pag may pa let's talk si Uno.
"S-sure." kinakabahang sagot ko saka pilit na ngumiti at binawi ang braso ko na hawak parin n'ya.
"Stay away from me."
"Huh?"
"Layuan mona ako, Sunflower. As you can see hindi ko kayang suklian ang pag-mamahal mo, hindi ko kaya ang gusto mong hahayaan lang kita na guluhin ako ng guluhin even though we both know na hindi kita kayang mahalin the way I love your sister. Please lang Sunflower iba nalang 'wag ako. Mag-lolokohan lang tayong dalawa sa gusto mong mangyare." malamig ang boses nito, dama mo na seryoso talaga s' ya sa nais n'yang sabihin.
"Pero---" hindi kona natapos ang sasabihin ko talikuran ako nito at pumasok sa kanyang sasakyan.
Napa-yuko ako ng tuluyang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Umiiyak akong sumakay sa motor ko at mabilis iyong pinatakbo pabalik sa bahay naming mag-kakaibigan.
Ang sakit naman kasing mahalin ng isang Uno Rivera. Hindi ako hihinto hanggang sa isang araw ay matauhan nalang ako at n
mapagod sa kanya.
_strwbrgirl