Ang araw ng kasal
Rosa's Pov
Sa araw na ito nakatakda ang araw ng aking kasal sa isang matalik na kaibigan ng aking ama. Ngunit ito ay taliwas sa aking kagustuhan dahil hindi sya ang aking iniibig.
Sa ngayon nakikita ko ang lahat ng kasambahay na naghahanda.
"Binibini pinapatawag ka po ng inyong ama at ina. Nais ka raw po nilang makausap." napalingon ako at tumango sa kanyang sinabi.
Nagtungo ako sa silid nila ama at ina. Nung nakarating na ako ay kumatok ako at nagsalita 'ama? ina?'
"Pasok ka anak" sabi ni ina. " Ngayon ang araw ng iyong kasal. Hindi ka ba nagagalak at magkakaroon ka narin ng sarili mong pamilya? Sana ay maging maganda at matiwasay ang inyong pagsasama."
"Ngunit ina batid nyo pong ayaw ko sa kanya. Hindi ko po sya ibig pakasalan."
sabi ko. Napatingin ako kay ama na masama ang tingin sa akin. "Sa gugustuhin mo man o hindi ikaw ay magpapakasal sa lalaking iyon" Malalim ang boses at may halong galit na sabi ni ama. Napayuko ako na nagpapakita ng pagsuko sa pakikipagtalo sa kanya. Wala na rin naman akong magagawa. Kahit na ako ay tumakas mahahanap at mahahanap nya rin ako gawa ng kanyang mga koneksyon at mga tao.
Si ama ay isang respitadong tao. Kilala din sya bilang isang magiting Gobernador heneral sa aming bayan. kung makikita mo sa kanya ang pormalidad maging sa kanyang pananalita at pagtindig.
"Opo ama" iyon nalang ang aking nasambit at nagpaalam na umalis sa silid. Sa ngayon ay pinagmamasdan kong lagyan ng aroma ang aking paligo at ang iba naman ay hinahanda ang aking kasuotan. Matapos ang aking pagligo ay inihanda na aking kasuotang pangkasala at tinulungan ako isuot . Ito ay isang magarbong barot saya na napapalibutan ng mahahaling perlas. Kulay rosas saya at kulay puti naman ang baro kung kayat nakadagdag ito upang mas lalong gumanda. Nakaayos na rin ang aking buhok at nilagyan ng mga palamuti sa mukha. "Ang ganda ganda mo Binibining Rosa". Rinig kong sambit ni aling sisa.
No one's POV
Isang babae ang sakay ng isang magarang karwahe na ngayon ay itinakdang maikasal sa isang ginoo. Ngunit ang lingid sa kaalaman ng Gobernador Heneral na hindi nya anak ang nasa karwaheng iyon at isa lamang ito sa mga tagapagsilbi nila.
Sa kabilang dako tumatakbo si Rosa at hindi alam ang patutunguhan. "Kailangan kung magmadali bago pa malaman ni ama na hindi ako ang nasa karwahe" sabi ni rosa sa kanyang isip.