"I.. I'm sorry.. pero bakit mo tinatanong sa'kin yan?" Mataman niya akong tinitigan. "I don't know. Baka dahil gusto kong malaman kung curious ka." Marahan akong tumawa habang nagpupunas ng bibig. Nagkalat ang kapeng galing sa bibig ko sa babasaging lamesa pero tila balewala lamang iyon kay Zeus. "Ako, curious? Bakit.. bakit naman ako maku-curious?" Pero ang totoo ay kinakabahan ako. At tama siya, ngayon na nabuksan ang ganitong usapan, totoong curious ako at may parte ng pagkatao ko ang gusto sagutin ang katanungan niya. "So, wala kang sasabihin?" Tanong niya ulit. Umiling ako ng sunod-sunod. Kahit naman pigilan ko siya alam kong sarili niya pa rin ang susundin niya at pagtatawanan niya lang ako sa bandang huli. "That's not for me to decide, matanda ka na at hindi ko sakop ang mga

