Ep. 5 DM POV

970 Words
Napapailing ako habang pinapanood si Janaeya sa screen nang monitor dito sa secret room ng silid ko. Hindi ko lubos akalaing maaatim niyang halikan ako sa labi sa kabila nang itsura ko. Tatakutin ko lang sana ito dahil pakiramdam ko hindi siya natatakot sa akin pero laking gulat kong ako ang hinalikan nito. Napaka tamis nang labi nito sa panlasa ko. Pakiramdam ko tinatangay ako sa alapaap habang hinahalikan nito. 'Di ko mapigilang mapangiti at mapahaplos sa labi ko habang paulit-ulit nagre-replay sa isip ang pagsayad nang mga labi nitong sa tingin ko'y hindi pa nadadapuan nang ibang labi. Natatawa kong pinapanuod ang maingat nitong paglabas nang kwarto. Naningkit ang mga mata ko habang nakatuon sa screen ang attention sa biglaang pagsulpot ni Aldus at nakipag kilala ito sa kanya. Nagtagis ang panga ko nang akayin nito sa kusina si Janaeya at kasabay nananghalian. Gustong gusto ko nang lumabas at puntahan sila pero pinigil ko ang sarili. Bakit pakiramdam ko inaagawan ako nang bagay na pag aari ko na? Nagpupuyos ako sa inis habang pinapanuod ang pag aasikaso nito kay Janaeya. Am i jealous? No way why should i! Mariin kong nakagat ang pang ibabang labi ko habang kinakalma ang sarili. Parang gusto ko na tuloy hubarin ang pangit kong maskara at sabihin kay Janaeya ang tunay kong katauhan. Natatakot ako, natatakot na magka gusto ito kay Aldus dahil sino nga namang babae ang mas pipiliin ang daig pa ang alien sa kapangitan kumpara kay Aldus na napaka gwapo at sikat na international male model. Napabuga ako nang hangin at tinuon ang attention sa ibang tauhan kong ako na naman ang pinag uusapan. Sana'y na ako sa pandidiri at pangungutya nang mga ito sa mukha ko. Tsk kung alam niyo lang kung gaano kagwapo ang pinandidirihan niyo! Hindi rin lingid sa aking palagi akong pinagtatawanan sa tuwing pinagkukumpara kami nang pinsan kong si Aldus tsk. Ang hindi nila alam magmumukhang paa lang ang Aldus na pinagmamalaki nila sa totoong anyo ko. Napabalik ang paningin ko sa gawi nang kusina kung saan nagkukumpulan sina Janaeya at ang ibang katulong. Hindi na ako magugulat na maging ang mga ito ay kinatatakutan at pinandidirihan ang itsura ko pero laking gulat ko na ipinagtanggol ako ni Janaeya sa mga ito. 'Di ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinapakinggan kung paano niya ako ipagtanggol. Ibig sabihin hindi talaga siya natatakot at nandidiri sa akin sa kabila nang pangit kong anyo. Hindi rin nagtagal muli itong umakyat nang 5th floor at maingat na pumasok nang kwarto. Nagpalinga linga ito at dinala sa center table ang dalang pagkain. Pinakatitigan ko ito habang maingat na binuklat ang paborito kong librong nakapatong sa table. Kinuha niya ito at nagtungo sa pang isahang sofa at doon nagsimulang basahin. Tapos naman na niyang linisin ang buong silid kaya siguro kampante na siyang magpahinga. Nakakahanga lang na ang isang tagapag manang tulad niya ay marunong sa gawaing bahay. Nag iisa siyang anak ni Mr at Mrs Almonte buhay prinsesa ang nakagisnan nito pero hindi ko makitaan nang kaartehan at katarayan katulad nang ibang anak mayamang lumaking spoiled brat. Marahil pinalaki siyang may disiplina kaya hindi mapag mataas na babae bagay na hinahangaan ko sa kanya. Lumabas na ako ng secret room dahil kumakalam na ang sikmura ko. Pasado alastres na rin nang hapon at wala pa akong kain. Nakatulog na ito marahil sa pagod. Dahan-dahan akong lumapit at pinakatitigan ang mala anghel niyang mukha. Nanuyo bigla ang lalamunan ko nang mapatitig sa nakaawang niyang labi na animo'y nag aanyayang halikan ito. Buong ingat ko itong kinarga at inilipat sa kama. Hmm... Ungol nito at sumiksik sa dibdib ko. Dahan-dahan ko itong inilapag pero para akong nanigas nang magmulat ang namumungay niyang mga mata. Ngumiti ito at iniyapos sa batok ko ang mga braso kasabay nang pagkabig nito sa akin palapit sa kanyang mukha. Ang gwapo naman nang knight in shining armor ko. Nandito ka ba para iligtas ang prinsesang ginawang alipin. Mahina pero may lambing saad nito. Dalawin mo ako lagi kahit sa panaginip lang. Maramdaman ko man lang kung paano magkaroon nang totoong prinsipe sa buhay. Ngumuso ito at dinampian nang halik ang labi ko. Bago nakangiting pumikit. Dito ka lang. Muling bulong nito bago lumuwag ang pagkaka-yapos sa batok ko at tuluyang nakatulog. Maingat kong inalis sa pagkaka-unan niya ang braso ko at inayos ang comforter nito. Naupo ako sa gilid nang kama at hinaplos ang napaka ganda niyang mukha. Nagmistula siyang anghel sa paningin ko at 'di ko mapigilan ang pagkabog nang dibdib ko. Napahawak ako sa pisngi kong hinaplos nito at bigla akong napatayo. Ngayon ko lang narealize hindi ko ibinalik ang maskara ko kaya naman pala inakala nitong prinsipe ako sa panaginip niya. Sh*t! Dali-dali akong pumasok nang secret room at isinuot muli ang maskara ko. Inayos ko itong mabuti bago lumabas nang silid at kinain ang dala nitong pagkain. Nangingiti ako habang kumakain dahil inalala pa nito kung nakakain na ba ako o hindi pa. Likas siyang mabait hindi lang sa panlabas na anyo kundi maging sa panloob. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ako. Ayo'ko na siyang pakawalan pa sa piling ko. Kahit kalabanin ko ang batas mapanatili lang ito sa tabi ko gagawin ko. Akin siya at wala nang ibang pwedeng umangkin sa kanya. Kinagabihan muli kaming lumabas nang ibang tauhan ko kasama si Aldus para sa operation naming pakikipag palitan nang armas at dollar sa mga banyagang galing Europe. Ito ang dahilan kaya umuwi si Aldus sa mansion. Iniwanan kong tulog pa si Janaeya kaya nagpa akyat ako nang hapunan nito at pinadlock ang kwarto bago iwanan. Mahirap nang masalisihan kahit pa bantay sarado ang mansion. Hindi ko maintindihan pero ngayon ay nakakadama na ako nang takot. At 'yun ay ang mawala si Janaeya sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD