bc

HIS POISONOUS CHARM [THE HERMEDILLA BROTHERS-SERIES 1]

book_age18+
531
FOLLOW
6.5K
READ
dark
badboy
heir/heiress
drama
bxg
campus
wild
like
intro-logo
Blurb

Si Akheezsha Fuentez ay isang ulila. Hindi marunong sumulat at magbasa dahil hindi siya nakapag-aral. Nagkaroon siya ng asawa sa edad na labing-siyam. Naging maganda ang pag-iibigan nila ng kanyang asawang si Neldrick ngunit may hangganan pala ang lahat? Dahil hindi siya mabuntis-buntis ay dito na nagsimulang magbago ang pakikitungo ng kanyang asawa.Sa araw-araw na pagtitiis ay dumating rin ang araw na mapapagod din siya. Sa kanyang pagtakas ay isang estranghero ang dumating. Tinulungan siyang ilayo sa kanyang asawa sakay ng kotse nito at ibinaba sa lugar kung saan hindi niya alam.Lumipas ang tatlong taon ay muli silang nagkita ng estranghero. Siya si Zhion Hermedilla, ang may pangit na imahe sa lugar ng San Vicente, Pampanga.Isa ito sa bunsong anak ng mag-asawang Hermedilla na may malawak na lupain ng isang hacienda kung saan doon siya nagtatrabaho bilang isang katulong. Ano ang maging papel ni Zhion Hermedilla sa buhay ni Akheezsha? Tuluyan na kayang maranasan ni Akheezsha ang tunay na walang hanggang pagmamahal sa binatang amo niya kung ang bansag nito ay may pangit na imahe, salungat sa kanyang nakakalasong karisma?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue Katatapos ko lang magligpit ng mga pinagkainan ng aming mag-asawa. Habang ang asawa ko ay abala ngayon sa kaniyang pinapanood. “Khen!!!” malakas na tawag sa akin ng aking asawang si Neldrick. Mabilis kong pinunasan ang mesa namin pagkatapos ay naghugas kaagad ako ng aking mga kamay at patakbong umakyat sa pangalawang palapag. Pagpihit ko ng seradura ng aming silid ay isang malakas na sampal, ang bumungad sa akin. Ramdam ko ang paghapdi ng aking pisngi at kaagad akong napatingin sa asawa kong may hawak na bote ng alak. “Kanina pa kita tinatawag pero bakit ngayon ka lang umakyat dito? May ipagmamalaki ka na ba ngayon?” pasigaw niyang tanong sa akin at muling tinungga ang hawak niyang bote ng alak. “Ano?!” singhal niya. “Sa susunod na bagalan mo pa ang iyong mga kilos ay hindi lang iyan ang gagawin ko sa iyo!” muli niyang sigaw. Napayuko na lamang ako. At gusto ko ng umiyak sa harapan niya pero pinaglalabanan kong huwag maiyak. Sa loob ng apat na taong pagsasama naming dalawa ay walang araw na hindi niya ako sinisigawan at pinagbubuhatan ng kamay. Para akong isang hamak na alila na lamang sa paningin niya. Hindi naman siya ganito dati. Napakabait niyang partner sa akin noong mga panahong magnobyo pa lang kami. Nagbago lang ang pakikitungo niya sa akin 'nung hindi ko siya mabigyan ng anak. Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pananakit niya sa akin. Isa akong ulila at wala akong ibang mapuntahan at mahingian ng tulong. Isa pa ay isang pulis ang asawa ko. Lagi niya akong tinatakot at huwag raw akong magkakamaling lumayas dahil hahanapin niya raw ako at papatayin. Ako si Akheezsha at palayaw ko ay Khen. Isa akong ulila at tanging sarili ko na lamang ang karamay ko.Dati akong tagahugas at natipuhan ako ni Neldrick nang minsang magawi ito sa karinderya na pinapasukan ko. Mabait ang pakikitungo niya sa akin at sa araw-araw na paggawi niya sa karinderya ay unti-unting nahulog ang loob ko sa kaniya at naging magkasintahan kami. Lumipas ang ilang buwan ay kaagad niya akong niyayang magpakasal na siyang labis kong ikinatuwa dahil may maituturing na akong pamilya. Kaso ang akala ko ay panghabangbuhay na itong kaligayahan na nararamdaman ko pero kaya pa lang baguhin ng isang pitik lang ang pagsasama naming dalawa. Dahil hindi ko siya mabigyan ng anak ay doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko sa asawa kong si Neldrick. Hindi ako marunong magbasa at magsulat dahil hindi naman ako nakapag-aral. Marunong akong magbilang pero tanging 'yun lang ang alam ko. . . “Linisin mo itong kalat ko dito dahil may darating akong bisita. Ano man ang makita mo ay huwag na huwag mo akong pakikialaman. Wala kang silbi kaya habang buhay kang magiging alila ko. Wala kang kuwenta!” Mga katagang paulit-ulit na sinasabi niya sa akin. Hindi ako kumibo at sinimulan ko ng linisin ang kalat niya. Nang matapos ako ay kaagad niya akong itinulak palabas ng aming silid at doon na bumagsak ang mga luha ko. Paimpit akong umiiyak habang bumababa ng hagdan.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis sa asawa ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Tumungo na lamang ako sa banyo. Pagpasok ko ay agad kong ni-lock ang pintuan ng banyo at doon na ako nagpatuloy sa pag-iyak. At sa pag-iyak ko ay hindi ko namalayang, mahigit isang oras na pala ako dito sa loob ng banyo kaya tumayo ako sa pagkakaupo ko sa cover ng inidoro at diretsong tumingin sa harap ng salamin. Namumugto na ang mga mata ko kaya nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.Naghilamos ako at maya-maya ay napagpasyahan kong lumabas na ng banyo. Naisipan kong silipin ang ginagawa ng asawa ko. Sabi kasi dito ay may bisita raw siya kaya baka nakarating na ito. Gusto kong makita kung sino ang bisita niya. Nagtataka din ako at bakit sa kuwarto pa namin papatuluyin ang kaibigan ng asawa ko kaya bagay na hindi ko maunawaan. May peep hole sa pintuan ng silid namin kaya doon ako sumilip. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang asawa ko na may kalampungang ibang babae. Halata sa suot ng babae na parang isang pokpok. Hindi naman ito bago sa akin dahil tatlong beses sa isang linggo ay may iba't ibang babae siyang dinadala dito, bagay na laging nagpapasakit ng damdamin ko. Napaatras ako at kaagad na napatakip sa aking bibig. Tama pa bang manatili ako dito sa bahay namin kung laging ganito ang mga nangyayari at ginagawa niya sa akin? Hindi na ito tama. Tama na ang kabaliwan na ito. Kailangan ko ng umalis dito. Mahal na mahal ko si Neldrick pero ngayon ay napagtanto ko na, na wala na talaga itong pagmamahal sa akin at tanging pagiging isang alila na lamang ang turing niya sa akin. Mabilis akong bumaba ng hagdanan at sa pagmamadali ko ay natapilok ako kaya napasubsob ako sa hagdanan at nagpagulong-gulong paibaba. Malakas ang pagbagsak ko dahil gawa sa kahoy lamang ang hagdan namin. Agad akong bumangon kahit sobrang sakit na ng aking katawan at siya namang biglang bukas ng pintuan ng aming silid. Magkasalubong ang mga kilay ng aking asawa at bakas sa mga mata nito ang galit. Nakatopless na lamang ito at halata sa mukha niya na nabitin ito. “Kabilin-bilin ko lang kanina na huwag kang gagawa ng ng kahit ano'ng bagay na magiging hadlang sa gagawin ko? Lalo mo lang akong ginagalit khen!” sigaw niya sa akin. Napayuko na lamang ako habang nag-iisip ng kung anong isasagot sa kanya. Mabilis itong bumaba ng hagdan at kaagad na hinila niya ang aking buhok pagkatapos ay dagli niya akong itinulak sa may bahagi ng pintuan namin. Nauntog ako at ramdam ko ang malakas na pagtama ng aking noo sa pintuan. Agad ko siyang nilingon habang masama ko siyang tinitigan. `Yung tipong, matatalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya.Sobra-sobra na ang pinaggagawa niya sa akin. Panahon na siguro para lumaban ako at iwanan siya. Pagod na pagod na ang puso ko, kakaasa na sana. . . darating 'yung araw na magbabago siya at bumalik ang dating Neldrick na nakilala ko. “Huwag mo akong tignan ng ganyan, Khen, kung ayaw mong higit pa diyan ang gagawin ko sa 'yo!” Dinuro pa niya ako habang masamang nakatingin pa rin sa akin. Mabilis akong tumayo. Tuwid akong tinignan siya at tumawa ako ng pagak kasabay ang pagkirot ng puso ko dahil sa ginawa niya sa akin. “Pagod na pagod na pagod na ako sa 'yo! Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa akin. Akala ko ay totoo mo akong minahal dahil ibang-iba ang pagkakakilala ko sa iyo pero ito lang pala ang gagawin mo sa akin? Apat na taon mo na akong sinasaktan at pinahihirapan. Asawa mo ako Neldrick, hindi isang bagay na kapag ayaw mo na ay basta mo na lang sisirain.” Mahabang wika ko pero tinawanan niya lang ako. Naiiyak na ako at kahit anong pigil ko ay kusang pumatak ang mga luha ko. Sobra na akong nahihirapan at nasasaktan. “Nagtataka ka pa talaga kung bakit ko ito ginagawa sa iyo? Alam mo kung bakit ako ganito sa 'yo, dahil wala kang kwenta! Palamunin ka na nga, hindi mo pa ako mabigyan ng anak! Hindi ko alam kung bakit pa kita pinatulan, eh isa ka namang mang-mang na madaling utuin dahil wala kang alam na kahit ano! Buwesit ka!” Nagpupuyos ito sa galit at mabilis niyang tinanggal ang kanyang sinturon. Alam ko na ang susunod niyang gagawin kaya mabilis kong binuksan ang pintuan bago pa niya ihampas sa akin, ang kanyang sinturon. Natataranta ako at nanginginig habang binubuksan ko ang tarangkahan ng gate namin. “Subukan mong lumabas ng gate at matitikman mo ang galit ko!” sabay hugot ng kanyang baril sa kanyang tagiliran.Nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa takot na baka, barilin niya ako. Nang mabuksan ko na ang gate ay sakto naman ang pagputok ng kanyang baril kaya mabilis akong nakalabas ng gate at agad na isinara ito. Mabilis akong tumakbo papalayo habang ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. Muli niya akong pinapaputukan kaya hindi ko maiwasang makadama ng takot habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa aking magkabilaang tainga. Lalong bumuhos ang mga luha ko at para akong baliw na hindi alam kung saan susuot para makahanap ng mapagtataguan. Malayo kami sa bayan ng San Fernando, Pampanga. Sariling lupa at bahay mismo ito ni Neldrick. Wala kapitbhay kaya kahit ano'ng hingi ko ng tulong ay wala akong mahingian ng saklolo sa tuwing binubugbog niya ako. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at nagawa ko pang lingunin si Neldrick na ngayon ay malayo na sa akin. Mabuti na lang at may street light kundi ay mangangapa ako sa dilim. Rinig ko pa ang bawat pagsigaw sa akin ni Neldrick pero hindi ko na siya pinansin pa at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Natatakot man ako sa kung anong mangyari sa akin ngayon pero mas determinado akong makalayo sa asawa ko. Pagod na ang puso kong manatili pa sa kanya dahil hindi naman niya ako nirespeto at isa pa ay hindi na niya ako mahal, bagay na mahirap tanggapin sa aking puso pero kailangan kong maging matatag dahil ito lang ang meron ako. Humihingal na ako at parang unti-unti ko ng naramdaman ang hapdi ng aking talampakan dahil nakayapak lamang ako.Naisipan kong huminto muna dahil tiyak akong hindi na ako maabutan ni Neldrick.Napaupo ako sa gilid ng kalsada. Saglit akong napatitig sa kawalan at maya-maya ay may napansin akong sasakyan dahil sa liwanang na dala nito.Malayo pa lang ito kaya ang takot na kanina ko lang naramdaman ay agad na napalitan ng pag-asa. Pag-asa na sana matulungan ako ng kung sino mang taong ito. Tumayo ako at mabilis na ikinaway ko ang aking dalawang kamay para agad na mapansin ng driver. Unti-unting huminto ito ng malapit na ito sa akin. Agad na nagbaba ng salamin ng bintana ang driver ng sasakyan. Salubong ang mga kilay nito habang may suot itong sunglass. “What do you want?” Tanong ng lalaki. Halatang mayaman base pa lang sa pagsasalita nito pero may kakaiba itong karisma na hindi ko maipaliwanag. Matatangos na ilong, mapupulang labi na mapang-akit, cool ang dating at ang kanyang mga mata na kay sarap titigan dahil sa ganda nito.Naipilig ko ang aking ulo dahil sa naisip ko. Hindi ko siya maintindihan kaya napapanganga na lamang ako sa sinabi niya. “Ikinaway mo ang iyong mga kamay tapos hindi mo ako sasagutin? Sinasayang mo lang ang oras ko,” pagsusungit niya kaya natigilan ako. Akma na itong paandarin ang kanyang sasakyan nang maulinginan ko sa di kalayuan ang asawa ko na ngayon ay sumisigaw pa rin sa galit habang tumatakbo sa kinaroroonan ko. Sa takot ko ay hindi ko nagawang sagutin pa ang tanong ng lalaki may angking kagwapuhang taglay dahil mabilis kong binuksan ang pintuan ng kotse sa may passenger seat at mabilis akong sumakay ng kanyang kotse. “Umalis na tayo! Please! Ilayo mo ako dito,” pagmamakaawa ko pero matiim lang itong nakatingin sa akin habang nilingon niya ako. “What the hell?! Bumaba ka ngayon din!” maawtoridad niyang wika pero nanatili akong nakaupo at wala akong balak na bumaba ng sasakyan niya. “Khen!!!!!!!!!” Mga sigaw ni Neldrick na pumapainlang sa katahimikan ng mga sandaling ito. Kumunot ang noo ng lalaki nang marinig niya ang boses ng asawa ko. “Sino 'yon?” “Please... ilayo mo na ako dito. Parang awa mo na,” naiiyak kong wika habang napapalingon ako sa aking likuran na ngayon ay tatlong dipa na lamang ang layo ng asawa ko mula sa sasakyan. At muli kong tinignan ang lalaki habang nagmamakaawa. Ewan ko ba pero bigla na lamang pinaandar ng lalaki ang kanyang sasakyan habang seryosong nakatingin sa akin, sa repleksyon ng salamin ng kanyang sasakyan. Napapikit ako ng tuluyan na ngang makalayo ang sasakyan niya, sa papalapit kong asawa. Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan makalipas ang isang oras na biyahe. Hindi ko alam kung ano'ng lugar na ito. “Lumabas ka na! Siguro naman ay puwede ka ng bumaba ng sasakyan ko? Hindi kita puwedeng isama sa mansiyon namin dahil hindi ako nagtitiwala sa kahit na sinong tao lalo na’t hindi ko kilala,” wika niyang galit base sa tono pa lang ng boses niya. Wala akong nagawa at tuluyan ng bumaba ng kanyang sasakyan. Nagpasalamat ako matapos akong makababa ng kanyang sasakyan pero mabilis na nitong pinaharurot ang kanyang sasakyan.Naiwan akong nakasunod ang tingin ko sa papalayo niyang sasakyan. Kahit suplado ito ay nagpapasalamat pa rin ako dahil tinulungan niya akong makalayo sa asawa ko. . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Obsessed Professor (Dela Cuadra Series 3)

read
45.9K
bc

The Ex-wife

read
233.0K
bc

Wife For A Year

read
70.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
81.9K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook