“SAAN ka galing?” Sumusuray pa si Vince nang pagbuksan niya ng gate. Nalanghap niya ang alak sa hininga nito at nakaramdam siya ng pag-aalala para sa binata. “Sa balong malalim…” sagot nitong may kasamang tawa. Taliwas sa kaniyang inaasahan ay wala rin si Vince sa tagpuan nila. Inisip niyang nakarating na dito ang mensahe niyang ipinaabot kay Sachi kaya marahil ay hindi na ito talaga nagpunta. Pinilit niyang umuwi sa pag-asang may Vince na naghihintay sa kaniya sa bahay at handang dumamay sa oras ng kaniyang pangungulila. Pero wala siyang Vince na nadatnan doon. Tinawagan niya ang binata pero patay ang cellphone nito. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang maghintay na lang sa silid na inookupa nito. “Umayos ka nga! Saan ka nanggaling at bakit ka nagpakalasing?” Bahagya niyang pinagtak

