“TANDAAN mo, Special, kahit ano pa ang mangyari, kahit saan pa tayo dalhin ng mga kapalaran natin pagtanda ay mananatili pa rin tayong magkaibigan.” Pinagmasdan ni Vincent ang kabuuan ng dalagitang kanyang kaharap. Walang katapusan ang mga kuwento nito. Lagi nitong ibinabahagi sa kanya ang mga ibig nitong maabot sa buhay at sa bawat pagkakataong iyon ay mataman naman siyang nakikinig. Punung-puno ito ng buhay at pangarap ngunit kailanman ay hindi siya nito nilimot. Sa bawat pangarap na masaya nitong inilalahad, naroon siya…dahil isa raw siya sa mga inspirasyon nito para abutin ang mga pangarap na iyon. “Oo naman, Special. Ikaw at ako lang hanggang huli,” ang palagi naman niyang sagot dito. Pagkatapos ay hihilig ito sa kanyang balikat at magkukuwentuhan sila nang tila ba wala nang daratin

