Chapter 4

1772 Words
CHAPTER 4 Dumating ang tanghali at pumasok si Vito sa loob ng kwarto kung saan si Cassandra, mahimbing ang tulog nito at hindi na niya binalak na gisingin pa. At the back of his mind., ayaw talaga niyang paalisin si Cassandra. Mas gusto niyang nandito ang dalaga sa bahay niya at kasama ito. From the very first moment he saw this young lady, noong nabunggo ito ni Chino. Hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito. It reminds him of his late wife Mrs. Marissa Valentin. As he slowly closed the door, narinig niya ang biglang pag-iyak. Binuksan niya muli ang pinto at nilapitan ang dalaga "Wake up," wika niya at hinawakan ang mukha nito "No! Lumayo ka!" Bulalas ng dalaga at tinakpan ng kumot ang buong katawan. "You are having a nightmare, Cassy." Tila tumahimik ang dalaga at napatingin sa binata. Pilit sumasagi sa isip niya ang karanasan sa loob ng La Tierra Unit No. 404. "Please, take me home, sir. I wanna go home." "You are safe here." "Hindi, gusto ko nang umuwi. Please." Hindi nakakibo si Vito nang hinawakan ng dalaga ang kamay niya. Her warm hand that made him weak. "You can stay here, walang mananakit sa'yo." "Paano ako makaka-siguro? You are a stranger. We just met last night." "Do you think I will ruin my job position just because of you?" Tumawa ang binata at tumayo habang nakatitig sa kanya. "I am a servant of this country and I will not let my name get dirty because of you or any reason for doing illegal things." "I wanna go home," muli niyang banggit at napairap na lang ang binata sa kawalan "Okay, let's go." "Stubborn young lady," bulong ni Vito. Walang imik at parehong sumakay ng sasakyan si Vito at Cassandra. Nakahiga lamang ang ulo ni Cassandra sa may bintana habang nag-iisip ng dapat gawin. Habang si Vito na pasulyap-sulyap sa kanya. Gustong-gusto niyang abutan ng pera ang dalaga para may panggastos ito. Kung tutuusin, Cassandra is very lucky to have Vito. Tunay na matulungin ang binata sa mga nakikilala nitong mga inaapi. But his treatment for her is very different. Nagdaan ang ilang minuto, narating nila ang apartment kung saan siya pinatutuloy ni Colin. "Mr. Vito, maraming salamat sa tulong mo sa akin. Hindi ko po alam kung paano makakabawi sa iyo." "Gusto mo bang makabawi?" "Ha, ano po?" "Wala, sige na," masungit na sinagot ng binata at hinablot ang pintuan ng sasakyan para maisara. Nagulat na lang si Cassandra habang nakatayo sa labas ng apartment. "Nagalit ba siya?" Kinamot niya ang ulo at umakyat sa hagdanan upang marating ang apartment. "Oh my goodness!" Napatakip ng bibig si Cassandra at nakita ang gamit niyang nasa labas. Pilit niyang binibuksan ang doorknob hanggang sa napansin niyang bago itong palit. Mainam at dinukot niya ang cellphone. "Hala naman! Bakit low battery? Baka pinalayas nga ako ng Mama ni Colin!" Kalaunan, inis na inis si Cassandra habang nakaupo sa convenience store. "Napakabagal naman mag-charge nito! Kuya, wala na bang ibibilis ang charging station niyo?!" Reklamo ng dalaga at padabog itong umupo habang naghihintay. "You are stubborn, young lady." Biglang napatingala si Cassandra at hindi maiwasan na mapanganga. Hindi siya nagkakamali na si Don Vito ang nasa harapan niya habang umiinom ng chocolate drink. Sinundan niya ng paningin ang binata hanggang sa makaupo ito sa haparan niya. "We have a house for someone like you. You can stay there for free." "Bakit nandito ka ulit?" Itinaas ng binata ang chocolate drink at ngumisi. "Okay, ayaw mo ng tinutulungan. I'll go now," seryosong sambit nito. "No! Wait! I will grab your offer! Saan iyon? Pero anong kapalit?" "Charity nga." "Hindi, kapalit sa'yo. Sa mundo ngayon wala ng libre. Kaya alam kong may kapalit kang hinihintay," tugon ng dalaga. Bumuntong-hininga si Vito at umiling. "Wala naman. Halika, hahatid na kita." "Vito. No, I mean Sir– hindi ako mapapakali kung hindi ako makakabawi sayo." "Just finish your study." "I will work with you after I graduate!" She insisted. Hindi kumibo si Vito at hinatak ang bag niya para bitbitin. "Ako na lang, nakakahiya na." "Wala ka naman no'n," diretsong sinabi ni Vito at napatigil si Cassandra. "Aba? May hiya naman ako. Kung nakakapalan ka sa akin, akin na ang bag ko!" Bulalas ni Cassandra at pilit inagaw kay Vito. Hindi nagwagi ang dalaga dahil aksidente siyang napayakap sa katawan ni Vito. "Hindi mo alam ang biro, Cassandra. Halika ka na." Hindi nakaimik ang dalaga dahil sa sobrang kahihiyan. Nanatiling tikom ang kanyang mga labi habang diretso ang tingin sa kalsada. "Wait, hindi ba ito pabalik sa bahay mo?" "I changed my mind. Dahil sabi mo nga walang libre sa mundo. You will work for me." Napaatras si Cassandra at hinagkan ang sarili. Bigla naman napatingin ang binata sa kanya at umiling. "You look like a schoolgirl. Hindi kita mamanyakin, Cassandra." Vito stopped the car and left her. Na una itong naglakad papasok ng bahay at para namang aso si Cassandra na tumakbo upang makasunod sa malalaking hakbang ng binata "Sabi mo may charity? Isa pa study ko lang ang kapalit?" "How will you live? May baon ka ba? May pagkakakitaan ka ba ng pera?" "Eh, I am employed at the Job Cleaning Agency." "Do you want to get raped again? I mean pagtangkaan ng iba't ibang lalaki? I am giving you a job. At hindi demanding sa oras." Sa pagbubukas ng pintuan, muli pa rin sumunod si Cassandra hanggang sa kwarto ni Vito "Wow, ang ganda naman ng kwarto mo." Hindi siya pinansin ng binata at basta na lang kinuha ang ilang card pati susi. "Use these." "Ha? This is your debit card! Baka mapagkamalan pa akong magnanakaw!" Bulalas ni Cassandra kaya napangiwi ang binata sa sobrang ingay ng boses niya. "Fine, here's your first paycheck. Ikaw na lang muna sa bahay ko rito. Tutal you like job cleaning, edi ito ang linisin mo hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral," wika ni Vito at tinalikuran siyang muli "Vito." "Yes?" "Why are you so kind to me? I am just a stranger you met seventy-two hours ago. Bakit pati itong mga bagay na importante sa iyo ay pinapahawak mo na sa akin? Kailangan ko bang matakot dahil baka hindi lang ito ang kapalit ng ginagawa mo?" "Accept it. Hindi ako palaging mabait. Besides, I just remember someone I knew before. Matulog ka na, gabi na kaya hindi ka tumatangkad." Napanganga na lang si Cassandra at sinaraduhan siya ng pintuan sa banyo ng lalaki. "Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Hindi naman niya siguro ibebenta ang kidney ko kapag tumaba ako?" Nagkakamot ng ulo ang dalaga at lumabas na lang ng kwarto. Pagdating niya sa dating kwarto na tinulugan, napanganga na lang siya sa mga damit. "Kaninang nandito ako, wala ito ha?" Kunot noo ang dalaga at dinampot na lang niya ang silk nightgown. A few moments later, lumabas ng kwarto si Cassandra at naabutan si Vito na nakaupo sa sala. Payapang nagbabasa at naninigarilyo ang binata "Why are you alone?" Biglang tanong ni Cassandra. "Do I have a choice? Do I need to rent a parent?" "Ang pilosopo mo naman Don Vito!" "Then, rephrase your sentence." "Bakit ka nag-iisa sa buhay, wala ka bang jowa?" Sa kaloob-looban ni Vito, gusto niyang matawa dahil napaka diretso ng pananalita ng dalaga at hindi man lang nahiya sa tanong niya. "Mahirap magkaroon ng 'jowa' kung madalas akong nakikipagbakbakan sa giyera. It's either makakabalik pa ako o hindi na. And I don't have time for that." Ngumuso lang si Cassandra at nakisandal din kung paano umupo si Vito. "Thank you pala ulit. Hindi ko alam at napakabuti mo sa akin. At hindi ko rin alam kung pagkatapos nito ay ibebenta mo na ang kidney ko. Ngayon lang may tumulong sa akin ng sobra-sobra. Akala ko habambuhay na akong maninirahan kasama ang Tatay kong demonyo." "You are funny. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa'yo." "Teka, ano ba dapat ang itawag ko sa'yo? Sir, Boss, Kuya, Tito o Daddy?" "Daddy? Bakit kasama iyon?" "Biro lang! Ikaw naman, masyado ka kasing seryoso!" "Just, Vito." "Eh, sir na lang!" "Then, why did you ask me if you will be the one to decide?" Tumawa si Cassandra at dinampot din ang libro na katabi ni Vito. "Basta huwag mo akong patabain tapos ibebenta ang kidney, ha? Promise, pagkatapos kong mag-aral, ako naman ang babawi." Nakalipas ang ilang oras, habang tahimik sa pagkakaupo ang dalawa. Tulog at naghihilik na si Cassandra sa kanyang kinauupuan. Tumayo na lamang si Vito at binuhat ang dalaga. He still can't believe it. Sa loob ng anim na taon, ngayon lamang ulit siya nagka-interes sa isang babae. "Cassy, I don't know if I will be more serious about you. I am quite scared to try again. And I am scared of betrayals. I am ten years older than you. Tito na nga ang tingin mo sa akin," bulong ni Vito at iniwan na lamang ang dalaga. Kinabukasan, nagtaka si Cassandra dahil may gwardya na naghihintay sa kanya sa labas ng bahay. Bitbit niya ang bag at nakisakay kasama ang kalalakihan. Bahagyang kinabahan ang dalaga. "Ibebenta na ba niya ako? Sino ba talaga si Don Vito at napaka yaman niya. Sobra niya bang kuripot para mag-ipon ng ganitong mga ari-arian?" Kalaunan pagdating sa paaralan, pagbukas ng sasakyan ay tumakbo si Cassandra. Parang hinahabol ng aso at nagtago na siya sa loob ng silid aralan. "Cassandra! Oh my gosh! Where have you been? I am sorry, pinalayas ka ni Mama. Wala akong nagawa! 'Di ko rin alam kung sino ang nagsabi sa kanya!" "Okay lang ako, hindi mo kailangan na mag-alala. Besides, may tumulong na sa akin!" "Talaga? Sino?" "Sundalo at napaka yaman." "Baka naman may kapalit iyan! Baka rape-in ka niyan?!" "Hindi. Sa katunayan, iniligtas niya ako dahil sa unit na pinagtatrabahuhan ko sa Job Cleaning." "Huwag ka nang babalik! Marami pang ibang trabaho!" "Iyon na nga, sa kanya na rin ako nagtatrabaho." "What? Baka naman type ka niyan? Ang sundalo parang mga pulis iyan! Matutulis!" "Hindi naman, mukha ngang boring ang buhay no'n." "Saan ka tumutuloy?" "Sa bahay niya. Doon ako nagtatrabaho." Biglang nagtakip ng mukha si Colin at hinatak ang kamay ni Cassandra. "Baka gusto ka niyang asawahin! Hindi mo ba alam na nakakatakot ang mga sundalo dahil sa warshock?! Baka bigla kang barilin niyan!" "Colin, kababasa mo ng kung ano-ano, pati ako dinadamay mo! Halika na mahuhuli na tayo sa first subject." "Eh kasi baka gawin kang inahin manok niyan!" Tumawa na lang si Cassandra at sumunod sa kanyang kaibigan. "Imposible, mayaman ang lalaking iyon. Siguradong mataas ang standards sa kababaihan," bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD