Magulong buhay ang kinalakihan ni Zeus, lasenggero ang kanyang ama samantalang martir naman ang kanyang ina. Siya yung batang nais ng kapatid subalit natutuwa rin na hindi siya biniyayaan kahit isa dahil hindi tulad niya, baka danasin lang din nito ang lupit ng buhay. Walang araw na hindi nag-aaway ang kanyang inay at itay, palagi niyang nasasaksihan kung paano saktan at bugbugin ng kanyang walang kwentang ama ang kawawa niyang ina, walang partikular na oras dahil hindi naman natatapos ang araw na hindi lasing uuwi ang kanyang ama. Hanggang isang araw ay naging m****o ang pag-aaway ng dalawa, maging siya ay muntik ng mapagbalingan ng kanyang ama kaya naman doon pa lang nakaisip ang kanyang ina na itakbo siya at itago mula sa malupit nitong asawa. Sa isang pier siya dinala ng kanyang in

