Kabanata 1: Muling pagtatagpo

2148 Words
3 years later... “Magmadali ka, Khen,” aligagang saad ni Manang Conchita. Sinunod naman ni Khen ang matanda at mabilis na pinunasan ang mga mamahaling baso. Malapit na kasing magsimula ang kainan ng pamilyang Hermedilla. May piging sa mansiyon lalo na’t ngayon ang kaarawan ng senyor at mamaya din ang dating ng bunsong anak ng pamilyang Hermedilla galing Italy. Tatlong taon itong nanirahan sa ibang bansa. “Ayusin mo ang pagpunas. Masiyadong masilan ang mga amo natin dito kaya dapat suriin mo ng mabuti ang iyong ginagawa,” dagdag pa ni Manang Conchita. Tahimik lamang si Khen at simula ng maging katulong siya dito ay wala pa naman siyang nagawang palpak. Nang matapos ay sinunod naman niyang punasan ang mga mamahaling pinggan at kubyertos, at iba pa. Isinalin na rin niya ang mga kakaluto lamang na mga putahe sa isang electric food warmer para mapanatili ang init ng mga ulam para mamaya. At inilagay sa isang push cart kasama ang mga kubyertos at mga pinggan, at iba pa.Dinala ang mga ito sa hardin. Kasama niya si Lovely, isa ring katulong sa mansiyon ng pamilyang Hermedilla.Pinagtulungan nilang ilagay ito sa mahabang mesa na may nakakabit na magandang disenyo. “Excited na akong masilayang muli ang mukha ng bunsong anak ng mga Hermedilla. Tiyak akong malalaglag ang panty mo kapag nakita mo siya,” untag nito pero tinignan lang niya si Lovely pagkatapos ay bahagyang umiling. “Grabe ka naman. Hindi naman maluwag ang panty ko para malaglag. Tsaka, wala akong interes sa mga ganyang klaseng lalaki. Sa katulad nating mahihirap ay isang himala na lamang na mapansin nila tayo,” wika ni Khen habang inaayos ang mga table napkin at kubyertos sa mesa. Napapikit siya ng malanghap ang amoy ng ulam at hindi maiwasang matakam. Gutom na kasi kaya tamang lunok na lamang ang ginawa niya. “Choosy ka pa diyan, e, kung makita mo siya mamaya sigurado akong matatameme ka. Ano, pustahan tayo?” alok ni Lovely sa kanya. May pagkamakulit kasi itong si Lovely kaya pagbibigyan niya ito. “O, sige ba, kapag ako ang nanalo, akin na ang isang libo mo?” Ngumiti ng malapad si Lovely at agad na tumango. “Oo naman, at kapag ako ang nanalo, halikan mo si sir Zhion.” Napakunot ang noo ni Khen ng banggitin ang pangalan ng isang lalaki. “Sinong Zhion?” Nakapamaywang naman si Lovely bago magsalita. “E, di 'yong bunsong anak nila Señor Arnolfo at Señora Jackelyn,” gagad nitong sabi kaya tumango na lamang si Khen. “Tara na nga sa kusina at marami pa tayong gagawin,” pag-aaya niya at nagpatiuna ng maglakad. “`Yung usapan nating dalawa mamaya kaya goodluck,” saad ni Lovely ng ikinailing na lamang niya. Sumapit ang 7pm at nagsisimula ng magdatingan ang iilang miyembro ng pamilyang Hermedilla.Unang bumaba ang mag-asawang Hermedilla. Sumunod ang panganay na anak na si Rome–guwapo, tahimik, mataas ang s*x appeal, ang kanyang mga biloy na nagpadagdag ng kanyang kapogian,mabait sa mga trabahador ng kanilang hacienda dito sa San Vicente, Pampanga kaya siya gustong-gusto ng mga kababaihan dahil mala-fairytale na ang katangian nito, na inaasam ng bawat kababaihan. Sumunod ang pangalawang anak na si Marco– tigasin ang dating na parang isang mafia, guwapo din, long hair, nakabukas ang dalawang butones ng suot nitong long sleeve na polo kaya kitang-kita nito ang mabalbon nitong dibdib. Matangos din ang kanyang ilong, mala-adonis ang dating pero pilyo siya, bagay na nagpapasakit ng ulo ng mag-asawang Hermedilla. Sumunod ang pangatlong anak.Si Gabrielle– seryoso palagi, magalitin pero masipag, mamas boy nga lang pero masunurin.Guwapo at isang sikat na basketball player sa isang sikat na basketball team ng Pilipinas. Nagsidatingan rin ang kanilang mga kamag-anak at mga bisita at kanya-kanyang naghanap ng maging puwesto para sa magaganap na birthday party. Kanya-kanyang upo na habang hinihintay ang bunsong anak na si Zhion Hermedilla. Samantala, kanina pa si Zhion na nakarating at nasa labas na siya ng mansiyon sakay ng kaniyang kotse. Tuliro ang kaniyang isipan kung dadalo ba siya sa kaarawan ng kanyang ama. Si Zhion kasi ay inakusahang may pinagsamantalahan noon kaya sa Italy ito piniling manirahan. Naging pangit ang imahe niya dito sa San Vicente, Pampanga. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang programa ng kaarawan ng kanyang ama. Napasandal pa siya sa kanyang upuan dahil sa malalim niyang iniisip na baka masira niya lang ang birthday party ng kanyang ama pero last 3 minutes ay napagpasyahan niyang pumasok na sa loob. Agad siyang bumusina para mapagbuksan ng gate.Narinig naman ng guards ang busina ng kanyang sasakyan at agad na pinindot ang button para bumukas ito. Hindi nagtagal ay nakuha ng atensiyon ni Zhion sa di kalayuan ang mga taong nasa malaking bulwagan ng hardin kung saan ginanap ang birthday party. Hindi niya tuloy alam kung bababa pa siya ng sasakyan dahil kita niya na agad ang pag-iling ng mga nakakatanda niyang mga kapatid. Pero gayunpaman ay bumaba na rin siya at taas -noong naglakad patungo sa hardin. He is very handsome with a confident demeanor. He wears formal shoes that perfectly match his well-fitted trousers. His high-end lapel half-sleeved t-shirt adds a touch of sophistication, while the leather jacket draped over his shoulders gives him a stylish edge. His tinted shades add an air of mystery, and his expression exudes confidence and charisma. He stands tall and he has a well-toned body with broad shoulders and a strong, defined chest. His arms are muscular, hinting at regular workouts, and his posture is upright and confident. His physique complements his stylish attire, making him look both powerful and elegant. Ang kanyang guwapong mukha ay nakakasilaw lalo na ang kanyang mga matang kulay asul na mas nag-boost ng kakaibang taglay ng kaniyang karisma pero natatakpan lang ito ng kanyang suot na shades. Idagdag pa ang kaniyang labi na sobrang kissable at may makakapal na kilay. Lahat ay napatingin pa rin sa kanya habang ang kanyang mga magulang ay masiglang sinalubong siya at si Gabrielle. Bukod doon ay wala na, galit ang dalawang kuya niya at tanging si Gabrielle lang ang kasundo ni Zhion. “Welcome home our son, Zhion,” ngiting wika ng mag-asawa at niyakap siya ng mga ito. Pilit na ngumiti ni Zhion sa harap ng kanyang mga magulang. Ang mga bisita, at iilang mga kamag-anak naman nila ay nakataas ang mga kilay na may mapanuring tingin. Hindi nga siya nagkamali, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin humupa ang mga tsismis. “Happy birthday, Dad,” masiglang bati ni Zhion at hindi ininda ang mga matatalim na tingin ng iba sa kanya subalit ay nagpanggap siyang walang nakita. “Thank you, son.” Masiglang wika ng kanyang ama.Napansin ng senyor na galit pa rin ang kanyang dalawang anak sa bunso nitong kapatid pero hindi na niya ito binigyan ng pansin pa. “Welcome home,bunso,” pagbati naman ng kanyang kuya Gabrielle. Yumakap ito sa kanya sabay fist bump sa isa’t isa. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-iling ng kanyang dalawang nakakatandang kapatid. “Pa-VIP pa ang isa diyan, tsk,” pahapyaw na saad ng kanyang kuya Marco pero hindi niya ito pinansin. Sa halip ay umupo na lamang sa tabi ng kanyang mga magulang at sa kanang bahagi ay ang kanyang kuya Gabrielle. Nagsimula ng magsalita ang MC at inanyayahan ang kanilang ama na tumungo sa harapan para sa masiglang bati ng lahat.Nagsipalakpakan ang lahat at nagsimula ng magsalita ang senyor habang nakangiti ito ng malapad. Samantala ay palihim na sumisilip ang dalawang katulong na sina Khen at Lovely sa may hardin. Kinikilig naman si Lovely nang makita si Zhion pero walang ekspresyon ang mukha ni Khen habang nakatitig sa bunsong anak ng mag-asawang Hermedilla. “Ang guwapo talaga ni Zhion,” kinikilig na wika nito.Napaismid naman si Khen sa inakto nito dahil wala namang nakakakilig. Nakasuot pa ito ng shades kaya hindi niya matukoy kung sino nga ba ito. “Ang oa mo,” gagad na sabi niya sa katabi niya. “Wala kang pake, palibhasa kasi naubos na ang mga kiliti mo sa iyong katawan,” pairap na wika naman ni Lovely. “Wala naman talagang nakakakilig,” sabay nguso niya pa sa kinaroroonan ng mga ito. Bukod sa hindi gaanong makita ang mukha nito ay dumagdag pa ang repleksyon ng mga ilaw na nakakasilaw kaya mas hindi klaro ang mukha nito.Tumalikod na lamang siya at akmang babalik na sana sa kusina ng hilahin siya ni Lovely. “Mamaya na tayo babalik. Ang kj mo talaga,” nakangusong saad ni Lovely bagay na ikinainis ni Khen. “Kapag nahuli tayo ng mga amo natin dito ay baka mawalan pa tayo ng trabaho.” Muli niyang tinignan ang binatang amo na tumayo at mabilis na naglakad patungo sa kaliwang bahagi ng hardin kung saan doon ang daanan patungo sa entrance ng mansiyon. Naramdaman niya ang pagkalabit ni Lovely sa kaniyang balikat. “Salubungin mo na siya. Huwag kang mag-alala, hindi mo ako mapapansin na pinanood kita,” nasasabik na wika ni Lovely. Napaikot ang mga mata niya dahil sa kalokohan nito pero sinunod niya pa rin ang utos nito dahil may usapan silang dalawa. “Goodluck, 1k is waving,” dagdag pa nito na nakabungisngis.Tinalikuran na niya si Lovely at bumalik sa kusina para gawin ang plano kung malalaglag nga ba ang panty niya. Nang makapasok siya sa kusina ay kaagad siyang tumungo sa malawak na sala at doon niya nakita ang binatang amo.Saktong ibinaba nito ang suot nitong shades at doon niya lamang nasilayan ng malinaw ang hitsura nito.Napaatras siya dahil hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Siya? Salubong naman ang kilay ng lalaki at nagtuloy-tuloy ang paglalakad nito at kaagad umakyat ng hagdan. Ni hindi nga siya nito tinapunan ng tingin. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili at basta na lamang sumunod dito.Pagkarating niya sa itaas ay bukas ang pintuan ng panghuling silid sa may dulo kaya nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na siya ng pintuan.Madilim ang silid pero may narinig siyang ingay na parang may binasag sabay hiyaw nito sa hindi kalasakasang tinig. Pumasok na siya sa loob. Sobrang dilim ng silid at kahit natatakot ay nagpatuloy siya sa paglalakad. “Tang-inang buhay ito! Kahit kailan ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Wala akong ginawang masama!” Natigilan siya sa kanyang narinig at bahagyang napaatras dahilan para makagawa siya ng ingay. “Sino 'yan?” Malamig na wika ng binatang amo. Hindi niya alam kung sasagot ba siya dahil natatakot siyang malaman nito na basta na lamang siyang pumasok sa silid nito.Nagpalinga-linga siya at naghahanap ng mapagtaguan dahil sa oras na buksan nito ang ilaw ay baka malalagot siya at baka mawalan pa siya ng trabaho. Narinig niya ang mga yabag nito na papalapit sa kanya kaya dahan-dahan siyang umatras at pinilit niyang hindi makagawa ng ingay pero huli na dahil biglang nagliwanag ang buong silid na siyang ikinatigil niya sabay takip ng kaniyang mukha. “Who are you? Sino ka para pumasok sa silid ko ng walang pahintulot? Gusto mo bang iparanas ko sa iyo ang mga paratang nila sa akin?” sunod-sunod nitong tanong at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Nanatiling nakatakip ang kanyang mga palad sa mukha niya at bahagyang umatras pero nagulat siya ng maramdaman ang maskulado nitong pangangatawan. “Ipakita mo sa akin ang mukha mo kung ayaw mong masesante,” malamig na wika nito. “Isa ka pa lang hamak na katulong at ang lakas ng loob mo para pumasok dito sa silid ko!” Bakas sa boses nito na galit na kaya kahit ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha ay tinanggal na niya ang kanyang mga palad. “Pasen–” Napatigil ang kanyang pagsasalita kasabay ang pagkagulat ng biglang namatay ang ilaw.Narinig din niya ang mahinang pagsara ng pintuan sabay pihit ng lock. “Zhion? Anak?” Boses ng senyora ang narinig niya mula sa labas. Hindi ito sumagot at tinakpan pa ang kanyang bibig para hindi siya makagawa ng ingay habang ang isang braso nito ay nakayakap sa kaniya.May halong pagdiin ang pagtakip ng palad nito pero hindi niya ininda dahil ang bango ng palad nito tila ba may kung anong nakakadarang na halimuyak ang hatid nito.Rinig niya ang malakas na pagkabog ng kaniyang puso na hindi niya mawari kung bakit o dahil sa takot lang ng kaniyang nararamdaman. Kumatok pa sa pinto ang senyora sabay tawag ulit ng pangalan ng binatang amo pero nanatili itong tahimik. Narinig niya ang mga yabag na papalayo at doon pa lamang siya nito binitiwan. “Pasalamat ka at hindi ko nakita ang mukha mo dahil malalagot ka sa akin.Get out!" Mga salita nitong kasing tigas at lamig ng yelo. Kaagad siyang naglakad habang kinakapa ang seradura ng pinto at mabilis na pinihit ito.Hindi na niya nagawang lingunin ang binatang amo dahil baka makilala lang siya nito at tuluyan na siyang lumabas ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD