“Saan mo ba talaga ako dadal’hin?” Nagdududa na ako, matapos kasi namin maglakbay sa medyo madilim na lugar ay sasakay naman kami ngayon ng yate. “Just calm down, baka masira ang poise mo niyan kaiisip. Hindi ka naman siguro sasama sa akin kung wala kang tiwala,” tugon niya ng hindi man lang lumilingon sa akin. Maginoo niya naman akong inalalayan habang pasampa ng yate. Ilang sandali pa ay nasa biyahe na kami. Hindi mawala-wala ang kaba ko, kahit sabihin pang may tiwala ako sa kanya, hindi pa rin nawawala ang pagiging advance ko mag-isip. Kahit patayin niya ako dito, siguradong walang makakahanap ng katawan ko kapag inilaglag niya ako sa dagat at lagyan lang ng pabigat. “Hey, are you okey?” napapitlag ako ng maramdaman ang paghawak ni Zeus sa magkabilang balikat ko. Bakit niya naman

