03
Declan's irritating personality immediately came back when his ex girlfriend suddenly showed up when everything was going as smoothly as he planned.
Wala naman kasi siyang ibang plano sa buhay kung hindi makuha ang kumpanya ng ama matapos niyang ikasal para ipamukha sa ex girlfriend niya na nagkamali ito sa desisyong iwanan siya.
But she showed up! Bigla na lamang itong nagpakita kung kailan ikakasal na siya. "Why now?" he whispered in the air as he strolled towards Layla's office.
May dapat siyang ka-meeting na investor ngayon pero narito siya sa opisina ng dating kasintahan para tingnan ang idiniseniyo nitong wedding gown para sa kaniyang fiancé. What a life.
"Si Miss Acosta?" Declan asked Layla's secretary.
"Nasa loob po ng opisina niya, Sir. Kadarating niya lang po kani-kanina lamang," sagot nito. He gave her a half shrug as he walks towards the office.
Kumatok siya ng tatlong beses pero walang sumagot kaya't napagdesisyunan na niyang pumasok sa loob. He let out a harsh breath upon entering the office.
"Alam mo bang kanina pa ako katok nang katok? Isn't it unprofessional—" Bahagya siyang natigilan nang makitang hindi sasagot sa kaniya ang dalaga dahil tulog ito.
May hawak na lapis ang dalaga at nakapikit ang mata habang nakahilig sa lamesa. Napailing na lamang si Declan at umupo sa couch sa tabi ni Layla para mas mapagmasdan pa ang tulog na dalaga.
Gusto niya itong gisingin dahil may meeting pa siyang dapat na puntahan pero hindi niya ginawa. Layla was fast asleep and in deep slumber. Mukhang napuyat ito kagabi sa pagdidisenyo ng gown.
He stared intently at Layla's face. Hindi na ito katulad nang dati. Gone was the playful yet timid Layla that he knew. Her eyes. . . it became cold and dull.
"What happened to you over the past four years?" Wala sa sariling tanong niya habang nakatingin sa natutulog na dalaga.
NAGISING si Layla nang maramdaman na may nakatingin at nagmamasid sa kaniya. She slowly opened her eyes and almost shouted upon seeing a pair of butterscotch eyes intently staring at her.
Mabilis siyang umayos ng upo at inayos ang kaniyang buhok na paniguradong nagulo na dahil sa pagtulog niya.
"Hi." Her voice croaked then she cleared her throat. "P-Pasensya na, nakatulog ako."
"Alam mo ba kung gaano na akong katagal na naghihintay para magising ka?" Seryosong tanong nito sa kaniya.
Layla gulped. "I'm sorry, I was just tired. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Kukunin mo na ba ang design? I already finished them all. Pakisabi na lamang kay Faith na sabihin sa akin kung may nagustuhan siya—"
"Are you all right?"
She was taken aback when Declan cut her words off. Ilang beses siyang napakurap at takang tumingin sa binata. "H-Huh?"
"I'm asking if you're all right. You said that you were sick, right?"
"Uh. . . Y-Yes. Hindi naman malala ang sakit ko. So, about sa gown, kailan ako magsisimulang magtahi—"
"How are you?" pagputol na naman ng binata sa dapat na sasabihin niya.
Layla panicked when Declan rose up from his seat and walked towards her direction. Dahil nakaupo siya sa kaniyang upuan ay hindi siya makaatras dito nang makalapit na sa kaniya ang binata.
"W-Why are you asking?" she stammered.
Declan let out a playful smirk. The next thing she knew, Declan's face is already an inch closer to her face. Her eyes widened because of what he did.
"I'm just curious," sagot nito sa kaniya.
Nahigit ni Layla ang kaniyang hininga nang makitang nakatingin ang binata sa labi niya. "L-Lumayo ka," utos niya.
He smirked. "Why would I?"
Itinaas niya ang kamay at dinala sa dibdib ng binata para itulak ito palayo pero tila walang lakas ang kaniyang mga kamay dahil hindi lumayo ang binata.
"What do you think you're doing?" seryosong tanong niya sa dating kasintahan.
"I'm just checking you out," kaswal na sagot ni Declan.
"Baka nakakalimutan mong may fiancé ka, Fontanilla?"
"And?"
"Hindi mo dapat ginagawa ito." Pinanlakihan niya ito ng mata pero tila wala iyong epekto sa binata.
"What? Ano bang ginagawa ko?" pagmamaang-maangang tanong ni Declan at muling ngumiti.
"Hindi ka dapat lumalapit sa akin."
"Why not?" He asked.
"May fiancé ka nga!"
"I am not cheating on her, Layla. I'm just talking to you."
"You can talk to me without being this close!" Inis na saad niya at itinulak palayo ang binata ngunit tulad kanina, hindi pa rin ito lumayo sa kaniya.
"Why? Are you affected? We already broke up four years ago, remember?"
Layla bit her lower lip when Declan mentioned their relationship four years ago. Akala niya ay nakalimutan na iyon ng binata pero mukhang may sama pa rin ito ng loob sa kaniya.
"I'm just uncomfortable. Paano kung may makakita sa ginagawa mo? Ano na lamang ang iisipin ng fiancé mo? I can't lose this deal!"
Sa wakas ay lumayo na rin ang mukha ng binata sa kaniya kaya't agad siyang bumuntong hininga. Layla felt suffocated being that close to Declan.
Her heart was not beating in its normal pace. The way her heart beats fast, parang may naghahabulang daga roon at gustong lumabas sa dibdib niya. She don't know if she's just nervous or. . .
Mabilis siyang umiling. No. She's just nervous. Hindi puwedeng may epekto pa rin sa kaniya ang binata lalo pa't matagal na mula noong maghiwalay sila. She's certain that she already moved on from him.
"Why not?" tanong ng binata matapos ang ilang segundong katahimikan.
"H-Huh?" takang tanong ni Layla.
"Bakit hindi puwedeng mawala ang deal na ito sa 'yo? You know, puwede naman kaming lumipat ng designer ni Faith. What you did on our first meeting is quite unprofessional, right?"
Her lips parted because of what he said. Agad niya rin iyong isinara at nag-iwas ng tingin. "I. . . I need money," she said, almost inaudible.
"Why? Hindi ba mayaman ang bago mong boyfriend?"
She bit her lower lip and let out a harsh breath. "That's too personal, Mr. Fontanilla," kalmadong tugon niya sa binata.
He let out a mirthless laugh. Nag-angat ng tingin si Layla at kapagkuwan ay nagtagpo ang mga mata nila ng binata. Declan smirked once again as he crossed his arms over his chest.
"Did I just hit the bullseye? Hindi mayaman ang bago mong boyfriend? That's too sad, my Layla. Maghahanap ka na nga lamang ng ipapalit sa akin, 'yong hindi pa kasing-yaman tulad ko," panglalait nito.
Layla, once again, drew in a long breath to calm herself. "Can we just get straight to the business? Hindi ka naman nagpunta rito para kumustahin ako, hindi ba, Mr. Fontanilla?"
"Actually, hindi ako nagpunta rito para sa design ng damit na isusuot ni Faith." Declan gave her a half shrug as he looked towards her direction.
Her brows immediately arched an inch. "What do you mean?" she confusedly asked.
To her surprise, Declan leaned closer to her once again, their faces were an inch closer to each other. She gulped. "A-Ano bang ginagawa mo?"
"I'm just curious. . ." he trailed off.
"Curious of what?"
A small smile crept Declan's lips. "If your lips still tastes the same."
"Wha—"
Her words were cut off once again when she felt Declan's lips on her lips. Her heart beat quickened. Gusto niyang itulak papalayo ang binata pero si Declan na ang kusang humiwalay matapos ang ilang segundo.
Wala sa sariling hinawakan ni Layla ang kaniyang labi at gulat na tumingin kay Declan. "What the hell?" she remarked.
He smirked. "Seems like the taste didn't change at all, huh?"
Layla froze in her seat while staring at Declan. He kissed her. . . but for what? He is getting married for pete sake!
Naputol lamang ang pagtititigan nila ni Declan nang tumunog ang telepono ng binata. He groaned before he took out his phone from his pocket. Tumalikod ito sa kaniya samantalang tahimik niya itong pinagmamasdan.
"Mom?" Declan asked.
Ilang beses na napakurap si Layla nang malamang ang ina pala nito ang kausap ng binata. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang mga mata sa mga gown na iginuhit niya.
"Ayaw ko ngang kasama si Faith sa bahay, Mom. I already told you that before, right? Saka na kapag kasal na kami," rinig niyang saad ng binata.
Nanatili namang tahimik si Layla at lihim na nakikinig sa pinag-uusapan ng mag-ina. Declan knew her. Alam niyang alam ng dating kasintahan na hindi siya chismosang tao kaya't nasanay na itong hindi umalis tuwing may kausap siya sa telepono dahil alam nitong wala siyang pakialam.
Well, people change. She's now curious of what they are talking about and what he is up to these past few days.
"I already told you that I am still not ready to have a child, Mom. I don't need an heir right now."
Layla stilled.
-----