NAGHAHANDA na sa pagtulog si Victoria nang makarinig ng ugong ng sasakyan. Hindi nagtagal ay narinig niyang may nagbukas ng pinto ng munti nilang dampa at kasunod niyon ay ang pagpasok ng kung sino mang bisita. Hindi nagtagal ay malakas na palitan ng mga salita ang namayani sa gitna ng gabi. Patingkayad siyang tumayo palapit sa pinto at nakinig sa pagtatalong nagaganap sa kabila ng manipis na kawayang pintong iyon. “Ikaw ang nagpilit na dalhin ng Maynila si Ikay, Ramona! Ilang ulit ko nang sinabi sa’yong hindi ako panatag nang kasama niya si Fred!” “Pero paano naman ako? Gusto ko ring makasama siya! Wala ba akong karapatan sa kanya, Monica?!” “Dinurog ng asawa mo ang puso ng aming si Ikay. Hindi namin matatanggap ang ganoon, Ramona. Maintindihan mo sana…” Malinaw sa kanya ang palitan n

