Ep. 4 Janaeya POV

1085 Words
Lihim akong napangiti nang ilang minuto itong natuod sa kinatatayuan. Damn Janaeya hinalikan mo siya! Nagpatuloy ako sa pagpunas ng mga libro at panaka nakang sinusulyapan ito. Napapilig ito nang ulo at parang robot na naglakad palabas nang library dala ang picture frame na nakita ko. Sino kaya siya? Imposibleng siya ang nasa picture mukhang inborn naman ang nangyari sa mukha niya. Naipilig ko ang ulo at pilit inaalala ang labi nang lalake sa picture. Lumakas ang kabog nang puso ko. Kapatid niya kaya 'yun. Possible they have the same eyes and shape of lips. Napasapo ako sa noo. Kaya pala nawala ako sa sarili at nahalikan siya sa labi dahil naiisip ko ang gwapong binata sa picture na siya ito. Nabalik ang ulirat ko nang tumunog ang sikmura ko. Hindi ko namalayan ang oras at pasado alauna na nang hapon. Maingat akong lumabas nang library at unang inilabas ang ulo para silipin sa kanyang center table ang beast na 'yun pero wala siya. Mabilis akong lumabas at maingat bawat hakbang ko patungong pinto. Abot langit ang kaba ko nang pihitin ko na ang seradula. Nakahinga ako nang mapag alamang hindi niya ako pinadlock dito. Buong ingat ko itong isinara at naglakad nang hallway. Mag isa lang ang kwarto niya sa floor na ito kaya napaka luwag sa loob. Hindi na nakapag tatakang mamahalin ang mga kagamitan at disenyo nang bahay niya dahil halata namang makapangyarihan siyang nilalang 'yun nga lang hindi kayang baguhin ang anyo kahit sana nagpa retoke na lang siya tsk. Sumakay ako nang elevator at priness ang 1st floor pagbukas ng pinto bumungad sa akin ang napaka lawak na living room at puro salamin ang dingding kaya tanaw ang mga nagkalat na gwardya sa labas na pawang mga nakaitim at may naghahabaang baril. Napalunok ako at 'di agad nakakilos. Mamamatay tao nga kaya ang beast na 'yun? Palinga linga ako sa paligid at wala manlang ibang makitang tao kundi 'yung mga nakakatakot na gwardya sa labas. Napatalon ako sa gulat nang may baritonong boses ang nagmula sa likuran ko. Who are you? Napapihit ako at tumambad ang mala adonis na lalaki. Matangkad ito at bakat sa suot nitong white sando at sweat pants ang matipunong pangangatawan. Halatang may lahi ito sa asul niyang mga mata at pointed nose. Maaliwas at maamo ang gwapo niyang mukha kahit salubong ang mga kilay. A-ah s-sorry sir h-hinahanap ko po ang k-kusina... Napayuko ako sa pagkanda utal-utal ko. You didn't answer my question. Mahinahon pero may kadiinang saad nito. Alanganin akong ngumiti at sinalubong ang matiim niyang titig. J-Janaeya po s-sir. Full name. Ahm Janaeya Almonte po. Almonte? Are you related to Mr Almonte the owner of Almonte's Empire Tower... Napalunok ako at hindi alam ang isasagot. Kilala niya si Daddy pero hindi ako sigurado kung kalaban ba siya o kakampi. Kakaibang takot ang lumukob sa akin sa kaalamang kilala niya ang pamilya ko. Mas komportable pa ako kay beast kausap kaysa dito sa adonis na kaharap ko. Answer me. Kaagad akong umiling at hindi makatingin sa kanya nang diretso. Napatango- tango ito at muli akong pinasadaan nang mapanuring tingin. Join me i didn't have my lunch yet. P-po? Parang nag slowmo ang paligid nang unti-unti itong ngumiti na lalong nagpa gwapo sa kanya. Nagpatianod ako nang hilahin nito ang palapulsuhan ko patungo sa isang double door na sarado. Nagulat ako nang may mga katulong ditong abala sa kani kanilang ginagawa at natigilan pagka kita sa amin. Agad silang nagyukuan at pinaghila kami nang silya sa malawak nilang dining. Maraming pagkaing nakahain sa mahabang mesa na akala mo'y pang isang barangay ang kakain. Are you nervous. H-ha? Ngumiti ito at pinaglagay ako nang pagkain sa plato. O-okay lang po kaya ko naman. Pigil ko sa ginagawa niya. Dinig ko ang bulungan nang ibang katulong malapit sa amin dahil sa ginagawa nito. It's okay i insist. Thank you po. So how old are you. Muling tanong nito pagkalapag nang plato sa harap ko. Ahm sixteen po. Damn your so young. Kayo po sir anong pangalan mo. Nagpunas ito nang table napkin sa bibig at uminom bago sumagot. I'm Aldus Dm's cousin and stop calling me sir i'm not a boss here. You can call me by my name i won't mind. Napatango-tango ako. O-okay po. So Dm pala ang pangalan ni beast. Matapos naming kumain nagpaalam na ito na magpapahinga. Nagpaiwan ako dito sa kusina dahil marami akong gustong itanong sa mga katulong. Hi. Bati ko sa mga ito pagka labas ni Aldus. Ngumiti ang mga ito at yumukod. Naku hindi ni'yo kailangan yumuko sa'kin. Ano pong kailangan niyo señorita. H-ha? Turo ko sa sarili. Ako? Naku naman h'wag ni'yo din akong tawagin niya'n. I'm Janaeya call me by my name. Aniko sabay kindat. Nagkatinginan ang mga ito at napahagikhik. Ah Jane po. Pakilala nang sumagot sa'kin. Ako po si Sarah. Ani nang isa pa na kasalukuyang naghuhugas nang plato. At ako naman po si Alona. Ani nang nagpupunas sa lutuan. Ahm sino ang boyfriend mo dito Janaeya si bigboss ba o si boss Aldus. Tanong nung nagpakilalang Jane. Kimi akong ngumiti at umiling. Slave ako nung Dm. Napatakip sa bibig ang mga ito at nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin. Bakit? Takang tanong ko nang senyasan akong h'wag maingay. Nagsilapit naman ang mga ito. Naku h'wag mong tinatawag sa pangalan niya si bigboss kung ayaw mong buhay mo ang kapalit. Bulong ni Alona na sinang ayunan ni Jane at Sarah. Bakit naman? Hindi mo ba siya nakikilala? Nakakatakot kaya siya kung hindi lang malaki ang sahod dito matagal na kaming umalis. Ani Jane. Ano bang kinaka-takutan ni'yo sa kanya. Kunot noong tanong ko. Hindi mo pa ba nakikita ang mukha ni'ya. Naku Janaeya kung gaano nakakatakot ang mukha ni bigboss ganun din ang ugali. Pabulong ni Sarah. H'wag naman kayong ganyan sa kanya. Lahat nang tao kayang magbago isa pa boss natin siya. Wala tayong karapatang pintasan siya. Pagtatanggol ko. Nakaramdam ako bigla nang lungkot at awa para kay Dm. Naku Janaeya nasasabi mo lang 'yan dahil hindi mo pa siya nakikilala. Halang ang bituka nang boss natin kung alam mo lang. Bulong muli ni Alona na tinanguan nang dalawa. Isa siyang malupit na mafia boss kahit tayo hindi 'yun mag dadalawang-isip kitilin ang buhay natin oras na nagkamali tayo. Kaya mag iingat ka at alipin ka pa naman niya. Tumayo ang mga balahibo ko sa mga narinig. Nanginig ako sa takot, takot na hindi ko na muling makikita pa si Mommy at Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD