“MATAMIS ang manggang binili ni Papa, hindi ba? Want some more?” Hindi kumibo si Vince. Ang mga mata niya ay malayo sa kaharap. “How about papaya, gusto mo ba, Vince?” Nagbuntong-hininga ito at saka bahagyang siniko ang katabi. “Nagtatampo na ako sa’yo, Vince. Masyado mo akong pinahihirapan…” Noon niya ito nilingon. “Nasaan si Ikay?” tanong niya na halos ay hindi na niya matandaan kung ilang beses na niyang naitanong dito. Ilang beses na pagkat ni minsan ay hindi nito naisipang sumagot nang tuwid sa kanya basta tungkol kay Ikay ang topic. “Siya na naman ang iniisip mo…” Sumimangot ito pero hindi niya iyon alintana. Wala roon ang isip niya. Na kay Ikay. Si Ikay na umaming niloko siya mula’t sapul. Si Ikay na pinagtiwalaan niya pero ni hindi pala niya kilala ang buong pagkatao. Pero ba

