Chapter 4

3136 Words
Akimara Pov. Maaga pa ako sa manok ng magising ako ng umaga, Ngunit hindi ko nagawang tumayo pag-gising ko, Ang pangyayari kagabi lang ay matinding kaguluhan ang dinulot 'non sa isip ko. May kahalikan siya kagabi ngunit hindi naman si ate iyon, Iyong mismong kaibigan ni ate na may sintonadong boses, Nagtataka talaga ako kung bakit sila ang magka-hagkan. Nilolok* ba ng thor na 'yun ang ate ko? Alas siete ng tumayo ako, Kanina pa lumabas si ate sa kwarto ngunit hindi ko na nagawang makipag-usap sa kanya, Ayokong magtanong ukol sa nangyaring iyon, baka bigla ay mag-away silang dalawa! Kasalanan ko pa, mas mabuti na lang sigurong isara ko ang bibig ko. Pababa na ako ng hagdan suot ang pantalon at simpleng tshirt papasok sa unibersidad, Nadatnan ko si mama na hinuhubad ang apron papalabas ng kusina, Salubong ang kilay niya na parang may mali na naman akong nagawa. "Saan ang punta mo?" nakita ko ang pag-silip ni ate sa pintuan ng kusina, may hawak itong tasa habang sinisimsim iyon. "Papasok ako.." "Aba't papasok ka kamo?" halatang nagtaka pa si mama sa sinabi ko, tuluyan ng lumabas si ate sa kusina at nakisama ng magtanong rito. "Pinapapasok kayo ngayon?" "Hindi, Natural lang na papasok ako, Sayang ang grado kung liliban.." halos magtunog sarkastiko ang tinig ko, Napangiwi pa si mama habang hawak ang apron. "Hindi ka naman napuyat kagabi di ba?" si mama, umiling ako. "Maaga akong natulog." "Anong petsa kahapon?" nagtatanong na naman siya, Ano 'bang problema kung papasok ako? "Biyernes.." tumango-tango ito, hindi ko pa rin makuha ang nais niyang iparating. "May klase kayo ng sabado?" si ate, nakabitin na ang paghawak nito sa tasa na tila naubos na ang iniinom na kape, napanguso ako ng maalalang sabado nga pala ngayon. "Hehehe." nagkamot ako sa ulo, nangiwi si mama dahil sa ginawa ko "Grabe, Napaka-sipag ko talaga, Akalain mo 'yun. Maging sabado ay hindi nagiging tamad ang katawan ko.." "Sus, Ang sabihin mo ay lutang ka lang.." nagtungo na si mama sa kusina, grabe kung makalutang si mama. "Bukas na ang alis ko, may lakad ka ngayon?" nilingon ko si ate ng magtanong ito, umiling ako, walang sinabi maliban doon. "Gusto mo 'bang mag tiangge?" pinag-pantay ko ang labi bago sumagot. "Hindi ko rin naman mabibili 'yung gusto ko kung sasama ako.." "Kung ganon ay ayaw mo?" "Ayoko, Isama muna lang ang boyfriend mo.." Nilagpasan ko siya, nag-papanggap na galit dahil sa hindi nito pagsabi sa' kin tungkol kay thor, Nobyo niya pala ang babaerong iyon. Ramdam ko ang presensya niyan pagsunod sa' kin, hindi pa man ako nakakatapak sa kusina ng bigla ay kurutin nito ang tagiliran ko, napahiyaw ako ng wala sa oras dahil sa hapding dulot 'non. "Aray ate, Ang sakit ha!" sinenyasan niya akong tumahimik, sumilip ito sa pintuan ng kusina na parang tinitingnan kung anong ginagawa ni mama. "Ano 'bang sinasabi mo?" hinarap ako nito, pabulong iyon ng sabihin niya. "Baka marinig ka ni mama aki, Akalain niya 'pang totoo ang sinasabi mo.." umarko ang nguso ko dahil sa sinabi niya. "Ayos na saking nagsikreto ka te, Huwag naman sanang mag-sinungaling ka pa, Ate naman! magka-sanggang dikit tayo noon pa man, tapos ngayon tumitiwalag ka na? Ganyan na ba talaga ang kagustuhan 'mo sa lalakeng iyon.." Sa haba ng sinabi ko ay tanging pagkunot ng noo lamang ang ginawad niya, tingnan muna hindi talaga makatanggi. "Aminin muna kasing boyfriend mo si storm.." "Aki!" pasinghal itong bumulong, hindi mapakali ng silipin niya si mama. "Hindi ko siya nobyo, ano ka ba!" "Sige, ate deny pa more.." "Pwedi ba, Iyang tinutukoy mo ay hindi ko nobyo, Matagal ko ng kilala si storm, At wala sa vocubularyo nito ang pagkakaroon ng isang relasyon.." hindi ko alam kung bakit bigla ay gumaang ang pakiramdam ko, kung ganon ay wala siya karelasyon ni isa. "Kung ganon ay ano ang lagay nila ng kaibigan mo?" Napailing ito "Chismosa ka rin eh, Huwag mo ng abalahin pang alamin.." nasa tangka na siyang papasok ng kusina nang muli ay humarap siya sa' kin, tumabinggi ang ulo nito kasama ang paniningkit ng mata. "Huwag 'mong sabihing natitipuhan mo si salazar?" "A-a-aaannooo?" "Hala aki, Nagkanda-utal utal ka ng babae ka!" "H-h-hhhindi ko siya g-gusto h-ha.." nag-iwas ako ng tingin, kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa pangangatal tuwing sasagot. "Sinasabi ko sa' yo, huwag ang lalakeng iyon, Kahit si tristan na lang ay pwedi na sa' kin, Huwag lang si storm.." "Ano 'bang sinasabi mo te.." "Tsk, Hes kinda womanizer aki, Chicks magnet, he always flirting with another girl and others.." kumunot na ang noo ko dahil sa nalaman, grabe namang katingiang meron siya, kung sabagay, aanhin niya pa ang kakisigang taglay kung hindi niya gagamitin. "Solid Tristan Cristobal ako.." sagot ko, ngunit ang puso ay isinisigaw ang pangalang storm salazar doon, Taksil na munting puso! Nasa hapag na kaming tatlo, amoy na amoy ko ang mabangong ulam na itinabi ni mama sa harapan ko, Nakangiti siya ngayon, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o talagang natauhan na si mama. "Gusto mo ba ng pritong manok, mara?" ayan na si mama, mukhang lalambingin na ang bunsong anak niyang kay ganda. "Opo ma, Akina iyong hita.." "Oh sige, Isang hita at pakpak sa bunso 'kong anak.." inilagay niya iyon sa plato ko, nakangiti ako ng i-abot niya pa ang masarap na sawsawang bote mismo sa' kin. Siguro ay maganda ang gising ni mama, dapat ay hindi ito mauntog man lang para hindi na magbago ang ugali niya ngayon. "Akimara Louise.." tinawag niya ako sa buong pangalan, naupo ito sa tabi ko, hinagod niya ang buhok ko pababa habang pinapapak ko ang paboritong manok. "Po, ma?" "Wala 'kang pasok ngayon hindi ba?" "Wala ho.." Tumango ito, nakangiti pa rin "Ikaw muna ang nakatoka sa paglalaba ngayon, ang mga hugasin ay hindi naman gaanong karamihan katulad ng kagabi, Iyong banyo ay binabaran ko na ng pampaputi, ikaw na lang ang bahalang maglinis doon.." "Mama!" hindi ko na nagawang lunukin ang balat na nasa bibig ko, kaya pala ang lambing sa' kin ay may kailangan! Grabe si mama, Ang daming todo list na pinapagawa. "Tutungo kami ni xiomara sa tiangge, mamimili ako ng kurtina at tela na gagamitin sa bahay.." "Tsk, Si mama talaga.." nawalan na ako ng ganang kumain, kung alam ko lang na ako ang maglalaba ngayon ay hindi na ako pumasok kahapon, edi sana ay natapos na lahat ng labahing meron kami. "Ibibili kita ng kulay kremang bistida.." "Naku, Huwag na ma, kung sa ika-labing walo ko pa lang iyon masusuot ay wag na.." "Ikaw ang bahala.." mabait pa rin ito ngayon, palibhasa ay pinapa-amo ang anak na inuutusan. "Bibisitahin namin ang lola mo, baka hapon na kami makaka-uwi.." "Sige ma, gawin niyo na ang dapat niyong gawin, magiging alipin ako ng sarili 'kong bahay.." natawa si ate dahil sa sinabi ko. "Ngayon ka lang naman nautusan aki, Huwag ka ng mag-emote.." "Tsk, Sisimulan ko ng paikutin ang marurumi at ng matapos ako ng maaga, Naku! Condolence sa kamay 'kong walang kasing ganda.." Nasa likurang bahay ako, nagbihis na muna ako ng pambahay na damit bago umpisahan ang paglalaba, Inipon ko sa mataas na pusisyon ang buhok at minsanang itinali iyon. Kanina pa naka-alis sila mama, Solong-solo ko ang bahay kung tutuusin. Ilang oras na ng matapos ako sa pagbabanlaw, alas diyes na ng kasalukuyang nagsasampay ako ng mga kumot, Napaka-init ng sinag ni araw, hindi kaya mangingitim ako rito. Bakit ba pinaparusahan ako ni mama sa kapagurang paraan? Susuyuin pa ako sa bistida na hindi ko naman masusuot. Napapailing ako, hindi ko naiwasang kumanta at sumipol habang tinatapos ang nahuhuling pagsasampay, Isinabit ko ang kumot, sa pagkakanta ko ay bigla akong nakarinig ng pagsipol, Nilingit ko ang paningin, wala namang tao. Nagpatuloy ako sa pagsampay, hindi na inabalang pansinin pa kung ano iyon. ?Minamasdan kita, Nang hindi mo alam? ?Pinapangarap ko'y ikaw ay akin? ?Mapupulang labi, Matitingkad 'mong ngiti? "Thor?" umiling ako kasabay ng pagbaba sa kargang timba, parang nababaliw na ako, naririnig ko ang boses niya kahit wala naman siya rito. ?Umaabot hangga sa langit....? "Hala!" kinurot ko ang pisngi, nasisiraan na ako ng bait. "Mara!" tumingala ako sa pader na bakod kung saan naroon ang boses na tumawag sa' kin, napamaang ako ng makita ang lalakeng kanina lang ay naririnig ko ang boses "GoodMorning, mara.." "A-aanong g-gginagawa mo d-diyan?" tinuro ko ito, bakit narito siya sa likurang bahay? "Im here to get some fresh air.." nangunot ang noo ko, tumingin ako sa gilid kung saan nakatanim ang puno ng bayabas, Paano magkakaroon ng sariwang hangin rito kung iisang puno lamang ang nakatayo. "Paano ka napadpad sa likuran, hinahanap mo ba si ate?" "Hindi.." bumaba ito sa pagkakasampa, nakasando lamang ito at isang simpleng short. "Napadaan lang ako, Pauwi na ako galing pag-eehersiyo ng makarinig ng pagkanta.." "Uh?" "Ang ganda ng boses mo.." itinikom ko ang bibig, nagpipigil ng ngiting nais kumawala doon. "Talaga?" "Oo, Kasing ganda mo.." tuluyan na akong nangiti, ang isang tuksong kagaya niya ay hindi maganda sa kalusugan ng puso ko. "Maari ba akong humingi ng maiinom?" "O-oo, S-sandali lang.." ang isip ko'y sinusuway ang kilos na ginawa ko, ngunit ang katawang tao ko ay siya mismo ang nagkukusang gawin lahat kung anong nasa puso ko. Nasa kusina na ako, inilabas ko ang pitsel sa ref at kumuha ng baso, Nagmamadali akong maglakad palabas ng bigla ay mahinto ako sa taong naka-abang mismo sa pinto. "Wala ka yatang kasama?' "W-wala.." tumango ito, inabot ko ang baso rito ng masalinan iyon. "Salamat.." hindi ito umalis sa harapan ko, inubos niya iyon na halos nakatitig lang ako sa mukha niya, nahuli pa ng mata ko ang pagbabasa ng kanyang labi nang i-abot nito ang walang lamang baso. "May itatanong ako.." nag-angat ang dalawang kilay ko, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "May nobyo ka na ba?" "A-aako?" ngumiti siya, dalawang beses na tumango. "W-wwala pa.." nag-iwas ako ng tingin, bakit niya tinatanong? Akala ko ba'y wala sa salita niya ang pakikipag-relasyon? "Hm, Yayain sana kita mamaya, may liga sa kabilang baryo, Masaya doon.." "Mamayang gabi?" "Oo, Hihintayin kita ha.." tumalikod na ito, mabilis 'kong inilapag ang baso at pitsel sa lamesa ng dumaan siya sa likurang bahay. "Thor, sandali.." naabutan ko siya malapit sa pintuan, "Hindi ako papayagan ni mama.." "Magagawan mo iyan ng paraan.." ginulo nito ang buhok ko, nahulog ang taling gamit ko sa biglaang ginawa niya. "Hihintayin kita sa butarol.." pinisil nito ang pisngi ko, wala na akong nasabi ng mabilis itong umakyat sa bakod at mawala na lang na parang bula sa paningin ko. Ang pisnging pinisil nito ay hinawakan ko, Nais 'kong tumili dahil sa kilig na bumabalot sa' kin. Grabe! Niyayaya niya akong lumabas mamaya? Sh*t! Paano ako makakatakas kay mama? Natapos ang trabaho ng hindi ko namamalayan, hindi mawala sa isip ko kung gaano kapula ang labi niya kanina, nakakatukso, ang mga mata nito'y nag-susumigaw ng kaakitan sa bawat pag-kurap, Mawawalan ka talaga sa sarili kung nakaka-usap mo siya. Para na akong baliw na nangingiti habang tinitingnan isa't-isa ang damit ni ate, Wala siya ngayon, makakapili ako ng nais 'kong isuot mamayang gabi. Maisusuot ko ang kulay mustard na bistidang meron siya, Grabe! Hangga ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kilig na dinulot niya sa' kin, Gustong-gusto ko na talaga siya! Hindi naman sa lahat ay magiging playboy ang isang lalake, malay ko ba kung ako na mismo ang makapag-bago sa ugaling meron siya. Sumapit ang alas'sais ng gabi ay doon pa lang nakauwi sila mama, dahil pagod at galing biyahe ay hindi na nila nagawang kumain. Laking pasasalamat ko ng maaga rin silang natulog, Siguro ay makakaalis ako ng hindi nila nalalaman. Grabe! Sa tanang buhay ko ay ngayon ko pa lang ito gagawin, Sa isang bahay rin namin dito sa laguna ay hindi ko nagagawa ito, Naroon si papa at masyado strikto iyon pag dating sa galaan, kaya ang nangyayari ay taong bahay lang kami ni ate. Ngayon nga lang nakawala si ate sa bahay, at bukas ay babalik na siya sa puder ni papa. Si mama at papa ay seperado na ng bahay, hindi maayos ang relasyon nila kaya pinagka-sunduan nilang dalawa na maghiwalay na, Napag-desisyon rin nila na kay mama ako sasama at si ate ay maiiwan doon, Nakakalungkot nga ang nangyari sa pamilyang meron ako. Kung ako man ang magkakaroon ng sariling pamilya ay hindi ko papayagang maging broken family kami. Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa bahay, Dahan-dahan akong lumabas upang walang maiwan na tunog sa bawat hakbang ko. Malawak pa sa espayo ng quadrangle ang ngiti ko ng makatapak sa bungad ng bahay. Hindi ko kinandado ang pintuan at bahagya lang iyon isinara, Sana ay hindi nila mapansing nakabukas ito, Malalagot talaga ako ka'y mama kung nagkataon. Lumiko ako patungong likuran, Ang tinutukoy nitong butarol ay malapit sa simbahan. Malaking upuang bato iyon na pinalilibutan ng dalawang puno ng balete, Madilim sa daan at tanging kulay dilaw na ilaw sa poste ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko. Narating ko ang lugar na sinasabi niya, nilibot ko ang tingin sa harapan ngunit wala ito. Hindi kaya pinagtitripan niya lang ako kanina? Napanguso ako ng dumaan ang simoy ng hangin sa katawan ko, niyakap ko ang sarili ng maramdaman kung gaano kalamig sa kinatatayuan ko. Balitang balita pa naman na may naninirahang kapre sa mga balete, hindi kaya bigla ay magpakita na lang siya sa harapan ko. Kinalibutan ako sa sariling naisip, makaka-alis na nga, Bakit ba nagpapalok* ako sa manlolok*? Tumalikod na ako, balak na umalis nang bigla ay may humarurot na mutor palagpas sakin. Nahinto ako at sinundan iyon ng tingin, akala ko'y napadaan lamang siya, ngunit ng lumiko ito pabalik ay nataranta akong umatras sa daraanan niya, napaupo ako ng wala sa oras sa batuhang katabi ko. "S-sino ka?" tanong ko, hindi ko makilanlan ang katauhan niya, nakasuot ito ng helmet at leather jacket na itim. Hindi kaya riding in tandem ito? Sh*t, Oh my god! Pinatay nito ang pagkaka-andar ng mutor, bumaba siya kasabay ng paghubad sa helmet na suot, Nanliit ako ng lumapit siya sa' kin. "Kanina ka pa?" nakangiti ito ng magtanong, nagulo ang buhok niya dahil sa suot na helmet kanina, akala ko kung sino na, muntik na akong tumakbo kanina lang. "Hey, are you okay?" wala sa sariling tumango ako, hindi ako makapag-salita dahil sa ayos niya ngayon, nagpa-porma ba siya dahil sa' kin? Naku mara, napaka-assuming mo! "Tara na?" tumango ako, tila'y natutop na ang bibig ko at hindi makapag-salita. "Halika, Isusuot ko ito sa' yo.." tuluyan siyang lumapit sa' kin, ini-angat niya ang helmet at isi-nuot iyon mismo sa ulo ko. Agad 'kong binuksan ang salamin nito ng masuot niya iyon. "Paano ka?" "Huwag mo akong alalahanin, Ikaw ang sakay ko, Magandang safe ka.." Kinagat ko ang dila ng sabihin niya iyon, grabe ang lalakeng ito, pa-fall masyado. "Halika na, alis na tayo.." "Iyan ang sasakyan natin?" itinuro ko ang mutor nito, nakangiti siya ng tumago sa tanong ko. "Bakit, hindi ka ba kumportable?" "H-hindi naman, ito pa lang kasi ang unang beses na sasakay ako sa mutor.." natawa siya, ang ngiti niyang iyon ay nagdudulot ng kabaliwan sa ulirat ko, paano ko hindi hahangaan ang perpektong ngiting meron siya? "Wala ka 'pang karanasan?" "H-haa?" muntik pa akong mabulunan ng itanong niya iyon, ang isip ko'y unti-unting nagiging berde dahil sa dumi ng utak ko. "Ito ang unang beses mo?" "O-oo.." "Kung ganon ay napaka-swerte ko at ako ang una mo.." tuluyan ng lumipad ang isip ko sa mahalay na senario, kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa sinabi niyang iyon. Mutor ang pinag-uusapan mara, Mutor! "H-hehehe, Oo nga.." nag-iwas ako ng tingin, walang hiya! Nakita ko ang pagtango niya, Nang makabawi ako ay doon pa lang ako bumaling dito, nakasakay na ito sa mutor. "Sakay na.." hindi na talaga humupa ang kaba ko kanina pa, para na akong maiihi sa kilig dahil sa ginagawang ito ni thor sa' kin. Umapak ako sa footrest, Ini-angat ko ang katawan at tuluyan ng naupo sa mutor nito, Napaka-laki niya talagang lalake, nanliit ako sa likuran nito habang pinapa-andar niya ang mutor. Ito pa lang talaga ang unang pangyayaring sasakay ako sa sasakyang ito, sana ay maging maganda naman ang kahahantungan mamaya. At dahil mutor ang gamit namin ay agad kaming nakarating sa destinasyon na pinuntahan, Napaka-daming tao sa magkabilaang kalsada, hindi ko alam na may ganitong ganap sa baryo camachiles. Ito ang lugar ni tristan, Dito rin kami pumunta noon. "Anong meron dito?" tanong ko ng mahubad ang helmet, ini-abot ko iyon sa kanya. "Ang daming tao.." "Fiesta lapurisima sa darating na akinse.." sagot nito, tumago ako dahil sa nalaman."Buong setyembre ipagdiriwang iyon, bukas na ang fiesta.." "Kaya pala may ganitong ganap.." "Oo, gabi-gabi ako rito, Sampong araw na ng iraos ang kasiyahan.." napanguso ako, bakit hindi ko man lang nabalitaan na may ganito? Si beka kaya ay may ideya na? "Sayang naman, kung hindi mo sinabi ay hindi ko alam.." nangiti siya sa sinabi ko, hindi ko alam kung saan at ano ang itinatawa niya, may dumi ba ang mukha ko? "Napaka-marikit mo kung magsalita, Ang cute mo.." "H-hahahah, ang galing 'mong magbola.." nagkamot ako sa ulo, nakarami na ng kilig points ang lalakeng ito. "Hindi kita binobola, sa totoo lang ay may naalala ako sa' yo.." Napanguso ako. "Sino, nobya mo?" "Wala akong nobya.." mabilis pa sa sagot nito ang pagkislap ng mga bituin ngayong gabi, bakit ko nga ba biglang siningit iyon. "Sa gwapo 'mong iyan, imposible.." nag-iwas ako ng tingin, napaka-lapastangan talaga ng dila ko. "Hahaha, Wala nga, Sa totoo lang ay may natitipuhan ako ngayon.." sumulyap ako rito, nakatitig ito sa' kin ng mabalingan ko siya, Pinilit 'kong hindi magmukhang interesado ng sandaling ito. "Ganun ba, ang swerte niya naman.." "Oo, Mas maswerte ako kung malaman 'kong may gusto siya sa' kin.." Tsk, ang swerte naman kung sino iyon. "Ngunit hindi ko alam kung gugustuhin ko siya o hahangaan na lang, nag-dadalawang isip din ako kung liligawan ko siya at kakaibiganin.." "Bakit naman?" "Hindi pa ako sigurado, masyado siyang bata sa paningin ko.." nag-iwas na ako ng tingin, kung ganon ay bata pa lang ang natitipuhan niya. Huh, bata pa rin naman ako. Hindi kaya ako iyon? Hala, assuming na naman ako! "Pumasok na tayo sa loob, nasa Ika-dalawang quarter na ang laro.." "Ang bilis naman?" "Oo, Nariyan si tristan sa loob..' "Ha, Manlalaro si cristobal?" nakita ko ang pag-arko ng labi niya, ang titig nito ay tila nag-iba ng banggitin ko iyon. "Mukhang interesado ka kay tristan.." "H-hindi naman, hinahangaan ko siya, kaso noon iyon.." "May hinahangaan ka, At siya iyon?" tumango ako, nag-iwas ito ng tingin paharap. Napanguso ako ng balingan niya ang mga babaeng napapadaan sa gawi namin. Kung alam mo lang ay mas ikaw ang taong hinahangaan ko sa ngayon. ____ To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD