CHAPTER 8
Hindi mapakali at parehong nakagapos ang paa at kamay ni Tristan. Hindi matagpuan ni Chino si Mark dahil nagtatago na ito.
"Na saan siya, Tristan?!"
"Bro, hindi ko alam! All I know is, he left me at bitbit ang sasakyan! Naglakad nga akong mag-isa."
Gigil na gigil si Chino at halos maibato na niya kay Tristan ang bote
"Anong nasa isip niyo? Sir Valentin treated us like his own brother?! Kinupkop niya tayo, pinakain tayo at mas naging magulang pa siya sa mga tunay nating ama't ina! Bakit niyo ito ginawa?! Hindi mo ba alam na pwede niyang kitilin ang buhay niyong dalawa?!"
"I know, pero wala akong ginawang mali! Wala akong ginawang masama. Hindi ako nagsisinungaling! I love our job and this is my life! Hindi ko magagawang lokohin si Boss!"
"How can I assure you? Binosohan mo pa si Ms. Cassandra! Hindi lang iyon, tinuro niyo pa kung saan ang tagong bahay ni Boss. Tandaan mo ito, Tristan. Alay ko ang buhay ko kay Mr. Valentin, without him baka isa lang akong palaboy na walang makain at nagnanakaw para mabuhay!"
Padabog na isinara ni Chino ang rehas sa warehouse. He can't help it, naiiyak siya sa sobrang lungkot. Tristan and Mark are his brothers. Silang tatlo lang ang pinagkatiwalaan ni Vito na makakilala sa mukha nito sa loob ng El Asesino Mafia.
Kalaunan, ang pikit na mga mata ni Cassandra ay unti-unting bumukas. Napalilibutan siya ng puting ding-ding at pulang kumot.
Nakita niya ang kamay at natagpuan ang dextrose.
"Sino ka?!" Bulalas niya nang makita ang isang mid fifty's na babae.
"Glad that you are awake. Kumusta ang pakiramdam mo?"
Napaatras si Cassandra at hindi maiwasan na umiyak habang palayo nang palayo sa ginang.
"Huwag kang lalapit! Sino ka? Saan mo ako dinala! Sir, Vito! Vito!" Paulit-ulit na sinigaw ni Cassandra habang umiiyak.
"Cassandra, don't cry. Emplayado ako ni Sir Vito."
"Hindi! Si Sir Vito lang ang paniniwalaan ko!"
Patuloy ang panginginig ng katawan ng dalaga habang yakap ang dalawang binti. Para bang sumagi lahat sa isip niya ang trauma na inabot sa kanyang Ama.
"Call the Doctor now!" Utos nito sa isa pang empleyado.
Walang humpay sa pag hagulgol at tuluyang sinumpong ng hika si Cassandra. Hirap na hirap itong huminga habang ang kirot sa kanyang braso ay kasabay ng kanyang takot.
******
"Please, Vito. Don't kill me, maawa ka—"
Napabalikwas mula sa higaan si Vito nang marinig niya ang boses ng asawa. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata at ang kamao niyang gustong manuntok. Hindi niya napigilan na suntukin ang pader sa sobrang galit. Nang mahimasmasan si Vito, dinampot niya ang cellphone at binuksan niya ito ulit. Sa pagbubukas nito, napakaraming mensahe ang iniwan ni Chino sa kanya.
'Boss, we can't find Mark.'
'Tristan surrendered himself. Umamin siyang walang alam at si Mark lang ang gumagawa ng gulo'
'Sir, Ms. Cordova kept on calling your name and her mother. Walang magawa si Manang Tunying dahil pati siya ay nilalayuan nito.'
'Sir, are you still okay? Ms. Cordova has asthma.'
'Sir, she needs you.'
Gustong-gusto nang umuwi ni Vito pero kinakailangan nilang tapusin ang giyera. Hindi niya alam kung hanggang kailan pa siya maninirahan sa Mindanao kasama ang tropa ng mga sundalo.
Kalaunan, he tried to stop himself in order not to call Cassandra. Mula sa kama tulala lamang si Cassandra at nanlalambot pa rin. Walang kinakain at tanging tubig lamang ang gusto nito.
"Up until now, hindi pa rin masaya ang kaarawan ko. Parang walang puwang na nabuhay ako. Nakalayo nga ako sa Tatay ko o sa kahit sino, heto naman at hindi ko alam kung tamang tao ba ang tinatakbuhan ko? How can I save myself from these people around me?"
Kinabukasan, nagising na lamang si Cassandra dahil sa pagkirot ng kanyang sugat. Sa pagbiling niya, hindi siya nagkakamali na si Vito ang nakahiga sa couch malapit sa bintana. Kinurot pa ni Cassandra ang mukha ng ilang beses bago tuluyang bumangon at inalis ang dextrose sa kanang kamay.
Dahan-dahan na paglapit, hanggang sa tuluyan niyang tusukin ang pisngi ng binata.
"Oh my gosh!" Tili niya nang hablutin ni Vito ang kanyang kamay. Muling natakot si Cassandra dahil sa inasal ng binata
"I'm sorry! Akala ko kung sino, kumusta ka na? Masakit pa ba?"
Hindi nakakibo si Cassandra at hinagkan ng napakahigpit si Vito. "Salamat at nakabalik ka nang buhay. Buong akala kong mababawasan pa ang pamilyang meron ako."
"Nah, I am worried about you, little lamb. I am sorry about what happened. Bakit mo ba binuksan ang bintana? Do not open that huge window."
"I am sorry. Nakaligtaan ko, nasira pa ang mga gamit mo."
"Nope, it wasn't totally wrecked. My house is made for bullets. Kaya kapag binuksan mo ang bintana na iyon, madaling i-access ang bahay ko. And I am glad that you are okay."
"Nabasag iyong banga na may abo sa sala. Sorry, iyon ang unang tinamaan. Huwag mo sana akong alisin sa trabaho."
Napatikom ng bibig si Vito dahil abo iyon ng kanyang ama. "It's fine. Hindi naman mahalaga ang mga iyon. Umh… before I forgot," aniya at hinugot ang isang kahon sa kanyang bulsa. "Happy Birthday, little lamb."
"Hay, bakit ba little lamb ang tawag mo sa akin?"
"Maamo parang tupa," pagbibiro ni Vito at ngumiti. "Come on, open it!"
Sa pagbubukas ni Cassandra, napanganga siya nang makita ang bullet necklace.
"Ang ganda, salamat dito!"
"I am glad that you like it. Pagpasok mo as Military Nurse lagi mong tatandaan, huwag kang susugod ng walang bala," muling pagbibiro ni Vito.
Mula sa labas ng silid, dinig ni Manang Tunying ang tawa ni Vito kasama ang dalaga. Gumaan ang puso ng Ginang dahil ngayon lamang ulit niya narinig ang tawa ng binata.
"She looks like you, Marissa. Pero sana hindi na ikaw ang naaalala ni Vito sa mukha ni Cassandra. You were the nightmare from his past."
Sa nakalipas na oras, Vito sent an excuse letter in Madrigal University. Hindi niya pinayagan na pumasok ang dalaga at gusto lang niyang magpahinga ito.
"Where are we? Bakit ang tataas ng bakod?" tanong ni Cassandra habang nakasunod kay Vito
"Very special place. Dito ako nananatili pagkatapos ng giyera."
"Eh bakit hindi ka pa magpalit ng damit?"
Napatingin si Vito sa sarili dahil nakaputing t-shirt, naka camouflage pants at boots pa ito. "I am sorry, kauuwi ko lang kasi."
"Paano ang mga kasama mo?"
"Pinauwi ako para asikasuhin ang gunshots sa bahay ko. Kung lalabas kang mag-isa, please be careful. Nakikita mo naman siguro na hindi ako bastang ordinayong tao. I mean, marami akong nakakabangga. At ayokong may masaktan sa mga empleyado ko. And that's the reason why I hired a driver for you and Manang Tunying."
"Teach me how to use a gun."
"What? Sa training mo na. Kulang ka pa sa laman, hindi pa pwedeng ibenta ang kidney mo."
Ngumuso lang si Cassandra dahil inaasar na naman siya ni Vito. Kalaunan, ang pagpapahinga nilang dalawa ay nauwi sa pagtulog ni Vito.
"Just a simple guy sleeping under the tree. Sugat-sugat ang braso at halatang pagod dahil sa trabaho. Ano kaya ang pakiramdam na paglingkuran ang isang bansa? I wanna feel it too. And I promise that after I graduate, magiging isa ako sa De Luna Philippine Army. I need to learn how to protect myself, how to protect my love ones. Ilang beses akong sinalba ni Vito at ang kaibigan ko na si Colin. Babawi ako sa inyo."
Kinagabihan, naabutan na lamang ni Cassandra na mukhang aalis si Vito. Hindi siya nagkakamali na binulsa nito ang isang silencer gun.
"Sir? Where are you going?"
"I have unfinished business. Dito ka lang, nandito si Manang Tunying. You can trust her, katulad mo rin siya na naglilingkod sa akin. I'll go ahead."
"Bakit may dala kang silencer gun?"
"Of course for my protection."
"Anong oras kang babalik?"
"No exact time, Cassy."
"Hihintayin pa ba kita o matutulog na ako?"
Napailing si Vito dahil palagi na lamang ganito si Cassandra sa tuwing aalis siya ng bahay.
"You sleep, little lamb. Sandali pa lang akong nawawala sa tabi mo ang payat mo na? How can I sell your kidney if you are unhealthy?"
"Pagbalik mo turuan mo akong humawak ng baril."
Hindi na sumagot si Vito at tuluyang lumabas ng bahay. Habang sakay ng sasakyan si Vito, pinanonood niya sa kanyang cellphone kung paano parusahan si Mark. Laking pasasalamat niya at natagpuan ito ni Chino. Sa ilang minutong pagtahak sa kalsada, narating ni Vito ang warehouse.
"Boss!" Sigaw ni Tristan habang nagpupumilit itong kumawala.
"Bakit walang sugat iyan?!" Galit na tinanong ni Vito si Chino.
"Boss, listen to me. I never betrayed you! I dedicated my whole life to serve you and our group! Hindi ko pinagnasahan si Ms. Cordova! I smoked that day kasi si Mark gustong-gusto niyang silipin si Ms. Cordova using his binocular. Pagbalik ko inaya niya akong umalis, sumama po ako pero pagkatapos no'n iniwan niya ako sakay ang sasakyan. Naglakad po ako. Boss, hindi po ako nanloloko. Hindi ko po iyon kayang gawin!" Paglalahad ni Tristan habang umiiyak sa sobrang takot.
"Where's Mark?"
Hindi kumibo si Chino at sinenyasan na buksan ang hiwalay na pintuan. Sa pagbubukas nito, tumambad ang basag na mukha ni Mark at duguan nitong balat. Puno ng paso mula sa sigarilyo at ilan bugbog gamit ang bakal.
"Vito! You f*****g coward!" Sigaw ni Mark.
Nagulat si Chino at Tristan dahil sa walang galang na pagsigaw ni Mark sa Boss nila. Vito suddenly laughed while holding his Katana.
"I saw her body! I wanna f**k your woman. I wanna make her scream! I know that she's your weakness!" Tumawa si Mark ng nakakaloko kaya nawala ang ngiti sa labi ni Vito.
"Boss, ngayon ko lang po ito nalaman. Lahat ng ni-raid nating droga ay may kinukuha si Mark. He is a drug addict kung kaya't ganito kung lamunin ang kanyang pag-iisip," bulong ni Chino.
"You want Cassandra? You want a hot s*x to satisfy your d**k, Mark? I'll give you everything," tugon ni Vito.
Sinenyasan niya ang ilang galamay upang dalhin si Mark sa isang kahon.
"Boss, these are rats!" Bulalas ni Chino.
"Bakit? Does he deserve a second chance? Does he deserve a meaningful life?!" Galit na sinabi ni Vito at pinatapon si Mark sa loob ng kahon na puno ng daga.
Hindi na nakaimik si Chino at yumuko na lamang ito. Mas lalong umiyak si Tristan habang pinakikinggan ang sigaw ni Mark habang nanghihingi ng tulog.
"Pakawalan mo si Tristan," utos ni Vito kay Chino at agad naman itong sumunod. Halos mapaluhod na si Tristan sa harap ni Vito dahil sa sobrang pasasalamat
"I know you are innocent. From now on, you will be Cassy's personal guard. Nakita mo naman siguro ang kahihinatnan mo kung babaliin mo ako."
"Y–yes po! Hindi po ako tataliwas!" Saad ni Tristan at lumuhod habang humahagulgol.
Tumahimik ang paligid at halatang wala ng buhay si Mark. Upang makasiguro si Vito pinaliguan pa rin niya ng bala ang kahon upang wala ng ikabubuhay si Mark until he left the warehouse.
Sa pagbabalik ni Vito sa kanyang bahay, natagpuan na lamang niya si Cassandra na natutulog sa sala.
"Don Vito," bati ni Manang Tunying.
"Bakit nand'yan siya?"
"Hinihintay ka. Hijo… umamin ka nga."
"Ano po?"
"Nobya mo ba itong batang 'to?"
"No. Walang ganoon relasyon. It's just Boss and Maid."
"Mahal mo pa nga talaga si Marissa," tugon ni Manang Tunying at hindi pinahalata ang lungkot sa kanyang mga mata.
Hindi nakakibo si Vito at nanatiling nakatitig sa mukha ni Cassandra.
"Nalilito lang talaga ako. Naguguluhan ang puso't isip ko kung gusto lang kitang protektahan dahil kahawig mo nga talaga ang dati kong asawa. Mapagkakatiwalaan ba kita hanggang huli?"
Dahan-dahan na tumayo si Vito at binuhat si Cassandra. Inilapag niya ito sa kama at kinumutan.
"Good night, Cassandra," he left a peck of kiss on her forehead.