Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!
________
"Sun! Andito kami." sigaw mula sa'king likuran at nakita ko si Carnation na kumakaway kaya tumakbo ako papunta sa gawi nila habang bitbit ang ang mga dala-dala ko.
"Jusko, kanina kapa namin hinihintay, Mirasol! Si Lily naiwan sa sasakyan as usual tulog na naman ang water Lily." aniya ni Carnation na kinatawa kona lang.
"Tara na. Mamayang gabi hindi na'ko si Sunflower kaya sulitin natin to hanggat maliwanag pa." nata-tawang wika ko habang sumeryoso naman ang kanilang mukha.
Tama, mamayang gabi ang binigay ni King na hudyat para pakipag-kita ako sa kung sino mang ponsyopilatong 'yon.
"Chill. Sa bahay nalang tayo mag-usap let's bond first." aniya ko saka sila bumuntong hininga.
Naka-sakay kami sa loob ng Van ni Hyacinth habang si Carnation ang nag-mamaneho at si Lily naman ay gising na pero sa bintana lang ito naka-tingin.
"Nakita ko sila Mama at Papa sa airport kanina." agaw ko sa pansin nila.
"Nakita ka nila?" curious na tanong ni Hyacinth.
"No. Hinatid ako ni Fourth kaya hindi kona sila nilapitan saka wala naman akong balak." mahinang sagot ko.
"Until now ayaw parin nila sayo?" kibit-balikat lang ang naisagot ko kay Hyacinth.
"Maybe. Baka nga ako parin ang sinisisi nila sa pagka-matay ni Ate."
"What if 'yan din ang rason ni Uno kaya until now pilit nyang iniiwas ang sarili nya sayo?" prankang tanong ni Lily habang nasa bintana parin ng sasakyan ang tingin.
"I dunno. As of this moment sinusubukan ko paring ilapit yung sarili ko kay Uno." malamyang sagot ko kay Lily. Paano nga kung pati si Uno ako ang sinisisi kaya ayaw n'ya saakin.
"Bakit hindi nalang kaya si Fourth ang gustuhin mo? Base sa mga kwento mo mukhang gusto ka ng isang 'yon" singit ni Carnation.
"What do you mean? Si Uno ang gusto ko hindi naman si Quattro." pagli-linaw ko.
"Masyadong naka-tuon ang pansin mo kay Uno kaya hindi mo namamalayan na si Fourth ang taong nagpa-pahalaga sayo. Laging and'yan si Fourth everytime you need a person who can comfort you. Base sa mga kwento mo sa'min masyado kayong malapit kaya hindi malabong gusto kana n'ya at hindi mo lang yun nakikita kasi may Uno kang pinag-tutuonan. " Si Freesia na ang nag salita na sinang-ayunan naman nila.
"Impossible. Fourth is just like my older brother at 'yon ang tingin ko sa kanya. Siguro kaya malapit kami kasi gusto n'ya rin magkaro'n talaga ng sister at sa'kin nya nakita yun." pilit kong pagpa-paliwanag sa kanila.
"Siguro, baka, ewan ."
Malabong magustuhan ako ni Fourth, sadyang close lang talaga kami at nasanay na ako na s'ya ang parating and'yan pag-malungkot o masama ang loob ko. Siguro thankful talaga ako na may Fourth akong masasandalan at handang mag cheer up sa'kin lalo na pag nasasaktan ako dahil sa pamilya o kaya kay Uno.
Nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan namin dito sa Sicily ay sakto namang nakatanggap ako ng text mula kay Saturina. Saturina is one of my close friend isa sya sa mga member ng organization na pinamumunuan ni King.
From: Saturn
Let's meet. Nasa Sicily ako ngayon, Sunflower.
See yah!
Sunod kong binuksana ng mensahe mula kay Fourth. Himala at hindi IG ang gamit nya ngayon.
From: Quattro Garapata
How are you?
Nakarating kaba ng ligtas?
Text me if you already read
this message.
To: Quattro Garapata
I'm fine.
This will be my last message.
I need to relax.
Bye!
Sabay patay ko ng cellphone ko at nag-tungo sa sala at naabutan kong busy sila.
"what time ka mamaya makikipag transact?" tanong ni Lily habang busy sa pag-hack.
"Exact 10 pm."
"Use this." sabay abot sa'kin ng maliit na device kaya napa-kunot ang noo ko.
"tracker yan bagong imbento ni Freesia. Maliit lang yan pero malaki ang matutulong n'yan. Habang nasa Pilipinas ka nag-plano na kami dahil sure naman na wala kapang exact na plan lalo na't nasanay kalang as agent at hindi ka ganon kasanay pag-dating sa patayan." singit ni Hyacinth na kinatango naman nila.
" Si Freesia at Lily ang mag tatrack sayo while doing your transaction para masiguro namin na hindi ka nila gagalawin. Si Tulipian naman ang sniper, s'ya na ang bahalang maging back up mo. Ako naman ang driver mo at si Hya ang sasama sayo." sabi ni Carnation.
Alam na alam talaga nila ang gagawin. Nasanay kasi akong taga-basa lang ng mga document sa HQ. Agent ako pero si Lily at Freesia ang sumasalo ng gawain ko madalas dahil mas delekado daw kung ako ang kikilos lalo't tago ang mga identity namin.
"Salamat." tumango lang sila sa'kin at tinuloy ang kanilang mga ginagawa.
"Ako na bahalang mag-luto ng kakainin maghanda nalang kayo dyan at ikaw Sun mag kwento ka sa'min." wika ni Tulipian na kina tango ko naman.
Umakyat ako sa kwartong kadalasan kong tinutulugan tuwing nag babakasyon kami dito sa Sicily. Lumakad ako papalapit sa isang saradong pintuan at binuksan 'yon.
" Buhay parin pala kayo. " naka-ngiti kong wika ng makita ko ang mga pinta kong larawan.
Dito kami pinatira nila King noong baguhan palang kami sa Organization, tinuring namin na bahay na namin ang abandonadong mansion na ito ni King dito sa Sicily.
Pumasok ako sa loob ng maliit na room saka ko tinignan ang mga pinta ko. Matagal naring panahon simula ng tinalikuran ko ang pag-pipinta dahil sa pamilya ko dahil tingin nila wala akong mararating kung ipag-papatuloy ko ang pag-aaral ko ng fine arts kaya mas minabuti kona lang ng senior Highschool at iwan ang dating buhay ko.
Isang faceless na larawan ang naka-agaw ng atensyon ko at kung hindi ako nag-kakamali five years na ang nakalipas ng ipinta ko ito. Ilang beses kong sinubukang ibigay kay Uno ang pinta kong ito pero lagi akong pinang-hihinaan ng loob lalo na pag-nakikita ko sila ni Ate na mag-kasama.
"Sun?" napalingon ako sa pinaggalingan ng boses
"oyyy, Freesia." sabay lakad ko palabas ng kwarto at sinara ang pinto.
"Did you miss your Art room?" tanong nito.
Umiling ako ng peke "Hindi no, trip kolang buksan kasi syempre nakita ko." lusot ko kaya naman tumango nalang ito kahit alam kong hindi sya kumbinsido sa sinabi ko.
"Kain na Tayo."
"tara na." saka ako kinabit ang kamay ko sa braso na at sabay kaming lumabas ng kwarto.
"May lakad kaba ngayon?"
"hmm. May kikitain lang ako." sagot ko saka kumain ng kanin at caldereta.
"Saman kita ."
"Hindi na, Hya. Si Saturina lang naman ang kikitain ko."
"She's here?" tumango ako kay Carnation. "How? Wala naman s'yang mission dito bakit andito sya sa Sicily?" takang tanong ni Carnation
"I dunno. Nag text sya kanina and she said na mag kita kami dito sa Sicily and I'm sure na sa Cafe moyon Carnation." sagot ko.
"Tss. Sulpot nalang ng sulpot 'yang babae na'yan palagi."
"Mabait naman ihh."
"Don't trust to much, Sunflower." paalala ni Lily kaya tumango nalang ako.
Natapos ang aming tanghalian ng payapa pero patuloy parin akong kinukulit ng lima tungkol sa pag-sama.
"Si Hya nalang ang isama mo, Sunflower." umiling ako sa suhestyon ni Freesia.
"Okie Fine. Use the small device para na track ka namin." aniya naman ni Lily.
"Ehh. Personal ang pag-uusapan namin ni Saturina ----"
"Ano naman kung personal. Kahit hindi mo sabahin sa'min kung anong personal nayan mahuhuli ka parin naman namin sa sarili mong bibig kaya gamitin mona yang device. Wala kaming tiwala sa Saturina nayan."
"Mabait---"
"Ayyy nako, kahit ga'no pa'yan kabait mas mahalaga ang safety mo."
"Makinig kana lang kay Freesia kong ayaw mong ako mag-manman sayo ng palihim." aniya ni Tulipian kaya napa-nguso nalang ako at nilabas ang maliit na device sa'king bag at nilagay koiyon sa aking tenga paea mag-mukhang hikaw nalang. Mas okie ng device ang kasama kesa kay Tulipian na sniper at Freesia na maikli ang pasensya.
Dahil nag-kasundo kaming anim kaya naka-akis ka'gad ako ng bahay at ginamit ang Mercedes ni Mommy Tulipian hehehe. Mayaman kasi talaga ang mommy nayun. Choss.
Maingat akong nag-drive patungo sa Sweet Carnation Cafe na pag-mamay-ari ni Carnation. Nang nakarating ako ay agad akong bumaba at sakto namang naabutan ko si Saturina na prenteng naka-upo sa isang mssa habang sumisimsim ng kape. Lumapit ako sa kanyang gawi at umupo sa katapat nito upuan.
"Hi." bati nya na sinagit ko naman ng ngiti. "I want to ask if kilala mo kung sining kikitain mo dito sa Sicily."
"Hindi ko alam sa totoo ---"
"Shasha and Romualdo Vasques."
Kunot ang noo ko sa sinabi nito. "My parents?"
"Exactly. Ikaw ang pinadala ni King para sa mission nato. Makikipag transact ka ng mga illegal na kagamitan sa kanila, Sunflower."
"P-paanong sila? Walang Mafia o kahit anong organization na kabilang sila Mama at Papa."
"Marami kapang hindi alam kaya mas mabuting matuto kang kumilos sa sarili mong paa para mas malaman mo kung ano talagang nangyayari sa paligid mo, Sunflower. Hindi sa lahat ng oras maniniwala kalang sa kung ano ang nakikita mo matuto kang kumilos ng sarili mo at huwag kang umasa sa mga kaibigan mo." seryosong wika nito.
"Ano ba talagang pinupunto mo?" ganong ko at hindi kona maiwasang magtaas ng boses dahil masyadong malalim ang salitaan nya oara maunawaan ko.
"It's for you to find out." saka ito lumagok ng kape at tumayo. "Don't trust to much." pahabol pa nito bago ako iwan sa lamesa.
"BAKIT ba banas na banas ka dyan sa buhay mo, Kuya Uno."
"You don't care." sagot ni Uno sa kakambal na si Dos.
"Watch your words, Uno Rivera. Kapatid moyan matuto kang rumespeto." paalala ni Numerica sa Anak.
"I'm sorry, Ma. I'm sorry, Dos." biglang hinahin ng bises ni Uno.
"Ano ba kasing kina-iinit ng ulo mo? Kalalabas molang ng ospital kanina, dahil sa pag-mamaneho mo ng lasing na-aksidente ka tapos ngayon naman mag-iinit 'yang ulo mo ng walang dahilan. Alam mong ayoko ng ganyan dito sa bahay." wika ni Numerica sa Anak.
"I'm sorry."
"Puro sorry. Ang gusto ko mag explain ka kung bakit ka na-aksidente."
"As usual ma death anniversary ng Girlfriend nya." sagot ni Sais.
"Huwag kang sumabat at baka mabato kita ng tsinelas, Sais Rivera!" tumikom naman ang bibig ni Sais dahil sa a banta ng Ina.
"Ahm... Yesterday is Rose's death anniversary together with my child and ahmm... I admit na uminom na naman po ako sa cementary kung nasa'n ang mag-ina ko katuluad ng nakasanayan. Matagal na, Ma, pero ang sakit parin kasi hindi ko matanggap na hanggang ngayon wala akong alam kung ang ang dahilan ng pagkamatay nila at kung sino ang pumatay sa kanila, noong araw na 'yon akala ko kidnap lang pero bakit sunog na bangkay na yung Fiance ko ng araw na ililigtas kona sila. Mahina ako, ma, hindi ko nagawang protekatahan ang mag-ina ko. "umiiyak na wika ni Uno na kina-tahimik naman ng lahat.
"We will help you, Anak. Aalamin natin kung sino ang sangkot sa pag-kawala ng mag-ina mo." saka niyakap ni Numerica ang Anak na patuloy parin sa pag-iyak habang si Foueth naman ay naka-yukom ang kamao na unakyat sa ikalawang palapag at pumasok sa sarili niting kwarto.
SUMAPIT ang gabi at handa na ang lahat para transaction na magaganap habang si Sunflower o Helianthus ay hawak ang susi para sa mga warehouse na kukuhanan nila ng supply. Isang tagong warehouse kung saan nakatago ang mga illegal na gamit at droga na kadalasang ginaganit sa transaction.
Suot ang mascara at device na ginawa nitong hikaw ay lakas loob na sumama s'ya sa isang lalaki na isa sa tauhan ng Demonica Mafia Group. Nang maka-rating sya sa loob kasama si Hya ay sumablubong sa kanika ang limang lalaki na maskulado ang katawan tila tauhan ito kung hind ako nag-kakamali.
"Hindi kayo ang inaasahan ko!" sigaw ng isang pamilyar na boses at tama nga si Saturina dahil si Shasha at Romualdo ang kikitain ko. All this time hindi ko alam na isa sila sa malaking grupo ng Illegal Mafia group kagaya ko.
"Hindi makakapunta si King kung 'yan ang tanong mo." seryosong sagot ko.
"Kung hindi ako nag-kakamali ikaw si Agent H. Isa nga naman talagang masayang araw 'to dahil kung hindi si King ang kakagat sa pa-in edi ang dalawa nalang sa mga tauhan n'ya!" sigaw nito saka sumara ang bodega kung nasa'n kami ni Hya.
"Tangina! Ang usapan transaction bakit ganito!"
"Oo transaction 'to pero kasama sa trasaction ko ang patayin si King dahil malaki ang kasalanan nya sa amo namin, pero dahil wala s'ya mas mabuting unahin ko nalang kayo!" sabay paputok nuto ng baril na sumakto naman sa'king balikat at dahil sa nangyari at nilabas kona ang Katana ko ko habang si Hya naman ay kinuha ang kanyang baril ang kaninang limambg lalaki ay nadagdagan ng 5 muli.
" f**k! " Sigaw ko ng muntik akong tamaasn ng bala kaya walang pagdadalawang isip na hinagis ko ang kutsilyo sa lalaki at sumakto uto sa noo nya.
"Back up!" sigaw ni Hya habang nasa likod ko at nakikipag-laban.
Tuso rin pala ang mga magulang ko at walang isang salita! Hindi ko alam na aabot sa ganito ang pamilya ko.
Paano, paanong kabilang sila sa ganitong organization. Bakit nila pinasok ang ganitong trabahong, mayaman ang mga magulang ko kaya palaisipan kung anong ginagawa nila rito.
Pareho kaming may tama sa balikat at hita ni Hya pero hindi namin yo'n parehong ininda dahil hanggang sa bumukas ang pibto ng warehouse at kita ko ang pag-alis ng aking mga magulang sa lugar nayun kaya naman sinubukan kong ihagis ang kutsilyo pero daplis lang ang naibigay ko sa aking ama.
Wala akong magulang na masahol pa sa demonyo ang ugali.
Sipa
Suntok
Paputok ng baril
Yan ang mga ginawa namin pareho ni Hya para mas mabilis na maubos ang kalaban at sakto namang pag-bukas ng pinto ay sunod sunod na pag-papa-ulan ng bala nila A o kilala bilang Tulipian.
Napa-ubo ako ng may-sumipa mula sa'king likuran dahilan para mabitawan ko ang baril ko tinutukan ako nito ng baril at akmang ipuputok nito ang baril ng sakto namang pag-tama ng blade sa ulo nito.
Tumayo ako at tumingin kay DC o kilala bilang Carnation saka ko pinaputukan ang huling lalaking nasa kanyang likuran saka ako tumumba at nawalan ng malay.
_strwbrgirl