Chapter 53

1361 Words

MADILIM ang paligid pero hindi maaaring hindi niya makilala si Vince. Itabi man ito sa maraming tao ay hindi pa rin niya ito maipagkakamali sa iba. Kaya kahit malayo ito mula sa kanilang kinatatayuan ay alam niyang nakayakap ito nang mahigpit sa babaeng kasayaw nito sa dance floor. May kung anong munting sakit na tila sumabog sa puso niya. Kumalat iyon sa kaniyang mga balikat at umakyat sa kaniyang ulo. Ibig niyang lapitan ang dalawang nagsasayaw at sa harap ng mga ito ay magsisigaw sa sama ng loob. Habang hinihintay pala niya ito ay naroon ito at nakikipagharutan lang sa babae nito! Naramdaman niya ang kamay ni Sachi sa braso niya kaya agad niyang inayos ang sarili. Nagkunwari siyang maayos at balewala ang nakikita. “Loko talaga ‘yang lalaking ‘yan. Didiga pala eh hindi man lamang nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD