Chapter 3

1673 Words
CHAPTER 3 "I received some calls from the General, Sir Vito," wika ni Chino. "Tungkol saan?" "Pwede raw po ba na putulin ang vacation leave mo? Mukhang kinakailangan na po nila kayo sa kampo." "They need themselves. Hangga't walang umaamin sa mga taliwas nilang tinatrabaho, hindi aayos ang bansang ito," tugon ni Vito at dinampot ang isang baso ng alak. "How about Cassandra? Nagtatrabaho na ba siya?" biglang tanong ni Vito. "Yes sir, sa katunayan tumawag ang boss niya sa akin at nagsimula siya sa Job Clean sa La Tierra Unit No. 404," biglang tumayo si Vito at dinampot ang kanyang sumbrero. "Drive me there. I want to see her." Agad sumunod si Chino sa kanyang amo. Nang marating nila ang nasabing condo unit. Walang patumpik-tumpik na tinungo ni Vito ang kwarto upang makita si Cassandra. Sa pagbubukas ng elevator, hindi niya halos akalain na makakarinig siya ng sigaw. Agad silang lumabas ni Chino at dalawa pang gwardya. Kitang-kita ni Vito si Cassandra na tumatakbo, sira ang damit at duguan ang kamay. Ilang sandali ay nakita ni Vito na mukhang babagsak na si Cassandra sa sahig. Maagap ang binata at hinayaan niyang bumangga sa kanyang dibdib ang dalaga "T–tulungan mo ako," pakikiusap niya habang pilit na tinitingnan ang lalaking sumalo sa kanya. Malabo ang paningin at tuluyan ng bumagsak si Cassandra. Hinubad ni Vito ang suot na coat at binuhat ang dalaga. He also covered her bleeding wound. Mabilis na sumakay ng elevator si Vito kasama si Chino. "Tristan, Mark. You know what to do," giit niya. Dinig ng mga gwardya niya ang galit sa tono ng pananalita nito kaya napaatras si Chino at kinabahan sa nangyari. Ilang sandali at mabilis nilang narating ang sasakyan. Hindi binitiwan ng binata si Cassandra hanggang sa marating nila ang resthouse sa Rizal. Sinalubong ng dalawang katulong si Vito at Chino. Diretso sa isang silid pagkatapos ay agad niyang ginamot ang sugat sa kamay ni Cassandra. Hindi tinititigan ni Vito si Cassandra dahil kulang na lamang ay mahubad na ang damit nito. Ilang minuto lang ang tinagal at natapos niyang gamotin ang sugat nito. "Change her clothes. Then leave us alone here," utos ni Vito at agad sumunod ang kanyang mga galamay. Nagmadali siyang pumasok sa sariling kwarto at pinalitan ang kanyang damit. Tinago rin niya ang baril mula sa kanyang bulsa at iba pang bagay na katatakutan ng dalaga. Sa kanyang paglabas, tahimik lang ang paligid at pilit na ngumiti ang binata. "You should act formal. Baka matakot siya sa mukha kong seryoso," saad ng binata at dumiretso sa kwarto kung saan tumuloy si Cassandra. Sa kanyang paglapit, nasaksihan niya ang payapa nitong pagtulog. Umawang ang matatamis na ngiti sa kanyang labi habang ang babaeng nagbigay atensyon sa kanya ay nasa loob na ng kanyang bahay. "Good night, Cassy," banggit niya at lumapit sa dalaga. He wants to leave a kiss on her forehead pero pinigilan niya ang sarili. Umiling ang binata at iniwan ang babaeng natutulog. Sila lamang dalawa ang naiwan sa loob ng bahay. Habang ang mga galamay ni Vito ay nasa kabilang compound ng kanyang ari-arian. Kinabukasan, ang pikit na mga mata ni Cassandra ay unti-unting bumukas. Hanggang sa, "Oh my gosh! Na saan ako?!" Bulalas niya at nakita ang paligid. Puti ang kulay ng ding-ding habang pulang kumot ang bumabalot sa kanyang katawan. Pinagmasdan din niya ang sarili na kumpleto naman ang damit at ang kamay na may benda. "Who saved me?" bulong niya at tanging naalala ang nangyari kagabi. Agad tumayo si Cassandra at lumabas ng kwarto. Halos mapanganga ang dalaga nang mapansin ang malaking bandila ng Pilipinas sa gilid. "Sino kaya ang nagligtas sa akin? Ang ganda naman ng bahay nito!" Mas lalong namangha si Cassandra nang makita niya ang malaking refrigerator. Tumingin muna siya sa paligid at binuksan ito. Dahil kumakalam ang kanyang sikmura, dali-dali niyang kinuha ang ilang pagkain. Gutom na gutom at nakuha niyang umupo habang puno ang bibig. Kahit malamig pa ang manok na kinakain niya. "Ang sarap! Sino na naman kayang mabuting loob ang may-ari nito? Pero paano ang lalaking nagbalak na gahasain ako? Paano kung balikan niya ak—" hindi natuloy sa pagsasalita si Cassandra nang marinig niya ang pagkabig ng pintuan. Agad siyang tumayo upang magtago sa ilalim ng lamesa. Sa sobrang kaba ni Cassandra, bitbit niya rin ang pagkain hanggang sa pagtatago niya. Pasimpleng ngumiti ang binata at nagpanggap na wala siyang alam kung saan niya matatagpuan si Cassandra. Mas lalong umawang ang ngiti sa kanyang labi nang makita niya ang laylayan ng damit nito. Ang dalaga naman na nasa ilalim ng lamesa ay kitang-kita ang dalawang paa. Hindi siya nagkakamali na lalaki ang na sa harapan niya. "He raped me? Hindi naman siguro dahil matino pa ang katawan ko. Wala naman akong nararamdaman na masakit banda ro'n." Hindi na napigilan ni Vito na umupo at nakita niya kung paano magulat si Cassandra. "Huwag po! Patawarin mo ako! Hindi ko naman gustong kainin ang manok mo!" Pikit mata na sinabi ni Cassandra habang nakasalampak sa sahig. "No, ssh. I will not hurt you, halika rito at huwag magtago sa lamesa. You can enjoy your meal." Dahil sa baritono at mahinahon na boses ni Vito, pikit mata na kinapa ni Cassandra ang paligid pagkatapos ay tumayo. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata at nakita ang binata na kanyang tinaasan ng paningin. "I'm Don Vito Valentin, but you can call me Vito," inilahad niya ang kamay at para bang lumulutang ang dalaga na inabot niya rin ang kamay na may hawak na fried chicken. Kunot ang noo ni Vito habang nakatingin sa manok. "Ay! Sorry! Sorry talaga, sir! Maraming salamat po sa tulong. Papalitan ko na lang po ang manok na nakain ko." "No, no. It's okay. What's your name by the way?" "Cassandra po. Cassandra Cordova," ngumiti ang dalaga at biglang nag-iwas tingin si Vito. "Nice to meet you," walang lutay niyang tugon at dumako sa tabi upang magtimpla ng kape. "Sir, paano po pala ako napunta rito? Napano po ang lalaking nagtangka sa akin? Nakulong po ba? Paano po pala ang trabaho ko? Baka po kasi may alam kayong isagot sa akin habang wala akong malay. Tsaka, ikaw po ba ang nagpalit sa damit—" biglang natigil si Cassandra dahil sumagi sa isip niyang, sobra na ang pagtatanong "Nahimatay ka, I saved you kasi bumunggo ka sa akin. Nakulong na ang nagtangka sa iyo. You still have a job. I am sorry, I answered your phone call from your boss. Lastly, I paid someone to undress you while you were unconscious last night." "A—ah e, salamat po. Malaking tulong po ang ginawa mo sa akin. Hindi ko alam kung paano po ako makakabawi." "No need. Halika kumain ka na muna." Napaupo na lamang pabalik si Cassandra at pinalitan ni Vito ang pagkain niya ng bago. Walang imik habang pasulyap-sulyap ang dalaga sa binata na nagluluto ng pagkain. "Don Vito Valentin? Who is this man? Halata naman hindi pure Filipino. Obviously, he has an ocean blue eyes. Hindi rin maputi kaya I guess he is half Filipino. Ang tangkad na lalaki, parang isang sampal lang yata ay titilapon na ako sa Visayas," bulong ni Cassandra sa sarili. "Mukha kang menor de edad, bakit nagtatrabaho ka? Do you have parents or takas ka lang?" Tanong ng binata at umupo sa kabisera. "Nineteen. I need an extra job to live. I don't have a family to lean on. Well, how about you, sir? Ang laki ng Philippine Flag sa sala mo?" "I am part of the De Luna Philippine Army." "Really?! Gusto kong maging Military Nurse!" Hindi napigilan ni Cassandra ang sarili kaya ang ilang butil ng kanin ay tumalsik sa pwesto ni Vito. "Sorry!" "No, it was fine. Kumain ka na." "Ay opo… eh ilang taon ka na, sir?" "Twenty nine." Tumango naman si Cassandra at muling kumain. "Ah, wait. Kung aalis ka pala, sir. Pwede po ba akong makisabay? Eh, mukhang hindi ko po alam ang lugar na ito." "Yes sure," tugon ng binata at na unang natapos sa pagkain. "Enjoy your meal. You can still rest here. Mamayang hapon pa ako aalis. O kung gusto mo ituro ko na lang sa iyo ang daan pabalik?" "Ah hindi na po, makikisabay na lang ako. Sayang ang pamasahe," nahihiyang sinabi ni Cassandra. Muli siyang naiwan sa kusina at pinagmasdan ang likuran ng binata na unti-unting naglaho. "Kaya pala ang brusko," bulong niya at binilisan na matapos sa pagkain. Nang makuha niyang malinis ang paligid, tinungo ni Cassandra ang labas at namangha sa ganda ng paligid. "Ang yaman naman yata nitong si Vito? Kaso ang tahimik? Ang boring naman ng buhay nito." Mula sa loob ng kwarto, tahimik lang si Vito habang nakatutok sa monitor ng CCTV. Bawat kilos ng dalaga ay kanyang pinagmamasdan. "You are innocent. Pawang hindi makabasag ng pinggan ang itsura. You talk nicely kahit ilang beses mo na akong tinalsikan ng pagkain mula sa bibig mo," wika ng binata at ngumiti habang hawak ang kanyang labi. Sa patuloy na pagmamasid ni Vito. Nasiyahan siyang makita si Cassandra na tuwang-tuwa sa damit na binili niya. Pinanonood pa rin niya ito sa CCTV. Ilang sandali at halos mabuga niya ang tubig na iniinom nang maghubad si Cassandra. He turned off the screen at tumayo. Para bang hihikain ang binata at kinabahan sa sarili. "Goddamnit, Cassy! Nope and not now." Mula kabilang kwarto, tinitingnan pa rin ni Cassandra ang sarili sa salamin. She's wearing a red dress at muli na naman niyang pinunggol ang mahabang buhok. Nanatili lamang si Cassandra sa loob ng silid habang hinihintay si Vito kung anong eksaktong oras sila aalis. Nahiga ang dalaga habang nakatingin sa bintana. Pumatak ang kanyang luha dahil sa sobrang sakit ng dibdib. "Palagi na lang ba akong masasaktan? Paano kung hindi ako nakatakas kagabi? Saan na lang ako pupulutin?" humikbi ang dalaga at mahigpit na hinagkan ang sarili. Sumaktong binuksan muli ni Vito ang monitor at nakita ang pag-iyak ni Cassandra. "I will protect you. Hindi ka na masasaktan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD