04
Hindi alam ni Layla kung tama ba ang ginawa niyang hayaan ang dating kasintahan na halikan siya. Wala namang namamagitan sa kanila kaya sigurado siyang hindi sila nagtataksil. But the guilt is still there. . .
Layla sighed for the umpteenth time as she rose up from her seat. Kinuha niya ang shoulder bag sa lamesa at lumabas ng opisina.
"Mauuna na akong umuwi kasi daraan pa ako sa grocery store. Ikaw na lamang ang bahalang magsara," bilin niya sa sekretarya na sinagot naman siya ng mabilis na pagtango.
Matapos magpaalam sa sekretarya ay lumabas na siya ng shop at sumakay sa kotse. Muli siyang bumuntong hininga nang pumasok sa isipan ang lalaki na tila nagkakampo yata sa kaniyang utak.
"Damn it," she whispered on herself as she drove her car to the nearest grocery store.
On the other side, someone was watching Layla after she left the shop. Bababa na sana ang lalaki sa sasakyan para puntahan si Layla pero naisip nitong sundan na lamang ang dalaga.
A mischievous smile crept his lips while following Layla's car. Hindi nagtagal ay tumigil ang kotse ni Layla sa parking lot ng isang grocery shop kaya't nagkibit-balikat ang lalaki.
Pinagmasdan niya ang pagbaba ni Layla sa kotse at ang pagpasok sa loob ng establisiyemento. Hindi na naman nag-atubili ang lalaki at agad na sumunod kay Layla.
He roamed his eyes around the shop and immediately flashed a small smile upon seeing Layla, pushing a push cart. Dali-dali siyang tumakbo sa gawi nito at kinuha ang push cart mula sa dalaga.
"What the— Declan?" gulat na turan ni Layla kaya't hindi maiwasang mapangiti ni Declan.
"Hi?" he asked casually while holding the push cart.
Layla let out a harsh breath. "Push cart ko 'yan," she said in a matter of fact tone.
Declan shrugged. "I know."
"Akin na 'yan," saad ng dalaga at akmang aagawin ang push cart kay Declan pero mabilis nito iyong naiiwas.
"Not so fast, sweetheart." He smirked at her as he pushed the push cart. "Anong bibilhin mo?"
Walang nagawa si Layla kung hindi bumuntong hininga. She's aware that Declan is persistent. Kahit na anong pilit niya rito, ipipilit pa rin nito ang gusto. Mapapagod lamang siya kakapilit.
Sa halip na sumagot ay naglakad lamang siya papunta sa gawi ng mga cup noodles samantalang nakasunod naman sa kaniya si Declan. Layla picked up a bunch of cup noodles and put it inside the push cart.
"Isn't it too much?" Declan asked while looking at the pile of cup noodles. "It's unhealthy."
"Hindi ako marunong magluto," kaswal na sagot ng dalaga at dumiretso na sa paglalakad.
The smile fell on Declan's face. Right. His ex doesn't know how to cook because he's always cooking for her. He drew in a long breath as he followed her.
Matapos pumunta sa mga cup noodles ay dumiretso naman si Layla sa mga can goods. Katulad kanina ay pumili siya ng tig-iisa mula roon at inilagay sa cart. She can feel Declan's intent stare but she didn't mind.
Tahimik lamang naman si Declan habang pinapanood si Layla na mamili ng bibilhin niya. "Unhealthy," he whispered while looking at the cart full of unhealthy foods.
Nang halos mapuno na ang cart, ineexpect ni Declan na titigil na ang dalaga. Pero sa halip na tumigil, duniretso ito sa aisle ng mga gatas at tila ba sanay na sanay ng dumampot ng nasa kahon na gatas at inilagay sa cart.
His brows arched an inch while looking at the milk. "Para kanina 'to?" tanong niya.
Layla stopped walking and shrugged her shoulders, still not looking at him. "Akin?" she lied.
Hindi na naman nagsalita pa si Declan kahit na alam niyang hindi pang-matanda ang gatas na iyon. He'll check it later.
"Wala na?" Declan asked.
Layla slowly nod her head as she walk towards the cashier. Kakaunti ang tao na namimili kaya't hindi na nila kailangan pang pumila.
"Tingnan mo nga itong mga binili mo. Puro hindi healthy. Anong makukuha mong sustansiya sa mga 'to? I'm sure there is a lot of preservatives in here," patuloy na reklamo ni Declan habang inilalabas sa push cart mga mga pinamili niya.
She can't help but to roll her eyes on him. "Wala nga kasi akong choice," saad niya at nag-iwas ng tingin sa binata.
"Kahit na. Look at yourself, Layla. Ang payat-payat mo na. Sigurado akong dahil 'yan sa mga kinakain mo. Puro walang sustansiya. . ." he hissed as she slowly shook his head.
"Hindi naman ako nagkakasakit—"
"You went to the hospital, remember?" He cut her words off.
Napatigil naman si Layla dahil sa sinabi ng binata. Hindi naman siya makaangal na hindi siya nagpunta sa hospital pero mas magagalit si Declan kapag nalaman niyang nagsinungaling siya.
She sighed and lowered her gaze. Samantalang si Declan naman ang nag-aayos ng mga pinamili niya sa cashier. Reklamo pa nang reklamo ang binata dahil sa mga can goods niya pero hindi na niya iyon pinansin.
She's too tired to argue.
Nanatili namang nakamasid si Declan sa dating kasintahan. Hindi niya maiwasang ikunot ang noo habang nakatitig sa dalaga. She looks bothered.
Ilang saglit pa ay nag-angat ng tingin ang dalaga at nanlaki ang mga mata. Declan's forehead creased. "Is there any problem?" he asked.
Sa halip na sumagot sa kaniya ay tumakbo palayo si Layla na tila ba may naghahabol sa kaniya.
"Hey! Layla!" Akmang susundan na ni Declan ang dating kasintahan nang pigilan siya ng cashier.
"Sir, bayad po."
Malakas siyang bumuntong hininga at iniabot sa cashier ang dalang credit card. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na tumakbo si Layla dahil wala siyang pambayad.
Nang makalabas si Declan sa grocery shop ay wala na ang kotse ni Layla sa parking lot. He sighed as he looked at the box beside him full of Layla's things.
Sa halip na umuwi at bukas na lamang ibigay kay Layla ang mga pinamili niya, he called her secretary. Sinabi niyang emergency at kailangan niyang malaman ang address ni Layla na agad naman nitong ibinigay.
Declan smirked triumphantly as he shove his phone inside his pockets. Inilagay niya sa trunk ng sasakyan ang mga pinamili at agad na nag-drive papunta sa bahay ni Layla.
MALAKAS na bumuntong hininga si Layla nang makarating sa apartment. Bakit ba kasi sa lahat ng pagkakataon ay saka niya pa nakita si Ezekiel? At anong ginagawa ng lalaking iyon sa grocery store?
Walang gana siyang humiga sa sofa at hinilot ang sintido. Siya lamang mag-isa sa bahay dahil kasama ni Darius si Dylan at bukas pa uuwi.
"Patay ako kay Declan," she mumbled upon remembering him. It's either binayaran ng lalaki ang mga pinamili niya o iniwan iyon doon.
Hindi pa man nag-iinit ang likod niya sa sofa nang marinig ang pagtunog ng doorbell ng kaniyang apartment. Dali-dali naman siyang bumangon para tingnan kung sino iyon.
It must be the delivery man. Um-order nga pala siya ng gamit sa online shop noong isang araw.
"Cash on delivery po b—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makita kung sino ang nasa tapat ng kaniyang pinto. He smiled before going inside her apartment.
"What are you doing here?" gulat na tanong niya sa binata.
Declan smiled as he sat on the sofa. "Hi?"
-----