Akimara Pov.
Salubong ang kilay ko habang nakaupo sa mahabang upuan, Nag-iisa 'kong pinapanuod ang mga manlalaro ngayong gabi. Ang kasama ko'y nag-paalam na aalis lang saglit, ngunit ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Kung iiwan niya rin naman ako rito ay hindi na sana siya nagyaya pa, Sayang naman at tinakasan ko pa si mama.
Bumuntong hininga ako, Kinukutkot ko ang laylayan ng bistida ng may bigla ay lumapit sa' kin. Nangunot ang noo ko ng makilala ito.
"Mara, Sinong kasama mo?" naupo siya sa tabi ko, ang unipormeng suot niya ay nahahawig lang sa manlalarong kulay asul, Ka grupo ito ni tristan iyon lang ang masasabi ko.
"Si thor.." matabang na sagot ko, iniwas ko ang tingin ng magtaka ito.
"Nasaan siya?"
"Hindi ko alam.."
"Huh, Iniwan ka ng lalakeng iyon dito?" lumabi ako, hindi makatingin sa kanya. "Iniwan ka niya sa kumpulan ng mga kalalakihan?"
"Babalik rin naman siya.."
"Tsk.." tumayo ito sa harapan ko, nakangiti siya ng balingan ko ito ng tingin. Ang lalakeng ito ay ubod ng kulit, Nalalayo ang ugali niya sa kuya niyang ubod ng kay sungit.
"Sige na tyler, Doon ka na sa mga ka-grupo mo.." ani ko, itinataboy siya paalis.
"Hindi, halika doon ka, Hindi kita iiwan dito." hinawakan nito ang kamay ko, napatayo ako ng wala sa oras dahil sa paghila niya patakbo paalis doon.
"T-teka sandali, baka hanapin ako ni thor.." nilingon niya ako saglit.
"Paano ka niya hahanapin? Iniwan ka niya doon at ni hindi man lang sinama sa pupuntahan niya.." naiiling itong nagpatuloy sa paglalakad, nang marating ang pwesto ng grupo nila ay ini-upo niya ako sa pinaka-gitnang pwesto.
"Mabuting dito ka na lang maupo.." tumango na lang ako, wala ng magawa dahil kukulitin lang ako ng binatilyong ito.
"Uyy, Si tyler, Jowa mo si hernandez?" binalingan ko ng tingin ang mga ka-grupo niya, pinaglapat ko ang labi dahil halos mga kilalang senior ang naroroon.
"Magka-sintahan ba kami kung titingnan?" pinangunutan ko ng noo ang lalakeng ito, grabe siya. "Hahahaha.." tumawa siya ng makita ang reaksyon ko, nagkakamot ng ulo habang nakasulyap sa grupo.
"Hindi, may ibang natitipuhan si mara.."
"Mukhang alam na namin kung sino iyan.." sagot ng nakakatandang senior, ganun na ba kahalatang hinahangaan ko si tristan? Kung sabagay ay lagi akong nasa departamento nito noon.
Hindi na umimik ang binatilyo, naupo ito sa tabi ko ng nakatingin sa' kin. "Pag-pasensyahan mo na sila.." nangiti ako.
"Ayos lang, sanay na ako.."
"Talaga? Gusto mo 'bang tawagin ko si kuya?"
"Hala, Tumahimik ka nga.." sumulyap ako sa gitna, kasalukuyang mainit ang laro ng magka-bilaang grupo, nasa 3rd quarter na ang laro at nalalamang ang team nila tristan.
"Sandali lang 'yan, gaganahan ito pag nakita ka.." tumayo siya, hindi ko inaasahan ang pagtangkan pag-sigaw nito.
"Kuya!" luminga si tristan sa gawi namin, paatras itong tumatakbo dahil naka-three points siya ngayon lang, nang makita ako nito ay biglang kumunot ang noo niya, hindi ko maiwasang mapalunok ng magtama ang mata namin, bakit ba lagi ay napaka-sama niya kung tumingin.
"Narito si mara!" itinuro ako ni tyler sa ulo, napanguso ako ng mag-iwas ng tingin ang kuya, napaka-kulit naman kasi ng lalakeng ito.
"Tyler, maupo ka nga!" hinila ko ang damit niya upang maupo ito, masyado siyang agaw atensyon sa mga manunuod.
"Hahaha, bakit ba?"
"Nakakahiya.."
"Sus, Alam naman na ni kuya ang pagtingin mo.." hindi ko maiwasang paglakihan ng mata dahil sa sinabi nito, natawa siyang muli ng makita ang reaksyong meron ako.
"Sinabi mo?!"
"Oo, Alam mo, hindi malalaman ng taong natitipuhan natin ang nararamdaman mo kung walang magsasabi, Sayang naman iyang pagtingin mo kung ibabaon mo na lang sa puso.."
Napahilamos ako sa mukha, inaasahan ko ng magdadaldal ang isang 'to. Paano ba naman noong isang araw, noong nasa library kami ni beka at nag-uusap ukol kay tristan at sa paghanga ko rito, hindi sinasadyang narinig niya iyon. Kaya ang ending ipinag-kalat niya na sa mga senior ang walang hiya.
Kung tutuusin ay magka-sing'edaran lang kami, pareho kaming nasa 2nd year ngunit magka-iba lamang ang kursong meron kami. Gwapo rin siya kung titingnan, hindi nalalayo ang hawig nito sa kuya. Ngunit dahil nakakatanda si tristan ay mas lamang ang kagwapuhang meron siya.
"Sumasakit ang ulo ko sa' yo.." nasabi ko na lang, hindi mawala ang pagkakangiti niya hangga sa tawagin sila ng kanilang coach.
Naku lang, alam na pala ni tristan na may gusto ako sa kanya. Paano na niyan, noon pa iyon. Hindi na ngayon!
At sa thor na tumitibok ang puso ko, nilingon ko ang ulo. Pilit umaasa na nariyan lamang si thor at nakikipag-usap sa gilid, ngunit ng wala akong makitang bakas niya ay yumuko na lamang ako hangga sa mag-ingay ang buzzer sa buong coart senyales na tapos na ang ikatlong quarter ng laro.
Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa paa, Ang lalakeng iyon ay nawala na lang bigla, hindi kaya umuwi na siya at iniwan na ako rito? Bakit hindi siya nagpaalam at ng hindi na ako nagmumukhang tanga rito.
"Anong ginagawa mo dito?" nag-angat ako ng tingin sa nagsalita, lumaki ng bahagya ang mata ko ng makita si tristan na nakatayo sa harapan ko. May hawak itong mineral na nangalahati na ang laman, pawis na pawis siyang nakatingin sa'kin.
"Nanunuod.." muli ay nangunot ang noo niya, kailan pa ba naging maayos ang mukha nito, mabuti na lang at gwapo siya, hindi nakakasama ang pagkunot-kunot niya ng ganito.
"Gabi na, ngunit narito ka pa sa kabilang baryo.." pinaglapat ko ang labi dahil sa kaseryosahan ng tinig niya, Bakit ba? Wala namang mali sa ginawa ko.
"Sinong kasama mo?" muli ay nagtanong siya, kasalukuyan ng nakaupo ang mga ka-team nito sa tabi namin, hindi ko maiwasang mailang dahil nasa amin ang mga paningin nila.
"Si t-thor.." turan ko, lalong naging masama ang tingin niya ng sabihin ko iyon.
"Why are you with him?"
"Inimbitahan niya ako.."
"Then you agree on him?"
Napanguso ako, "Why not?"
"Tsk, Halika, Ihahatid na kita.." hinawakan ako nito sa kamay, hindi ko napag-handaan iyon kaya halos magulat ako.
"T-teka lang.."
"Hindi magandang ugaliin ang pagpupuyat t'wing gabi.." nais 'kong matawa dahil sa sinabi niya, ngunit dahil sa sobrang seryoso niya ay hindi ko magawang mangiti.
"Dati naman na akong nagtutungo rito ha.."
"Na nag-iisa?"
"H-hindi, ngayon lang naman.." naiiling ito sa sinabi ko, bago ko pa man masundan iyon ay hinila na ako nito patayo paalis sana sa kinatatayuan niya.
"Sandali lang.." hindi pa man kami nalalayo ng bigla ay may humawak na sa kabilang kamay ko, nilingon ko iyon, At halos ikatuwa ko ng makita ang lalakeng hinahanap ko kanina lang.
"Thor.." ani ko, binalingan niya ako ng panandaliang tingin bago muling humarap kay tristan.
"Saan mo balak dalhin si mara?"
"I-uuwi ko na siya.." sagot nito, ni wala man lang kagatol-gatol. "Bitawan mo ang kamay niya.."
"Ako ang kasama niya rito, Ako ang may karapatang ihatid siya.."
"Hindi ko tinatanong ang karapatan mo, Sa totoo lang ay kaso na ang ginagawa 'mong ito.." natawa si thor dahil sa isinambit ni tristan, hindi ko maiwasang mahiya dahil sa matang nakatingin sa' min.
"Pinapairal mo na naman ang pagiging attorney mo.." ngumisi siya, nang-aasar "Wala ka pa man napapatunayan, akala mo'y sino ka na.."
"Kumpara sa isang katulad mo ay lamang ang kagaya ko.." hindi mawala-wala ang sagot ni tristan, lagi naman siyang may sagot, Nagdi-debate na ba ang dalawa?
At ako ang nasasakdal? Tang*na! Anong eksena? Wala 'bang husgado dito at ng matigil na ito.
"Sa anong paraan ang nilamang mo?" hindi pa rin mawala ang nang-aasar na tinig ni thor, "Mapera ka lang, iyon ang lamang mo.."
"Hindi iyon ang binabase ko, Kung wala ka ng ibang mabiktima ay huwag si mara ang isusunod mo.."
"Napaka-sama ng iniisip mo sa' kin, tristan." nanatiling mahigpit ang hawak nila, walang nagpapa-ubayang kumawala, Masyado na yatang mahaba ang buhok ko at pinag-aagawan ako ng dalawang gwapong senior. "Parang wala tayong pinag-samahan.." dagdag na ani ni thor, ni hindi nagpakita ng interest ang kausap sa isinambit nito.
"Just let her hand go.." iyon lamang ang tinugon ng binata, napalunok ako ng wala sa oras nang bumaling sa' kin si thor, hindi ko makumpirma kung anong nais niyang ipahiwatig sa titig niyang iyon. "Bitawan mo siya, storm.." hinila ako ni tristan, Hindi ko inakalang ganun na lang kadaling bitawan ni thor ang kamay ko sa oras na ito. Nang sandaling mabitawan niya iyon ay agad na akong hinila paalis ni tristan sa cover coart na halos magbulungan ang mga tao 'roon.
Nanlulumo ako habang tinatahak ang daan palabasa, Naguguluhan ako kung bakit tinatrato ako ng ganito ni thor, bakit niya ako inimbita sa ganitong okasyon? Higit na maraming hahangad sa gabing makasama siya, bakit ako pa ang naisipan nitong yayain ngayong gabi.
"Nakalimutan muna ba ang nangyari kagabi?" huminto kami sa itim na kotse, binitawan ni tristan ang kamay ko ng magtanong ito. "Bakit ba pilit 'kang nakikihalubilo sa lalakeng iyon?"
"Wala naman akong nakikitang masama.."
Pinaglapat niya ang labi, tumuwid ng tayo "Hindi ba nakita mo ang eksena kagabi lang, sa tingin mo, Anong intensyon sa' yo ni salazar?"
"Nakikipag-kaibigan siya, iyon lang.."
"Tsk.." nag-iwas ito ng tingin, halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko "Hindi iyon ang pakay ni thor, hernandez." Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang nakatingin ng diretso dito, ano ba ang nais niyang iparating?
"Hindi magandang pakisamahan ang lalakeng iyon, mara. Binabalaan na kita.."
"Napaka-judgemental mo naman.."
"Nagsasabi ako ng totoo.." binuksan niya ang pintuan ng kotse "Higit na kilala ko siya kesa sa' yo.." sinenyasan niya akong sumakay, napapanguso ako at hindi maiwasang sumulyap sa iniwang lugar sa loob, ni hindi man lang niya ako sinundan.
"Sakay na.." wala na akong nagawa ng oras na ito, naupo ako sa passenger dala ang bagsak na balikat, siya ang kasama 'kong tumungo rito ngunit iba ang kasama 'kong uuwi. Akala ko'y magiging maganda ang unang karanasan ko sa mutor niyang iyon.
Mali pala ang inakala ko.
Ilang minuto lang ng maihatid niya ako sa baryo alitaptap, Nanatili ako sa loob dahil sa malalim na iniisip, Kahit sino yata ay hindi mababasa ang laman na isip ko dahil sa sobrang lalim nito. Ngunit ang konsensyang meron ako ay pilit isinisigaw na huwag ko na siyang pagtuunan pansin, ang isang katulad ko'y hindi niya pag-aaksayahan ng oras, kaya niya akong bitawan kahit ano man ang sitwasyon.
"Bakit dito mo pinahinto ang kotse?" napukaw lamang ako ng magsalita si tristan, kay aling rusing ko pinaparada ang kotse, hindi pwedi sa bahay dahil takas tahanan lamang ako.
"Para safe.." nagsalubong ang kilay niya, hindi na naman nagustuhan ang isinagot ko.
"Hindi ka nagpa-alam, iyon ang tamang sagot.." naiiling siya, binuksan nito ang pintuan niya at umikot papunta sa pwesto ko. "Umuwi ka na.."
Lumabas ako, matamlay pa sa bagong gising "Paano iyong laro mo?"
"Makakabalik ako roon sa tamang oras kung bibilisan mo ang kilos mo.." napangiwi ako, bakit ba ubod ng suplado ang gwapong ito.
"Salamat sa paghatid.." ani ko, puno ng kasarkastiko ang tinig.
Umirap pa ang masungit, Pabagsak nitong isinara ang pinto at agad sumakay sa driverseat, Nagkibit-balikat na lamang ako ng mabilis niyang paandarin ang kotse paalis, Grabe! Kung iyong isa ay naka-mutor, Ito namang suplado ay naka-kotse.
Sana all may apat na gulong na sasakyan.
Naglakad na ako pauwi, tahimik na sa kalsada at halos mga tahol ng aso ang naririnig ko, Dahan-dahan 'kong pinihit ang pinto pabukas. Kung paano at ano ang naiwan 'kong katahimik ay ganun rin ang nadatnan ko ngayon, hindi ko lubos maisip na nagawa 'kong umalis ng hindi nila nalalaman, Bilib na talaga ako sa sarili ko. Ang sarap ko lang sampalim dahil nagawa ko iyon saalang-alang kay storm salazar, Lecheng paasa!
Nang makapasok ay diretso ako sa kwarto, Mahimbing ang tulog ni ate at ni hindi man lang napansin ang pamamalit ko ng damit, itinapon ko ang pinalitang bistida sa basket, Sayang nag-effort pa naman akong magpa-ganda. Nakakainis!
Pabagsak akong nahiga sa kama, Itinuwid ko ang paa habang nakatingin sa itaas ng doubledeck, Ang walang hiya, isinama ako roon tapos ay binalewala lang ako. Pambihira siya!
Dumapa ako, pilit winawaksi ang eksenang nangyari lang kanina, sana bukas ang maging okay lang ako.
**********
Kinabukasan....
Pakiramdam ko'y pumikit lang ako sa saglit ay umaga na, naririnig ko na ang huni ng mga ibon na nang-gagaling sa labas. Bakit parang hindi man lang ako nakatulog, kung sabagay. Napaka-late na ng dalawin ako ng antok, kasalanan lahat ito ng storm na iyon.
Kung maayos niya sana akong nai-hatid ay walang kasing-ganda ang gising ko. Hindi sana nagluluksa ang munting puso ko na tinamaan sa kanya.
Paasa! Paasa!
Tinabunan ko ng unan ang mukha, nais ko 'pang matulog ngunit gising na gising ang diwa ko, Gusto 'kong humilata buong maghapon, Mas magiging maayos ang araw ko kung kumot at unan lang ang kasama ko, hindi pa ako aasa.
Pinikit ko ang mata, Nasa punto pa ako ng pag-iisip ng bigla na lang may nag-ingay sa bintana. Ipinag-sawalang bahala ko lamang iyon dahil baka ligaw na bato lang ang tumama, Ngunit ng sunod-sunod na ingay ang narinig ko ay kunot noo akong umupo sa kama.
"Ang aga nambubulabog!" asik ko, tumayo ako sabay tingin kay ate, nauna pa akong nagising sa kanya? napaka-haba naman ng tulog niya, Anong meron?
Nilingon ko muli ang bintana ng may marinig na pagbato doon, salubong ang kilay ko sa inis at agad binuksan ang bintana patungo sa likurang bahay.
Ang kaninang salubong 'kong kilay ay unti-unting nagpantay, ang yamot 'kong umaga ay tila naging masigla kung daramdamin mo. Ang walang kulay na paningin ko ay parang nagkaroon bigla ng magagandang kulay, Napaka-OA Ko kung iisipin pero ito ang naramdaman ko dahil sa nakita ko ngayon.
"Magandang umaga!" sumigaw ito, aligaga 'kong nilingon si ate dahil baka marinig siya bigla. Nang makitang payapa pa rin ang tulog nito ay muli ko siyang sinulyapan, Nakasampa siya sa itaas ng bakod. Bakit ba napaka-husay nitong umakyat diyan?
"Ssshhh!" pinapatahimik ko ito gamit ang hintuturo, nangiti lang siya bago ako senyasan bumaba sa kinauupuan niya. Kinagat ko ang dila sa loob dahil narito na naman ang mapang-akit na lalake.
Kahit anong suway ng isip ko'y kusa parin naglakad ang mga paa ko palabas ng silid. Bumaba ako sa hagdan at agad hinanap si mama, Baka bigla ay mapadpad ito sa likod mayayari talaga ako ng wala sa oras.
Malinis ang sala sa paligid, Naka-apak na ako sa harap ng tv habang pinapakinggan ang ingay sa kusina, naroon siguro si mama at naghahanda ng agahan, Salamat naman at abala siya ngayon.
Nag-martsa na ako patungong likurang bahay, hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaba ni thor sa bakod para salubungin ako.
"Kumusta ka?" nakatingala ako rito ng lumapit siya, naka-puting tshirt siya at simpleng maong pants na nagbibigay gandang lalake sa kanya.
"A-ayos lang naman ako.." naguguluhan man ay sumagot ako, anong nangyayari sa kanya?
"Anong ginawa ng tristan na 'yon sa' yo?"
Mukhang alam ko na kung bakit nagkaka-ganito ito, iyon pala ang tinutukoy niya.
"Ini-hatid niya lang ako kagabi.."
Tumango ito, hindi na nagtanong pa. "Pasensya na sa nangyari, hindi na kita nagawang ihatid.."
Pinaglapat ko ang labi, "Wala iyon.." ani ko, wala naman akong karapatang sumbatan siya, Kusa akong sumama at pumayag na dalhin niya ako roon, Sa akin ang pananagutan kung sakali.
"Hindi ko alam na aakto ng ganoon si tristan, Magkakilala na ba kayo?"
"Magkakilala kami, ngunit hindi naman masyadong magkasundo.."
"Kung maka-asta siya kagabi parang may ginagawa akong masama sa' yo, Masyadong weirdo ang lalakeng kagaya niya..." natawa ako dahil sa tono ng pananalita niya, Pero may punto siya, weirdo pa sa lahat ng weirdo ang cristobal na iyon.
"Sa susunod na maki-alam pa siya ay hindi ko na siya aatrasan, pasalamat na lang ang lalakeng iyon at nandoon ka.." napanguso ako, bakit ba bigla ay nagkaganito ang ugali niya sa' kin, nakikipag-close ba siya?
"Nga pala, Buti napunta ka rito?" nag-iba ang ekspresyong meron siya kanina ng itanong ko ito, kumalma na iyon hindi katulad 'nung umpisa.
"Sinadya talaga kita para kamustahin.."
"A-ako?" para pa akong wala sa sarili habang nakaturo sa dibdib ko, ako talaga ang pinuntahan niya? Aba't baka hanap-hanapin ko ito araw-araw.
"Oo, Aalukin sana kitang samahan akong mag-simba.."
"N-ngayon?"
"Oo, fiesta ngayon hindi ba?"
"Sa bayan ba?" tumango ito, nasa ganitong pang-yayari na naman ako. Papayag ba ako o papayag? Lintek na pag-pipilian halos papayag lahat.
"Hihintayin kita sa butarol mamaya, Mag-paalam ka sa mama mo ha?" tumakbo na ito, hindi pa man ako nakakapag-salita ng umakyat na siya sa bakod na parang pusa lang, grabe hindi pa man ako um-oo..
Ibang klase, Sa butarol na naman ang kitaan?
Ang hilig niya talaga sa patagong lugar.
kagat ang mga daliri ay pumasok na ako sa loob, nag-iisip kung pupunta ba ako o hindi? Ngunit gusto 'kong lumabas kasama siya, Pupuntahan ko na ba?
Hay! Ano ba iyan, Isang araw na katangahan na naman ang pinapairal ko, Pero hindi rin naman ako papatahimikin ng kalandian ko kung mananatili lang ako sa bahay, wala namang mawawala kung sasama ako sa kanya, niyaya niya akong magsimba. Ang isang katulad 'kong maka-diyos ay hindi tumatanggi sa kabanalan.
Tumango ako sa sariling dahilan, tumakbo ako pataas at hindi pinansin si mama na may nagtatakang tingin sa' kin. Mamaya na lang tayo mag-usap, ma! Sana payagan mo ako. Kundi tatakas ako!
Tsk!
"Ate!" Niyugyog ko si ate habang nakasampa sa kama niya, tulog mantika pa ito at ni hindi man lang namalayang may naglalandian na sa likuranang bahay.
"Ate, hihiram ako ng bistida!"
"Aki naman, Ang aga pa!" ginulo niya ang buhok, inis na inis sa ginawa 'kong pag-gigising.
"Ate, Mag-Aalas Siete na!" sinigawan ko ito sa tenga, magulo ang buhok nito ng maupo sa kama. "Hihiram ako ng damit pag-simba!" nangunot ang noo nito, ngunit ni hindi ko iyon pinag-tuunan ng pansin.
"Kailan ka pa natutong magsimba, aki?"
"Si ate naman, ang pag-sisimba ay hindi pinag-aaralan, Natuto akong mag-simba simula ng lumipat rito.." naniningkit ang mata niya dahil sa sinabi ko, kailan ba ang huling pag-pasok ko sa simbahan?
"Sige na ate, Nais ko iyong puting magarbo, Aalis ka na mamaya, pag-bigyan muna ako!"
"Anong puti? Ikakasal ka 'bang bata ka?"
"Hala, kung maka-bata si ate akala mo di-trenta na!" sumama ang tingin niya sa' kin.
"Iyong krema ang isuot mo, hindi ka ikakasal para mag kulay puti!" bumalik ito sa pagkakahiga, binalewala ko na lang ang ugali niya at agad ng bumaba sa kama.
Mabilis 'kong kinuha ang tinutukoy nitong krema, Maganda nga iyon. Napaka-ganda at hindi ko maiwasang manabik ngayong araw.
Siguro ay bibilisan ko ang kilos baka naghihintay na si thor doon.
Hindi ko na nagawang kumain ng umagang ito, Natapos ako sa pagliligo at pag-aayos na natutulog pa rin si ate. Siguro ay bumabawi ng tulog dahil magba-biyahe ito mamaya.
Ang bilis naman ng araw, aalis na siya ngayon, parang pag-hahanda ko lang ngayon. Walang kasing bilis dahil bihis na bihis na ako.
"Susmaryosep! Saan ang punta mo?!" hindi pa man ay sesermonan na ako ni mama, Huh, Ano ang bago sa senaryong ito? Ang bibig ni mama ay parang armalite kung iisipin.
"Today is a sunday mama, Araw ng pag-sisimba.."
"Magsisimba ka kamo o magsisinta?"
"Grabe si mama kung makapag-husga ng anak, Sinasaktan mo ako, wala 'kang tiwala sa' kin.."
"Aba't huwag mo akong da-dramahan ng ganyan, magsabi ka ng totoo.." napanguso ako, masyadong malakas ang pang-amoy ni mama sa ganitong bagay, paano ko siya makukumbinsi?
"Kukuha ako ng litrato mamaya ma, Trenta minutos uuwi na ako.."
"Ano? Isang oras ang misa mara!"
"Hala, Oo nga pala, Sige ma, Babalik ako rito bago mag-alas nuebe!"
"Siguraduhin mo lang!"
"Ah yeah mama!" sumaludo pa ako, naglakad ako palabas ng bahay at halos ika-ginhawa iyon ng dibdib ko, Salamat naman at pumayag siya.
Hay! Ang sarap talaga pag nakakalaya ka ng ganito.
Tanaw ko sa paglalakad ang butarol, dahil maaga ay marami ng nakalabas na mga tao. Chismosa, Tambay, mga bata sa kalye, at mga alagang aso. Idagdag mo ang mga tricycle na hindi nawawala tuwing umaga.
Ngunit ang mga iyon ay parang wala man lang sa paningin ko, mas focus ang diwa ko sa isang bulto ng lalakeng naghihintay sa ilalim ng puno. Ngayong araw ay siya ang naghihintay sa ' kin, grabe! Napaka-sweet naman niya.
Nang makita ako nito ay agad siyang ngumiti sa' kin, Hindi ko maisip na magkakasundo kami ng lalakeng ito, Hindi naman siya mahirap pakisamahan, At mukhang hindi rin totoo ang balita ni ate ukol sa katangian niya.
"Bagay ang suot mo sa' yo.." papuri nito, hindi ko maiwasang pamulhan ng mukha dahil doon.
"S-salamat.." anas ko, Iba na ang suot niya ngayon. Mas maganda ito kumpara sa nauna, Napaka-gwapo niya talaga kung titingnan.
Lulan ng kanyang mutor ay nagtungo kaming muli sa camichiles, Dahil fiesta ay asahan muna ang dami ng tao. Ipinarada niya ang mutor sa gilid ng simbahan, Wala siyang suot na helmet ngayon o ni kahit dala man lang na kahit ano.
Sariling gwapo lamang ang meron siya.
"Nag-uumpisa na ang misa.." aniya, nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagkakahuli ng titig ko rito, baka malusaw iyan mara at hindi muna mai-uwi!
Pumasok kami sa simbahan, gaya ng sabi niya ay nag-uumpisa na ang misa, Nasa dulong pwesto kami naupo dahil sa wala ng bakanteng upuan sa bungad at gitna, ngunit kahit pa man ay dinig na dinig namin ang pagsasalita ng pari.
"Ang isang kasalan ay isang basbas ng diyos sa dalawang magka-parehang nagmamahalan.." Naka-upo kami kasalukuyan habang nakatingin sa harapan, hindi ko maisip na ganito kaganda ang pag-sisimba, Makasalanan yata akong tao dahil hindi ko naka-ugalian iyon, ngunit hindi ibig sabihin na nakakalimutan 'kong magpasalamat.
"Sa oras na magtaksil ninu man ang isang tao o asawa, Isang kasalanan na iyon sa itaas.." nilingon ko si thor, seryoso siyang nakikinig ukol sa sinasabi ng pari.
"Nasa sampung utos ng diyos ang sinasabi ko, Ika-anim na utos ang huwag maki-apid sa hindi mo asawa.." pinaglapat ko ang labi, ang ama ko'y nagkasala sa ina ko. Malaking problema ang kinahaharap niya na hindi na kinaya ni mama, matinding awa ang nararamdaman ko ng mga panahong naghiwalay sila, sabihin na nating masyado pa akong bata noon ngunit sobrang sakit na ng pang-yayaring iyon.
"Ayos ka lang, mara?" wala sa sariling pinunasan ko ang pisngi, hindi ko namalayang naluha na pala ako dahil sa naiisip.
"Okay lang ako.."
"Nakaka-iyak ba ang sinasabi ni pader?" kinagat ko ang pang-ibabang labi, nagpipigil ng tawa dahil sa walang ka-ideya niyang magtanong.
"Nalulungkot lang ako, bakit pakakasalan mo pa ang isang tao kung makiki-apid ka rin sa iba? Hindi ba panloloko iyon?" hindi agad ito nakasagot sa sinabi ko, naalala ko bigla ang sinabi ni ate na babaero ang kaharap 'kong ito.
"Nasa tao naman iyon.."
"Paanong nasa tao? Hindi ba pag-mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para lumalim pa iyon?"
"Hindi lahat ng pagmamahalan ay nagiging masaya sa huli.."
"Kung sakaling ako ang magmamahal ay hindi ko hahayaang maging miserable kami, Ibibigay ko ang lahat huwag lang siyang magtaksil.." napangiti ito ng isambit ko iyon, pinisil niya ang pisngi ko na hindi nabubura ang ngiting meron siya.
"Malay mo, Nasa paligid lang ang mamahalin mo.."
"Huh?" hindi ito sumagot, nakangiti siya ng ibalik ang paningin sa harapan, Grabe! Ang bilis ng t***k ni munting puso, para na akong maaatake ano 'mang oras.
Natapos ang misa sa tamang oras, maraming naiwan na aral akong natutunan ngayong araw, siguro ay dadalasan ko na ang pag-sisimba ngayon. Napaka-gandang leksyon ang iniwan ngayon ni pader.
"I declare something you prayed for is about to arrive.." ani ng pari sa harapan, patapos na ang misa at nagsisitayuan na ang lahat. "Peace be with you.." Aniya pa na siyang sinundan ng lahat, lumingon ako sa katabi ko, Ngumiti pa ako ng makitang nakatingin siya sa' kin
"Peace be with you.." anas ko na siyang kinalaki ng ngiti niya, napaka-gwapong ngiti.
"Kiss be with you.." para na akong nasiraan ng bait sa biglaang paghalik nito sa' kin, Unti-unti ay naramdaman ko ang labi niyang lumapat sa labi ko, Hindi ko inaasahan ang ginawa niya, Nakakamatay sa sobrang kaba.
Isang panandaliang halik lamang iyon nang kusa siyang lumayo, nakangiti pa rin siya.
Oh my god!
Here's come the killing seduction smile of storm salazar, Mapapa-Amen ka na lang ng wala sa oras.
____
To be continued..