CHAPTER 9

1778 Words
CHAPTER 9 Few weeks later. Pagbangon ni Cassandra agad niyang tinungo ang banyo upang paliguan ang sarili. She wants to go to school dahil inip na inip na siya sa loob ng bahay ni Vito. "Where are you going?" Tanong ni Vito "School. Kailangan ko nang matapos ang oras sa internship." "No, not now." "Ha? Hindi pwede at baka malate ako sa pag-graduate. I'll go ahead." "Stay inside my house!" Napaatras si Cassandra nang marinig niya ang galit na tono ni Vito. Halatang wala ito sa tamang timpla at nakaramdam ng takot si Cassandra. "Delikado pa rin." "Bakit? Katulong mo lang naman ako rito? Tsaka hindi ako madadamay dahil wala naman akong ambag sa buhay mo. I'll go ahead, importante ang pag-aaral ko." "I said, go inside your room and rest! Ayoko ng paulit-ulit, Cassandra. Delikado at apektado ang mga empleyado ko sa nangyari!" "Uuwi ako sa bahay ni Colin. Doon na muna ko, ilang linggo na akong nakakulong sa bahay mo. Paano ako makakapagtapos ng pag-aaral?" "You stay here." "Hindi kita maintindihan? Paanong madadamay ang mga empleyado mo, eh alam naman nilang wala kaming bilang. Isa pa at hindi naman nila ako kilala." "Do you wanna go out? Sige halika at yakapin mo ang disgrasya," hinatak ni Vito ang braso niya palabas ng bahay at sapilitan na sinakay sa sasakyan. "Ano ba ang problema mo?" "You! You are so stubborn! I am protecting you pero gusto mo pa na lapitan ka nang masasama." "Matanda na ako. I have my own life at empleyado mo lang ako rito hindi asawa." Natahimik si Vito at sinimulan buksan ang makina ng sasakyan. "I hate it. Bakit ginugulo pa ni Marissa ang isip ko? Bakit sa tuwing nakikita ko si Cassandra, ang dati kong asawa ang nakikita ko?!" Galit na galit si Vito dahil sa ilang litrato na pinadala sa kanya. Hindi niya alam kung sinong tao ang nakakaalam sa pagpatay niya sa kanyang asawa. Only him and Chino. "This is impossible. Malinis akong magtrabaho." Sa pagdating nilang dalawa sa bus stop. Nagtataka si Cassandra dahil buong akala niyang ihahatid siya ni Vito hanggang Manila. Hindi kumibo ang binata at naghihintay na umalis si Cassandra. "Sir, salamat. Ingat po sa pag-uwi." "Yeah," tugon nito. Sa pagbubukas ng pintuan ni Cassandra, para bang ang bigat ng bawat pagtapak niya. Nilingon niya ang sasakyan ni Vito na diretso lang umalis. Pagsakay niya ng bus, ngayon lang pumasok ang lahat ng text mula kay Colin. Dali-daling tinawagan ni Cassandra ang kaibigan. "Colin!" "Hoy! Ano ka ba naman? Bakit nawala ka ng ilang linggo? Hindi sapat ang excuse letter mo sa akin! Kumusta ka na? May bulutong ka pa rin ba?" "Ha? Anong bulutong?" "Baliw! You said that you have chickenpox kaya ilang linggo kang nawala!" "Ah–ah oo… okay na, nawala na rin ang marka." "Dalian mong bumalik dito. Noong isang araw ka pa hinihintay ni Mama!" "Bakit?" "Nagka-amnesia ka ba? Nagbayad ka na ng rent mo for six months advance!" "Ah–oo sige, bye na." Agad binaba si Cassandra ang tawag habang nakatulala sa bintana. "He paid my house? Tinago rin niyang tinamaan ako ng baril? Tapos sinigawan ko siya kanina? Naku naman, bakit naman kasi ang init ng ulo ko?" Nagkakamot ng ulo si Cassandra at hindi alam kung mag-iiwan ng mensahe kay Vito. Until she made up her mind at tinawagan na ito ng tuluyan. Habang na sa kalagitnaan ng pag-aayos ng gamit si Vito, nakita na lang niya ang tawag mula kay Cassandra. Hindi niya ito sinagot at initsa lang papasok sa bag ang cellphone. He's running out of time kaya nagmamadali siyang umalis. "Sorry, I need to fix something, Cassandra," bulong niya at dinampot ang ilang maleta. ****** Pagbalik ni Cassandra ng paaralan napanganga na lang si Colin sa kanya. "Wala ka man lang peklat?" "Ah alam mo naman, maarte ang boss ko at pinaderma ako. Isa pa at mero'n pa ako sa likuran," dahilan niya. "Oh ito na ang susi ng apartment. Bukas magsimula ka na sa internship. Sa may Carmelite Hospital tayo nakatoka!" "Excited na akong maging intern." "Sige na at mauuna na ako, aalis daw kasi kami ni Mama." Nagmadaling umuwi si Cassandra sa nirerentahan na apartment. Sa pagbubukas niya, mas lalo siyang napanganga. Puti ang ding-ding at pula ulit ang kobre kama. Kumpleto rin ang pagkain at gamit sa loob. "Hay, mas lalo akong nakokonsensya na sigawan si Boss!" Binagsak niya ang katawan sa kama habang nakatulala sa ceiling. Walang kamalay-malay ang dalaga na may mga matang nanonood sa kanya. Vito put a surveillance camera inside her room. Gusto niyang siguraduhin na sa ilang buwan niyang pagkawala, nakikita pa rin niya ang kilos ng dalaga. Habang sakay ng private plane si Vito pabalik ng Mindanao, hinahawakan pa rin niya ang screen ng laptop habang nakatitig kay Cassandra. Magkakalahating oras na itong nakaupo sa kama at yakap ang isang unan. "Okay lang ba siya? Bakit palagi siyang umiiyak? Sobra-sobra ba ang pagmamaltrato ng Tatay niya sa kanya?" kunot noo ang binata at inisiip pa rin ang dahilan. Pikit mata at patuloy pa rin sumasagi sa isip ni Cassandra ang lahat ng nangyari sa kanya. A psychological impact mula pa noong bata pa siya. "Vito, sagutin mo naman ang tawag," wika niya habang paulit-ulit na dinadial ang numero nito. "I don't feel safe here. Pakiramdam ko at babalikan ako ng mga taong bumaril sa akin." Mula sa paglapag ng eroplano, hindi nakapagtiis si Vito at akmang sasagutin na niya ang tawag nang biglang tawagin ang pangalan niya ni General Jacob. "Mabuti at nakabalik ka, may lead na ba sa nangyaring pambabaril sa bahay mo?" "Still, wala pa rin." "Ooh, the justice system in our country is too slow!" "Wala ng bago r'yan. Kumusta ang laban?" "The President signed the Martial Law in Mindanao. Mabuti na iyon nang mapanatili natin ang katahimikan dito. Pero iyon na nga may iilan pa rin na nambabaril at sumusugod. Ayaw nilang magpaawat." "O-okay." Sa ilang oras na tulala si Vito habang kasama ang mga tropa sa Militar. Napansin ng iba ang katahimikan nito at palagi lamang itong nakayuko. Pilit niyang iniisip kung sino ang tao sa likod ng pagpapadala ng mga litrato ng kanyang asawa. "They're bugging my soul. I did the best thing at hindi ko pinagsisisihan ang bagay na iyon. Hindi ko pinagsisisihan na kitilin ang buhay ni Marissa." Lumipas ang ilang linggo, naging tahimik ang buhay ni Cassandra sa pagiging intern nurse sa Carmelite Hospital. Hindi rin niya matawagan si Vito dahil ilang linggo na rin siyang hindi nagtatrabaho sa bahay nito. "Did he fire me? Bakit walang pasabi, basta na lang hindi nagparamdam. Ni hindi ko rin alam kung saan na ang bagong bahay niya. I only have fifteen thousand cash in my pocket. Kailangan ko na talagang mag-apply. Wala na akong aasahan sa kanya. Kaya siguro binayaran niya ang six months for rent at groceries dahil inalis na niya ako bilang trabahador," bumuntong-hininga ang dalaga at tinapos ang pagkain. Sa loob ng ilang linggo na hindi nila pag-uusap, tanging si General Jacob ang na sa headline tungkol sa giyera sa Mindanao. "Kumusta na kaya siya?" bulong niya "Ayan! Nagde-day dreaming ka na naman! Diyos ginoo, Cassandra. Kung interesado si Mr. Blonde na maging empleyado ka, nagkukumahog na 'yun na tawagan ka. Tingnan mo at walang ni isang tawag at text kung kailan ka magtatrabaho… ito, may hiring sa convenience store at baka gusto mong maging kahera." Kinuha naman ni Cassandra ang papel na binigay ni Colin. "Salamat." "Cassandra, umamin ka nga? Nahulog ka na ba sa bitag ng sundalong iyan?" Napatingin si Cassandra at bahagyang ngumiti. "Hindi ko alam. Worried lang talaga ako." "Yes you are! Malamang sa malamang na nahulog ka na sa kanya, napakabait at palagi ka pang nililigtas. Iyon lang mahirap kabonding dahil palaging nakikipagbakbakan!" "Sige na at mauna na ako, tapos na ang duty ko," sagot ni Cassandra at dinampot ang lunch box pati bag. Tirik ang araw at patuloy pa rin naglalakad si Cassandra sa kalsada. Mula sa hindi kalauyan na puwesto, banayad ang galaw ng isang sasakyan na sumusunod sa dalaga. Sakay nito ay si Tristan, wala man sa tabi ni Cassandra si Vito ngunit ang mga galamay nito ang siyang nagbabantay sa seguridad ng dalaga. "Hello, Sir Vito." "How's Cassandra?" Tanong ni Vito. "Okay naman po pero namayat ulit." Bumuntong-hininga si Vito at sumandal sa sa pader. "Ano pa?" "Palagi naman po siyang na sa bahay, hindi rin lumalabas kundi kinakailangan. Napapansin ko rin po na palaging matamlay." "Buy her food and I'll send you her money." "Copy po," bago tuluyang ibaba ni Tristan ang tawag, hinabol niya sa kabilang linya si Vito. "Boss! I think she's applying as a cashier in a convenience store. Malapit lang po ito sa Hospital." "Okay, pay the management to hire her asap. Wala na akong balak na pabalikin si Cassandra sa bahay ko. Thanks," he uttered and turned off the line. Sa pagbaba ng linya, agad binuksan ni Vito ang surveillance camera sa loob ng apartment ng dalaga. Nakita naman niyang may mga pagkain pa itong nakalagay sa kitchen shelves. "Ano ang problema niya? Damn, natatakot akong lumapit sa kanya dahil baka madamay pa siya. Ayoko ng maulit ang nangyari kay Cassandra," bulong niya sa sarili habang tulala. Natapos ang araw ni Cassandra ng pagod kaya napagdesisyonan na lang niyang mahiga sa kama. Tamad na tamad kumain ang dalaga at hinagkan lang niya ang unan. "Major General Don Vito Valentin, kumusta ka na?" Sa pagsasalita ni Cassandra, dinig na dinig ito ni Vito. Tutok pa rin ang binata sa kanyang monitor at pinakikinggan ang boses ni Cassandra. "Galit ka ba? Bakit hindi mo ako tinatawagan? Sinanay mo lang ba ako na laging nand'yan pagkatapos iiwan din sa ere? Kailan ka ba babalik?" bulong ni Cassandra habang nagpupunas ng luha. "I may have food to eat, I already have the money to buy what I want. But I am still incomplete. I feel empty. Please go home, I really miss you." Inalis ni Vito ang suot niyang earplugs at pinatay ang cellphone. Hindi niya mapigilan ang labis na pagtibok ng puso dahil sa mga narinig niya. It has been months since they met pero napakabilis lahat ng pangyayari. Napakabilis at alam niyang nahulog na ang dalaga sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ko paninindigan ang lahat. Kasalanan ko kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa akin. I am so sorry, Cassandra. Hindi ko gustong paasahin ka. Ayaw lang talaga kitang madamay. Takot ako sa lahat ng posibilidad na pati ikaw ay mawala sa akin. Gusto kitang yakapin, I know you need me. But I need to save you from danger."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD